Share

Chapter 22

Nang pumagitna si Bruno ay nagkaroon ng sapat na distansya sila Alvin at Manuel. Nabitawan na rin ni Manuel si Alexis. Ngayon ay masyado ng magulo ang loob ng restaurant. Nagsilabasan ang ilang tao at ang management ay umawat na rin. Ngunit nang makita nila si Manuel ay wala rin silang nagawa. Si Manuel ang may-ari ng restaurant na ito.

Naramdaman ni Alexis na hinawakan ni Alvin ang kaniyang palapulsuhan. Namumula ito gawa ng mahigpit na pagkakahawak ni Manuel kanina. Masakit, iyon ang nararamdaman ni Alexis nang haplusin iyon ni Alvin.

“Wag mo syang hawakan!” sigaw ni Manuel at nagpupumiglas pa rin para makuha si Alexis. Para bang magkakaroon ng rambulan kapag nakawala sya sa pagkakahawak sa kaniya ng ibang staff.

Papagitna sana si Alexis para sana umawat ngunit pinigilan sya ni Alvin.

“Baka masaktan ka pa lalo,” ani Alvin at nilagay ito sa likuran nya.

Samantalang si Bruno ay hindi makapagsalita sa mga nangyari at napapailing na lang habang pilit pa rin na pinipigilan si Manuel.

Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status