LOGINTHIRD PERSON POVKinabukasan, maaga pa lamang ay mahigpit na ang seguridad sa Hall of Justice. Sunod-sunod na dumarating ang mga mamamahayag at mga taong gustong masaksihan ang isa sa pinakainaabangang paglilitis sa lungsod. Halos lahat ng mata ay nakatutok sa kasong kinasasangkutan nina Weston Montenegro at Ravia Salvador.Ilang minuto pa ang lumipas ay dumating sina Emery at Zion. Magkahawak ang kanilang mga kamay habang tahimik silang naglalakad papasok ng korte. Nakasuot si Emery ng simpleng itim na blazer at may suot na salamin. Halata sa kanyang mugto at namumulang mga mata na magdamag siyang umiyak, ngunit nanatiling kalmado ang kanyang mukha.Sa kabilang panig naman ay dumating si Weston kasama ang kanyang abogado. Hindi na siya ang dating mayabang at puno ng kumpiyansang CEO. Tahimik lamang siyang naglakad at hindi man lang nagtaas ng tingin.Ilang sandali pa ay ipinasok si Ravia na nakaposas ang mga kamay. Agad niyang hinanap si Weston sa loob ng courtroom. Nang makita niya
THIRD PERSON POVHalos hindi na natapos ni Weston ang tawag nang mabilis niyang kinuha ang susi ng sasakyan sa bulsa niya.“Ano'ng sabi mo?” nanginginig ang boses niya sa telepono.“Nag-collapse po si Sir Benicio. Nasa operating room na po siya ngayon.”Parang tumigil ang mundo ni Weston. “Sige, magbo-book na kami ng flight pauwi dyan.”Agad niyang pinatay ang tawag. Pagkalingon niya ay nakita niya si Alistair na palabas na ng conference room. Agad siyang tumakbo rito.“Alistair!” tawag ni Weston.Napalingon ang pinsan at kumunot ang noo. “Anong problema?”“Si Lolo Benicion, dinala raw sa ospital.Nanlaki ang mga mata ni Alistair at hindi na ito nagtanong pa. “Tara umuwi na tayo.”***Makalipas ang ilang oras ng flight at byahe nila, agad na tumakbo sina Weston at Alistair pagdating sa ospital.Halos hindi na huminto si Weston hanggang sa marating niya ang hallway sa labas ng operating room.Huminto lamang siya nang makita ang pulang ilaw sa ibabaw ng pinto."Operation in Progress."D
THIRD PERSON POVBiglang natahimik ang buong opisina.“Lo—”“Makinig ka muna, Emery,” pagputol ni Benicio.“Lahat gagawin ko.” Napakuyom ang kamay ni Benicio. “Kung gusto mo ng malaking share sa Montenegro Group, ibibigay ko sa'yo.”Umiling si Emery ngunit nakinig lang siya sa sunod nitong sasabihin.“Ako na ang humihingi ng tawad para sa ginawa ni Weston.”Nanigas ang mukha ni Emery at saka unti-unti siyang tumayo.Mahina siyang natawa. “Share? Sa tingin mo ba shares ang gusto ko?”“Emery—”“Sa tingin mo ba negosyo ang dahilan kung bakit ko isinampa ang kaso?”Tumindig na rin si Benicio. “Hindi iyon ang ibig kong sabihin.”Napabuga ng hangin si Emery. “Alam ko kung ano ang ibig mong sabihin.”Halos pumatak na ang mga luha ni Emery ngunit agad niyang pinigilan iyon.“Lo, alam mo ba kung ilang beses akong umiyak dahil kay Weston? Ilang beses niya akong pinili na saktan para protektahan ang ibang tao.”Napasinghap si Emery pilit pinipigilan ang pagbigat ng dibdib niya. “Alam mo kung gaa
THIRD PERSON POVTahimik ang paligid sa executive floor ng Armani Group.Sa loob ng opisina ni Emery, nakaupo sila ni Zion sa sofa habang pinapanood ang mga litrato at video na kuha ni Spencer noong nasa Boracay sila.“Hindi talaga marunong magtago ng camera ang taong ito,” natatawang sabi ni Emery habang tinitingnan ang isang candid photo.Napalingon si Zion. “Alin?”Iniabot ni Emery ang tablet, pagkakita ni Zion ay agad siyang napangiwi. “Burahin mo iyan.”“Bakit?”“Tingnan mo mukha ko dyan, ang panget ko tingnan,” paliwanag ni Zion.Lalong natawa si Emery.Sa litrato ay kitang-kita ang pamumula ng mukha ni Zion habang inaasar siya noon tungkol sa pagiging official nilang dalawa.“Ang cute mo kaya rito,” sabi ni Emery.“Cute ba? Ganito na lang, you can keep that pero kapalit ay isang kiss sa pisngi.” Lalo pang natawa si Emery. “Sige, isa lang ah?”Akmang hahalikan ni Emery ang pisngi ni Zion, ngunit bigla naman itong lumingon kaya sa labi nito tumama ang kanyang halik.Agad niyang
