VANESSA
Sumunod na araw, naghanap ng trabaho si Vanessa online. Buong araw siyang nakababad sa laptop at naghahanap ng puwede niyang mapasukan. Kung saan-saang kumpanya siya nagpasa ng resume. Panay din ang tingin niya sa kaniyang cellphone para alamin kung sakaling may tatawag na sa kanya. Pero sumapit na lang ang gabi, wala pa ring tumatawag kay Vanessa. Bagsak ang balikat niyang nahiga sa kama. Kumikirot ang ulo niya. Dagdag pa ang hapdi na nararamdaman niya sa pagitan ng kanyang hita. "Kainis talaga! Sinamantala ng lalaking iyon na lasing ako! Ang sama niya!" bulyaw niya bago hinawakan ang kanyang págkababae. Galit siya kay Hayden dahil sa pananamantala nito ng kanyang kalasingan. Pero mas galit siya sa sarili niya dahil kasalanan din naman niya iyon. Kung hindi sana siya nagpakalasing ng sobra, hindi sana siya makukuha na lang basta ng lalaking hindi naman niya lubusang kilala. Kaya wala na siyang magagawa pa kun'di piliting kalimutan ang nangyaring iyon. "Kumusta? May tumawag na ba sa iyo?" sabi ng kararating niyang kaibigan na si Danika. Malungkot siyang umiling. "Wala pa pero magpapasa pa rin ako bukas. Nagpahinga lang ako dahil kanina pa ako babad sa laptop kahahanap ng trabaho. Kada makita ko, nagpapasa ako ng resume. Dinadalawa ko na ngang send eh." "Huwag kang panghinaan ng loob, makakahanap ka rin. Baka nga mas magandang trabaho pa ang mahanap mo at mas malaking sahoad. Maganda ang record mo sa dati mong pinapasukan. Magaling ka sa trabaho. Matalino. Masipag. Kaya matatanggap ka niyan. Tiwala lang," sabi ni Danika sabay ngiti. Gumuhit ang matamis na ngiti sa labi ni Vanessa. "Salamat, Danika. Salamat dahil nandiyan ka para palakasin ang loob ko. Oh siya, kumain ka na diyan. Nakapagluto na ako ng ulam natin." "Kumain ka na ba?" tanong ni Danika sa kanya. Umiling si Vanessa. "Hindi pa. Hinintay kasi kita para sabay tayong kumain. Para sweet, 'di ba?" aniya sabay ngisi. Natawa ang kanyang kaibigan bago pumasok sa kuwarto para magbihis. Bumuga ng hangin si Vanessa at napadasal na sana, may tumawag na sa kanya bukas. .... Kinabukasan, ala sais ng umaga nagising si Vanessa. Kinusot-kusot niya ang kanyang mata bago kinuha ang kanyang cellphone upang tingnan kung may natanggap ba siyang messages o email. Bumuntong hininga siya nang makitang walang kahit anong message o email siyang natanggap. Dahan-dahan siyang bumangon sa kama at saka nagkape. Tulala muna siya ng ilang minuto bago binuksan ang laptop para muling maghanap ng trabaho. Ilang oras ang lumipas, tumunog ang cellphone ni Vanessa. Agad niyang kinuha iyon. Nanlaki ang kanyang mga mata sa natanggap na email. Ilang ulit niya iyong binasa at napatalon siya sa tuwa. "Yes! Yes!" masayang sabi niya. Ngunit bigla siyang natigilan at napaisip. Muli niyang binasa ang email. "Teka sandali, bakit tanggap agad? Wala man lang interview? Secretary ang posisyon ko sa kumpanyang ito pero tanggap agad?" takang sabi niya sa sarili. Inulit na naman n'ya ang email dahil hindi talaga siya makapaniwala. Pero iyon talaga ang nakasaad. Bukas nga ay mag-i-start na kaagad siya bilang secretary. "Hayaan na nga. Ang mahalaga may trabaho na ako!" masayang sabi niya bago kinalikot muli ang kanyang laptop. .... HAYDEN Samantala, bago pa man mangyaring nakatanggap ng email si Vanessa na tanggap na siya bilang secretary, tinawag ni Hayden ang HR Manager. Inalam niya kung sinu-sino ang nag-apply bilang secretary niya dahil naisip niyang mainam na siya ang mamili. At hindi nga siya nagkamali sa