Alexa's Pov I already packed my things for my vacation on the Island. And I can't wait to see Mom and all the people living there. I missed them so much. I won't let Ludwig stop me from leaving. That's why I decided to leave while he was asleep. He always sleeps in after a long day, and it is past midnight. Siguro naman hindi siya magigising. I made sure, na hindi niya malalaman ang pag-alis ko. Kaya naman palihim kong pinag-booked ng tickets si Tommy for me. As I get out of bed, I take my phone out to call Mom and tell her that I'm ready to go to the airport. She answered immediately, which made me smile widely. "Hello, Alex," she says in a sweet voice, as always. "Kumusta, Anak?" Tanong ni Mama sa akin. "I'm doing good, Mama! I am finally going somewhere I've been dreaming about since I went here in Manila." Mama laughed at that statement. Mama lovingly remarked to me, "Sa wakas makakauwi ka na ulit dito, Alex. Mag-iingat ka, okay? I love you."
Ludwig's Pov Her reaction makes me laugh. I don't care if she's annoyed. I'm really looking forward to visiting the island, meeting her mother, and staying with her. Despite the fact that she does not want me to be there with her. She doesn't really have a choice. We're on the plane right now and will arrive on the island in an hour. "What are you laughing about?" Alexa asked me. She raises an eyebrow at me and I immediately feel like a kid being caught doing something bad. It's just that I can't help but laugh at her. She was ecstatic on her flight to Surigao, not realizing we were on the same plane. or, more precisely, she is unaware that I am accompanying her to their island in Surigao. This trip had been planned by her for months. I hadn't been invited by her, so I couldn't tell anyone else about this, and she didn't know I knew either. If she found it earlier that I already know about this, I won't be able to come with her. "Nothing," I say, lyi
Alexa's Pov Hanggang lumapag ang eroplano na sinasakyan namin sa airport ay hindi pa rin maipinta ang mukha ko. Akala ko pa naman nagtagumpay ako na takasan siya. Hindi naman pala. At ang ganda ng ngiti ng mokong. During the whole flight, wala siyang ginawa kung hindi ang inisin ako. Kung pwede lang talaga siyang itulak palabas ng eroplano ginawa ko na. I need to get some fresh air. But how could I breathe if this bastard was with me? I want to get away from him as much as possible. I needed to get away from the stress he was causing me. Pero hanggang sa Isla ay balak niya pa rin akong kunsumihin. But, come to think of it, It is my domain. Why would I let him ruin my holiday on our island? The very sight of him bothers me. The very concept of his being here with me was enough to wreck my peace of mind. But I won't let him win this time. So, I come up with an idea. Sisiguraduhin ko na hindi niya na ulit gugustuhin na sumama sa a
Alexa's Pov "May problema ba kayo ng asawa mo? Bakit parang pinagseselos mo siya?" Lucas queried, making me giggle. "Wala kaming problema. Ang sarap lang kasi niyang asarin." Mahinang hinampas ko sa likod si Lucas. Nakaangkas ako sa motor niya habang naiwan naman si Ludwig na sa tricycle ni Mang Kanor sasakay papunta sa bahay. "Hindi mo nasabi na kasama mo siyang uuwi rito. Nag-away ba kayo kaya bigla kang napauwi rito sa isla? Sinasaktan ka ba niya? Gusto mo turuan ko siya ng leksyon?" Sunod-sunod na tanong ni Lucas. Natawa naman ako. "Hindi niya ko sinasaktan noh! At saka alam na alam mo na kaya kong ipagtanggol ang sarili ko. Gusto ko lang talaga siyang pag-trip-an. Hindi ko nasabi na kasama ko siya sa paguwi ko rito kasi sinurpresa niya ako." Palusot ko na lang. Knowing Lucas, hindi siya papayag na maagrabyado ang malalapit na tao sa kaniya. Hindi ko pwedeng sabihin sa kababata ko ang rason sa likod ng pagpapakasal namin ni Ludwig. Hindi n
Ludwig's Pov She was having fun exacting revenge on me by doing such strange things to me, huh? Simply because I was new to the area. And I'm unfamiliar with their way of life here. First, she forced me to ride the tricycle. Because of my height and size, I can't even sit correctly. While she was riding her so-called childhood friend's big bike. Second, she seems to enjoy reminiscing about their childhood memories and how close they are. While we are having lunch. They are conversing as though I am not present. And I'm sure she did it on purpose to make me feel unwelcome. But I know how to win people's sympathies and take their hearts. And, as predicted, I now have them. First and foremost, Mang Kanor seemed to be grateful and happy with the pricey wristwatch I gave him. That one was a little pricey, but it's okay. I can replace it. Second, thankfully, I have a spare Rolex in my suitcase. So I handed it to Alexa's irritating childhood pal Lucas.
