Share

Kabanata 4.

Author: aironia
last update Last Updated: 2022-05-16 19:18:23

Eliha's POV:

Ilang oras akong nakatingin sa langit. Hindi ko na napigilang umiyak dahil natatakot na ako. Si Keegan kasi ang lumigtas sa akin kahapon. Oo isa siyang bampira, normal na gano'n ang war or fight action nila pero nakaka-trauma para sa akin. At nakakapagtaka dahil bakit hindi sumisikat ang araw?

"Eliha, ang puso ko'y labis na nagtatampo sapagkat malayo ang iyong loob sa akin. 'Di ba matagal na nating pinangarap ang ikasal noong tayo'y magkasintahan pa lamang?"

Hindi ako makasagot sapagkat hindi ko naman siya naging kasintahan. Siguro ay naging extra lang ako sa buhay niya ng dahil sa panaginip na ito.

Nagulat ako nang bigla siyang makarating papunta sa harapan ko.

"Ano ang aking magagawa para maging masaya ang aking kapilas ng buhay?"

"Keegan, ano ang kapilas ng buhay? Masyado kasing matalinhaga ang mga sinasabi mo."

"Ang ibig sabihin ng kapilas ng buhay ay asawa,"

Hindi ko alam kung bakit o paano pero hindi ko napigilang ngumiti.

"Maaari mo rin akong tawagin na gano'n, Eliha." Hinawakan niya ang kamay ko sabay hinalikan.

Tumango lang ako at ngumiti.

Medyo naiiyak ako dahil first time kong naramdaman na may isang nilalang ang magpapasaya sa akin, ang magtatanggol sa akin, at ang mag-care. Ngayon, pakiramdam ko'y ako'y minamahal.

"Keegan, gaano mo ako kamahal?"

"Ang aking pagmamahal sa 'yo ay walang patid. Kahit na ang puso ko'y itim, namumula ito sa tuwing naririnig ang iyong pangalan at sa tuwing ikaw ay kapiling."

Tumawa ako nang tumawa, "Alam mo, ang cute mo!"

"Ano ang cute na salita, aking Eliha?"

"Ang ibig sabihin no'n ay gusto kitang makasama kahit na hindi pa talaga kita kilala. Ang ibig sabihin no'n ay ipinaramdam mo sa akin na ako'y kakaiba at dapat ingatan. At ang ibig sabihin no'n ay ikaw ang pinaka guwapong lalaki na nakilala ko."

Ang layo ng sagot ko sa kahulugan ng cute. Pero hayaan na.

Pinisil niya ang aking pisnge. "Marami pa lang kahulugan ang isang salita na 'yon, mahal. May nais akong itanong, gusto mo bang ipakita ko sa 'yo ang aking kapangyarihan?"

Bumuntonghininga ako, "Ano naman iyon?"

Namangha ako nang bigla siyang maging isang paniki. Pero hindi isang maliit na paniki dahil isang malaking paniki.

Nanlaki ang mga mata ko nang bigla niyang dinagit ang damit ko.

Napangiti ako nang makarating kami sa mataas na bahagi ng mundo nila. Hindi ko alam kung matatawag ba itong langit pero pakiramdam ko ay nasa langit ako. Ang saya ng nararamdaman ko ngayon.

Inikot ako ni Keegan sa mundo nila. Nakita ko ang bawat magagandang bahay, ang ibang mga bat, ang iba rin na bampira at mga kakaibang nilalang.

Kung panaginip man ito, parang ayaw ko nang magising.

Hanggang sa ibinaba na ako ni Keegan sabay bumalik siya sa dati niyang anyo.

"Masaya ka ba, mahal ko?"

Hindi ako sumagot, bagkus kaagad ko siyang niyakap nang mahigpit. "Thank you, Keegan."

"Ano ang ibig sabihin no'n, Eliha?"

"Salamat,"

Ngumiti siya sabay niyakap ako. Dahan-dahan niyang inilapit ang mukha niya sa akin sabay kaagad na hinawakan ang panga ko. Madiin niyang inilapat ang kanyang labi sa akin.

