Share

Chapter 3

Penulis: Blissy Lou
last update Terakhir Diperbarui: 2025-03-18 13:28:02

Makalipas ang ilang linggo ay patuloy pa rin na laman ng tsismis si Camilla sa kanilang kompaniya. Tila isang mikrobyo na lang ito sa kaniya at na-immune na siya. Pero minsan ay hindi niya mapigilang maiyak. Para kasing ang sama-sama niya sa paningin ng lahat. Sa kwento nila ay siya ang may kasalanan kahit na pareho naman nilang pinasok ni Herald ang sitwasyong ito. Kaya minsan ay nagiging dahilan din ito ng hindi nila pagkakaunawaan. 

 Kung saan narinig na niya sa lalaki ang salitang matagal na niyang inaasam ay siyang inis niya naman rito. Hindi man lang kasi siya nito magawang ipagtanggol. Oo nga’t mahal siya nito pero bakit hindi niya makita o maramdaman? Simula nang i-lauch din nila ang bagong product ay naging abala na rin sila pareho. Pero nandoon pa rin na napupunan nila ang pangangailangan ng bawat isa. Kahit minsan ay badtrip siya rito ay hindi pa rin niya magawang tanggihan. Iyong tampo at inis niya sa lalaki ay kusang natatakpan sa tuwing nagdidikit ang kanilang katawan. Hindi rin kasi nila matiis ang isa't isa lalo na kung katawan na nila ang kusang naghanap sa isa't isa.

 “You’re Camilla, right?”

 Napatingala siya sa nagsalita. It’s Jasmine Flores, one of the popular endorsers of Fonteverder’s product. She’s tall and mestiza. Actually, she’s the model for the company’s new product endorsement, which is a skin whitening capsule. Some of people think Celestine should have been the one, but she turned it down because she’s already overloaded with endorsements. She said it’s better to give others a chance to shine. And that’s why Jasmine was chosen, because she has soft and smooth skin.

 “Ano ang maitutulong ko?” 

 Napataas ang kilay ni Camilla nang maarte itong napa-ekis ng mga kamay at nginiwian siya. Itinabingi rin nito ang ulo at hinagod ng tingin si Camila mula ulo hanggang paa. Dahil sa ginawa ng babae ay tila nawalan siya ng ganang ituloy ang kinakain. Lunch break nila at nandito siya sa kantina ng kompaniya.

 “So, ikaw nga. Weird lang! Ano kaya ang nakita sa iyo ni Mr. Fonteverde? You look cheap like made from divisoria, like that,” maarteng wika nito.

 “I’m done.” Binaba niya ang hawak na kutsara at tinidor. Tuluyan na nga siyang nawalan ng gana.

 Tumayo siya at aalis na sana nang ipatong ni Jasmine ang kamay sa mesa upang harangan ang dadaanan ni Camilla. Kung kanina ay may iilan nang nakapansin sa bahagi nila, ngayon naman ay halos lahat ng naroroon ay nakatingin na sa kanila. Lalo na at may kalakasan din ang ginawang pagtapik ni Jasmine sa mesa.

 “Hey, sayang ‘yong food. Hindi mo uubusin?” 

 “Umalis ka d’yan, dadaan ako,” may pagtitimping aniya.

 “Kung ayaw ko? Anong gagawin mo?” panghahamon nito.

 Sandaling napapikit sa inis si Camilla at napabuga ng bahagya.

 “Wala akong kasalanan sa ’yo at ayaw ko ng gulo. Hangga’t maaari paalisin mo na ako. Maraming tao rito.”

 “Wala ka ngang kasalanan, pero naiinis ako sa ‘yo. Anong mayro’n ka at bakit pinatulan ka ni Mr. Fonteverde? Wala ka naman sigurong binatbat sa asawa niya! Oo, hindi pa namin nakikita si Mrs. Fonteverde, pero bakit naman bumaba ang standard ni Herald?”

 Napataas ng kilay si Camilla dahil sa paraan nito ng pagtawag sa pangalan ng kanilang boss. Na akala niya'y siya lang ang nakagagawa. Sino ang babaeng ito sa harapan niya?

