VANESSA
Umaga na nang magising si Vanessa. Marahan niyang iminulat ang kanyang mga mata at laking gulat niya nang mapagtantong wala siya sa inuupahang apartment. Muntik pa siyang mapasigaw sa gulat nang makitang may katabi siyang lalaki sa kama. Hindi nakaharap sa kanya ang lalaki. "Ano ang nangyari kagabi?" mahinang usal niya. Hinawakan niya ang kanyang sintido at inalala ang mga nangyari kagabi. Doon niya lang napagtanto kung ano ang ginawa niya. Napangiwi siya nang maramdamang mahapdi at makirot ang kanyang págkababae. Sinilip niya ang sarili sa ilalim ng puting kumot, kapwa sila walang saplot. Sinampal ni Vanessa ang kanyang sarili. Napansin niya ang pulang mantsa sa bed sheet doon na ang ibig sabihin lang, nakuha ng hindi niya kilalang lalaki ang kanyang virginity. "Anong katangahan ang ginawa mo, Vanessa?" umiiyak niyang sabi. Sinilip niya ang binata sa kanyang tabi. Dahan-dahan siyang bumaba sa kamang iyon at saka pinulot ang nagkalat niyang damit. Kahit makirot ang kanyang hiyas, pinilit niyang kumilos ng maayos. Nang makapagbihis siya, mabilis siyang lumabas ng silid na iyon. Magulo ang buhok niya. Sinuklay niya lang iyon gamit ang kanyang daliri nang makasakay siya sa jeep. At habang nasa byahe siya, pilit niyang pinakakalma ang sarili para hindi siya umiyak. "Vanessa? Saan ka galing? Pinag-alala mo ako ng sobra kagabi!" bungad ni Danika sa kanya ng makauwi siya sa kanilang apartment. Hindi nakapagsalita si Vanessa. Basta na lamang bumuhos ang kanyang luha. Nagulat naman ang kanyang kaibigan at saka siya niyakap nito ng mahigpit. "Ang tanga-tanga ko, Danika! Sobrang tanga ko! Wala akong kasing tanga!" humahagulgol niyang sabi. Hinagod ni Danika ang kanyang likuran. "Shh... huwag mong sabihin iyan. Kung nagkamali ka man, hindi naman ibig sabihin no'n na magkakamali ka na palagi. Ano ba ang nangyari sa iyo kagabi, ha? Bakit bigla ka na lang nawala? Sumasayaw ka pa no'n tapos bigla ka na lang nawala. Sobra akong nag-alala sa iyo. Hindi kaagad ako nakauwi kahahanap sa iyo. Muntik na nga akong mag-report sa mga pulis eh." Pinahid ni Vanessa ang kanyang mga luha. At nang mahimasmasan siya, doon na niya kinuwento ang nangyari kagabi. Gulat na gulat ang kaibigan niya. "Hala ka! Ang tanga mo nga! Ano ba naman iyan, Vanessa! Dapat kasi nagtira pa ng kaunti para sa sarili mo! Paano na ngayon iyan? Hindi ka na virgin! Ang masama pa, hindi mo pa kilalang lalaki ang nakadali sa iyo! Hindi mo nga binigay kay Hans ang virginity mo, sa ibang lalaki mo naman ibinigay! Hindi mo pa boyfriend," bulyaw sa kanya ni Danika. Naiiyak na lang si Vanessa sa nangyari sa kanya. Galit siya sa kanyang katangahan. "Wala na akong magagawa pa. Nangyari na. Hindi ko na maibabalik pa sa dati ang lahat. Ang kailangan kong gawin iyon, humanap kaagad ng trabaho," umiiyak niyang sabi. Napalunok ng laway si Danika. "Iyon na talaga ang kailangan mong gawin. Kailangan ka ng pamilya mo. Ikaw lang ang inaasahan nila. Magtataka iyon kung bakit wala ka ng maipapadala sa kanila." Bumuga ng hangin si Vanessa. Masakit ang ulo niya at para siyang lalagnatin sa mga oras na iyon. "Sige na, magpapahinga na muna ako. Bukas na bukas, maghahanap ako ng trabaho," sabi niya sa kaibigan bago pumasok sa kanyang kuwarto. .... HAYDEN Samantala, marahang iminulat ni Hayden ang kanyang mga mata. Kinapa niya ang dalaga sa kanyang kanan ngunit wala na ito. Hinilot niya ang kanyang sintido bago dahan-dahang bumangon. Napalunok siya ng laway nang makita ang pulang mantsa sa bed sheet doon. Naalala niyang bigla ang mga nangyari kagabi. Hinanap ng tingin niya ang dalagang si Vanessa sa club na iyon. Hanggang sa makita niya nga itong mapang-akit na sumasayaw. Hindi naman niya lubos akalin na