登入Nasa loob na ako ng isang bakanteng kuwarto dito sa bahay nina Lolo Esteban at Lola Alicia. Katatapos ko lang maligo at ngayon ay abala na ako sa pagpapatuyo ng buhok ko gamit ang tuwalya.
Naibaling ko ang tingin sa pintong gawa sa lumang tabla. Unang pumasok si Lola Alicia, kasunod si Aviv na may bitbit na isang unan. Suot niya ang damit at maong pants na pinahiram sa kanya ni Lolo. Masikip ang damit sa kanya, at masyadong maiksi ang T-shirt kaya bahagyang nakikita ang kanyang pusod. Natawa ako nang mahina sa itsura niya kaya napatingin siya sa sarili niyang ayos, ngunit nanatiling walang emosyon ang kanyang mga mata. “Pwede naman sigurong magsama na lang kayo sa iisang kwarto ni Aviv, apo,” ani Lola na ikinahinto ko. “H-Ho?” nanlalaki ang mga matang tanong ko sabay tingin sa lalaki. Kalmado lamang siyang napatitig sa akin. “Marami kasing lamok at wala nang ekstrang kulambo at kumot kaya hindi pwedeng doon siya sa sala matulog. Pwede bang magtabi na lang kayo sa kama at maghati?” Hindi ko maibuka ang bibig ko. Pumapayag siyang magtabi kaming dalawa ni Aviv sa iisang kama at sa iisang kwarto, na kaming dalawa lang—sa ganitong kalamig na panahon? “Whatever it is you’re thinking, don’t worry, I have no intention of taking advantage of you,” malamig niyang saad. “H-Hindi iyon ang iniisip ko,” agarang depensa ko. Nilagpasan niya lang ako. Lumapit na siya sa kama, umupo roon kahit hindi pa ako sumasang-ayon na dito siya matulog. Pagkatapos niyang ayusin ang unan niya ay nahiga agad siya roon. “Good night,” maikling saad niya at ipinikit na ang mga mata. “Sige na, apo, matulog ka na. Matulog na kayong dalawa,” ani Lola Alicia. “Ah oo nga pala. Basa pa pala ang buhok mo. May hair dryer doon sa labas. Iyon na lang ang gamitin mo para hindi ka matulog na basa ang buhok mo,” tuloy pa niya. Agad naman akong sumunod kay Lola at iniwan si Aviv na tuluyan nang nakatulog. Pagkaabot sa akin ni Lola ng hair dryer, napatitig ako sa brand name nito. Dyson. Teka lang, ang mahal-mahal nito ah. “Binili n’yo po ’to?” hindi maiwasang pang-uusisa ko sa lola ko bago naisipang buksan iyon at gamitin. “Hindi. Dala ’yan ni Aviv,” sagot niya. “Ohh...” Napatango-tango na lamang ako. Mabuti naman at may dala siya nito, hindi na ako mahihirapang patuyuin ang buhok ko. Akmang tatalikuran na ako ni Lola pero agad ko siyang pinigilan. Pinatay ko muna ang hair dryer. “Paano n’yo po nakilala si Sir Aviv?” tanong na kanina ko pa gustong itanong, pero ngayon lang ako nagkalakas ng loob. Halos pabulong ang boses ko para hindi marinig ng lalaking iyon na interesado akong malaman kung paano niya nalaman na dito nakatira ang lolo at lola ko. “Naalala mo ang ikinuwento ko sa ’yo—iyong may bumanggang kotse sa karitong ginagamit namin ng iyong lolo sa pagtitinda?” “Opo.” “Siya iyon. Siya ang lalaking tumulong sa amin. Hindi lang niya kami tinulungan sa pagpulot ng mga paninda dahil pagkatapos noon, sinabihan niya kaming doon na lang kami magtinda sa bagong bukas na talipapa. Siya ang may-ari ng pinagtitindahan namin, apo,” sagot niya na ikina-“Ahh,” ko na lang, halata ang pag-aalangan. “Pero hindi niya kami pinagrerenta. Libre lang ang pwesto namin. Ang bait niya, ’di ba?” Napangiti lamang ako sa sinabi ni Lola. Hindi ko kasi inaasahan na siya pala ang tumutulong sa lolo at lola ko. Malaking bagay na iyon—na walang renta para sa dalawang matanda at masaya ako dahil kahit papaano ay may nagmalasakit sa kanila