 “Miss Jasmine, kung wala kang magawa sa buhay mo… o hindi kaya…” Bumaba siya ng tingin sa pagkain. “O ‘di kaya'y nagugutom ka. Ikain mo na lang kaya? Ito, oh. Wala pa namang bawas ‘yan. Ngayon, umalis ka d’yan at dadaan ako para hindi ka mapahiya.”

 “Oh, wow! Coming from you? Scary! At bakit ako mapapahiya e, ikaw naman talaga ang nakakahiya sa ating dalawa. Look at them. Look at the people around you inside this company. You know na alam na nila ang ginagawa mo… higad!”

 Inikot rin ni Camilla ang kaniyang paningin sa paligid nila. Halos lahat ng nanoood ay nakatingin sa kaniya. Puno ng panghuhusga ang mababasa mo sa kanilang mga mata habang nakatingin sa kaniya.

 “At ang kapal pa rin ng mukha mo para hindi umalis sa kompanyang ito. For your information at baka nagiging kampante ka na. Hindi magandang impluwensya ang isang katulad mo sa kompanyang ito. Lahat sila naiinis at nagagalit sa iyo. Alam mo kung bakit? Pwedeng masira ang reputasyon ng kompanyang ito dahil sa ahas na katulad mo, alam mo ba ‘yon? Pwede ring magkagulo ang Fonteverde dahil sa ‘yo. Wala kang magandang maidudulot. For sure naman, inakit mo lang talaga si Herald. Kung ako sa ‘yo umalis ka na bago ka pa kaladkarin ng mga Fonteverde.”

 “Wala kang karapatan pagsalitaan ako ng ganyan dahil unang-una hindi mo alam ang mga pinagdadaanan ko.” Malakas niyang hinawi ang kamay nito na ikinangiwi nito sa sakit. Dahil sa kaniyang ginawa ay muntikan na ring matumba si Jasmine.

 Ngunit nang makalagpas si Camilla kay Jasmine ay siyang bangga niya sa kung sino kung kaya’t tumilapon at kumalat sa kaniyang damit ang mga dala nito na ikinagulat niya.

 “Ops! I’m sorry. Pakalat-kalat ka kasi. Well, deserve,” ayon sa babaeng nakabanggaan niya.

 Napatingala siya sa babae. Nakataas na ang kilay nito habang nakangisi ang mga labi. Parang gusto nang maiyak ni Camilla sa nangyayari pero pinipigilan niya. Mabilis siyang naglakad palayo, ngunit hindi siya nakatakas sa alingawngaw ng tawanan at masasakit na mga salita mula sa lahat ng taong naroroon—tila ba pinagkakaisahan siya.

 Mabilis na nagtungo si Camilla sa kaniyang office at dumiretso sa sarili niyang confort room at ni-lock ito. Mabilis din niyang tinakbo ang lababo at binuksan ang gripo. Inis niyang kinuskos ang damit na puno ng mantsa ng mga pagkaing tumilapon dito habang umiiyak. Tuloy-tuloy ang pag-agos ng kaniyang luha na para bang walang katapusan. Ito na marahil ang karma ng mga ginawa niya. Pero bakit sa kaniya lang nangyari? Bakit siya lang ang nagdudusa? Bakit napaka-unfair ng mundo? Wala naman siyang kasalanan. Nadala lang naman siya sa mga nangyayari. Hanggang sa hindi na nga niya mapigilan ang nararamdaman at nagpatangay na lang siya sa agos. Sa sobrang sakit ay napasigaw siya. Isinandal niya ang likod sa malamig na sementong pader. Hindi niya na rin pinagkaabalahan pang patayin ang tubig sa gripo na patuloy na umaagos. 

 Sa tagal niyang nakatulala sa loob ng banyo ay isang tawag ang nagpabalik sa kaniyang ulirat. Kinuha niya ang kaniyang cellphone at tiningnan kung sino ang tumatawag. Nagtaka siya sa pangalan na lumitaw sa screen ng kaniyang cellphone.

 “Nay, bakit po kayo tumatawag?” kaagad niyang sagot.

 “Anak, tumawag kanina ang teacher ni Emma. Hindi ka raw niya ma-contact kaya ako nalang ang tinawagan. Nandito kami ngayon sa hospital?”

 Nanlaki ang mga mata niya at mabilis na tumayo. Kahit tatlong taon palamang kasi si Emma ay nag-aaral na ito. Pinaaral niya ang anak sa pribadong paaralan ng nursery sa kanilang lugar.