Hindi ko alam pero hinayaan ko lang siya. Kakaiba ang saya ko ngayon na hindi ko naranasan noon.

Ako ang bumitaw sa kanyang halik. "Keegan, palagi bang gabi sa mundo niyo?"

"Oo, Eliha dahil hindi kami p'wedeng masikatan ng araw. Pero sa katunayan, dati ay dumadating ang umaga sa mundo namin ngunit ginamit ng aking ina ang kanyang kapangyarihan para maprotektahan ang bawat bampira."

"Ngayon ay naiintindihan ko na, Keegan. Alam mo, parang mayroon kang kamukha." Hinawakan ko ang kanyang mukha. Napangiti ako nang pumikit siya sa ginawa ko.

I am so lucky dahil siya ang husband ko. Pero, deserve ko ba siya? At deserve niya rin ba ako?

"Ang mukha ko ang nakatadhana sa 'yo lalo na ang aking puso, Eliha."

"Salamat husband,"

"Husband?"

"Ang ibig sabihin no'n ay lalaking asawa." Tinapik ko ang balikat niya habang natatawa.

"Ang tamis naman ng ibig sabihin no'n, Eliha. Pero alam mo ba, ako ay labis na nagtataka dahil wala ka namang alam noon na ganoong mga salita.. saan ka natuto?"

"Gusto ko nang umuwi, Keegan."

"Hindi ka ba nagugutom? Ano ang iyong nais inumin? Gusto mo ba ng tubig?"

Nakakapagtaka dahil hindi ako nakakaramdam ng gutom. Ano ba ang nangyayari sa akin?

"Tubig na lang Keegan. May tanong ako, dugo lang ba ang iniinom niyo? Hindi ba kayo kumakain?"

"Hindi, sa katunayan ay mayroon kaming blood factory. Mayroon namang ibang pagkain dito na kinakain ng mga mangkukulam. Gusto mo ba ng pagkain nila?"

"Hindi, ang gusto ko ay umuwi."

Mahigpit niya akong niyakap. And then mabilis kaming nakarating sa kanilang mansion na ang creepy.

"Keegan, p'wede mo ba akong tulungan?"

"Ano ang aking maitutulong?"

"May gusto akong hanapin. Sila ay mga pumapatay."

"Kung nakatira ang mga nilalang na 'yan dito ay matutulungan kitang hanapin sila. Mayroon ba silang ginawa sa 'yo?"

"W-wala, may gusto lang akong tulungan."

"Sa ngayon ay maaari ba kitang turuan kung paano makipaglaban? Para kapag wala ako ay matulungan mo ang iyong sarili."

Tumawa ako, "Gangster ako dati kaya naman kaya ko ang sarili ko. Hindi lang ako lumalaban sa mga taong nananakit sa akin dahil alam ko ang tama sa mali."

"Gangster?"

"Palaban ang parang ibig sabihin no'n tapos may kasamang mga ka-group."

"Pero dati ay wala kang nakuwento na gano'n," pagtataka niya.

"Sige turuan mo ako, paano ba? P'wede ko rin bang matutunan kung paano maging mabilis kagaya mo?"

"Likas na sa aming mga bampira ang mabilis kaya hindi ko alam kung paano ko matuturo sa 'yo. Ganito na lang..." Hinawakan niya ang kamay ko sabay itinapat niya sa dibdib niya. He closed my hands then pumunta siya sa likod ko. Sumuntok siya nang sumuntok gamit ang kamay ko. I

was just smiling habang tinuturuan niya ako.

"Huwag kang mag-alala, kapag nakipaglaban ka naman sa isang nilalang ay maaari kitang kontrolin o ang iyong kilos dahil kasama sa aking aking kapangyarihan."

"Salamat talaga, Keegan. Hindi ko alam ang mararamdaman ko ngayon dahil ngayon ko lang naranasan na maging importante."

Tumulo na ang aking luha. Pinunasan niya ang aking pisnge sabay hinalikan ang aking mga mata.

Bigla akong nagulat nang may dalawang lalaki ang mabilis na lumapit sa amin sabay inilabas ang kanilang mga pangil.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • Married to a Vampire   Kabanata 32. The End.

