تسجيل الدخولIsang matangkad na lalaki ang makikita sa hindi kalayuan. Nakasuot siya ng charcoal overcoat. Anino pa lang nito ay bakas na ang awtoridad at panganib.
Nanlaki ang mga mata ko noong hubarin ng lalaki ang suot niyang overcoat at tumambad ang dalawang baril na nakasuksok sa kanyang tagiliran. Marahan niyang hinawakan ang hawakan ng baril. “Kayong lima...” he said in a growling tone. “Magbibilang lang ako ng tatlo! Dapat nakatakbo na kay—” hindi pa niya natatapos ang sasabihin ay agad nang nagsiatrasan ang mga kalalakihan, at noong itutok niya ang dulo ng hawak niyang baril ay nagkukumahog nang tumakbo palayo ang mga ito, iniwan ang ginamit nilang sasakyan. Halos mabuwal ako sa kinatatayuan ko dahil sa panghihina ng aking mga tuhod. Kung walang umeksena, pinagpipiyestahan na sana ako ng limang manyakis na lalaking iyon. Habang papalapit ang lalaki sa kinaroroonan ko, unti-unti kong naklaro ang kanyang mukha. “Sir A-Aviv...” usal ko sa halos pabulong na tinig. Doon na ako tuluyang napaupo dahil sa panghihina ng aking mga tuhod at napaiyak. Nakatitig lang siya sa akin. Ang kanyang mga mata ay nanatiling matalas at malamig. “Get up,” seryoso niyang utos sa baritonong boses. Nanatili lang siyang nakatayong tuwid sa harapan ko habang nakatingin sa akin nang walang emosyon. Napatayo ako at pinilit na ayusin ang aking sarili. “Ang pangit mo pala kapag umiiyak,” komento niya na ikinasinghap ko. Lokong ’to ah. May pinagdadaanan na nga ‘yung tao, kung makalait wagas. “Sige, umiyak ka pa. Mas lalo kang pumapangit,” tuloy pa niya. “Hindi ako umiiyak! Ulan lang ’to,” ani ko, paos ang tinig at naluluha pa rin. “Why did you take this route?” tanong niya, may diin ang tinig. “Nagmamadali kasi ako na makarating sa charity gala. At dito rin ang suhestiyon ni Kian—na dito na lang ako dumaan para makahabol sa party.” “Tsk.” Kita ko ang pagkislap ng inis sa mga mata niya. “Ang tarantadong 'yon. He knew this route was dangerous, yet he still told you to pass through here,” may gigil na saad niya. “And you... did you know that this route was dangerous?” Nag-aalangan na napatango ako. “You’re an idiot,” walang prenong komento niya. Napalunok na lang ako. “The rain’s getting heavier,” he said quietly but firmly. “We should leave.” Umatras na siya at akmang aalis na. “S-Sir Aviv...” may kabang usal ko. Agad siyang napatigil. “Si K-Kian. He c-cheated on me with my cousin, Scarlet. I just… I don’t think I can go through with marrying him tomorrow,” may panginginig at may luhang kumawala sa mga mata ko habang sinasabi iyon. Seryoso lamang niyang pinagmamasdan ang mukha ko. “Get in my car now. Ihahatid na kita,” pang-iiba niya. Tinalikuran na niya ako at naglakad palayo na para bang wala siyang narinig tungkol sa kataksilan ng pamangkin niya. “Sir Aviv!” tawag ko sa pangalan niya, but this time ay nilakasan ko na ang boses ko. Muli siyang napahinto at hinarap akong nakakunot ang noo. “I don’t want to marry Kian anymore!” Mabilis ko siyang nilapitan. “Please... save me. Save my family... we have debts to the Averonés. Kung hindi ako maikakasal, kukunin nila ang lahat sa amin at hindi namin alam kung saan kami pupulutin. Please, help me...” Nanginginig ang boses ko habang nakikiusap. “P-Pwede bang... pwede bang ikaw na lang... ikaw na lang ang pumalit sa pamangkin mo bilang groom ko!” Nanatili siyang nakatitig sa akin. Tiningnan niya lang ako nang matagal. “You have no idea what you’re asking