Share

Marrying My Ex-boyfriend
Marrying My Ex-boyfriend
Author: xophrosynequest

Chapter 1

last update Huling Na-update: 2025-01-26 10:14:31

(Tianna POV)

Busy ako sa pag-aasikaso sa mga kinder kong mga estudyante habang nasa auditorium kami para sa graduation nila at ng mga grade 6 students. Nang biglang magsalita ang host.

“Let's welcome the CEO of Louis Enrico Victor Gray Group of Companies, Lev Nimuel Gray!”

Huminto ang mundo ko sa narinig ko. Agad hinanap ng mata ko ang taong matagal ko nang hindi nakikita. Akala ko nakalimutan ko na siya pero ngayong narinig ko ang pangalan niya ay sobrang bilis ng tibok ng puso ka na parang kahapon lang kami magkasama.

Nang magsalubong ang mga mata naming dalawa ay halos manginig ako sa lamig ng kanyang tingin. Hindi naputol ang amig titigan kahit nagsasalita na siya ngunit kahit isa doon ay wala akong maintindihan dahil bumabalik sa isipan ko ang mga alaala ng nakaraan….. ang aming mga pinagsaluhan na alaala. Iniwas ko ang aking tingin. Tianna! Huwag mo nang isipin ang mga bagay na tapos na.

Hindi ko namalayan na natapos na ang kanyang speech at nasa harapan ko na siya ngayon upang kamayan ang mga guro. Halos lumabas na ang puso ko sa tindi ng pagtibok nito.

Lalo na nang abutin niya ang aking kamay. Sa pagdampi ng kanyang balat sa aking kamay ay hindi ko maiwasang sariwain ang mga pinagsaluhan namin nang gabi bago siya pumunta ng ibang bansa para mag-aral. Hindi ko makalimutan ang kanyang haplos at halik na tila nagmarka na ata sa aking isipan.

“Mr. Gray ranked number 1 on the richest man in the world. So it's a great honor to us that he accepted our invitation,” ani ng aming principal.

Wow.

“Kaya kailangan nating ibigay ang best natin habang nandito siya,” ani naman ng president ng PTA.

“Teacher Tianna, kindly give the food to Mr. Gray,” baling sa akin ng coordinator ng kinder department.

Ha?! Bakit ako? Talaga naman, oh. “Uhm…”

“Sige na…iba rin ang tingin sa'yo ni Mr. Gray kanina, eh. For sure hindi ka niya susungitan,” udyok ni Teacher Heidi.

Napipilitan kong kinuha ang tray na may lamang pagkain.

Halos mahulog ang hawak kong tray dahil sa panginginig habang papalapit ako sa kwarto na inilaan para kay Lev.

Pagkapasok ko pa ay naabutan ko siyang nagbabasa ng mga documents.

“G-good morning po, Mr. Gray. Magmerienda po muna kayo.” Halos hindi ko siya matignan. Sobrang lakas ng tibok ng puso ko sa kaba.

Tumango ito nang hindi niya ako nililingon.

Nagmamdali akong lumabas. Pagkasarado ko ng pinto ay doon pa lang ako nakahinga ng maluwag.

Ilang beses pang pumunta si Lev sa school namin ngunit sa ilang beses na iyon ay iniiwasan ko siya. Makita ko pa lang na paparating na siya ay lilihis na ako ng daan para lang hindi kami magkasalubong ngunit hindi na ako nakatakas nang utusan akong muli na i-tour si Lev sa buong school pero kasama naman namin si principal at iba pang may mataas na posisyon dito sa school. Porket newbie ako ay ako na lang ang palaging inuutusan. Hindi pa rin talaga nawawala ang ganitong culture sa trabaho.

Habang naglalakad kami ay binabagalan ko ang lakad ko para hindi kami magkadikit ni Lev.

“So mag-classmate kayo?” intriga ni principal nang mabanggit ni Lev na sa Piscasio High School din siya nag-aral. Tumingin sa akin si principal.

Tumango ako. “Yes po.”

Nagpatuloy ang aming tour hanggang sa magtanghali na kaya nagpaalam na ang iba sa amin para kumain na. Lumapit ako kay principal para din sana magpaalam habang katabi naman nito si Lev, na panay ang sama ng tingin sa akin. “Sir, magla-lunch na lang din po muna a—-” Sinenyas niya ang kamay niya na huminto ako.

“Mr. Gray, kumain muna tayo. Nagpa-reserve kami sa malapit na restaurant,” masayang sabi ni principal.

Umirap ako sa hangin. Sus. Napapaghalataan itong si principal sa balak niya. Kinukuha talaga ang loob ni Lev.