THIRD PERSON POVIlang araw matapos ang desisyon ni Benicio, tuluyan nang nagsimula ang bagong buhay ni Weston Montenegro.Malayo ito sa buhay na nakasanayan niya noon.Wala na ang malawak na opisina sa pinakamataas na palapag ng gusali. Wala na ang mga empleyadong nakapila para batiin siya tuwing umaga. Wala na rin ang personal driver, executive assistant, at mga taong handang sundin ang bawat utos niya.Ngayon, isa na lamang siyang Junior Operations Assistant sa logistics division ng isang branch sa Cebu.Nakasuot siya ng simpleng polo shirt na may logo ng kompanya habang nakaupo sa isang mahabang workstation kasama ang iba pang empleyado.Katatapos lang niyang mag-encode ng delivery reports nang muling bumukas ang pinto ng opisina.“Sir Weston!”Napatingala siya.Nakatayo roon ang supervisor niyang si Mr. Valencia. Agad siyang tumayo.“Why?”Lumapit ang lalaki habang may hawak na ilang folders. Hanggang ngayon ay may kakaibang pakiramdam pa rin ito tuwing kausap si Weston.Sino ba
EMERYPagkatapos ng pag-uusap namin ni Don Marshal, halos hindi ko pa rin mapaniwalaan ang lahat ng nangyari.Hanggang sa paglabas namin ng study room dala ang mga regalo ay parang lutang pa rin ako.Samantalang si Zion naman ay mukhang aliw na aliw sa reaksyon ko.“Emery, are you okay?”Napahinto ako at agad siyang tiningnan nang masama. “Hindi nakakatuwa, Zion.”Natawa na lang siya.Pagdating namin sa kuwarto, tinulungan niya akong dalhin ang ilan sa mga regalo. Isa-isa naming inilapag ang mga kahon sa sofa at sa mesa.Napabuntong-hininga ako. “Hindi pa rin ako makapaniwala.” Itinaas ko ang folder. “Sa ten percent shares na ito.”Tumawa nang marahan si Zion. Napatingin ako sa kanya. “Zion, ten percent iyon, malaking share iyon kaya pwede bang sabihin mo sa lolo mong sobra na ‘to?”Tumago-tango lang siya habang nakangiti sa akin. Inaasar pa rin niya ako.“Hindi mo ba naiintindihan kung gaano kalaki ito?” tanong ko ulit saka umupo sa kama.Ngumisi siya. “Tingin ko naiintindihan ko.” Lu
THIRD PERSON POVMaagang nagising si Ravia sa loob ng presidential suite ng The Royal Grand Hotel, isa sa pinakamahal at pinaka-eksklusibong hotel sa Makati.Mula sa glass windows ng suite niya, rinig niya ang maingay ng mga sasakyan, ngunit mas abala ang isip niya sa nalalapit niyang birthday part
EMERYPagdating ko sa mansyon, pakiramdam ko ay halos wala nang natitirang lakas sa katawan ko.Mabigat ang bawat hakbang ko habang papasok sa loob ng bahay. Hindi ko na alam kung dahil ba iyon sa pagod buong araw o dahil sa bigat ng mga nalaman ko.Hanggang ngayon, paulit-ulit pa ring umiikot sa i
THIRD PERSON POVHalos mawalan ng kulay si Weston. Biglang natuyo ang lalamunan niya habang nakatitig lang sa notification, dahil hindi na ito simpleng shopping spree.Para siyang aatakihin na sa puso habang iniisip kung sino ang baliw ang gumastos ng ganong kamahal gamit ang card niya.Sinubukan ni
EMERY“You’re late.”Iyon ang unang sinabi ni Zion nang umupo ako sa harap niya. Ni hindi man lang niya ako binati. Walang kahit anong emosyon sa boses niya.Napatingin ako sa wristwatch ko kahit alam kong hindi naman ako ganoon ka-late. 7:01 PM. One minute lang.Pero sa paraan ng pagkakasabi niya,