    Kasalukuyan akong nasa terrace."Hi."Napalingon ako kay Keegan. "Ikaw pala. Kumusta ka na? Alam kong hindi naging madali ang pagluluksa mo para kay Eliha."Nagulat ako nang bigla niya akong yakapin. 'Yung yakap na sobrang higpit. "Matagal kang naging mabuti sa akin, Keegan. Kaya nandito lang ako para makinig sa 'yo.""Walang katumbas na salita kapag ika'y yakap ko, Eliha." Hinimas niya ang buhok ko. "Maraming salamat."Huminga lamang ako ng malalim. Humiwalay ako kay Keegan. "Keegan, mayroon akong sasabihin. Alam kong hindi ka maniniwala at hindi mo maiintindihan pero... gusto ko pa ring sabihin sa 'yo."Hinawakan niya ang kanan kong pisnge. "Handa pa rin akong makinig. Habambuhay akong makikinig sa 'yo."Mariin ko siyang tinitigan, "Keegan, patawarin mo ako sa nagawa ko noon. Mahirap man na sabihin 'to at paniwalaan, naging tao ka noon."Ikinuwento ko ang lahat kay Keegan. Simula sa pag-aabang nila sa amin ng members niya. At ang malala na naging laban namin."Hindi rin pala magan

  • Married to a Vampire   Kabanata 31. The End (1.)

    **"Keha! Anak!"Kanina ko pa hinahanap ang anak ko. "Mama!" masayang sigaw ng aking prinsesa mula sa likod ko. Pagharap ko, nakita ko siya with Keegan. Dalaga na kaagad ang anak ko. Ang bilis niyang lumaki. Ganu'n talaga kapag bampira. Nahirapan ako sa panganganak sa kanya noon, pero masasabi kong worth it."Mama! Alam mo ba, nagpaunahan kami ni papa na tumakbo papunta sa lugar na may nyebe!""Talaga, anak? Sobrang saya mo 'no?""Yes mama! Sobra! Sa susunod, gusto ko na kasama ka na namin ni papa."Ngumiti lang ako sa kanya. Matagal na kaming hindi nag-uusap ni Keegan. Pero kapag kasama si Keha, kahit papaano ay nag-uusap kami. Biglang um-appear si Kein sa harapan naming tatlo. "Kein!" masayang tawag ni Keha kay Kein. Kumaway si Kein kay Keha at binigyan niya ng malaking ngiti ang aking anak."Eliha, ang aking am-" hindi natuloy ni Kein ang sasabihin niya.Sumulpot si king Keg sa harapan namin. Ngumisi siya sa amin. Tinitigan niya ng mabuti ang aking anak.Tumitig si Kein sa a

  • Married to a Vampire   Kabanata 30.

    Ang taong nakita ko na napatay ko dati na leader yata ng gangster group na inabangan kami ay walang iba kundi si Keegan.Kaya ba nakatadhana na magkita kami para makahingi rin ako ng tawad sa kanya sa kasalanan ko noon? Na kung tutuusin ay hindi ko naman talaga sinasadya. Na na-provoke lang ako at ang mga kasamahan ko na lumaban. Pero kasalanan pa rin ang pumatay ng tao. Nasa kwarto ako ngayon, nagkukulong. Sumipa ang baby sa tyan ko, nararamdaman niya siguro na sobrang lungkot ko. Anak, pasensya na kung noong tao pa kami ng papa Keegan mo, aksidente ko siyang napatay. Sobra akong nakokonsensya dahil iniisip ko palagi na baka marami pang gustong gawin sa buhay niya 'yong napatay ko. Pero kasi, ang yayabang nila, ano ba naman ang laban naming mga babae. Hindi rin naman namin akalain na makakapatay talaga kami. Walang araw na hindi ako hinabol ng konsensya ko dahil kasalanan sa Diyos ang nagawa ko.So, si Keegan ay na-reborn bilang bampira. Hindi ko talaga inaasahan na magtatagpo p

  • Married to a Vampire   Kabanata 29.