Alexa's Pov He truly knows how to wreck my mood. Parang sandali lang ako nagdiwang sa pang-aasar sa kaniya. Ako na naman ang nabubuwisit ngayon. It turns out na kakampi niya na ang lahat. I can't believe na ganoon niya kadaling nakuha ang loob ng mga tao rito. Including my Mom, na tuwang-tuwa sa mga pasalubong ni Ludwig sa kaniya. At ang damuho nanuhol ng mamahaling relo. Uto-uto naman ang kababata kong si Lucas. Plano ko pa naman na gamitin siya para maitchapuwera si Ludwig. Para maramdaman niya na hindi siya belong dito. Para bumalik na siya ng Manila. Pero mukhang hindi na mangyayari ang gusto ko. Hindi tuloy maipinta ang mukha ko hanggang ngayon. Lahat ng ganti ko sa kaniya nagagawan niya ng paraan para mabaliktad ang sitwasyon. Gaya na lang ngayon imbes na siya ang maasar ako ang naaasar. "Am I doing it right?" he said, smirking. Ang ganda ng ngiti ng mokong. Habang sinasabon ang mga plato. "'Di ba sabi ko unahin mo ang mga baso
Alexa's Pov Nakadipa ang mga kamay na lumanghap ako ng sariwang hangin sa tabing dagat. "Hay... Fresh air..." Na-miss ko talaga ang buhay dito sa isla. Maaga akong gumising para maglakad-lakad dito sa dalampasigan. Binabati ako ng mga nakakasalubong kong taga-isla. Ginagantihan ko naman sila ng ngiti at pangungumusta. Kahit malaki na ang pinagbago ng pamumuhay dito dahil sa mga livelihood program na pinondohan ni Lolo. Nanatiling simple at mabait ang mga tao rito sa isla. Kaya hindi ako papayag sa kung ano mang balak gawin ni Ludwig dito sa isla. Proprotektahan ko ang mga taga-isla. Isa pang rason para protektahan ko ang isla ay ang ala-ala ng kabataan ko at ni Papa. When Dad was still living, I was a small child. But I recall every memory I had with him. My father was a gentle and caring man. Just like Lolo Alfred. He was a decent person, which is why everyone on the island liked, adored, and admired him. Hindi marangya ang pamumu
Alexa's Pov I'm meant to be having a good time on the island. But everything was destroyed as a result of that idiot. He may wreck my mood or day in so many different ways. similar to yesterday He interrupted me while I was enjoying the shore and thinking back on my father's recollections. Wala naman akong balak maligo sa dagat pero napaligo ako ng wala sa oras. Ang saya-saya niya pa! Tuwang-tuwa talaga siya na sirain ang araw ko. Kailangan makaisip talaga ako ng matinding ganti sa kaniya. "Alexa, anak, may gusto ka bang kainin? Iluluto ko para sa pananghalian," Mama asked me. Para namang may lightbulb na biglang umilaw sa ulunan ko. At napangiti ako sa naisip ko. "Ahm... Na-miss ko po ang kinilaw, ginamos at gulay, Mama," paglalambing ko kay Mama. "Tamang-tama mayroon tayong sariwang isda at gulay. Mayroon ding ginamos sa ref. Gusto mo ba akong tulungan na magluto?" Mama said, then asked me. "Siyempre po, Mama!" Excited na kumapit ako sa
Alexa "Anak, ang lalim naman niyang iniisip mo." Tinabihan ako ni mama sa duyan sa ilalim ng puno sa gilid ng bahay namin. "Hindi pa po kasi nagre-reply o tumatawag si Ludwig, eh." Nakailang message at attempt na ako ng tawag sa kaniya. Pero wala pa rin akong nakukuhang response. Plus, itong hindi maipaliwanag na kaba na nararamdaman ko. "Baka may inaasikaso lang, anak Huwag kang masyadong mag-isip. Makakasama 'yan sa pagbubuntis mo," paalala ni mama sa 'kin. Napahawak naman ako sa tiyan ko. "Hindi ko lang kasi mapigilan na mag-alala, mama. Paano kung nakumbinsi siya ni Sydney na magbalikan sila?" Hindi ko na naitago ang takot sa boses ko. Niyakap naman ako ni mama. "Magtiwala ka sa pagmamahal sa 'yo ng asawa mo, anak. Sa tingin mo ba magbabago pa ang isip niya, pagkatapos ng mga naging pag-uusap natin kasama ang lolo mo. Nakita ko ang sinseridad niya." "Nakakainis naman kasi ang lalaking iyon, mama, eh! Hindi man lang mag-update kung ano na a