“No need…nagkanya-kanya na rin naman silang lunch,” malamig na tugon ni Lev sabay tingin sa akin.

Sinundan ni principal ang tinitignan niya. Umiwas ako ng tingin. Lin*ik namang Lev ito, oh! Ipapahamak pa talaga ako.

Wala tuloy akong nagawa nang yayain ako ni principal na sumama sa kanila.

Habang kumakain kami ay lumilipad ang isip ko nang bigla akong tapikin sa balikat ni principal.

“Teacher Tianna, kinakausap ka ni Mr. Gray…” ani nito bago ito nagpaalam na magbabanyo muna.

Lumingon ako kay Lev. “Uhm… I'm sorry but what did you say again?” tanong ko sa kanya.

He smirked at me. “Kumusta ka naman Ms. David….. o misis…na nga ba?”

Kumunot ang noo ko. “Ms. David pa rin,” madiin kong sagot.

“Sigurado ka ba? The last time I checked ay may lalaki ka,” sarkastikong sabi ni Lev.

“Ano bang pinagsasa—”

Patuloy na basahin ang aklat na ito nang libre
I-scan ang code upang i-download ang App

Pinakabagong kabanata

  • Marrying My Ex-boyfriend   Chapter 116

    Halos hindi ako makagalaw at gusto ko na lang lumubog sa lupa sa sobrang pagkahiya nang madami ng tao ang nakiusisa.Nakarinig ako ng malakas na mga bulungan.“Pinagsabay ata ni Mrs. Gray sina Sir Lev at Sir Vencio.”“Oo nga.”“Nako, kawawa namam si Sir Lev.”“Shut up, everyone! The party is over!” galit na sabi ni Lev. Nanahimik ang mga tao at kanya-kanya na silang takbo.Tumingin sa akin si Lev. Sobrang lamig ng tingin niya sa akin. “Umuwi na tayo.”Napakurap ako ngunit agad rin akong tumango.Sabay kaming naglakad patungo ng parking lot, walang imikan, pawang kaluskos lang ng sapatapos ang naririnig.Hanggang sa makarating kami sa bahay ay wala pa ring umik si Lev. Gustong-gusto ko siyang kausapin pero napapanghinaan ako ng loob sa tuwing nakikita ko ang walang emosyong mata niya.Ayaw ko ng ganito, ang bigat sa pakiramdam.Nabuo ang desisyon sa isip ko. Huminga ako nang malalim bago ako lumabas ng banyo. Nakita ko si Lev na nakatalikod sa direksyonko.Agad akong humiga ng kama n

  • Marrying My Ex-boyfriend   Chapter 115

    Vencio smiled. “Suprise!”“Anong ginagawa mo rito?” “I was invited by the company.”Binaba ko ang plato na pinaglalagyan ng cookies.Agad ko siyang hinila papunta sa medyo tagong parte ng venue. “Bakit hindi mo man lang sinabi sa akin?”“I was about to tell you, last time but you ended the call.”Nag-iwas ako nang tingin. “Sorry. Mas mabuti na rin sigurong hindi na tayo mag-usap pa.”Kumunot ang noo ni Vencio. “Why? Parang biglaan naman yata. Okay pa tayo noong nakaraan, ah.”“K-kasi—”“Dahil ba piinagbabawalan ka ng asawa mo.” pagpapatuloy niya.Binasa ko ang labi ko. “H-hindi naman sa ganoon, Vencio. Respeto ko na lang din ‘yon sa asawa ko. Kahit sino namang asawa ay ayaw na may ibang kasama ang asawa niya.”Tumawa nang pagak si Vencio. “Wala namang kwentang dahilan n’yan. Magkaibigan tayo, Tia. Walang malisya. ‘Yang asawa mo lang ata ang may makitid na utak, eh.”Sinamaan ko siya nang tingin. “Wala namang ganyanan, Vencio. Huwag mong pagsalitaan ng ganyan si Lev.”Hindi sumagot si

  • Marrying My Ex-boyfriend   Chapter 114

    Umaga pa lang kanina ay naghahanda na ako para sa gaganaping anniversary party dahil wala pa rin akong isusuot. Ang gusto nga sana ni Lev ay magpagawa na lang ako pero hindi ako pumayag dahil bukod sa gastos lang ‘yon ay hindi na aabot sa date. Supposed to be pa nga ay kahapon pa sana ako bibili ng damit, ang kaso ayaw akong paalisin ni Lev at cuddle time raw. “Ma'am, ang ganda niyo po! Grabe, ang glowing niyo po ngayon. Ano pong sekreto niyo?” sabi ng make-up artist ko. Namumula ang pisnging tumawa ako. “Wala naman. Ganoon pa rin naman sa usual routine ko.” “Ganyan talaga kapag inlove, ‘di ba po ba, ma'am?” tanong ng kasama niya. “Correct!” Isinuot ko na ang red sleeveless a line gown na napili ko kanina. Simple lang ang tabas nito at kaunting diamonds ang nagdala nito. “Babe?” tawag sa akin ni Lev. Agad ko siyang nilingon. Nakita ko kung paano nalaglag ang panga niya nang humarap ako sa kanya. “Lev? Bakit?” tanong ko nang magtagal ang tingin niya sa akin. “