maaakit siya sa dalaga. Tila may magnet si Vanessa ng gabing iyon kaya niya nilapitan ito. Wala sana siyang planong pansinin si Vanessa ngunit iba ang hatak na ginawa nito sa kanya. Kaya nang maramdaman niya ang malambot na dibdib ni Vanessa, doon na siya nag-init. Inakala pa nga niyang isang malanding babae si Vanessa. Kaya laking gulat niya nang malamang virgin pa ang dalaga. "Fück," mahinang usal niya bago umalis sa kamang iyon. Mabilis siyang nagbihis. Malalaki ang hakbang niya palabas ng silid na iyon. Uuwi na muna siya para makapaglinis ng katawan at saka siya pupunta mamaya sa kaniyang kumpanya. Mabilis siyang nagmaneho patungo sa kanyang malaking bahay. Kumunot ang noo niya nang makita ang sasakyan ng mommy niya. "At saan ka naman galing, Hayden? Amoy alak ka pa," tanong ng kanyang mommy Evangeline. Bumuntong hininga siya. "Bakit ka nandito, mommy? Ano ang kailangan mo?" Seryoso siyang tiningnan ng kanyang ina. "Kahit kailan talaga, ang hilig mong ibahin ang usapan para hindi sagutin ang nauna kong tanong. Well, gusto ko lang namang balaan ka, Hayden. Tumatanda na ako. Namatay na lang ang daddy mo na hindi man lang nasisilayan ang kanyang apo. You are already thirty five years old pero wala ka pa ring asawa. Wala ka pa rint anak! Gusto ko na ng apo, Hayden! At kung hindi ka pa mag-aasawa, babawiin ko sa iyo ang kumpanya. Ibibigay ko ito sa kapatid mong si Vaughn. Dahil iyong kapatid mong iyon mukhang may ipapakilala na sa aking babae." Umigting ang panga ni Hayden sa kanyang narinig. Nakaramdam siya ng inis. Ano ang magagawa niya kung sa dami ng babaeng naka-date niya, walang pumasa sa standards niya? Wala siyang mapilint pakasalan sa mga ito. "You're kidding me, right?" aniya bago natawa. Matalim siyang tiningnan ng kanyang ina. "No, I'm not. This is my last warning, Hayden. Bibigyan kita ng tatlong buwan para makahanap ng mapapangasawa mo. Kahit hindi mo mahal basta pakasalan mo at bigyan mo ako ng apo, ayos na iyon. At kung hindi mo magagawa iyon, pasensyahan na lang tayo. Kay Vaughn ko na ibibigay ang kumpanya." Tinalikuran na siya ng kanyang ina at saka mabilis na lumakad palabas ng kanyang bahay. Kinuyom ni Hayden ang kanyang kamao. Ayaw niyang mapunta sa kapatid niya ang kanilang kumpanya dahil may pagkaganid sa yaman at kapangyarihan si Hayden. Hinawakan niya ang kanyang sintido at saka bumuga ng hangin. Sa isip niya, mukhang kailangan na niyang kumilos para hindi mapunta sa kapatid niya ang kanilang kumpanya.VANESSA Sumunod na araw, naghanap ng trabaho si Vanessa online. Buong araw siyang nakababad sa laptop at naghahanap ng puwede niyang mapasukan. Kung saan-saang kumpanya siya nagpasa ng resume. Panay din ang tingin niya sa kaniyang cellphone para alamin kung sakaling may tatawag na sa kanya. Pero sumapit na lang ang gabi, wala pa ring tumatawag kay Vanessa. Bagsak ang balikat niyang nahiga sa kama. Kumikirot ang ulo niya. Dagdag pa ang hapdi na nararamdaman niya sa pagitan ng kanyang hita."Kainis talaga! Sinamantala ng lalaking iyon na lasing ako! Ang sama niya!" bulyaw niya bago hinawakan ang kanyang págkababae.Galit siya kay Hayden dahil sa pananamantala nito ng kanyang kalasingan. Pero mas galit siya sa sarili niya dahil kasalanan din naman niya iyon. Kung hindi sana siya nagpakalasing ng sobra, hindi sana siya makukuha na lang basta ng lalaking hindi naman niya lubusang kilala. Kaya wala na siyang magagawa pa kun'di piliting kalimutan ang nangyaring iyon. "Kumusta? May tum