Alexa Kinabukasan, hindi ko inaasahan na mayroon kaming magiging bisita, from Manila. "Good morning." "Tommy?!" shock na bulalas ko. "What are you doing here?" tanong ng nasa likod ko na si Ludwig. As usual, hindi na naman maipinta ang mukha niya. "Kalma, okay?" bulong ko sa kaniya. "Hindi ka raw makontak nitong si Tommy, apo. Kaya sumunod na siya dito sa isla," sabi ni lolo. Napatingin naman ako kay Ludwig. Nasa kaniya kasi ang cellphone at laptop ko. "Nasa akin po kasi ang phone at macbook ni Alexa, lolo. Ayoko po kasi na ma-stress siya. Lalo na ngayon na buntis na siya." Pinigilan ko na mapairap. Obviously, sinadya niyang sabihin iyon at iparinig kay Tommy. I'm expecting a violent reaction from Tommy. Pero ngumiti siya sa akin. "Congratulations." Pagkatapos ay bumaling ito kay Ludwig. "Huwag kang mag-alala nandito ako dahil sa trabaho. May mga kailangan lang akong i-discuss at papirmahan kay Alexa." "I already ta
Alexa Me and Ludwig were in awe. Hindi kami makapaniwala na alam na ni lolo. Pero wala silang ginawa. Ni hindi kila pinakitunguhan ng masama si Ludwig ni minsan. Kaya takang-taka ako. "P-paano niyo po nalaman, lolo?" tanong ko. "Ako ang naglagay sa'yo sa sitwasyong kinasadlakan mo, apo. At gusto kong humingi ng tawad. Hinayaan ko na manatili ka sa tabi ni Ludwig. Kahit na alam ko na may ganoon siyang plano laban sa akin," tugon ni lolo. "Why did you let us stay married, kahit alam mo na ang tungkol sa plano ko?" hindi makapaniwalang tanong ni Ludwig kay lolo. "Dahil umasa ako na magiging totoo ang nararamdaman niyo para sa isa't-isa. At nangyari na nga iyon," nakangiting turan ni lolo. Napasimangot naman ako. "Hinayaan niyo na apihin ako ng mokong na ito?" Natawa naman silang tatlo sa akin. "Sabi ng lolo mo, anak, may tiwala siya na malalampasan mo iyong mga pinagdaanan mo. Aaminin ko na noong una ay nagalit ako. Pero noong nakita
Alexa I'm happy at the same time nervous. Magkakaanak na kami ni Ludwig. Hindi ko pa gaanong na-absorb ang pag-amin namin sa nararamdaman namin sa isa't-isa. May katiting na doubt pa nga ako sa kaniya. Tapos ito may bago na namang pagbabago sa relasyon namin. Hindi na lang kami basta mag-asawa. Magiging magulang na kami. Okay lang sana kung walang Sydney na umaaligid sa paligid. "Ugh! Paano ko makokontak si Tommy kung ayaw niyang ipagamit sa 'kin ang cellphone at laptop ko?" Napanguso ako nang may maalala ako. "Hey! Bakit nanghahaba 'yang nguso mo?" tanong ni Ludwig sa 'kin pagkapasok niya sa kwarto. "Naalala ko kasi na may ipinakita kang picture ni Sydney kay Lucas kahapon." "And?" "Ibig sabihin may pictures ka pa rin ng ex mo sa cellphone mo?" Tinignan ko siya ng masama. At lalong nalukot ang mukha ko nang tumawa siya. "Hey! Huwag mo kong tignan ng ganiyan, okay? I just search for Sydney's social media account yesterday, para
Ludwig "Sigurado ako na siya 'yong nakita ko," frantic na sabi ni Alexa. Nagmamadali itong bumaba ng kotse habang palinga-linga sa paligid. "Hey! Calm down, okay? Search the whole area." Baling ko sa mga tauhan ko na naroon. "Kami na po ang bahalang mag-check sa buong paligid," ani ng isa mga tauhan ko. Saka tumalima ang mga ito sa utos ko. "Let's get inside the house. Pabayaan mo na ang mga tauhan ko ang maghanap sa kaniya. Kung si Sydney nga ang nakita mo," aya ko kay Alexa. "Siya 'yong nakita ko. We have to find her, Ludwig. Hindi natin alam kung ano pa ang plinaplano ng ex mo na 'yan. Kapag nalaman niya na magkakaanak na tayo, lalo siyang manggagalaiti sa galit." "I know. Hinahanap na nila ang babaeng 'yon. Pumasok na tayo sa bahay. Kakasabi lang sa'yo ng doktor, na bawal kang ma-stress, okay?" I said to her, trying to calm her. Mabuti na lang at nakinig naman siya. Pero bago pa kami makapasok sa loob ng bahay ay may taong dumating.