for, Jane,” sagot niya sa boses na mababa at may halong babala. Muli, tinalikuran niya ako nang walang pasabi at naglakad patungo sa kanyang kotse. Sh*t. I need to convince him. “Sir Aviv, please!” habol ko sa kanya. Huminto siya sa tapat ng pintuan ng kotse, pero hindi niya ako nilingon. “Ayoko nang bumalik kay Kian,” halos pabulong na saad ko. “Then leave him,” sagot niya, malamig at hatalang walang pakialam. “Hindi gano'n kadali 'yon! Ang pamilya ko—” “I don't involve myself in useless family drama,” putol niya sa akin. Tiningnan niya ako nang bahagya mula sa kanyang balikat. “You’re asking the wrong man, Jane.” Umihip ang malamig na hangin kaya napayakap ako sa sarili. ‘Ang lamig.’ Mula sa pagkakayuko, naitaas ko ang aking mukha nang maramdaman ko ang paghakbang niya palapit sa akin. Ipinatong niya ang overcoat sa balikat ko na walang imik. “T-Tama ka...” halos pabulong kong wika. Ano bang iniisip ko? Bakit ko naisip na papayag siya sa isang kahibangan na tulad nito? Isa rin siyang Averoné. Uncle siya ng fiancé ko. At bakit niya naman ako tutulungan laban sa sarili niyang pamilya? Pero wala na kasi akong pagpipilian. Wala akong ibang maisip na lalaking pwedeng makatulong sa akin kundi ang taong ito. “Ayaw mo ba talaga?” Napalunok ako at pilit na nagbabakasakali. “Wala bang... wala ba talagang chance na pumayag ka sa gusto ko?” He let out a sharp breath, followed by a deep, heavy sigh. “I am a businessman, Jane. I don't do favors for free.” Tinitigan niya ako nang diretso sa mga mata. “Then tell me… what do I have to do to make you say yes?” Pero hindi siya sumagot. Kagaya kanina, seryoso lamang siyang nakatingin sa akin. “K-Kahit ano... kahit ano pa ang mga kondisyon mo, sabihin mo lang. Gagawin ko 'yun. Susundin ko lahat-lahat ng gusto mo. Basta ayaw ko nang maikasal pa kay Kian,” lakas-loob na tuloy ko kalakip ang matinding desperasyon. “Sabihin mo na. Please...” “Sa loob ng kasal, kailangan mong gampanan ang lahat ng tungkulin mo bilang asawa ko. We’ll stay in the same room. We’ll sleep in the same bed. You will not entertain any other man except me. And most importantly…” Huminto siya sandali bago dumilim ang titig sa akin. “Kailangan mo akong bigyan ng tagapagmana. Handa ka bang gawin ang mga iyon?” Nanigas ako. “P-Pumapayag ka na?” tanong ko na may bahagyang pag-asa sa mga mata. Halos hindi ako makahinga habang hinihintay ang sagot niya. “Pumapayag ako sa lahat ng gusto mo. Walang problema sa akin iyon,” tuloy ko. Bahagyang dumaan ang gulat sa kanyang mga mata, ngunit mabilis niya iyong ikinubli sa likod ng kanyang malamig na ekspresyon. “In my car now. We’re wasting time here,” he said firmly, his voice commanding authority, at nauna na siyang bumalik sa mamahalin niyang kotse. Napatunganga na lang ako. Ano yun? Is it a yes? Or what? “F*ck,” pabulong kong mura. Marahan akong napakagat sa aking ibabang labi bago tuluyang humakbang para sumunod sa kanya.Aviv POV “Sir Aviv, bakit napaaga po kayo ng uwi?” bungad sa akin ni Nicole pagkababa ko pa lamang ng kotse. May bitbit siyang hedging shears na ginagamit niya sa pagtatabas ng mga halaman sa hardin. “Si Jane?” “Umalis po, Sir. Ginamit niya po ’yong estate cart papunta roon sa may kakahuyan. Gusto niya raw pong magmuni-muni.” Magmuni-muni o magsisigaw? Kilala ko siya. Kapag gusto niyang mapag-isa at pumupunta sa malayo, siguradong bubulahawin niya ang mga ibon sa kakahuyan dahil sa pagsigaw niya para ilabas ang lahat ng frustrations niya. Napadako ang tingin ko kay Sid nang lumapit siya sa amin. Bitbit niya ang malaking bouquet ng mga bulaklak na ako mismo ang nag-order para sa asawa ko. Pinili ko ang mga sariwang bulaklak na may malalim na kulay pula. Mga rosas na para sa akin ay sumisimbolo sa matagal ko nang itinagong damdamin para sa kaniya. “Ang ganda po ng mga bulaklak, Sir. Kinikilig ako sa inyo ni Ma’am Jane,” masayang saad ni Nicole habang nakatitig sa hawak ni Sid