VANESSA Umaga na nang magising si Vanessa. Marahan niyang iminulat ang kanyang mga mata at laking gulat niya nang mapagtantong wala siya sa inuupahang apartment. Muntik pa siyang mapasigaw sa gulat nang makitang may katabi siyang lalaki sa kama. Hindi nakaharap sa kanya ang lalaki. "Ano ang nangyari kagabi?" mahinang usal niya. Hinawakan niya ang kanyang sintido at inalala ang mga nangyari kagabi. Doon niya lang napagtanto kung ano ang ginawa niya. Napangiwi siya nang maramdamang mahapdi at makirot ang kanyang págkababae. Sinilip niya ang sarili sa ilalim ng puting kumot, kapwa sila walang saplot. Sinampal ni Vanessa ang kanyang sarili. Napansin niya ang pulang mantsa sa bed sheet doon na ang ibig sabihin lang, nakuha ng hindi niya kilalang lalaki ang kanyang virginity. "Anong katangahan ang ginawa mo, Vanessa?" umiiyak niyang sabi. Sinilip niya ang binata sa kanyang tabi. Dahan-dahan siyang bumaba sa kamang iyon at saka pinulot ang nagkalat niyang damit. Kahit makirot an
VANESSA HILONG-HILO NA si Vanessa dahil marami siyang alak na nainom. Hindi pa naman siya sanay uninom ng alak kaya ang lasing na kaagad siya. Siya mismo ang nagyaya sa kaibigan niyang si Danika na magpunta sa club para magpakasaya. Para pansamantalang makalimutan niya ang sakit na kanyang nararamdaman. "Wooh! Yeah!" sigaw niya habang nakangiti. Gumiling-giling siya sa dance floor. Hindi na niya alam ang kanyang ginagawa dahil sa sobrang kalasingan. Basta, gusto niya lang magpakasaya. Hindi niya napansing may isang lalaking nakatingin sa kanya. Nahanap siya nito gamit ang tingin. Tumayo ang lalaking iyon at saka lumapit sa kanya. "Ano ba? Bakit mo ba ako sinisiksik? Tanga ka ba? Ang luwag-luwag doon oh! Doon ka nga!" bulyaw niya sa binata. Nakatitig lamang sa kanya ang binata. Nagpatuloy si Vanessa sa pagsasayaw. Ngunit hindi umalis sa kanyang tabi ang binata. Kung kaya naman, nagkiskisan ang kanilang balat. "Bakit nandito ang babaeng tangang katulad mo? Akala ko, nagpakamatay
HAYDEN "Bobo ka ba? Ilang beses ko ng pinaulit sa iyo iyan, ha? Puro mali! Wala ka ng ginawang tama! Get out! Sumasakit ang ulo ko sa iyo!" sigaw ni Hayden sa kanyang secretary. Mariin siyang napapikit. Isang buwan pa lang siyang CEO sa kanilang kumpanya pero sumasakit na ang ulo niya. Simula nang ibinigay iyon sa kanya ng mommy niya, maraming nabago sa kanilang kumpanya. Ang daming pinabago ni Hayden. Nawala rin ang saya sa kumpanyang iyon. Napalitan ng takot at pangamba. Hindi puwedeng magkamali ang bawat empleyado roon lalo na kapag si Hayden ang kanilang kaharap. Dahil agad-agad silang matatanggal sa trabaho. "Hello, magpunta ka ngayon sa office ko. Faster," saad ni Hayden nang tawagan niya ang HR manager. Ilang minuto ang lumipas, dumating na nga ang ginang doon na siyang HR manager ng nasabing kumpanya. Ang Morgan Builders Corporation. Kumpanyang pinayaman ng knayang yumaong ama. Isa sila sa pinakasikat at kilalang construction company sa bansa. Naglalakihang mga gu
VANESSA WALA PA RING TIGIL ANG PAG-AGOS ng luha ni Vanessa. Tatlong araw ang lumipas matapos niyang mahuli ang ex-boyfriend niyang si Hans. Nang magtungo kasi siya sa condo nito, naabutan niyang nasa kalagitnaan na ng kasarapan ang kanyang boyfriend. Ang katalik niya, ang babaeng sinasabi niyang kaibigan niya lang. "Tangina mo, Hans," lumuluha niyang sabi. Namumugto na ang kanyang mga mata. Tatlong araw na rin siyang umiiyak ng sunod-sunod. Naiinis na siya sa kanyang sarili lalo pa't nangako siya na hindi niya iiyakan ang isang manloloko. Nang mahuli niya si Hans, nakipaghiwalay din siya kaagad. "Vanessa, matulog ka na. Ala una na, oh. Tatlong araw ka ng hindi pumapasok sa trabaho mo, ha," sabi ng kaibigan niyang si Danika. Pinahid ni Vanessa ang luha niya. "Hindi na ako papasok. Wala na akong ganang pumasok. Makikita ko lang ang pagmumukha niya." "Ngek! Paano iyan? Mahirap humanap ng trabaho sa panahon ngayon! Ang daming tambay kaya na fresh graduates!" Bumuntong h