Share

Chapter 35

Matapos ng naging usapan ay inihatid ni Alexis si Emily nang mayroong ngiti sa mga labi. Buong akala nya kasi ay galit ito dahil sa ginawa nyang pakikipaghiwalay kay Manuel. Hindi nya akalain na lubos nyang nauunawaan ang kaniyang sitwasyon. Ganoon kabait ang mommy ni Manuel at hindi nya alam kung kanino nagmana si Manuel.

Nang makita nyang makasakay at umandar ang sasakyan ni Emily ay sya namang pagdating ni Joy. Hindi sya nagkamali dahil nang bumukas ang pintuan ng sasakyan ay agad nyang nakita si Joy na mayroong bitbit na isang box.

“Ano ‘yan?” agad na tanong nya nang makalapit ito. “Ang laki naman nyan.”

“Mamaya mo na tanungin, tulungan mo muna kaya ako?” agad na sagot ni Joy sa kaniya. “Bilis, mababagsak na yata. Nangangalay na ako sa bigat.”

Agad naman na tumulong si Alexis at inalalayan ang bitbit ni Joy. Sabay silang pumasok sa shop at inilapag ang box na bitbit sa pinakamalapit na table. Napahinga ng maluwag ang dalawa.

“Ang bigat,” ani Alexis. “Ano ba kasi ‘yan?” dagdag nya.
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status