Jane POV“Bakit parang sinisipon ka?” hindi ko mapigilang itanong sa asawa ko noong nahalata kong panay ang singhot niya.“Wala 'to,” 'yon lang ang maikling sagot niya.Muli, napabuntong-hininga na naman ako habang nakatitig sa kaniya.“Limang araw na tayong hindi magkatabi sa iisang kama... Parang ayaw mo na yata sa akin.” Hindi na ako nagpaawat pa na sabihin iyon. Napapansin ko kasi na parang sanay na siyang magkahiwalay kami ng kwarto.Tinitigan ko siyang muli. Ayan na naman siya, hindi na naman umiimik.Diyos ko po! Hanggang kailan ba siya magiging ganito sa akin? Hanggang kailan niya ako matitiis na hindi kinakausap?Gusto ko nang sumabog sa galit. Hindi talaga ako sanay na ganito siya katahimik. Ayos lang sana kung isang araw lang, pero limang araw na siyang malamig ang pakikitungo sa akin.“Kunin ko na lang ang mga gamit ko doon sa kwarto mo para doon na lang ako manatili sa kabilang kwarto,” may pait kong sabi.“Ikaw ang bahala,” sagot niya na muling ikinasikip ng dibdib ko.N
Aviv POVPagkatapos kong maligo, paglabas ko ng banyo ay agad na napadako ang tingin ko kay Jane, na nakaharap sa malaking salamin. Seryoso niyang inaayusan ang sarili habang nakasuot ng seksing office attire.Tahimik ko siyang pinasadahan ng tingin mula ulo hanggang paa. Ngayon ko lang siya nakitang magsuot ng ganyang kahapit na damit at kaiksing palda. Ang suot niya ay isang itim na pencil skirt na may kapansin-pansing slit sa gilid, sapat para lantad na makita ang makinis niyang binti. Sa itaas naman ay nakasuot siya ng hapit na blouse na lalong nagbigay-diin sa kurba ng kaniyang katawan.Mukhang sinasadya niya yatang magsuot ng ganyan para pansinin ko siya.“Bilisan mo na magpalit, baka ma-late na tayo,” paalala niya sa akin habang hindi man lang ako binalingan ng tingin. Abala pa rin siya sa pag-aayos ng kaniyang buhok sa harap ng salamin.Gusto ko sanang magreklamo dahil sa tuwing itinataas niya ang kaniyang mga kamay para ayusin ang buhok, lalo lamang umaangat ang tela ng palda
Aviv POV Sinundan ko ng tingin ang asawa ko habang nagmamadali siyang lumapit kay Kian. Halos matapilok pa nga siya sa pagmamadali, para lang tulungan ang damuhong iyon. Nang marating niya ang kinaroroonan ng pamangkin ko, agad niyang inangat ang ulo nito mula sa damuhan. Pinaupo niya ito nang bahagya at isinandal sa kaniyang katawan. Magkadikit na ngayon ang balat nilang dalawa. Nakahawak ang kamay ni Jane sa balikat ni Kian, habang ang ulo ng gago ay halos nakasubsob sa dibdib ng asawa ko. Napahigpit ang pagkakakuyom ng aking kamao. Masyadong masakit sa mga mata ang makitang ganoon sila kalapit. “Aviv, tulungan mo ako! Dalhin natin siya sa mansiyon. Tingnan mo naman, nawalan na talaga siya ng malay!” tawag niya sa akin, bakas sa boses niya ang labis na pag-aalala. Hindi ako agad gumalaw sa kinatatayuan ko. Sa halip, inilabas niya na lamang ang cellphone niya at mabilis na tumawag para humingi ng tulong. “Kuya Tope, puwede bang pumunta kayo rito ni Sid? I need help! Ngayon na.