na ibang tao. “Sige, maiwan na kita, apo,” paalam niya at tuluyan na akong iniwan sa sala. --- Maaga kaming bumiyahe ni Aviv, at inihatid niya ako diretso sa Del Austria Mansion, kaya alas-sais pa lang ay nakarating na kami. Napahugot ako ng lakas ng loob habang nakatayo sa harap ng pinto ng Del Austria Mansion. Kailangan kong ihanda ang sarili ko sa posibleng ibubungad sa akin ng nanay ko kapag nalaman niyang doon ako natulog sa bahay nina Lolo at Lola. Pagkabukas ng pinto, napaatras ako noong bumungad agad si Mommy. “Saan ka nagpunta kagabi? Bakit hindi ka pumunta sa gala?” bungad niya, bakas ang bigat at inis sa tono niya. Napadaing ako noong bigla niya na lang hinablot ang braso ko pagkalapit niya at pwersahan akong hinila papasok ng mansion. “Doon ka ba natulog sa pobre mong lola’t lolo? Ilang beses ko bang sasabihin sa ’yo na huwag ka nang makikipagkita sa mga iyon!” sabay tulak niya sa akin. Muntik pa akong mabuwal dahil sa lakas ng pagkakatulak niya. “Jane, isa ka nang Del Austria. Inampon ka namin ng daddy mo para maging isang Del Austria pero parang gusto mong bumalik sa pobre mong angkan. Hindi ba sabi ko naman sa ’yo, kalimutan mo na sila!” talak niya na naman sa akin. Ganito palagi ang inaabot ko kapag nalalaman niyang dumadalaw ako sa bahay ng lola’t lolo ko. Naluha na lamang ako. “H-Hindi naman kailangang kalimutan ko ang tunay kong kadugo para maging isang ganap na Del Austria, Mom,” basag ang boses na sagot ko. Pero isang malakas na sampal ang dumapo sa pisngi ko. “Sumasagot ka pa talaga,” nanlilisik ang mga matang saad niya. “Alam mo kung bakit ayaw kong pumunta ka pa roon. Ayaw kong malaman ng maraming tao na ampon ka lang. Na anak ka ng isang probinsiyana at galing sa isang pobreng angkan. Kaya huling beses na ang pagpunta mo roon sa bahay ng dalawang matandang iyon. Dahil kapag umulit ka pa,” dinuro niya ako sa noo at mariing itinulak, “palalayasin kita,” tuloy niya at inis niya akong tinalikuran. “Magpalit ka na ng damit at pumunta sa mansion ng mga Averoné para sa kasal ninyo ni Kian mamayang gabi. Bilisan mo! Huwag kang tumunganga riyan!” hiyaw niya sa akin bago niya ako tinalikuran. “Ayaw ko nang magpakasal kay Kian, Mom!” Napahinto siya sa paghakbang at muli akong hinarap. “Anong sabi mo?” nanlalaki ang mga matang aniya. “He cheated on me with Scarlet!” Inis siyang bumaba, bumalik sa kinaroroonan ko at matapang akong hinarap. “Eh ano naman? Wala akong pakialam kung may relasyon man ang dalawang iyon. Ang mas mahalaga sa akin ay mawala ang mga utang natin.” Napapailing ako. “I w-want to marry someone else.” Natawa siya nang mapakla. “Sino namang papatol sa ’yo na mayaman? Si Kian nga lang ang nagkaroon ng interes sa ’yo bilang lalaking mayaman, tapos gusto mo pang magpakasal sa iba?” Lumapit siya at muling hinawakan ang braso ko. Napangiwi ako sa diin ng pagkakahawak niya. “Hoy, Jane. Huwag ka nang mangarap na makakahanap ka pa ng matinong mayamang lalaki sa panahon ngayon. Hindi na uso ang ganoong klase ng lalaki. Kaya tumigil ka na sa pangarap mong iyan,” sabay bitaw niya sa braso ko. “Sumunod ka na sa akin para makaalis ka na at mapuntahan si Kian. Bilis na!” At hindi na siya lumingon pa. Napayakap na lamang ako sa sarili habang sinusundan ang bulto niya. Bahagyang nanginginig ang katawan ko at hindi ko mapigilan ang pag-agos ng aking mga luha.Maraming-maraming salamat po sa pagbabasa ng story nina Jane at Aviv. 