Share

Kabanata Cincuenta y nueve

PASALAMPAK NA NAUPO si Allan sa swivel chair. Narito siya ngayon sa opisina upang magtrabaho o tamang sabihing mag-resign. Handa na ang resignation letter niya't naipasa na rin sa secretary ang mga dapat gawin kapag wala na siya sa serbisyo.

Ngunit dahil nagka-aberya at nagawa pa ring makatakas ni Ramon sa mga tauhang pinadala ay kailangan na niyang gawin ang plan B.

Ang puntahan si Maximo at kausapin ito upang humingi ng tulong na madakip si Ramon sa lalong madaling panahon. Sa laki at lawak ng kapangyarihang sakop ni Maximo ay siguradong magagawa nilang matunton si Ramon. Idagdag pa ang mga tauhang mahusay sa trabaho.

Pero may parte sa kanyang nag-aalinlangan. Kapag nagtungo siya sa mga Lopelion ay kailangan niyang aminin ang totoo at mas mapapaaga ang pag-alis ni Amelia sa bahay at buhay nila.

Ang napag-usapan pa naman nila'y babalik ito sa totoong pamilya pagkatapos na makausap si Scarlette na darating pa mamayang gabi.

Nangako siya kay Amelia na magsasalo-salo muna silang kumain
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status