Share

Chapter 8

Kitang kita ng dalawang mata ni Manuel kung paano mag-usap si Alexis at si Alvin sa parking space. Nagtataka nya itong tinignan at sigurado syang si Alexis ang babaeng nakikipag-usap. Pamilyar din sa kaniya ang sasakyan na nakaparada. Ito ang unang regalong natanggap ni Alexis sa daddy nya at kasama nya nang bilhin ito. 

"Dude, di ba yun yung future wife mo?" tanong ng isa sa mga kaibigan ni Manuel. "Sino yung kasama nya?"

Mayroong get together ang mga kasamahan nya sa basketball noong highschool kaya napadpad dito si Manuel. Pinili nila ang lugar dahil madalaas na sila kuamin dito noon pa man. Hindi naman nya akalain na narito si Alexis. 

"Hindi," pagsisinungaling ni Manuel sa kaibigan. "Never pupunta rito 'yon. Maarte 'yon sa pagkain, ayaw sa mga mura. Baka kamukha nya lang."

Ganoon lang kasimple ang sinabi nya at para bang mga aso na agad naniwala ang mga kasama nya. Ganito maniwala ang mga kaibigan at mga tao sa paligid nya. 

Humarap si Manuel sa mga kasama nya. "Mauna na kayo. May kukuhanin lang ako sa sasakyan," paalam nya. "Nakalimutan ko yung wallet ko sa loob ng sasakyan."

Sa pagpasok ng mga kasama sa loob ng restaurant ay agad na inilabas ni Manuel ang kaniyang cellphone. Tinipa nya kaagad ang numero ni Bruno at tinawagan ito.

Wala pang ilang minuto ay sumagot din naman si Bruno, na halatang kumakain pa lang.

"Yes, bro?" bungad ni Bruno. "Napatawag ka?"

Alam ni Bruno na mali ang ginawa ni Manuel kay Alexis. Pero kailangan nyang timbangin ang lahat ng bagay at gawing neutral para sa ikabubuti ng dalawang kaibigan. Kampi sya kay Alexis ngunit hindi naman nya basta basta tatablahin si Manuel kaya gagawin nya ang lahat para makatulong sa dalawa.

"May nababalitaan ka bang kinikita ni Alexis?" walang paligoy na tanong nya. 

Ang inis at galit ay muling namumuo sa isipan ni Manuel. Kaya pala ganoon na lamang ito magalit sa kaniya na tila ba hindi nahumaling sa kaniya si Alexis noon, may kinikita pa lang ibang lalaki.

"Huh?" nagtatakang tanong ni Bruno. "Anong ibig mong sabihin na kinikita?"

Tila ba naguguluhan si Bruno sa tanong na iyon ni Manuel. Hindi nya magets.

"Nakita ko syang may kasamang lalaki ngayon lang," agad na sagot ni Manuel. "Kaya pala ginagabi ng uwi at hindi ako kinakausap ng matino."

"Ano ka ba?" natatawang tanong ni Bruno. "Masyadong busy si Alexis simula nung masaktan mo. Late na nga nagigising minsan, busy pa yon sa bakery shop nya dahil sa new product. Paano nya pa masisingit na kumita ng ibang lalaki?" 

Napatiim bagang si Manuel. Akala nya ay pinagtatakpan ni Bruno si Alexis. Nilingon ni Manuel ang parking space kung saan nakatayo kanina si Alexis at ang lalaki. Ngunit wala na ito roon. Wala na rin ang sasakyan.

Pinatayan ni Manuel si Bruno ng tawag at pumasok sa loob ng restaurant. Galit na naman ito at gusto na namang pumunta sa bahay ni Alexis para komprontahin ito.

"Kaya pala malakas ang loob mo," bulong nya sa sarili.

-------------------------------------------------------------------------------------------------------------

Rinig sa labas ang mga tawanan sa loob ng resort na nirentahan ng mga magulang ni Manuel. Mababakasan ng saya ang loob kung saan kasalukuyang kumakain ang mga kaibigan nya kasama na ang mga magulang ni Joy, Bruno, at Alexis.

"I'm really really excited na talaga," ani ng mommy ni Manuel. "Can't wait to see my son and my daughter in law!" 