  • Marrying My Ex-boyfriend   Chapter 113

    “Ah, Vencio. Mamaya na lang tayo mag-usap.”“Wait, Tia. I have something to––”“Babe, please,” mahinang tawag sa akin ni Lev, almost begging.Nagmamadaling in-end ko ang tawag at tsaka ako lumapit sa asawa ko.“Bakit?” inosente kong tanong.“Come here.” Sinenyas na umupo ako sa binti niya.“Lev, ano ka ba. Nasa trabaho tayo,” namumula ang pisnging saway ko sa kanya.He shook his head and pulled me. “I don't care. I miss my wife,” he said that it will justify his clinginess.“Ano ba kasi ‘yon? May kausap ako.”Hindi siya sumagot at isinubsob niya ang mukha niya sa leeg ko. Akmang tatayo na ako ngunit mas niyakap niya lang ako. “Ano nga kasi, Lev? First day ko sa trabaho, need ko ng bumalik sa assistant’s desk at magpapaturo pa ako kay Aurora.”“Bakit tumawag sa ‘yo si Vencio?”“Hindi ko alam. Hindi pa man kami nakakakapag-usap ay tinawag mo na ako kaya hindi ko na natanong.”“Please, babe. Don't talk to him,” mahina niyang sabi.“Vencio did a lot of things for me and Nigel. He helped

  • Marrying My Ex-boyfriend   Chapter 112

    Naabutan ko siyang mahimbing na natutulog. Nakahinga ako nang maluwag. Lumakad ako palapit sa kanya at niyakap siya at marahang hinaplos ang buhok niya. “Mommy loves you, baby without any conditions or doubt. I will always be here for you.” Hindi ko namalayang nakatulog na rin pala ako sa tabi ng anak ko.Naalimpungatan ako nang maramdaman kong may h*******k sa pisngi ko.Nang imulat ko ang mga mata ko ay nakita ko si Sierra na nakangiti. “Good morning, mommy ko,” malambing na sabi ni Sierra.Agad ko siyang niyakap. “Good morning, baby ko. How's your sleep?”“Good po because I woke up beside you.”“Kagigising mo lang ba?”“Kanina po but I want to go down beside you.”Hindi ko maiwasang hindi pagmasdan ang anak ko. “Why po, mommy?” tanong ni Sierra.“Are you sure that you're not mad at mommy anymore?”Tumango si Sierra. “Daddy and Tita Louise explained to me po na it's not your fault. You didn't know po daw at that time and I realized po na you love me po even before pa but I… I ea

  • Marrying My Ex-boyfriend   Chapter 111

    “Are you okay, babe?” masuyong tanong ni Lev at niyakap ako mula sa likuran. Nanatili lang akong nakatingin sa pader at bumuntong hininga.Pagkatapos ng heart to heart talk namin ni Sierra ay umuwi na rin kami agad. Sa ngayon ay kasalukuyan na kaming nagpapahinga. Habang ang mga bata ay tulog na sa kanya-kanya nilang kwarto.“Hindi ko alam. Masaya ako na alam na natin ang totoo pero at the same time ay sobra akong nalulungkot para sa panganay natin. Marami siyang naranasan na hindi pa dapat niya pinoproblema.”“Ang sarap naman pakinggan ang salitang ‘panganay’ natin. That is what I dreamed of, many years ago but not this way. Sierra was the one who was affected by what happened to us. I'm guilty because at some point, I didn't protect her enough so she felt that kind of pain…”“Hindi ko makalimutan ang ekpresyon ni Sierra nang sabihin niya na nakaramdam siya ng selos kay Nigel dahil sa—” my voice broke. “Kasama niya ako at si Sierra, hindi. Nigel grew up with me, loving him but my Si

Higit pang Kabanata
Galugarin at basahin ang magagandang nobela
Libreng basahin ang magagandang nobela sa GoodNovel app. I-download ang mga librong gusto mo at basahin kahit saan at anumang oras.
Libreng basahin ang mga aklat sa app
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status