Share

Kabanata 5.

Eliha's POV:

Boluntaryo akong naghugas ng mga baso nila na may blood kahit na marami silang maid dito. Mayroon kasing dumating na mga pinsan ni Keegan. Ang nakakainis ay grabe sila tumingin sa akin.

Habang naghuhugas ako ay pakiramdam ko'y mayroong kakaibang nilalang sa likod ko.

Hanggang sa bigla na lang akong may naramdaman na ngipin na kakagatin pa lang ang leeg ko. Kaagad akong lumingon. Nakita ko si Manaron, ang pinsan ni Keegan.

"Ano bang problema mo?!" Galit na sigaw ko habang tinutulak ko siya.

"Ang bango mo, pakiramdam ko ay masarap ang iyong loob,"

"Huwag mo siyang tangkaing kagatin. Ako na kanyang asawa ay hindi siya kinakagat, ikaw pa kayang bahag ang buntot at tuso ngunit mahinang umunawa na sa akin siya?"

Tumitig ako kay Keegan na kadarating lang. I really admired him now. I just can't imagine kung panaginip lang lahat 'to dahil mawawala siya sa akin. Ang nag-iisang lalaki na hindi ako sinaktan.

Mabilis na nakarating si Keegan sa puwesto ko sabay niyakap ako at hinalikan sa pisnge sa harapan ni Manaron.

He hold my hands habang naglalakad kami papunta sa sala. Bumungad naman sa amin ang isa niya pang pinsan na si Karagon na ang sama ng tingin sa akin.

"Ang bango ng iyong asawa. Maaari ko ba siyang kagatin?"

"Nagmumukha kang inutil dahil uhaw na uhaw ka sa dugo. Mayroong factory ang ating pamilya, bakit ayaw mong lunurin ang iyong sarili doon?"

Idol ko na talaga ang asawa ko. Mas masungit pa sa akin. Mabuti na lang dahil mayroon akong 'siya' dahil hindi na ako maaapi.

Mabilis akong sinugod ni Karagon sabay hinawakan niya ako sa leeg. Pero mabilis na kumilos si Keegan para sakalin din si Karagon. Dinala ng asawa ko si Karagon sa pader habang sinasakal. Hanggang sa nabutas ang pader kaya lalo akong nagulat. Hindi na ako magtataka dahil malakas talaga si Keegan.

May biglang humawak sa bewang ko. Nang lingunin ko ay si Manaron pala habang nakangisi sa akin. Kumindat siya sa akin sabay madiin na ni-lock ang dalawa niyang kamay sa bewang ko.

"Hoy bampirang mukhang sahig, ano bang trip mo? Gusto mo bang matikman ang suntok ko?"

Tumango siya sabay tumawa. Hindi ako nagdalawang isip na suntukin siya pero ako ang nasaktan. Hinawakan niya ang kamay ko kaya pinilipit ko ang kamay niya. Pero nang titigan niya ako gamit ang mata niyang kulay pula ay bigla akong nanghina.

Sa tingin ko ay kinokontrol niya ako. Hanggang sa may biglang humalik sa pisnge ko sabay niyakap ako. At nakita ko na lang si Manaron na nakahiga na sa sahig.

"Sa susunod na gamitan mo ng kapangyarihan ang aking kapilas ng buhay ay gagawin kitang alipunga." Keegan held my hands. Inalalayan niya ako sa paglalakad papunta sa aming kwarto.

Pero may biglang sumulpot sa aming harapan. Siya 'yong nag-asikaso sa akin.

"Keegan, may problema sa blood factory."

"Ano ang problema, Selsy?" nag-aalalang tanong ng asawa ko. Lumingon naman siya sa akin. "Eliha, si Selsy ang tagapagtaguyod ng aming factory."

Nag-bow lang ako.

Ngumiti sa akin si Selsy sabay tumingin kay Keegan, "Sumama kayo sa akin."

Mabilis kaming naglaho.

Bumungad sa akin ang isang malaking building na kung saan maraming mga bampira ang napasok. Mahigpit akong humawak sa braso ni Keegan dahil pakiramdam ko ay masama ang tingin sa akin ng mga bampira.

