เข้าสู่ระบบ
Jane's POV
Umuulan habang tinatahak ko ang daan papunta sa charity gala ng mga Averoné. Dumaan ako sa isang liblib na shortcut dahil pinagmamadali na ako ng boyfriend ko na makarating kaagad sa destinasyon. Ito ang huling gabi na dadalo ako sa isang magarbong event na hindi pa ako kasal. Dahil bukas ng gabi, sa Lorenzo Grand Hotel, doon gaganapin ang kasal namin ng tatlong taon ko nang fiancé na si Kian Averoné. Pero ang nananahimik kong diwa ay nagulo nang may natanaw akong itim na van sa may unahan. Tumambol na lang bigla nang malakas ang tibok ng puso ko. Hindi pa man nakakalapit ang van ay naramdaman ko na ang matinding kilabot sa katawan. Akmang ililiko ko na sana ang minamaneho kong kotse nang humarang ang isa pang sasakyan sa likuran ng kotse ko. Napahigpit ang hawak ko sa manibela, pinipigilang manginig ang katawan dahil sa labis na takot nang nagsilabasan na ang mga lalaking may kanya-kanyang bitbit. May bakal, may baseball bat, at kung ano pang pamalo. Sa kilos, tawanan, at porma nila, mukha silang mga siga o kriminal na sanay nang mangharang ng sasakyan para manggulo o mang-harass. Nanginginig ang mga kamay kong inilabas ang cellphone ko, halos hindi ko na nga mai-type ang password dahil sa panginginig. Nang makita kong online si Kian ay agad kong pinindot ang pangalan niya para sa isang video call. Halos mapahiyaw ako sa labis na gulat dahil sa malakas na pagpalo ng lalaking may bitbit na baseball bat sa salamin ng kotse ko. “P-Please... Kian. Answer my call,” pagdarasal ko bago naibaling ang mga mata sa lalaking sumilip sa butas ng nabasag na salamin. “What a lucky night! It's a beautiful lady! This could be a fun night!” anunsiyo ng lalaki na nakangisi habang ngumunguya ng bubble gum. Napasilip din ang isa pa niyang kasama at ngumiti nang nakakaloko. “Tingnan mo kung gaano siya katakot. Nakaka-excite namang makipaghabulan sa ganitong klaseng babae. Hahabulin at pagkatapos ay paliligayahin,” anito na may pagdila pa sa labi. “B-Babe, help me!” agad kong saad sa paos at basag na tinig nang sagutin ng fiancé ko ang tawag ko. Pero imbes na mukha niya ang bumungad sa camera ay mga kaibigan niyang nakikipagharutan sa kani-kanilang partner. Bago pa ako muling makapagsalita ay muli na namang pinalo ng lalaki ang bintana, dahilan para mas lalo pang lumaki ang butas sa salamin ng kotse. Napaatras ako nang ipasok niya ang kamay sa butas at siya na mismo ang nagbukas ng pinto. “Labas!” agad na sigaw sa akin ng lalaki, pero napailing lamang ako habang naghahabol ng hininga at nanlalaki ang mga mata. “Kian... b-babe...” “Ohh, Jane?” aniya. Sa wakas ay sumagot rin siya, at naitutok na ang camera sa mukha niya. Pero bakas ang iritasyon sa mukhang bumungad sa akin. “Kian, tulungan mo ako. Someone is attacking me! P-Please, puntahan mo ako rito! Papatayin nila ako!” hiyaw ko habang unti-unti nang naluluha at puno ng desperasyon ang tinig. Pero kasabay ng pagtawa ng lalaking bumasag sa salamin ay ganoon din ang pagtawa ni Kian. “God, can't you see I'm busy? Stop making up stories para lang istorbohin ako. Papunta ka na rito sa gala, ’di ba? Just drive faster. Nag-iinarte ka pa diyan.” Natulala ako. “K-Kian, hindi