Alexa Napapakagat labi ako habang hinihintay namin ang result ng mga test na isinagawa sa akin. Nandito kami ngayon ni Ludwig sa mini hospital sa isla. Maaga palang ay narito na kami. Pareho kaming halos hindi makatulog kagabi. At aaminin ko na kinakabahan talaga ako sa kalalabasan ng test. This is all new to me. Kaya hindi ko alam kung ano ang mararamdaman ko. Wala akong morning sickness na naramdaman. Kaya hindi ako sigurado kung buntis na nga ba ako. Pero sinabi ng Ob na ganoon daw talaga minsan. Pero ang ibang sign ng pagbubuntis ay mayroon ako. "Nervous?" tanong ni Ludwig sa akin. Magkatabi kaming nakaupo sa upuang katapat ng mesa ng OB. "Hindi naman masyado. It's more of, natatakot ako?" pag-amin ko kay Ludwig. "Bakit ka natatakot? I'm here. You are not alone." "Oo nga. Pero hindi ko alam kung tama ba ang timing nitong pagbubuntis ko. Ngayon palang tayo nagsisimula. Ngayon lang natin naamin sa mga sarili natin na mahal na natin ang isa'
Ludwig "Wala pa rin bang update?" tanong ko sa tauhan ko habang nakamasid sa dagat. We decided to have a picnic by the beach. And Alexa is currently enjoying the sun and the waves. "Wala pa po, sir. But we are trying our best to locate Ms. Sydney's location. Masyado lang po talagang matinik magtago ang babae na 'yon." Naikuyom ko ang aking kamao sa naging tugon ng tauhan ko. "Siguraduhin niyo na hindi makakalapit sa pamilya ng asawa ko ang babaeng 'yon." "Yes, sir." Pagkaalis ng tauhan ko ay pabagsak akong naupo sa sun lounger. "May problema ba, hijo?" Nagulat ako nang marinig ko ang boses ni Lolo Ariston. Muli akong napatayo at lumapit sa kaniya. "Kanina pa po ba kayo riyan, lolo?" kabadong tanong ko sa kaniya. Ngumiti naman ito at umiling. "Kadarating ko lang." Nakahinga ako ng maluwag sa naging tugon niya. "Hindi mo pa sinasagot ang tanong ko. May problema ba?" "Ahm, may maliit na problema lang po sa kumpanya
Alexa "Mama, pwede ba akong matulog sa tabi mo ngayong gabi?" Naglalambing na niyakap ko si mama. Nakita ko sa peripheral vision ko ang pagkunot ng noo ni Ludwig. Kaya napangisi ako sa isip ko. "Anak, ano ka ba naman? May asawa ka na. Nakakahiya naman kay Ludwig kung sa akin ka tatabing matulog." Napangiti ang magaling kong asawa sa sinabi ni mama. "Okay lang po 'yon sa kaniya. Namiss kita, eh." "Actually, it's not okay, mama," singit niya sa usapan namin ni mama. Pinandilatan ko siya ng mga mata. "Kita mo na. Kayo dapat mag-asawa ang magkatabi. Sige na. Pumunta na kayo sa kwarto niyo at magpahinga." Napanguso ako. "Hindi mo ba ko namiss, ma?" "Aysus! Ngayon ka pa nag-inarte ng ganiyan Alexandra. Gusto niyo ba ng makakain bago kayo matulog?" "Ayos lang po kami, mama. Magpahinga na rin po kayo. Malalim na ang gabi. Shall we, asawa ko?" Inilahad sa 'kin ni Ludwig ang kamay ko. "Sige na, anak." Wala akong nagawa kundi abuti
Alexa Wala na akong nagawa nang marating namin ni Ludwig ang building ng kumpanya niya. Dinala niya ako sa may helipad, kung saan naghihintay na ang chopper na magdadala sa amin sa isla. Hanggang makasakay kami sa chopper ay hindi pa rin maipinta ang mukha ni Ludwig. "Ang pangit mo. Ngumiti ka nga," I joked, trying to make him smile. Pero lalo lang nagsalubong ang mga kilay niya. "So, pangit na pala ako sa paningin mo ngayon? Porke't nakasama mo lang ang Tommy na 'yon, siya na ang gwapo sa paningin mo ganoon ba?" Napanganga ako sa sinabi niya. "Seriously, Ludwig? Nagseselos ka talaga kay Tommy? Don't you trust me?" I asked him. "I trust you. Sa lalaki na 'yon ako walang tiwala." "But I trust him." "Then don't. Dahil hindi siya katiwa-tiwala." Ibinaling niya ang paningin sa labas. Napabuntong-hininga na lang ako. Hanggang makarating kami sa isla ay wala na silang kibuan. Pero inalalayan pa rin siya nito pababa sa chopper. May tauh