LOGINTHIRD PERSON POVIlang araw ang lumipas, muling nabalot ng kasiyahan ang Del Fierro Mansion sa loob ng ballroom nila.Ngunit kakaiba ang selebrasyong iyon. Hindi lamang dahil ika-pitumpu't limang kaarawan iyon ni Don Marshal Del Fierro. Kundi dahil iyon din ang unang malaking pagtitipon ng pamilya matapos ang sunod-sunod na trahedyang pinagdaanan nila.Mula pa sa labas ng mansion ay makikita na ang engrandeng dekorasyon. Nababalutan ng puti at ginto ang buong hardin. May malaking entablado sa gitna habang ang magkabilang gilid ay puno ng mga mesa para sa mga bisita.Isa-isang dumarating ang mga kilalang negosyante, pulitiko, at business partners ng Del Fierro Group. Naroon din ang iba't ibang media company upang i-cover ang espesyal na okasyon.Mahigpit naman ang seguridad sa buong paligid. Bawat bisitang pumapasok ay dumaraan sa security scanners at identity verification.Hindi iyon nakaligtas sa pansin ng ilang bisita. "Parang mas mahigpit ang security ngayon.""Natural lang siguro.
THIRD PERSON POVPagkalabas ni Spencer ng opisina, tuluyan nang nabalot ng katahimikan ang buong silid. Dahan-dahang napahawak si Emery sa braso ni Zion. Halata sa kanyang mukha ang takot habang nakatulala sa folder na naiwan sa ibabaw ng mesa.“Zion...” mahina niyang tawag.Agad siyang nilingon ng binata. Napansin nitong bahagyang nanginginig ang mga kamay ni Emery. “Natatakot ako. Dahil siya ang lalaking nakita ko sa isla.”Lumapit si Zion at marahan siyang hinawakan sa balikat.“Hindi kita hahayaang mapahamak, Emery. I promise.”Napapikit si Emery at napabuntong-hininga.“Akala ko tapos na ang lahat.” Huminga siya nang malalim. “Pero ngayon... pakiramdam ko nagsisimula pa lang.”Tahimik na tumango si Zion bago siya tumingin sa larawan ni Ezekiel na nasa folder.“Kung tama ang hinala natin... matagal na niyang pinaplano ang lahat.”Napakunot-noo si Emery. “Pero bakit?” tanong niya. “Ano ba talaga ang nangyari kay Ezekiel?”Tahimik na naupo si Zion sa sofa at bahagyang napaisip.“Ay
THIRD PERSON POVMakalipas ang ilang araw matapos ang libing ni Benicio Montenegro, muling nabalot ng tensyon ang Hall of Justice. Maaga pa lamang ay puno na ng mga mamamahayag at mga taong gustong masaksihan ang ikalawang pagdinig sa kasong kinasasangkutan nina Weston Montenegro at Ravia Salvador.Tahimik na pumasok sina Emery at Zion sa loob ng courtroom. Magkahawak ang kanilang mga kamay habang naghahanap ng mauupuan. Halata pa rin sa mukha ni Emery ang pagod at lungkot dahil sa pagkawala ni Benicio, ngunit nanatili siyang kalmado.Ilang sandali pa ay ipinasok si Weston. Tahimik lamang itong naglakad at hindi man lang nagtaas ng tingin. Kasunod nito ay si Ravia, nagulat na lang si Emery nang makita niyang wala nang posas ito. At may kung anong kakaibang kumpiyansa na ngayon sa kanyang mukha.Bahagyang napakunot-noo si Emery.Maya-maya ay pumasok ang hukom. "All rise."Sabay-sabay na tumayo ang lahat bago muling naupo nang magsimula ang pagdinig.Isa-isang inilahad ng prosekusyon an
THIRD PERSON POVMakalipas ang ilang araw, isinagawa ang burol at libing ni Benicio Montenegro.Tahimik ang buong memorial chapel. Halos lahat ng kilalang personalidad sa mundo ng negosyo ay dumalo upang magbigay ng huling respeto sa dating haligi ng Montenegro Group. Isa-isang dumarating ang mga tao, may dalang mga puting bulaklak at mga mensahe ng pakikiramay.Sa gitna ng chapel ay naroon ang puting kabaong ni Benicio. Nakapalibot dito ang mga bulaklak na paborito nito noong nabubuhay pa.Tahimik na nakatayo si Weston sa harap ng kabaong.Suot niya ang itim na suit na matagal na niyang hindi nasusuot. Mugto ang kanyang mga mata at halatang ilang gabi na siyang hindi nakakatulog.Dahan-dahan niyang inilapag ang puting rosas sa ibabaw ng kabaong.“Lolo...” mahina niyang tawag.Nanginginig ang kanyang boses.“Pasensya na.”Napayuko siya habang mahigpit na nakakuyom ang kanyang mga kamao.“Hindi ko man lang nagawang makabawi sa'yo.”Unti-unting bumagsak ang kanyang mga luha.“Hindi ko m