kanyang naging desisyon. Lalo na nang makita niya ang pinasang resume ni Vanessa. Binasa niya ang nakasulat doon. "Vanessa Benetiz..." banggit niya sa pangalan ng dalaga. Pinukol niya ang tingin sa HR manager. "Paki-email agad si Ms. Vanessa Benetiz. Tanggap na siya at mag-uumpisa na siya bukas bilang secretary ko." Kumunot ang noo ng HR manager. "Po? Hindi po ba dapat dumaan muna sila sa interview para makapamili po kayo ng magaling na secretary? Baka sumakit lang ang ulo niyo sa kanya, sir." "Sundin mo ang utos ko, Mrs. Diego. Iyon ang gusto ko," matigas niyang sabi. Napalunok ng laway ang ginang. "Sige po, sir." Nang makaalis ang ginang, pinagsalop ni Hayden ang kanyang kamay. Sa isip niya, hindi na pala niya kailangan pang hanapin si Vanessa dahil ang tadhana na mismo ang maglalapit sa kanila. Binasa naman niya ang pinasa ni Vanessa at sa tingin niya, magagampanan ni Vanessa ng maayos ang kanyang magiging trabaho. "See you tomorrow, Vanessa," sabi niya sabay ngiti. .... Kinabukasan, maaga pa lang nasa kanyang office na si Hayden. Hinihintay niyang makita si Vanessa. Ngayon na lang ulit nagkaroon ng interes sa babae si Hayden. Hindi dahil may nararamdaman kaagad siya, kun'di dahil curious siya sa pagkatao ng dalaga. Dagdag pa roon ang nangyari sa kanila lalo pa't siya ang nakauna kay Vanessa. Gusto niyang alamin kung ano ang dahilan ni Vanessa para ibigay ng ganoon na lang kabilis ang pinakaiingatan nito. At kung bakit ito nasa club na iyon. Mabilis na lumipas ang ilang oras, may kumatok na sa pinto ng kanyang opisina. "Come in," sabi niya. Pumasok na nga sa loob si Vanessa. At nang magtama ang kanilang paningin, kitang-kita niya ang paninigas ng dalaga sa kinatatayuan nito. Nanlalaki ang kanyang mga mata at nakabuka ang kanyang bibig. "I-Ikaw? I-Ikaw ang boss ko? I-Ikaw si Mr. Hayden Morgan?" hindi makapaniwalang sabi ni Vanessa. Nakapamulsa siyang lumapit sa dalaga at seryosong tinitigan ito ng diretso sa mga mata. "Yes, Ms. Vanessa Benetiz. I'm the CEO of this company. I am your boss," aniya sabay ngisi.VANESSA Sumunod na araw, naghanap ng trabaho si Vanessa online. Buong araw siyang nakababad sa laptop at naghahanap ng puwede niyang mapasukan. Kung saan-saang kumpanya siya nagpasa ng resume. Panay din ang tingin niya sa kaniyang cellphone para alamin kung sakaling may tatawag na sa kanya. Pero sumapit na lang ang gabi, wala pa ring tumatawag kay Vanessa. Bagsak ang balikat niyang nahiga sa kama. Kumikirot ang ulo niya. Dagdag pa ang hapdi na nararamdaman niya sa pagitan ng kanyang hita."Kainis talaga! Sinamantala ng lalaking iyon na lasing ako! Ang sama niya!" bulyaw niya bago hinawakan ang kanyang págkababae.Galit siya kay Hayden dahil sa pananamantala nito ng kanyang kalasingan. Pero mas galit siya sa sarili niya dahil kasalanan din naman niya iyon. Kung hindi sana siya nagpakalasing ng sobra, hindi sana siya makukuha na lang basta ng lalaking hindi naman niya lubusang kilala. Kaya wala na siyang magagawa pa kun'di piliting kalimutan ang nangyaring iyon. "Kumusta? May tum