    Iminulat ko ang mga mata ko dahil naramdaman kong sumipa si baby. Umupo muna ako sa kama pero mayroon akong napansin sa bintana. May nilalang kaya roon na sumisilip sa akin?Lumapit ako sa bintana. Laking gulat ko dahil bumungad sa akin si Keegan na may dalang 'di ko alam na pangalan ng prutas. "A-ano bang ginagawa mo rito?!""P'wede ba na makasama kita kahit ngayong gabi lang?" pakiusap niya. "Ano bang sinasabi mo?! Gagawin mo ba akong kabit?""H-hindi sa gano'n-""Gano'n 'yun, Keegan! Sana naman ay isipin mo ang mararamdaman ng asawa mo at ang nararamdaman ko ngayon!""H-hindi ako aalis rito, gusto ko na makasama ka at ang ating magiging anak.""Ayaw ko.""Gusto ko.""Wala akong pakialam sa gusto mo.""Pero, Keegan! Hindi ikaw ang masusunod."Hindi siya sumagot. Bagkus niyakap niya ako nang mahigpit. Napapikit ako dahil 'yun ang gusto kong gawin niya pero hindi naman ako selfish.Itinulak ko siya. "Kung gusto mo akong makasama ay huwag kang tatabi sa kama ko. Matulog ka sa baba at

  • Married to a Vampire   Kabanata 28.

    Makalipas ang ilang linggo ay malaki na ang tyan ko. Medyo nahihirapan na rin akong kumilos dahil pakiramdam ko ay malaking sanggol ang nasa loob ng tyan ko. "Eliha, wala ka bang gustong kainin? O pagmasdan?" Kein asked. "Wala,""Ang sungit mo ha!""Naiirita lang ako!!!""At bakit?!""Ang bigat ng tyan ko. Pero hoy! Alam mo ba? Ang gusto kong pangalan niya ay Keha kapag babae at kapag lalaki naman ay-""Keho?!" natatawang tanong niya.Hinampas ko siya sa braso. "Hindi! Kapag lalaki ay Kayan.""Ayaw mo sa Keina at Keino? Biro lang!""Mukhang masaya kayong dalawa, ah? Mamaya ay magkakaroon tayo ng bisita," sabat ni Keg."Sino, ama?""Ipapatawag ko na lang kayo." Naglaho siya. "Kailangan ba na humarap ako sa bisita?" nagtatakang tanong ko."Sa palagay ko ay depende sa sasabihin ni ama."Yumuko na lang ako. "Wala ka bang gustong puntahan?""Tinatamad akong kumilos, Kein.""'Yun nga ang nakikita ko. Sa palagay ko ay mas may iba ka pang gusto, sino kaya?" "Anong sino? Wala 'no.""Sigur

  • Married to a Vampire   Kabanata 27.

    ELIHA"Lumayas ka sa aking palasyo!" Keg shouted. "Oo, ako ay aalis na." Tumalikod ako at patuloy na naglakad papalabas. Si Kein ay wala rito sa palasyo pero hindi ko na siya hihintayin dahil marami na akong utang na loob sa kanya. Nagulat ako nang may biglang dumagit sa damit ko. Pagkalingon ko sa itaas ay si Eliza lang pala. Pinipilit kong kumawala pero hindi ko kaya. Nang tingnan ko naman ang baba ay sobrang taas na ng babagsakan ko kaya nanahimik na lang ako.Maya-maya pa ay ibinaba niya ako sa isang bintana. Ito ang bintana ng kwarto namin ni Keegan noon. Nakita ko si Keegan at si Eliha na mahimbing na natutulog.Sana all, joke. Tumabi sa akin si Eliza. "Ang saya nila 'no?""Ano naman ngayon? Masaya na ako para sa kanila. At alam ko na gano'n ka rin dahil hinayaan mo na ang anak mo kay Keegan.""Ano bang akala mo sa akin, Eliha? Tanga? Akala mo ba ay gano'n lang kadali sa akin ang lahat?""Ano bang ibig mong sabihin?! Tsaka bakit mo ako dinala rito?""Ipinakita ko sa 'yo ang

