Home / Romance / Marry Me Instead / Chapter 131- The Accusation

Share

Chapter 131- The Accusation

Author: Eliana Asher
last update publish date: 2026-06-28 13:17:09

THIRD PERSON POV

Nanatiling tahimik ang buong ballroom matapos ang pagpapakilala ni Ezekiel kay Ravia.

Walang sinuman ang nagsasalita.

Tanging ang sunod-sunod na pag-flash ng mga camera at mahihinang bulungan ng mga bisita ang maririnig sa buong bulwagan.

Nakatitig lamang si Don Marshal kay Ezekiel. Hanggang ngayon ay hindi pa rin siya makapaniwala sa kanyang nakikita.

"Ezekiel..." nanginginig niyang tawag.

Bahagyang ngumiti si Ezekiel. "Matagal-tagal din tayong hindi nagkita, Dad."

Unti-unting
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter

Latest chapter

  • Marry Me Instead   Chapter 132- The Truth Unravels

    Makalipas ang halos isang oras, tuluyang huminto ang convoy sa harap ng isang lumang abandonadong warehouse sa labas ng siyudad. Madilim ang buong paligid at tanging iilang ilaw lamang ang nagbibigay ng mahinang liwanag sa loob ng gusali. Puro alikabok ang sahig, habang nagkalat sa bawat sulok ang mga sirang bakal, lumang kahon, at mga kagamitan na matagal nang hindi nagagamit.Isa-isang ibinaba ng mga armadong tauhan ni Ezekiel ang buong pamilya Del Fierro. Walang nakaligtas. Sina Don Marshal, Miguel, Victoria, Eris, Morgan, Zion, Emery, at maging ang walong taong gulang na si Daphne ay sapilitang dinala sa loob ng warehouse.Isa-isa silang ginapos sa mga bakal na upuan.Nanginginig ang buong katawan ni Daphne habang patuloy na tumutulo ang kanyang mga luha."Tita..." mahina niyang tawag kay Emery. "Natatakot po ako..."Halos madurog ang puso ni Emery nang makita ang takot sa mga mata ng bata. Pilit niyang ngumiti kahit siya mismo ay nakagapos at walang magawa."Daphne..." mahina niy

  • Marry Me Instead   Chapter 131- The Accusation

    THIRD PERSON POVNanatiling tahimik ang buong ballroom matapos ang pagpapakilala ni Ezekiel kay Ravia.Walang sinuman ang nagsasalita.Tanging ang sunod-sunod na pag-flash ng mga camera at mahihinang bulungan ng mga bisita ang maririnig sa buong bulwagan.Nakatitig lamang si Don Marshal kay Ezekiel. Hanggang ngayon ay hindi pa rin siya makapaniwala sa kanyang nakikita."Ezekiel..." nanginginig niyang tawag.Bahagyang ngumiti si Ezekiel. "Matagal-tagal din tayong hindi nagkita, Dad."Unti-unting nanubig ang mga mata ng matanda."Akala namin..." Huminto siya sandali. "Akala naming patay ka na."Napailing si Ezekiel."Iyon din ang gusto ninyong paniwalaan."Nanlaki ang mga mata ni Miguel. "Ano'ng ibig mong sabihin, Kuya?"Dahan-dahang napalingon si Ezekiel sa kanyang nakababatang kapatid. Malamig ang kanyang titig."Miguel, ikaw ang dahilan kung bakit nawala sa akin ang lahat."Natahimik ang buong ballroom."S-Si Miguel?" gulat ang boses ni Don Marshal.Ngunit hindi na siya pinansin ni E

  • Marry Me Instead   Chapter 130- Don Marshal's Birthday

    THIRD PERSON POVIlang araw ang lumipas, muling nabalot ng kasiyahan ang Del Fierro Mansion sa loob ng ballroom nila.Ngunit kakaiba ang selebrasyong iyon. Hindi lamang dahil ika-pitumpu't limang kaarawan iyon ni Don Marshal Del Fierro. Kundi dahil iyon din ang unang malaking pagtitipon ng pamilya matapos ang sunod-sunod na trahedyang pinagdaanan nila.Mula pa sa labas ng mansion ay makikita na ang engrandeng dekorasyon. Nababalutan ng puti at ginto ang buong hardin. May malaking entablado sa gitna habang ang magkabilang gilid ay puno ng mga mesa para sa mga bisita.Isa-isang dumarating ang mga kilalang negosyante, pulitiko, at business partners ng Del Fierro Group. Naroon din ang iba't ibang media company upang i-cover ang espesyal na okasyon.Mahigpit naman ang seguridad sa buong paligid. Bawat bisitang pumapasok ay dumaraan sa security scanners at identity verification.Hindi iyon nakaligtas sa pansin ng ilang bisita. "Parang mas mahigpit ang security ngayon.""Natural lang siguro.