ako nagbibiro!” halos pumiyok ang tinig ko sabay lipat sa back camera para makita niyang hindi ako nagsisinungaling. “B-Binasag nila ang salamin ng sasakyan ko at pinapalabas na nila ako! They are going to assault me!” Ang mga luhang kanina ko pa pinipigilan ay tuluyan nang tumulo. Muling nagtawanan ang mga lalaking nasa harapan ko. Halatang nag-e-enjoy sila habang pinagmamasdan akong takot na takot sa kanila. “Tsk. Binayaran mo ba ang mga ’yan para umakto at mautusan mo akong sunduin ka riyan?” Mas lalo akong natameme sa sinabi niya. Naisipan kong ibalik sa front camera ang tawag para makita ang walang pakialam niyang pagmumukha. “Oh, c’mon, Jane. Ang dami-dami nang babaeng gumawa niyan sa akin para lang magpapansin, so stop it. Why not ask those guys to drive you here instead—para hindi ka na ma-late? Sabihin mo sa mga lalaking ’yan that you’re terrible at driving—terrible and boring at everything,” tuloy pa niya kasabay ng mapang-alipustang tawa. “I c-can't believe you, Kian! Mamamatay na ako rito sa takot tapos... baliwala lang sa ’yo?!” hiyaw ko sa kanya. Naparolyo lang siya ng mga mata at kalmadong sumimsim ng alak. “Arte mo. Kung ayaw mong dumalo rito, edi huwag! Umuwi ka na lang sa bahay ninyong malapit nang ma-remata,” tuloy pa niya na mas lalong nagpasikip sa dibdib ko. “Baby, who’s that?” Isang malanding boses ng babae ang narinig ko sa kabilang linya. Sumilip si Scarlet sa camera. “Ohhh, it's your boring fiancée again,” aniya habang natatawa pa, bakas sa tono niya ang pang-uuyam. “Hello, my dear cousin,” ani niya na may mapanuyang ngiti bago marahang tumawa. “Still the same plain, pathetic, and painfully boring girl no one could ever notice. Iyong tipo ng babae na hindi mapapansin ng kahit sino kung hindi lang dahil naaawa sila sa’yo.” “Don't mind that bitch, baby,” tuloy pa niya bago hinalikan si Kian. Napahigpit ang pagkakahawak ko sa phone ko. Hindi lang isang simpleng halikan ang ginawa nila; as in, naglaplapan silang dalawa habang nanonood ako. After their torrid kiss, muli kong narinig ang mahinang pagtawa nilang dalawa. Hindi pa tapos ang paghaharutan nila dahil kumandong pa si Scarlet kay Kian bago niya ako kinausap. “Oh, Jane. Do you think you’re lucky? Do you think you’re gonna marry a faithful rich bachelor? It’s a big NO. Because this man… he will never be yours,” nakangising saad niya sabay patay ng tawag. Tuluyan na lamang akong natulala. Hindi lang kataksilan ang kanilang ipinakita sa akin, kundi kawalan ng awa, na kahit patayin pa ako ng mga lalaking nasa harapan ko ngayon ay ayos lang sa kanila. Dahil sa labis na pagkatulala, hindi ko namalayan na nakalabas na ako ng kotse at nang may dumapong palad sa pisngi ko, doon lang ako bumalik sa aking sarili. Inilibot ko ang tingin habang damang-dama ang hapdi ng pisngi ko dahil sa iginawad na sampal sa akin ng lalaki. Lahat sila ay nangisi sa akin, handang-handa nang simulan ang laro. “Tumakbo ka na ngayon, Jane. Nang masimulan na natin ang masayang larong ito,” saad ng lalaking may piercing sa ilong at gilid ng labi. “H-How did you know my name?” halos walang boses na tanong ko. Nagkatinginan lamang silang lima na may nanatiling ngisi