💕 Finally, nakarating din tayo sa ending! Natagalan akong tapusin ang story na ito kasi parang hindi ko pa kayang bitawan. Pero kailangan ko na rin talagang i-let go ang story nila para makapagsulat naman ako ng panibagong story. Sana nagustuhan niyo rin ang story nina Kian at Madison. Hindi ko rin inakala na magkakaroon pala sila ng sarili nilang happy ending. 🥹 Pero kung hindi niyo man nagustuhan ang story, maraming-maraming salamat pa rin sa pagbabasa at pagbibigay nito ng chance. Once again, maraming-maraming salamat sa lahat ng suporta, oras, at pagmamahal na ibinigay ninyo sa story na ito. Sobrang naa-appreciate ko po kayo. ❤️ At sana, huwag ninyong kalimutang mag-iwan ng review o komento. I highly appreciate every single one of them. Malaking bagay sa akin ang bawat feedback ninyo. 💕 See you on my next story! 🥰
Jane POV Halos hindi ko na siya makilala. Ibang-iba na siya sa dating Scarlet na laging maayos, maarte, at punong-puno ng poise. Ngayon, payat na payat na siya, haggard, gusgusin, at marumi ang suot na damit na halatang ilang taon nang hindi naalagaan. Para siyang taong matagal nang tumakas sa isang mental facility. “Aviv! Kian! Jane! Madison!” sigaw ni Scarlet sa camera habang nanlilisik ang mga mata. “Tumingala kayo sa top deck!” Mabilis kaming tumakbo papunta sa open deck at sabay-sabay na tumingala. Naroon nga si Scarlet sa gilid ng railing, hawak ang dalawang bata. Isang maling galaw lang at puwede niyang ihulog sina Azi at Kiana sa malalim na karagatan o saktan gamit ang kutsilyong hawak niya. “Scarlet, pakiusap! Huwag mong idamay ang mga bata!” pagsusumamo ni Madison habang umiiyak at mahigpit na nakakapit kay Kian. “Inosente sila! Kung galit ka sa amin, kami ang harapin mo!” “Shut up, Madison!” hysterical na sigaw ni Scarlet, sabay tawa nang malakas at matinis, isang
Jane POV “Kaya pala kahit anong kulit ko na magpakasal na kayo ulit ni Aviv, huwag na ninyong hintaying makalakad pa ang kambal, pero hindi niyo ginagawa... Kasi ito pala ang plano ninyong dalawa. Ang magkaroon ng double wedding, tama ba ako?” ani Madison habang magkasabay kaming naglalakad sa mahabang red carpet ng Cathedral. Pareho kaming may hawak na eleganteng bridal bouquet na gawa sa white peonies at lily of the valley. Nakasuot ako ng floor-length lace ballgown na pinalamutian ng maliliit na kristal, habang si Madison naman ay parang isang diyosa sa kaniyang figure-hugging mermaid wedding gown na may mahabang veil na maayos na nakalatag sa likuran niya. Sa dulo ng aisle, naghihintay ang dalawang lalaking nagmamay-ari ng aming mga puso. Sina Aviv at Kian. Napakagwapo nilang dalawa. Si Aviv ay nakasuot ng midnight blue bespoke tuxedo na may black satin lapel. Mukha siyang matangkad, elegante, at kagalang-galang, pero kahit gaano siya ka-powerful na bilyonaryo sa paningin ng i
Madison POV Nangatog ang mga tuhod ko. Kinuha ko ang bulaklak habang hindi ko pa rin inaalis ang tingin ko kay Kian. Ang mga mata niya ay puno ng pangungulila, pagmamahal, at tila pagsusumamong sana ay bigyan ko pa siya ng pagkakataon. I miss him so much. Gusto ko siyang yakapin nang mahigpit. Gusto ko siyang halikan, pero kasabay ng lahat ng iyon ay ang biglang pag-akyat ng sama ng loob na ilang taon kong kinimkim. Bigla kong naalala ang pangako niya. Nangako siyang babalik siya pagkalipas ng tatlong taon, pero hindi niya ginawa. Pinaghintay niya ako na parang wala lang ang lahat ng pangakong binitiwan niya sa akin noon. “Bakit ngayon ka lang umuwi? You promised me na uuwi ka after three years, pero hindi mo ginawa!” gigil kong saad habang nanginginig ang boses ko. Sinubukan ko siyang itulak palayo, pero hindi man lang siya natinag. Sa halip, mas lalo pa niyang idinikit ang katawan niya sa akin, dahilan par