"Nako, sigurado akong gwapo at magaganda ang mga magiging apo ko," dagdag ng daddy ni Manuel.

Natuwa ang lahat at sumang-ayon maliban sa mga magulang ni Joy. Alam kasi nila ang nangyari nitong mga nakaraang araw. Naikwento sa kanila ni Joy kung paano sampalin ni Manuel ang magiging asawa nito.

Gustuhin man nilang sabihin sa mga kasama ngayon kung anong nangyari ay wala naman silang karapatan. Nanahimik na lamang sila at pinagpatuloy ang pakikinig.

"Kami rin, hindi na kami makapaghintay," sabi ng daddy ni Alexis. "Pangarap ito ni Alexis. Na maikasal sa crush nya."

"Sigurado akong hindi sya bibiguin ni Manuel," segunda ng mommy ni Manuel. "I'm sure magiging princess sya sa pagtrato ni Manuel sa kaniya."

Eksaktong umiinom ng tubig ang mommy ni Joy nang marinig ang mga litanya na 'yon. Nasamid tuloy sya sa mga narinig dahilan para makakuha sya ng mga atensyon.

"Sorry, nabigla ako sa lamig ng water," dahilan nya para mawala ang atensyon na nakuha.

"Nakapili na ba ng gown si Alexis?" tanong ng daddy ni Manuel sa mommy ni Alexis. "Hindi kasi ako mabigyan ng update ng anak ko. Mukhang nagreready yung dalawa ng surprise."

Natawa ng mahina ang daddy ni Joy. "Mukha nga," komento nya. "Mukhang malaking surprise."

Nagpatuloy lamang ang kwentuhan at kamustahan sa loob ng resort. Matapos nilang gawing topic ang tungkol sa kasal nila Alexis at Manuel ay kung saan saan na sila napadpad.

-------------------------------------------------------------------------------------------------

Kakatapos lang maghilamos ni Alexis at kasalukuyang naglalagay ng kaniyang skin care nang tumunog ang kaniyang cellphone. 

Tumayo sya at nagtungo sa maliit na drawer katabi ng kaniyang kama. Sinagot nya ang tawag nang makitang si Bruno ang tumatawag.

"Wow, wag mong sabihin na itutuloy natin yung shopping?" bungad ni Alexis nang sagutin ang tawag.

Natawa si Bruno sa kabilang linya. “Sira,” sagot nito. “May itatanong lang ako kaya ako napatawag.” 

“Mukhang importante yan,” agad na sabi ni Alexis. “Ano namang tanong ‘yan?”

Nagdalawang isip pa si Bruno kung tama ba ang naging desisyon nya. Hindi sya sigurado kung ok lang bang itanong pero gusto lang nyang malaman kung anong totoo.

“Tumawag kasi sa akin si Manuel kanina,” panimula ni Bruno.

Doon pa lang ay halos dapuan na ng kaba si Alexis. Mukhang may ideya na sya sa itatanong ni Bruno sa kaniya.

“Nakita ka raw nya na may kasamang lalaki kanina,” dagdag ni Bruno. “Umalis ka pa ba kanina after natin kumain?” 

Sa pagkakataon na ito ay napakagat sa labi si Alexis. Ngayon lang sya magsisinungaling dahil hindi pa totally buo ang loob nya kay Bruno dahil close sila nito ni Manuel. 

Sigurado kasi sya na kapag nakarating kay Manuel ito ay mapapahamak si Alvin. At ayaw naman nyang mandamay ng ibang tao nang dahil lang sa problema nila.

“Na sa bahay na ako after nung kanina,” sagot ni Alexis. “Dito na ako nagdinner kasi gusto ko na rin magpahinga.”

Napatango sa kabilang linya si Bruno. “Ayan nga rin ang sinabi ko sa kaniya. Na masyado kang busy para makalimot kaya wala na rin time sa ganon. Ewan ko ba don, ni hindi man lang mag-effort para magkaayos kayo.”

“Hindi na maaayos pa ‘to, Bruno,” ani Alexis sa kaniya. “Simula nang pagbuhatan nya ako ng kamay ay tinapos na nya ang relasyon namin. Tanggap ko pa sana na itinatabi nya ang mga gamit ng ex nya. Pero yung sampal? Habang buhay kong dadalhin ‘yon.”

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status