VANESSA Umaga na nang magising si Vanessa. Marahan niyang iminulat ang kanyang mga mata at laking gulat niya nang mapagtantong wala siya sa inuupahang apartment. Muntik pa siyang mapasigaw sa gulat nang makitang may katabi siyang lalaki sa kama. Hindi nakaharap sa kanya ang lalaki. "Ano ang nangyari kagabi?" mahinang usal niya. Hinawakan niya ang kanyang sintido at inalala ang mga nangyari kagabi. Doon niya lang napagtanto kung ano ang ginawa niya. Napangiwi siya nang maramdamang mahapdi at makirot ang kanyang págkababae. Sinilip niya ang sarili sa ilalim ng puting kumot, kapwa sila walang saplot. Sinampal ni Vanessa ang kanyang sarili. Napansin niya ang pulang mantsa sa bed sheet doon na ang ibig sabihin lang, nakuha ng hindi niya kilalang lalaki ang kanyang virginity. "Anong katangahan ang ginawa mo, Vanessa?" umiiyak niyang sabi. Sinilip niya ang binata sa kanyang tabi. Dahan-dahan siyang bumaba sa kamang iyon at saka pinulot ang nagkalat niyang damit. Kahit makirot an
VANESSA HILONG-HILO NA si Vanessa dahil marami siyang alak na nainom. Hindi pa naman siya sanay uninom ng alak kaya ang lasing na kaagad siya. Siya mismo ang nagyaya sa kaibigan niyang si Danika na magpunta sa club para magpakasaya. Para pansamantalang makalimutan niya ang sakit na kanyang nararamdaman. "Wooh! Yeah!" sigaw niya habang nakangiti. Gumiling-giling siya sa dance floor. Hindi na niya alam ang kanyang ginagawa dahil sa sobrang kalasingan. Basta, gusto niya lang magpakasaya. Hindi niya napansing may isang lalaking nakatingin sa kanya. Nahanap siya nito gamit ang tingin. Tumayo ang lalaking iyon at saka lumapit sa kanya. "Ano ba? Bakit mo ba ako sinisiksik? Tanga ka ba? Ang luwag-luwag doon oh! Doon ka nga!" bulyaw niya sa binata. Nakatitig lamang sa kanya ang binata. Nagpatuloy si Vanessa sa pagsasayaw. Ngunit hindi umalis sa kanyang tabi ang binata. Kung kaya naman, nagkiskisan ang kanilang balat. "Bakit nandito ang babaeng tangang katulad mo? Akala ko, nagpakamatay
HAYDEN "Bobo ka ba? Ilang beses ko ng pinaulit sa iyo iyan, ha? Puro mali! Wala ka ng ginawang tama! Get out! Sumasakit ang ulo ko sa iyo!" sigaw ni Hayden sa kanyang secretary. Mariin siyang napapikit. Isang buwan pa lang siyang CEO sa kanilang kumpanya pero sumasakit na ang ulo niya. Simula nang ibinigay iyon sa kanya ng mommy niya, maraming nabago sa kanilang kumpanya. Ang daming pinabago ni Hayden. Nawala rin ang saya sa kumpanyang iyon. Napalitan ng takot at pangamba. Hindi puwedeng magkamali ang bawat empleyado roon lalo na kapag si Hayden ang kanilang kaharap. Dahil agad-agad silang matatanggal sa trabaho. "Hello, magpunta ka ngayon sa office ko. Faster," saad ni Hayden nang tawagan niya ang HR manager. Ilang minuto ang lumipas, dumating na nga ang ginang doon na siyang HR manager ng nasabing kumpanya. Ang Morgan Builders Corporation. Kumpanyang pinayaman ng knayang yumaong ama. Isa sila sa pinakasikat at kilalang construction company sa bansa. Naglalakihang mga gu
VANESSA WALA PA RING TIGIL ANG PAG-AGOS ng luha ni Vanessa. Tatlong araw ang lumipas matapos niyang mahuli ang ex-boyfriend niyang si Hans. Nang magtungo kasi siya sa condo nito, naabutan niyang nasa kalagitnaan na ng kasarapan ang kanyang boyfriend. Ang katalik niya, ang babaeng sinasabi niyang kaibigan niya lang. "Tangina mo, Hans," lumuluha niyang sabi. Namumugto na ang kanyang mga mata. Tatlong araw na rin siyang umiiyak ng sunod-sunod. Naiinis na siya sa kanyang sarili lalo pa't nangako siya na hindi niya iiyakan ang isang manloloko. Nang mahuli niya si Hans, nakipaghiwalay din siya kaagad. "Vanessa, matulog ka na. Ala una na, oh. Tatlong araw ka ng hindi pumapasok sa trabaho mo, ha," sabi ng kaibigan niyang si Danika. Pinahid ni Vanessa ang luha niya. "Hindi na ako papasok. Wala na akong ganang pumasok. Makikita ko lang ang pagmumukha niya." "Ngek! Paano iyan? Mahirap humanap ng trabaho sa panahon ngayon! Ang daming tambay kaya na fresh graduates!" Bumuntong h