sa mga labi. “Magbibilang kami ng tatlo. Dapat nakatakbo ka na,” singit naman ng lalaking mahaba ang buhok sabay gamit ng dulo ng hawak niyang metal stick at inilandas iyon sa gitna ng dibdib ko na agad ko namang ikinaatras. “Isa...” “Dalawa...” “Tat—” “TAKBO NA!” isang dumagundong na tinig ang umalingawngaw sa tahimik at medyo madilim na daan. Dahil sa lakas ng boses na iyon, lahat ng atensiyon ay napunta sa lalaking sumigaw.Kian's POVLORENZO GRAND HOTEL... Pagkarating ko sa hotel, mabilis akong bumaba ng kotse at nagtungo sa loob. Halos patakbo ang lakad ko habang tinatahak ang daan patungo sa reception hall kung saan ginaganap ang kasiyahan pagkatapos ng kasal.Hindi pa man ako nakakaabot sa malaking pinto ng bulwagan ay bigla na itong bumukas at bumungad sa akin ang aking mga magulang na mukhang palabas na rin.“Oh, Kian? Bakit ngayon ka lang?” agad na pang-uusisa at sermon ng aking ina nang makita ako. “Bumalik pa,” may halong inis na dugtong niya.Pilit akong ngumiti. “Mukhang nahuli na nga ako nang kaunti, Mom. Tapos na ba ang reception?”“Hindi pa naman ganap na tapos ang programa sa loob, pero wala na roon ang uncle mo at si Jane. Lumabas sila ng reception hall nang biglang sumama ang pakiramdam ni Jane,” sagot naman ni Dad habang nag-aayos ng kanyang coat. “Tara na, umalis na tayo. Inaantok na ako at gusto ko nang magpahinga sa mansiyon,”
Kian's POV “Mahal na mahal ako ni Jane. Kahit magkasala pa ako sa kanya nang paulit-ulit, alam kong paulit-ulit niya rin akong patatawarin. Konting paliwanag lang at isang matamis na sorry, tiklop na agad sa akin ’yon. Ganoon siya kadesperadang makasama ako, Scarlet,” mayabang na saad ko habang abala sa pag-aayos ng aking sarili matapos ang pagkākaniig namin ni Scarlet. Hinarap ko siya na prenteng nakasandal sa kanyang unan. “Parating na ang mga magulang mo para bantayan ka rito. Kailangan ko nang pumunta sa Lorenzo Grand Hotel para sunduin ang pinsan mo,” tuloy ko bago lumapit sa kanya at ginawaran siya ng isang mabilis na halik sa pisngi. “Sige, ingat ka, babe. Bukas na bukas din ay lalabas na ako rito at pupunta ako sa mansiyon ninyo. Maghanda ka dahil may gagawin tayo sa secret room mo,” may pilyang saad niya kasabay ng isang mapang-akit na kindat na siyang ikinakagat ko sa aking ibabang labi. Ganitong-ganito ang gusto ko kay Scarlet. Naibibigay niya ang lahat ng excitement sa
Kian's POV “Hindi naman malala ang pagkakauntog ng ulo niya. Her condition now is fine, Mr. Averoné. Minor scratches and a mild concussion lang ang natamo niya dahil maayos namang nag-deploy ang airbag ng kotse ninyo,” pormal na pahayag ng doktor matapos suriin si Scarlet. Huminga ako nang malalim at pilit na itinago ang ngisi sa aking mga labi. “Thank you, Doc.” Pagkaalis ng doktor ay agad kong nilapitan ang kama ni Scarlet sa loob ng pribadong suite ng ospital. Naka-benda ang kanyang noo, ngunit bakas sa kanyang mukha ang mapang-akit na ngiti nang magtagpo ang aming mga paningin. Ang mamahaling sports car ko na ipinahiram ko sa kanya ay nayupi ang unahan, pero wala akong pakialam sa sasakyan. Ang mahalaga, maayos siya. “You scared the hell out of me, babe,” asik ko habang umuupo sa tabi ng kanyang kama at hinahawakan ang kanyang binti sa ilalim ng kumot. “Mabuti na lang at hindi malala ang naging kalagayan mo. Kung nalumpo ka, paano na ang kasiyahan nating dalawa?” Hindi n