 “Ho? Ano po ang nangyari kay Emma, ‘nay?”

 “Sorry, anak. Hindi ko kaagad siya nasundo. Nabundol siya ng sasakyan.”

 Pagkarinig niya sa huling kataga ay mabilis na kumabog ang dibdib ni Camilla. Tila naging mabilis ang pangyayari at sa isang iglap ay narating ni Camilla ang ospital na kinaroroonan ng kaniyang anak. Hindi na niya alam kung paano niya narating ang ospital sa labis na pagmamadali niya. 

 “Emma, anak!” kaagad na niyakap ni Camilla ang anak na nakahiga ngayon sa ospital bed, wala itong malay at may nakapulupot na bendahe paikot sa ulo ng bata, mayroon din ito sa paa at may gasgas ang mukha at kamay. Napaiyak muli si Camilla. Hinawakan niya ang kamay ng anak. 

 ‘Panginoon, kung ito po ang kaparusahan sa mga nagawa kong kasalanan sana’y mapawad Ninyo ako. Gagawin ko po ang tama. Babawi ho ako, huwag Niyo lang kunin ang aking anak,’ taimtim na dalangin ni Camilla habang hinahalikan ang kamay ng kaniyang anak.

 “Sabi ng doctor, minor lang naman daw ang natamo ni Emma. Hindi naman malakas ang pagkakabundol sa kaniya pero konkreto kasi ang binagsakan niya, kaya natamo niya ang sugat sa kaniyang ulo at may maliit na buto ang na-damage sa kaniyang paa.” 

Napatingala siya sa kaniyang Inay Leanna nang sabihin ang lahat ng iyon. Nakatayo ito sa kabilang side ng higaan kung saan magkaharap sila. Muli ay napatingin siya sa kaniyang anak at tinitigan ito. Mabilis na tumulo ang luha sa kaniyang mga mata.

“What is this?” pagtatakang tanong sa kaniya ni Herald nang iabot niya ang brown envelop imbes na tanggapin niya ang halik nito.

Kanina sa ospital ay nag-text ito na magkita sila dahil hindi siya nito nakita buong araw at miss na miss na kuno siya nito. Sandali siyang nagpaalam sa kaniyang Inay at iniwan si Emma sa kaniyang Ina. Nagising na si Emma nang mga oras na iyon. Laking pasasalamat naman sila dahil naging okay na rin ang bata. Hinihintay lang nila ang magiging reaksyon ng pagkakabagok ng ulo nito katulad ng pagkahilo at pagsusuka, ngunit wala namang ibang ininda ang bata at nakatulog ulit kalaunan. At ipinagpasalamat iyon ni Camilla. Nang matanggap ang text ay nag-reply siya ng lugar na pwede silang magkita, malapit lang din sa ospital ang pinili niya para hindi na siya bumyahe pa ng malayo.

“Are you resigning? Why?” 

“Tigilin na natin ‘to,” naging tugon na lang niya.

“I’ve been informed about what happened this morning. I’ll summon everyone who was there and talk to them. That incident will never happen again, and I’ll provide you with a bodyguard for your protection.”

Pagak na natawa si Camilla habang pinupunasan ang kaniyang mga luha. Ano ba ang utak na mayroon ang lalaking ito na puno ng kahibangan ang mga iniisip? Ni hindi man lang nito maunawaan na nahihirapan na siya at pinaparusahan na siya dahil sa mga panlolokong ginagawa nila sa asawa nito.

“Bodyguard? Seryoso? Kung hindi ka pa pagod, ako kasi pagod na!” Pagharap niya sa lalaki. 

“Herald, wala naman itong patutunguhan e. Pareho lang tayong masasaktan. Pareho lang tayong mahihirapan. Ako ito, oh! Pinagdudusahan na nga ang lahat ng mga maling ginawa natin. Wala naman sigurong mawawala sa ‘yo kung ititigil na natin ito? Ako kasi marami… ‘yong dignidad ko, kalayaan ko… buong pagkatao ko na pinaghirapan kong buuin na nasira dahil sa nangyari sa nakaraan ko ay unti-unti na namang nawawala sa akin. Hindi ko na kayang ilaban ‘to kung may mawawala na naman sa akin dahil sa pagkakamaling ito,” napapaos niyang pahayag.