Pinisil ni Keegan ang pisnge ko sabay pumasok na kami sa loob.

"Ayaw ko nang gamitin ang kapangyarihan ko para sa inyo!" sigaw ng isang matandang lalaki.

"Siya ang isa sa makapangyarihan dito, Keegan. Pero ayaw na niyang gamitin ang kapangyarihan niya para makakuha ng blood sa kabilang mundo sa mga tao."

"Bakit daw?"

"Ang sabi niya ay mayroon daw siyang kamag-anak doon, pero nakakapagtaka, Sir. Alam naman natin na walang sinuman ang makakarating sa mundo ng mga tao. Nakakakuha lang tayo ng dugo mula sa kanila sa pamamagitan ng kapangyarihan ng mga katulad ng matandang lalaki."

"Ano?!" hindi ko na napigilang sumigaw. Nahiya ako nang tumingin sa akin ang dalawa pati na rin ang iba pang bampira.

Kaagad akong lumapit sa matandang lalaki. "Paano mo nasabi na mayroon kang kamag-anak sa mundo ng mga tao? Tao ka rin ba noon?!"

"Hindi ko alam! Mayroon lang akong naalala!" malakas na sigaw niya. Kaagad namang lumapit si Keegan sabay inakbayan ako.

"Huwag mong sigawan ang aking asawa. Kung ayaw mong gamitin ang iyong kapangyarihan ay maaari ka ng lumipat sa mansion ng mga mangkukulam."

Hindi sumagot ang lalaki.

Ang creepy kasi ng factory nila Keegan. Pakiramdam ko ay hindi ko masisikmura na uminom ng gano'n.

"Pero, Sir! Sana naman ay magbago ang inyong isip. Sapagkat ang kapangyarihan niyo ang tulay para mabuhay ang ilan pang bampira rito. Maawa rin naman po kayo sa mga bata pa rito," pahabol na sabi ko.

"Pero sa mga tao ay hindi ka naaawa?" naiiritang tanong niya.

"Keegan, pumapatay ba sila ng tao sa ibang mundo para lang sa factory niyo?!" galit na sigaw ko.

"Hindi, Eliha. Sa katunayan ay sa mga patay na tao sila kumukuha gamit ang kanilang kapangyarihan."

"Sir! Alam ko na may mali at hindi makatao 'yon pero, Sir! Bampira po sila at ikaw. Ang kailangan niyong gawin ay huwag munang umatras. Bagkus unawain niyo na lang po."

"Ano ang ibig sabihin ng Sir?" tanong niya.

"Hindi na ba kayo aalis?" tanong ni Selsy sa kanya.

"Pag-iisipan ko," maikling sagot ng lalaki sabay umalis.

"Salamat sa tulong," bulong ni Keegan. Ngumiti ako kasi ang sarap sa pakiramdam na lumapat ang kanyang labi sa aking tainga.

Bigla kaming naglaho ni Keegan. Nakabalik na kami sa mansyon.

"Gusto mo bang kunan kita ng prutas sa mansyon ng iyong ina na si Eliza? Hindi ka pa kasi kumakain. Nais kong magkaroon ng laman ang iyong tyan."

"Ikaw ang bahala, honey," mahinang bulong ko.

"Honey?"

"Ang ibig sabihin no'n ay matamis ka kaya honey," natatawang sagot ko. Tumawa rin siya sabay ginulo ang buhok ko. His eyes turned red and kinagat niya ang kanyang labi.

Hala! Ano kaya ang iniisip ng aking asawa?!

Hinimas niya ang braso ko gamit ang isa niyang kamay sabay madiin niyang hinawakan ang bewang ko. Inilapit niya ang ulo niya sa leeg ko sabay hinalikan. Napapikit ako dahil sa masarap at masayang pakiramdam.

Biglang bumukas ang pinto. Nang lumingon kami ni Keegan ay may isang kakaibang nilalang ang bumungad sa amin na maraming dalang maleta.

Sino siya?

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status