Habang naglalakad kami palabas ng hotel, mas lalo kong hinihigpitan ang yakap ko sa kanya, dinarama ang matitigas na kalamnan ng kanyang dibdib at balikat. Mas isinubsob ko pa ang mukha ko sa kanyang leeg, marahas na nilalanghap ang mamahalin at nakalalasing niyang pabango. “Anong gagawin mo, sir... I mean, Aviv?” paos kong tanong habang isinasakay niya ako sa backseat ng kanyang marangyang kotse. Mabilis siyang pumasok at tinabihan ako bago itinaas ang tinted na bintana pagkasara ng pinto. Tinitigan niya ako sa gitna ng malamlam na ilaw sa loob ng sasakyan. Ang kanyang mga mata ay matalim na nakatitig sa akin. Sa tindi ng init na nararamdaman ko, wala na akong pakialam sa hiya. Inabot ko ang kanyang necktie at marahas iyong hinila para mapalapit ang aming mga mukha. “Panonoorin mo lang ba ako?” may hapo at nagmamakaawang saad ko, habang ang hininga ko ay dumadampi na sa kanyang mga labi. Naidako niya ang paningin sa aking balikat nang dahan-dahan kong ibaba ang strap ng suot kong
Saglit namang napakunot ang noo ni Mommy sa hiling ko. “Akala ko ba ayaw mo sa alak?”“Gusto ko na ngayon. Bilis!” agarang sagot ko, kaya naman agad siyang tumawag ng waiter para salinan muli ang kopitang hawak ko.Pagkalapit ng waiter ay agad nitong nilagyan ng mamahaling alak ang hawak kong baso. Gusto ko sanang ubusin muli iyon sa isang lagukan lang para pawiin ang kakaibang kaba sa dibdib ko, pero mabilis na humarang ang malapad at mainit na palad ni Aviv para pigilan ang kamay ko.“Hindi ganyan ang pag-inom ng wine, Jane. Malalasing ka agad sa ginagawa mo,” saway niya sa akin sa mababang tono ngunit may awtoridad.“Minsan lang naman akong uminom, hayaan mo na ako,” pakiusap ko sa kanya habang nakatingin sa kanyang mga mata.Napailing na lamang siya. “Fine. Bahala ka. Uminom ka kung gusto mo.”At walang alinlangan akong lumagok ng alak habang nakatuon naman ang mga mata ni Aviv sa akin.Ilang minuto ang lumipas matapos umalis ni Mommy para makipag-usap sa mga kakilala niya. Doon
“I can't believe you, Aviv. Puwede naman nating hintayin si Kian na bumalik o kaya ay ipagpaliban muna ang kasal. Hindi maganda sa paningin ng lahat na pinakasalan mo ang bride ng pamangkin mo. Nakakahiya ang ginawa mo,” sermong singit ni Ernest, ang kapatid ni Aviv sa ama.“Sandali lang ang seremonya ng kasal pero hindi niya natiis na puntahan ang babae niya. Pinili niya si Scarlet kaysa pakasalan ang bride,” malamig at may diin ang bawat bigkas ni Aviv. “At kung may nakakahiya man, hindi ang ginawa ko kundi ang pagtakpan ninyong mag-asawa ang matagal nang pagtataksil ng inyong anak kay Jane.”“Pero Aviv—” sisingit pa sana si Isabel pero agad siyang pinutol ng asawa ko.“Kinukunsinti ninyo ang kataksilan ng inyong anak. At sa nangyaring ito, kung sakaling hindi ako dumating, wala kayong pakialam kung mapahiya man ang bride sa harap ng maraming tao dahil inabandona siya ng kanyang groom.”Humigpit ang kapit ni Aviv sa kamay ko habang nakatitig sa kanila nang walang emosyon.“Jane and