  • Marry Me Instead   Chapter 129- The Real Motive

    THIRD PERSON POVPagkalabas ni Spencer ng opisina, tuluyan nang nabalot ng katahimikan ang buong silid. Dahan-dahang napahawak si Emery sa braso ni Zion. Halata sa kanyang mukha ang takot habang nakatulala sa folder na naiwan sa ibabaw ng mesa.“Zion...” mahina niyang tawag.Agad siyang nilingon ng binata. Napansin nitong bahagyang nanginginig ang mga kamay ni Emery. “Natatakot ako. Dahil siya ang lalaking nakita ko sa isla.”Lumapit si Zion at marahan siyang hinawakan sa balikat.“Hindi kita hahayaang mapahamak, Emery. I promise.”Napapikit si Emery at napabuntong-hininga.“Akala ko tapos na ang lahat.” Huminga siya nang malalim. “Pero ngayon... pakiramdam ko nagsisimula pa lang.”Tahimik na tumango si Zion bago siya tumingin sa larawan ni Ezekiel na nasa folder.“Kung tama ang hinala natin... matagal na niyang pinaplano ang lahat.”Napakunot-noo si Emery. “Pero bakit?” tanong niya. “Ano ba talaga ang nangyari kay Ezekiel?”Tahimik na naupo si Zion sa sofa at bahagyang napaisip.“Ay

  • Marry Me Instead   Chapter 128- The Second Trial

    THIRD PERSON POVMakalipas ang ilang araw matapos ang libing ni Benicio Montenegro, muling nabalot ng tensyon ang Hall of Justice. Maaga pa lamang ay puno na ng mga mamamahayag at mga taong gustong masaksihan ang ikalawang pagdinig sa kasong kinasasangkutan nina Weston Montenegro at Ravia Salvador.Tahimik na pumasok sina Emery at Zion sa loob ng courtroom. Magkahawak ang kanilang mga kamay habang naghahanap ng mauupuan. Halata pa rin sa mukha ni Emery ang pagod at lungkot dahil sa pagkawala ni Benicio, ngunit nanatili siyang kalmado.Ilang sandali pa ay ipinasok si Weston. Tahimik lamang itong naglakad at hindi man lang nagtaas ng tingin. Kasunod nito ay si Ravia, nagulat na lang si Emery nang makita niyang wala nang posas ito. At may kung anong kakaibang kumpiyansa na ngayon sa kanyang mukha.Bahagyang napakunot-noo si Emery.Maya-maya ay pumasok ang hukom. "All rise."Sabay-sabay na tumayo ang lahat bago muling naupo nang magsimula ang pagdinig.Isa-isang inilahad ng prosekusyon an

  • Marry Me Instead   Chapter 127- Benicio's Funeral

    THIRD PERSON POVMakalipas ang ilang araw, isinagawa ang burol at libing ni Benicio Montenegro.Tahimik ang buong memorial chapel. Halos lahat ng kilalang personalidad sa mundo ng negosyo ay dumalo upang magbigay ng huling respeto sa dating haligi ng Montenegro Group. Isa-isang dumarating ang mga tao, may dalang mga puting bulaklak at mga mensahe ng pakikiramay.Sa gitna ng chapel ay naroon ang puting kabaong ni Benicio. Nakapalibot dito ang mga bulaklak na paborito nito noong nabubuhay pa.Tahimik na nakatayo si Weston sa harap ng kabaong.Suot niya ang itim na suit na matagal na niyang hindi nasusuot. Mugto ang kanyang mga mata at halatang ilang gabi na siyang hindi nakakatulog.Dahan-dahan niyang inilapag ang puting rosas sa ibabaw ng kabaong.“Lolo...” mahina niyang tawag.Nanginginig ang kanyang boses.“Pasensya na.”Napayuko siya habang mahigpit na nakakuyom ang kanyang mga kamao.“Hindi ko man lang nagawang makabawi sa'yo.”Unti-unting bumagsak ang kanyang mga luha.“Hindi ko m

  • Marry Me Instead   Chapter 012- The Things She Wears

    EMERYBandang alas tres ng hapon, nakaupo ako sa loob ng coffee shop. Nasa harap ko ang isang tasa ng decaf latte na hindi ko pa nagagalaw. Pakiramdam ko ay mas mainit ang dibdib ko kaysa sa kapeng nasa harap ko. Makalipas ang ilang minuto, bumukas ang pinto ng café.Napatingin ako at nakita ko si

  • Marry Me Instead   Chapter 011- Internal Audit

    EMERYKinabukasan, pumasok ako sa Armani Group building matapos ang ilang buwang pagpapahinga. Pagpasok ko pa lang, ramdam ko agad ang pagbabago.Parang tumigil ang paligid nang makita nila ako.Isa-isang napalingon ang mga empleyado. Halos lahat ng mata ay nasa akin.“Ma’am Emery…”“Ma’am… good m

  • Marry Me Instead   Chapter 008- It’s been a while

    EMERY“Benicio has told me a lot about you,” kalmadong sabi ni Zion.Napalunok ako. “G-Ganoon po ba?”Napangiti si Benicio at bahagyang tinapik ang braso ni Zion. “Hindi mo kailangang mahiya, hija. Napakalaking karangalan na nandito siya ngayong gabi. Alam mo ba, papasok na bilang investor ang Del

  • Marry Me Instead   Chapter 005- It was all fake

    EMERY“Kanina ka pa ba d’yan, Emery?”Tumango ako. “Opo, Lo. Narinig ko ang usapan n’yo. Ayos lang naman sa akin na hindi na i-celebrate ang pagbubuntis ko. Sapat na sa akin na gawin ang obligasyon ko bilang asawa ni Weston.”Agad na nanlaki ang mga mata ni Benicio Montenegro.“Anong sinasabi mo, h

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status