  • Married to a Vampire   Kabanata 26. 1

    **Si Kein ay mapayapang natutulog sa kama. Bumangon ako para buksan ang maganda at malaking bintana. Bumungad muli ang tambo sa akin na nakalutang. Ang kahulugan ba nito ay dapat akong maglakbay? Saan naman ako pupunta? Wala na akong hahabulin pa. Siguro ay ito na ang ending ng aking buhay. Pero at least, masasabi ko na masaya ako. Pagkatingin ko sa baba ay nakita ko si Pluma na nakaupo at nakatingin sa akin. "P-Pluma?!" Sumakay ako sa tambo para makababa. "Ano ang ginagawa mo rito? Kumusta ka? Okay ka lang ba?!"Gumalaw ang kanyang buntot sabay kiniskis ang kanyang ulo sa mukha ko. Napangiti ako sa ginawa niya. "Alam mo, para sa akin ay sapat ka na, Pluma. Salamat kasi pinuntahan mo ako. Sana ay hindi ka nalito dahil hindi ako ang totoong Eliha. At sana ay hindi mo ako makalimutan.""Paano ko makakalimutan ang isang katulad mo?" tanong niya.Bigla akong napaatras. "Nagsasalita ka pala?!" "Oo, ako si Pluma Vampyres, ang lion na bampira na pagmamay-ari ng mga Vampyres.""H-hindi k-

  • Married to a Vampire   Kabanata 26.

    ELIHAIpinagpabukas na ang pagdiriwang ng engagement party sana namin ni Kein. Pero sinabi ko kay Kein na may bago kaming plano na imbis na sa amin ay para na lang kay Eliha at Keegan. **"Para sa akin ba talaga itong magandang bestida na ito?" Eliha asked. Ang inosente ng boses niya at siya mismo. Nandito kami ngayon sa kwarto na tinutuluyan ko. Ang gagawin ko lang naman sa kanya ay ang ayusan siya. Si Kein naman ay nasa labas dahil inaasikaso niya ang pagdiriwang mamaya. "Oo para sa iyo 'yan. Alam ko na magiging masaya ka kapag nakita mo ang iyong magiging asawa." Hinimas ko ang maganda niyang buhok habang nakatingin sa bintana. "Salamat!" Masaya niyang sabi habang nakatingin sa salamin. Hindi siya bampira kaya mayroon siyang repleksiyon sa salamin. Kinausap ko kagabi si Kein, itinanong ko kung mayroon bang maayos na hiwalayan gamit ang papel o batas nila para sa aming kasal. Ang sabi niya ay wala naman daw, depende raw kung iiwan na ng asawa. Kaya siguro wala ng pakialam sa aki

  • Married to a Vampire   Kabanata 25. 1

    Tumango na lang ako kay Tatay. Ang gulo, pero sana ay unti-unti ko nang malaman ang katotohanan. At syempre, ang pagkatao ni Eliha. Pagkatapos kong maubos ang isang bote ng alak ay pakiramdam ko ay lasing na ako dahil grabe ang hilo na aking nararamdaman. "Aalis na po ako!" paalam ko kay Tatay. Tumango lang naman siya. Muli akong sumakay sa tambo. Pupuntahan ko na si Eliza.. pero pasikreto akong kikilos. Habang nasa itaas ako ay pakiramdam ko ay mahuhulog ako dahil sa hilo. Dahan-dahan akong bumaba sa likod ng mansyon ni Eliza. Sakto naman dahil bukas ang pinto sa likod. Dahan-dahan akong naglakad na walang maririnig na yapak. Sigurado kasi ako na nandito lang si Eliza sa paligid. Bumungad sa akin ang sampung kwarto. Alin kaya ang sa kanya d'yan?Binuksan ko ang itim na pinto. Bumungad sa akin si Eli habang natutulog. Nandito na pala siya, akala ko ay bumalik siya sa mansion ng mga Vampyres. Sa kwarto ni Eli ay mayroon akong nakita na mga picture frame ni Eliha. Paano ko nalaman

Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status