Nakahinga ako ng maluwag nang matapos ang dinner na iyun. Simula kanina ay wala ng lumabas na kahit anong salita sa bibig ko. Nilalaro ko na lang ang mga daliri ko habang hinihintay na makasakay nang kotse si Sir Aiden.Kailangan kong lunukin lahat, kailangan kong tanggapin, dinggin pero ilalabas din sa kabilang tenga pero kahit anong gawin ko masyadong matatak ang mga salita ni Ma’am Olivia.Napabuga ako ng hangin at mapait na ngumiti. Ramdam ko ang pagpasok ni Sir Aiden at ang mga tingin niya sa’kin.“I’m sorry what happened lately,” tipid akong ngumiti saka umiling.“Okay lang, she’s right anyway.” Akala ko hindi na magiging ganito kasakit ang lahat kapag nabanggit ang tungkol sa pamilya ko, mali pala ako dahil sa tuwing nababanggit sila hindi ko maiwasang hindi magtanong. Where are they now? Bakit nila ako iniwan? Anong mga pangalan nila? Saang pamilya ako galing?Ma’am Olivia is right, they are irresponsible. Ginawa nila ako pero hindi napanagutan ng pareho kong magulang. Matatan
“Simpleng dinner lang kasama ng pamilya niya, yun lang, wala ng nangyari. Nag-usap-usap lang tungkol sa ibang bagay.”“So, nakita mo na ang Mommy ni Sir Aiden? Anong sabi niya sayo?” hindi talaga titigil hangga’t hindi siya nasasatisfied.“Wala naman masyado, tinanong lang ang trabaho ko, kung saan ako pamilya galing.”“Talaga? Hindi ka niya tinarayan?” inilingan ko na lang siya, ayaw ko ng pahabain pa lahat saka baka mas lalo lang siyang mag-alala sa’kin kung sakaling may mga nasabi sa akin ang Mommy ni Sir Aiden. “Mabuti naman kung ganun, kailan daw matatapos ang pagpapanggap niyo?” talaga bang hindi siya titigil?“Hindi ko alam, walang kasiguraduhan. Sasabihan lang siguro ako ni Sir Aiden.”“Oh, okay. Hindi ka na ginugulo ni Jaxson?” inis ko siyang hinarap.“Kailangan ba lahat tanungin mo?” tinawanan lang naman niya ako.“Gusto ko lang namang malaman dahil kung oo, babasagin ko na pagmumukha nun para hindi ka na niya tangkaing lapitan. Kung hindi na edi goods, magkakasundo kami.” w
Halos hindi ako nakatulog ng maayos kagabi dahil sa kaiisip sa Mommy ni Sir Aiden. Ganun ba talaga siya? kinikilabutan ako, para bang kaya niyang gawin ang lahat, kaya niyang sirain ang lahat.Naipilig ko na lang ang ulo ko, baka masyado na naman lang akong nag-iisip. Baka may pinuntahan lang siya malapit dito at sakto naman na nakita niya ang sasakyan ng anak niya. Bumangon na ako sa kama ko para makapagluto, sa loob ng maraming taon ay nasanay ako sa schedule ko pero ngayon hindi ako sanay na walang gagawin pagsapit ng umaga lalo na kung duty ko ng gabi. Hihintayin ko pa ang tawag sa’kin ng Boss ko.Mamayang gabi pa rin ang sinasabi niyang pupuntahan naming dalawa, nakakabagot naman. Maghihintay ako maghapon dito? Hindi rin naman ako puyat para matulog maghapon.Napalingon ako sa labas ng marinig ko ang pagdoorbel. Sino naman kaya ito? Imposible namang si Aling Ana dahil bihira lang yun pumunta rito lalo na kung nakuha niya na ang renta. Lumabas na ako para tingnan kung sino itong a
“Pwede naman siguro akong maglakad-lakad diba?” parang bata ko pang tanong sa kaniya, bahagyang nakayuko ang ulo ko pero nakatingin ako sa kaniya. Napabuntong hininga siya na para bang nagdadalawang isip pa sa sasabihin niya. “Yeah, sure basta huwag sa labas ng hotel.” Mabilis akong tumango at ngumiti sa kaniya. Madali lang naman akong kausap. Hindi naman ako magfefeeling reyna dito, kapag naboring ako rito edi lalabas ako. Pinanuod ko siya sa ginagawa niya, ang bilis niyang magtipa sa laptop niya. Sa araw-araw ba naman niyang gamit yan malamang nasaulo niya na ang keyboard. Isinandal ko ang likod ko sa malambot niyang sofa saka tumitig sa kisame, gusto ko nang bumalik sa dati, yung tahimik at boses at tawa na lang ni Stella ang naririnig ko. Sa totoo lang, ang hirap ipagsiksikan ang sarili mo sa mayayaman dahil iba ang mundo nila sa mundo ng mga mahihirap. Tiningnan ko si Sir Aiden pero napakunot na lang ang noo ko, kanina nandiyan lang siya ah. Nasan na yun? Lumabas nang office