“Pakiusap! Tanggapin mo na ang resignation letter ko. Mahal kita, oo, pero habang patuloy na pinaglalaban ko ‘tong nararamdaman ko sa ‘yo ay siya namang pagsira ko sa sarili ko… I’m sorry, but were done.”

“No! I won’t let you go. Camilla, ikaw ang mawawala sa akin if I let this happen. I’ll do everything para hindi ka mawala sa akin. I promise!” pagmamakaawa nito.

Kinuha ni Herald ang kaniyang mga kamay at hinawakan ang mga ito. Napapailing na lang si Camilla. Nahihirapan na nga siyang timbangin ang sitwasyon tapos ngayon mas lalo pa siya nitong pinahirapan. Binawi niya ang kaniyang mga kamay nang subukan nitong hagkan iyon.

“Bumalik ka na sa asawa mo,” huling sinabi niya bago bumaba ng sasakyan.

Masakit man para kay Camilla ang kaniyang naging desisyon at ginawa, pero iyon ang tama. Sa pangalawang pagkakataon, dahil sa mga katangahan niya, ay nabigo muli siya sa buhay. Muli niyang sinira ang sarili. Pero sa pagkakataong ito, natuto na siya.

Lanjutkan membaca buku ini secara gratis
Pindai kode untuk mengunduh Aplikasi

Bab terbaru

  • Married to the Lost Heiress   Chapter 8.2

    Isang gabi, nilapitan ni Herald si Camilla habang nag-aaral ito. “Ayos ka lang ba?" tanong ni Herald, hugging her from behind while she was staring out the window. "Kinakabahan ako, Herald. Malapit ko ng makita ang lugar kung saan nagsimula at nagwakas ang lahat. Makikita ko na ang lugar na halos mahabang panahon din nagpapakita sa mga panaginip ko," sagot ni Camilla. "You're not that three-year-old girl anymore," bulong ni Herald, kissing her temple. "You are a Madden and a Savelli. And more importantly, you are a Fonteverde. No one can touch you now." “Para sa mga magulang ko, at para sa kinabukasan ni Emma. Kakayanin ko basta nasa tabi kita,” naging saad ni Camilla. Napapikit na lang si Camilla nang mas lalong hinigpitan ni Herald ang pagkakayakap nito sa kaniyang likuran. Makalipas ang ilang oras, pumasok at lumapit si Alexa kay Camilla sa silid nito sa private villa ng mga Fonteverde. Wala na ang asawa nito si Herald at tumungo sa baba para makipag-usap sa pamilyang Madd

  • Married to the Lost Heiress   Chapter 8.1

    Kinabukasan, hindi nagsayang ng oras ang mag-asawang Madden, tinawagan nila ang kanilang bunsong anak na si Thomas Madden na nasa London. “Thomas, we found her. We finally found Veronica’s daughter,” garalgal ang boses ni Samantha habang kausap ang anak sa video call. Hindi na nagdalawang-isip si Thomas. Sa loob lang ng dalawampu’t apat na oras, lumapag ang kaniyang private plane sa Maynila. Si Thomas ay hindi lang basta isang Madden; he is a top-tier private detective in Europe. His skills in investigation and tactical planning were exactly what they needed. Ngunit sa kabila ng galing niya, sa habang panahon na lumipas ay hindi niya nakuha ang hustisyang nararapat sa nakatatanda niyang kapatid at asawa nito. Nahirapan siya sapagkat naging mahirap ng makapasok ng sinuman sa palasyo simula ng mangyari iyon. Maraming taohan ang hinire ng natirang Savelli, maliban doon ay napapalibutan ng cctv ang lahat ng bahagi sa palasyo at security alarm. Ginawa ito hindi dahil para sa siguridad a