THIRD PERSON POVNatigilan si Ravia. Pakiramdam niya ay tumigil ang lahat ng ingay sa paligid. Nakatingin lamang siya sa lalaking may peklat sa mukha, ngunit hindi niya maintindihan ang mga salitang narinig niya.Del Fierro? Paano nangyari iyon? Paano siya naging Del Fierro?At higit sa lahat… Paano naging ama niya ang lalaking nasa harapan niya?Dahan-dahan siyang napailing habang nanginginig ang kanyang mga labi.“Ma...” mahina niyang tawag.Napatingin siya kay Yolanda.“Hindi ko maintindihan.” Unti-unti nang nanubig ang kanyang mga mata. “Paano... paano siya naging ama ko?”Tahimik lang ang buong silid.Lumapit si Ezekiel ng isang hakbang, ngunit huminto rin agad. Para bang natatakot siyang ilapit ang sarili sa anak na mahigit dalawampung taon niyang hindi nakita. Pinagmasdan niya ang mukha ni Ravia. Parehong-pareho ng mga mata ng kanyang asawa. At pareho rin ng ngiti noong bata pa ito.Unti-unting namuo ang luha sa kanyang mga mata. Ngunit kasabay niyon ay isang maliit na ngiti. “L
THIRD PERSON POVKinabukasan, maaga pa lamang ay mahigpit na ang seguridad sa Hall of Justice. Sunod-sunod na dumarating ang mga mamamahayag at mga taong gustong masaksihan ang isa sa pinakainaabangang paglilitis sa lungsod. Halos lahat ng mata ay nakatutok sa kasong kinasasangkutan nina Weston Montenegro at Ravia Salvador.Ilang minuto pa ang lumipas ay dumating sina Emery at Zion. Magkahawak ang kanilang mga kamay habang tahimik silang naglalakad papasok ng korte. Nakasuot si Emery ng simpleng itim na blazer at may suot na salamin. Halata sa kanyang mugto at namumulang mga mata na magdamag siyang umiyak, ngunit nanatiling kalmado ang kanyang mukha.Sa kabilang panig naman ay dumating si Weston kasama ang kanyang abogado. Hindi na siya ang dating mayabang at puno ng kumpiyansang CEO. Tahimik lamang siyang naglakad at hindi man lang nagtaas ng tingin.Ilang sandali pa ay ipinasok si Ravia na nakaposas ang mga kamay. Agad niyang hinanap si Weston sa loob ng courtroom. Nang makita niya i
EMERY “Congratulations, Mrs. Montenegro. Positive ang result. Twins ang dinadala mo.” Parang tumigil ang mundo ko. Napatitig ako sa monitor, sa maliliit na anyong kumikislap sa itim na screen, habang nanginginig ang mga daliri kong nakahawak sa gilid ng examination bed. “Twins? Tama ba ang nar
EMERYMaya-maya, biglang may nagsalita mula sa pinto. “Ang corny talaga ng lovey-dovey na 'to.”Napalingon ako at agad na nanlaki ang mata ko nang makita ko si Morgan. Nakatayo siya sa may pintuan habang may dalang maleta.Makalipas ang ilang minuto ay nagsimula na ring magpahinga ang mga bagong dat
EMERYParang nawala ang hangin sa pagitan naming dalawa. Natigilan si Zion sa sinabi ko. Kahit ang dagat ay tila tumahimik din.“Zion,” pagpapatuloy ko habang umiiyak pa rin, “gusto na kita noon. Hindi ko lang alam kung gaano kalalim. Litong-lito ako kasi ang akala ko, si Weston ang nakatadhana sa a
EMERYPagbaba namin ng stage, agad kaming sinalubong ng mga empleyado. Sunod-sunod ang congratulations. May mga lumapit para tingnan ang ring. May mga nagtanong kung kailan ang kasal. May iba namang umiiyak pa rin habang sinasabing deserve ko raw maging masaya.Pero sa gitna ng lahat, may tanong pa