Habang tumatagal ay mas lalo akong kinakabahan dahil mas lalong dumarami ang nakakaalam sa relasyon namin ni Sir Aiden, a fake relationship. Para siyang artista o modelo dahil para bang ang big deal sa ibang tao ang pagkakaroon niya ng karelasyon. Kahit sakal na sakal na ako kagabi sa event dito sa hotel ay nakaya ko naman, should I congratulate myself?Halos mga walang pakialam ang mga may edad na sa aming dalawa ni Sir Aiden pero yung mga dalaga, malaki, mahahalata mo naman kung may gusto sila kay Sir Aiden. Ang dami rin kayang magaganda kagabi sa event saka mayayaman na kaya ano pang hinahanap ni Sir sa isang babae? Pihikan din kasi sa babae eh.Nilinis ko na ang vase na ito at ang ilang mga kasunod niya, wala naman siguro kaming gagawin bukas diba? Pwede akong magstay dito sa hotel para makapagtrabaho. Pakiramdam ko kasi hindi ko deserve yung sasahurin ko kung may oras lang ang trabaho ko kapag duty ko na ng gabi.“Look who’s here.” napalingon ako sa likod ko, alam kong katrabaho
“At sino ka naman? Nangingialam ka sa away ng babae.” Nagtatapang-tapangan niyang saad kahit na halata namang natatakot na rin siya. Sumilay ang isang ngisi sa labi ni Ace saka diretsong tiningnan sa mga mata si Karen.“Guess who? Ang kaisa-isang pinsan ni Aiden.” Napaisip pa si Karen kung sinong pinsan ni Sir Aiden. Kaisa-isa? ibig sabihin maliit lang talaga ang pamilya nila?“S-Siya si, siya si Sir Ace. Bahala ka na diyan Karen!” mabilis na tumakbo ang dalawa niyang kasama nang makilala na nila si Ace. Dahan-dahan namang umatras si Karen.“Minsan ko pang maabutan na ginagawa niyo ito kay Mia at minsan pang malaman at marinig ko sa ibang empleyado rito, magtago ka na.” seryoso niyang saad kay Karen, mabilis na tumakbo si Karen papalayo sa aming dalawa. Masyado niya naman ng tinakot. Napabuga na lang ako ng hangin, hindi ko pa rin makontrol ang sarili ko pagdating sa buhay ko. Masyado ng personalan ang mga sinasabi nila, makakaya ko naman kapag tungkol lang sa relasyon namin ni Sir Ai
THIRD PERSON POVAbala sa pagtatrabaho si Mia nang may biglang nagbaba ng ice coffee sa kaniya, tiningnan niya kung sino ang nagbigay nun at awtomatiko siyang napatingin sa paligid niya nang si Aiden ang nakita niya.“What are you doing? They are watching us.” Mahina ngunit may diin niyang saad, nagkibit balikat lang naman si Aiden na akala mo wala lang ang ginawa niya. Napapatingin sa kanila ang ibang empleyado.“I don’t care if they are watching us, go on watch us. Much better.” Naipikit na lang ni Mia ang mga mata niya, gaano ba kakulit ang isang Aiden Hernandez? Sumilay ang isang ngisi kay Aiden dahil ramdam niya ang pagkailang ni Mia lalo na at nakatingin sa kanila ang ibang empleyado.“Oras pa ng trabaho ko Sir,” malumanay niyang saad.“So? I’m the Boss here so I’m the one who will decide if your work hours and I can do what I want. I just miss you babe, miss me? ilang araw akong nawala so you should miss me.” naiyuyuko na lang ni Mia ang ulo niya dahil sa kahihiyan na nararamda
Matapos nilang kumain ay nagtungo na siya sa conference room dahil may pagmemeetingan daw sila ngayon. Naupo na siya katabi ni Stella at ang lahat ay nagtatanong ang mga mata kung ano bang pag-uusapan nila. “Okay, good day everyone.” Bati ni Miss Cruz nang dumating siya, tumahimik naman ang lahat saka nakinig sa kaniya. “Hindi ko naman pahahabain kung anong pag-uusapan natin ngayong hapon. Since isang taon naman na ang nakalipas simula nang mangyari ang team building natin napagdesisyunan naming gaganapin uli ito ngayong weekend.” Kaniya-kaniyang bulungan na silang lahat at bakas ang saya sa mga mukha nila. Nanatiling blangko lang ang mukha ni Mia dahil wala sa team building nila ang laman ng isip niya. “Huy, para ka namang pinagsakluban ng langit at lupa diyan. Anyari te?” tanong sa kaniya ni Stella. Umiling lang sa kaniya si Mia saka siya humugot ng malalim na buntong hininga. “Wala lang, namimiss ko na naman kasi si Aiden eh.” Wika niya, napatingin sa kaniya ang mga kasamahan ni