  • Married to the Lost Heiress   Chapter 7

    Nang papasok na sina Herald at Camilla sa maliit na sala, mula sa veranda, ay naabutan nila ang pinag-uusapan ng mag-asawang Madden at Leanna. “Leanna, hindi namin alam kung paano kayo pasasalamatan,” basag ang boses ni Mrs. Madden. Dahil kalahating dugong Pilipina, ay nakakapagsalita siya ng Filipino nang malinaw . “Pinrotektahan mo ang apo namin sa loob ng dalawampu’t limang taon sa gitna ng hirap at panganib. You kept her safe when we thought she was lost forever.” Tumango si Mr. Madden, ang mga mata ay nagniningning sa determinasyon at lungkot. “Indeed. We owe you everything, Leanna,” wika niya sa baritono at malalim na boses, may bakas ng British accent. “But it breaks my heart to know how much you both suffered dahil sa kasakiman of that man.” Bagaman Ingles ang kanyang kinalakihan bilang purong British, natuto siyang magsalita at umunawa ng Filipino dahil sa pagmamahal niya sa kanyang asawa. Tinitigan ni Camilla ang lahat. Ang puso niya ay punong-puno ng determinasyon, ngu

  • Married to the Lost Heiress   Chapter 6

    Nanlalamig ang mga daliri ni Camilla. Sa gitna ng marangyang bulwagan, sa ilalim ng nagniningning na mga chandelier, tila tumigil ang ikot ng mundo niya. Ang boses ng matandang babae—si Mrs. Madden—ay patuloy na umuukit sa kanyang isipan. Camilla Sarai. Isang pangalang hindi niya kailanman ginamit, ngunit tila may kakaibang kurot sa kanyang puso sa tuwing naririnig niya ito. “Herald, ano ang ibig nilang sabihin?” pabulong niyang tanong habang mahigpit na nakakapit sa braso ng asawa. Pakiramdam niya’y lulubog siya kung bibitaw. Hinarap sila ni Herald, bakas sa mukha ang protektibong pag-aalala. “Mr. and Mrs. Madden, baka nagkakamali lang kayo ng akala. My wife grew up here in the Philippines. She’s not—” “Mr. Fonteverde, you have an idea about our family’s history,” putol ni Mr. Madden, garalgal ang tinig. “Look at the necklace she’s wearing. That’s the Madden Crest. That was the last gift we gave to our daughter, Veronica, before she married Alessandro and chose to live in th

  • Married to the Lost Heiress   CHAPTER 5

    “Finally, Herald already told you.” Sandaling naputol si Camilla sa pagkatitig niya sa kaniyang sarili sa isang full-length mirror. Tumama ang paningin niya sa bagong pasok na ngayon ay nakangiti sa kaniya. Puno ng pagkamangha ang mga mata nito habang sinusuyod ang kabuoan niya. Camilla looked stunning in an elegant red dress that perfectly complemented her mestiza features. “By the way, you’re so beautiful! I can see why Herald might think that way about you. First of all, you’re not exactly beautiful, but you do have a lot going for you as a woman.” Lumapit sa kaniya si Hera Celestine at ipinatong ang mga kamay nito sa balikat ni Camilla. Tinitigan siya nito sa kaniyang repleksyon sa salamin. Humarap si Camilla nang may pagtataka. “Alam mo?” hindi niya mapigilang itanong. Bahagyang napabuntong-hininga si Celestine. “Yeah. And I’d like to apologize for my silence on this matter. I didn’t want to speak for my twin. He’s the one who should tell you the truth. To be honest, we were

  • Married to the Lost Heiress   Chapter 4

    Napapahid ng luha si Camilla nang makita ang pinto ng kuwarto kung saan naka-confine ang kaniyang anak. Inayos niya ang kaniyang sarili. Hindi maaaring makita siya ng kaniyang ina at anak sa ganoong kalagayan at sitwasyon. Napabuga siya ng hangin at napapikit ng mariin nang ma-realize na hindi niya pa pala kayang maging matatag sa harapan nila. Pakiramdam niya, sa pagbitaw niya kay Herald ay siyang pagkawasak ng isa sa haliging nagpapatibay sa buhay niya. Ang siyang sandalan niya at nagbibigay pundasyon para mapawi ang lahat ng bigat na dala-dala niya. Herald holds a special place in her heart. Mahirap burahin ang espasyong iyon sa puso niya. Napaupo siya sa metal na upuan at napayuko. Tinakpan niya ang kaniyang mukha. Tama na muna sigurong ilaan na lang niya ang lahat ng bahagi ng kaniyang puso sa kaniyang anak.“Camilla.”Bigla siyang napaangat ng tingin dahil sa gulat. Pamilyar sa kaniya ang boses na iyon at hindi nga siya nagkamali nang makita ang nagmamay-ari ng tinig na ngayon

Bab Lainnya
Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status