Madison POVHabang nakatitig ako sa bintana ng sasakyan habang binabagtas namin ang daan patungong Averoné Estate, ramdam na ramdam ko ang pagod at jet lag mula sa napakahabang biyahe ko galing Paris.Hapon na nang lumapag ang eroplano ko sa Metropolis. Matindi ang traffic at mahaba pa ang biyahe, kaya gabi na nang tuluyan akong makarating sa malawak na estate ng mga Averoné.Gusto ko sanang dumiretso muna sa bahay para makapagpahinga at makapagpalit ng damit, pero mas nangibabaw ang pangungulila ko sa anak ko. Sa tuwing may lakad ako abroad para sa ilang business trips at modeling commitments, madalas magpahatid si Kiana sa Averoné Estate dahil sina Azi at Ace lang naman ang gusto niyang kalaro kapag wala ako.Pagkababa ko ng sasakyan, inayos ko ang trench coat ko at huminga nang malalim bago pumasok sa malaking pintuan ng mansiyon.Tahimik ang malawak na foyer. Pagkapasok ko sa lounge, nakita ko sina Aviv at Jane na magkatabing nakaupo
Aviv POV“And now, ladies and gentlemen,” pormal at maawtoridad na anunsyo ng host mula sa gilid ng stage, “let us welcome the President and CEO of Del Austria Enterprise, one of the youngest self-made female billionaires in the region—Mrs. Mary Jane Del Austria-Averoné!”Isang malakas at nagkakaisang palakpakan ang umalingawngaw sa buong bulwagan.Maya-maya, nakita ko nang umakyat sa stage ang asawa ko. Suot niya ang isang eleganteng fitted black blazer na may matching tailored trousers, simple pero classy ang blouse na nakasuot sa loob, at isang pares ng pointed heels na lalong nagbigay sa kaniya ng polished at intimidating na aura.Inayos niya ang microphone, hawak ang clicker sa kanang kamay, at ngumiti nang may natural na kumpiyansa sa harap ng libo-libong investors na nakatutok sa kaniya.I couldn't take my eyes off her.Habang nagsisimula siyang magsalita at ipinapaliwanag ang multi-billion expansion project niya para sa next-generation tech-logistics at sustainable infrastruct
LORENZO GRAND HOTEL 6:00 P.M. “Wala pa ba si Kian?” boses ni Mommy, bakas sa tinig niya ang pag-aalala dahil hanggang ngayon ay wala pa rin ang groom. Kanina pa kami naghihintay sa kanya pero hanggang ngayon ay wala pa rin siya. Kapansin-pansin na rin ang inip ng mga bisitang naririto sa loob ng
Akala ng mga kakilala ko ay maswerte ako dahil ipinanganak akong mayaman, pero hindi nila alam na isa lamang akong ampon at ang nag-ampon sa akin ay ginawa lamang akong collateral sa mga utang nila sa mga magulang ni Kian.Si Daddy na sugapa sa sugal. Si Mommy na maluho at mahilig mag-travel. Wala
“Paano po ’yung kotse ko, sir?” ani ko, sabay lingon sa kotse kong nakaparada sa gilid ng kalsada “I’ll have my staff to take care of your car,” he said calmly. “Get in,” utos niya pagkabukas ng pinto kaya walang sabi-sabing sumunod ako. Pagkaupo ko sa mamahaling leather seat, muli akong napaya
Isang matangkad na lalaki ang makikita sa hindi kalayuan. Nakasuot siya ng charcoal overcoat. Anino pa lang nito ay bakas na ang awtoridad at panganib. Nanlaki ang mga mata ko noong hubarin ng lalaki ang suot niyang overcoat at tumambad ang dalawang baril na nakasuksok sa kanyang tagiliran. Marahan