“Arghh!” Isang malakas na hiyaw ang pinakawalan ko. Inis kong pinagpapalo ang kama habang nakakulob ang mukha ko sa unan. “Bwìsit! Pagre-relax ang sadya ko kaya hindi ako pumasok sa opisina pero stress pa rin ang inabot ko! Tangìna!” Inis akong napahilata sa kama at naglupasay na parang bata dahil sa labis na frustration sa sarili. Naramdaman ko ang pag-init ng mga mata ko, kaya naiiyak kong inabot ang malambot na unan at niyakap iyon nang mahigpit. “Dito ka tuloy sa kabilang kwarto matutulog, Jane. Tanga-tanga ka rin kasi! Kung sana pumasok ka na lang sa opisina, hindi sana nangyari ang kamalasan kanina!” parang tangang kinakausap ko ang sarili ko sa gitna ng dilim. Napatagilid ako sa pagkakahiga at naitutok ang tingin sa orasan sa ibabaw ng side table. Alas-diyes na ng gabi at hindi pa rin ako mapakali sa kinahihigaan ko. Paulit-ulit akong nagpapalit-palit ng pwesto, pero ayaw talagang dumalaw ng antok. Hindi sumabay sa amin si Aviv sa hapunan kanina. Nagpahatid lang siya ng pa
Jane POVMabigat ang katahimikan sa loob ng lounge. Habang lumilipas ang bawat segundo, lalo kong nararamdaman ang bigat sa dibdib ko. Wala ni isa sa amin ang nagsasalita. Pareho kaming naghihintay, pero parang walang gustong maunang bumasag sa nakakabinging katahimikan.Habang solong nakaupo si Kian sa four-seater sofa, nakayuko at halos hindi magawang igalaw ang kaniyang mga binti, ako naman ay nakapuwesto sa kabilang sofa, hindi mapakali habang paulit-ulit na nginangatngat ang kuko sa aking hintuturo hanggang sa bahagya na itong dumugo dahil sa tindi ng kaba ko.Pareho kaming hindi magawang tumingin sa lalaking nakatayo sa harapan namin.Nasa gitna namin si Aviv, nakapamulsa habang ang malamig at nakamamatay niyang tingin ay nakapako sa aming dalawa.“Ilang oras lang ako nawala sa mansiyon na ito, nagawa mo nang makipaglaro at habulan kay Kian,” malamig na basag ni Aviv sa namayaning katahimikan. May matinding bigat ang bawat salitang lumalabas sa kaniyang bibig.Naiangat ko ang t
Jane's POV Umuulan habang tinatahak ko ang daan papunta sa charity gala ng mga Averoné. Dumaan ako sa isang liblib na shortcut dahil pinagmamadali na ako ng boyfriend ko na makarating kaagad sa destinasyon. Ito ang huling gabi na dadalo ako sa isang magarbong event na hindi pa ako kasal. Dahil buk
Nasa loob na ako ng isang bakanteng kuwarto dito sa bahay nina Lolo Esteban at Lola Alicia. Katatapos ko lang maligo at ngayon ay abala na ako sa pagpapatuyo ng buhok ko gamit ang tuwalya. Naibaling ko ang tingin sa pintong gawa sa lumang tabla. Unang pumasok si Lola Alicia, kasunod si Aviv na may
LORENZO GRAND HOTEL 6:00 P.M. “Wala pa ba si Kian?” boses ni Mommy, bakas sa tinig niya ang pag-aalala dahil hanggang ngayon ay wala pa rin ang groom. Kanina pa kami naghihintay sa kanya pero hanggang ngayon ay wala pa rin siya. Kapansin-pansin na rin ang inip ng mga bisitang naririto sa loob ng
Akala ng mga kakilala ko ay maswerte ako dahil ipinanganak akong mayaman, pero hindi nila alam na isa lamang akong ampon at ang nag-ampon sa akin ay ginawa lamang akong collateral sa mga utang nila sa mga magulang ni Kian.Si Daddy na sugapa sa sugal. Si Mommy na maluho at mahilig mag-travel. Wala







