“Tash! Okay ka lang?” Mabilis siyang dinaluhan ni Domino.
Hindi niya magawang maramdaman ang kirot sa kaniyang sugat na natamo dahil mas nangingibabaw pa rin ang masakit na pintig ng kaniyang puso.
Domino betrayed her. Hindi siya nito mahal.
Wala nang mas sasakit pa sa katotohanan na ‘yon. Pero bakit parang balewala lamang siya rito.
“Bitawa mo siya.”
Sabay silang napahinto nang umalingawngaw ang malalim at baritonong boses na ‘yon mula sa kung saan. Kahit si Domino ay nabakasan niya nang pagkabalisa dahil sa bagong dating. Bigla ring umukit ang iba’t ibang emosyon sa mukha nito mula sa kaninang blangko nitong ekspresyon.
Mukha siyang batang takot at nahuling gumagawa ng masama. Ngunit ‘di iyon maikukumpara sa takot na nakasulat sa mukha ni Venice na ngayon ay nanlalaki na ang mga mata habang nakatingin sa direksyon ng entrada. Para siyang nakakita ng multo dahil sa biglaang pagputla ng kaniyang mukha.
It was her fiancé!
Sinundan nang tingin ni Tash ang direksyong tinitingnan ni Venice. Doon ay nakita niya ang isang lalaking naka-military uniform at nakaupo sa wheelchair. Malinis ang gupit nito. At ang kaniyang mga mata ay walang kasing talim kung umukit sa hangin na mas lalo pang pinapatapang ng matulis at makakapal nitong kilay.
Hindi nagawang itago ng bagong dating ang galit at salubong nitong kilay dahil sa kaniyang nabungaran. Sa kabilang banda, taliwas sa tapang ng lalaki, ay ang takot na mababakas sa mukha ni Domino.
“K-Kuya… Anong ginagawa mo rito?” alangan niyang tanong sa nakatatanda niyang kapatid.
Noon pa man ay takot na si Domino sa Kuya niya. Kaya hindi kataka-takang hanggang ngayon ay bakas pa rin ang takot sa bawat kilos niya. Mas lalo na ngayon na alam niya sa sarili niyang may nagawa siyang kasalanan dito.
Salitang tiningnan ni Dimitri, ang Kuya ni Domino, ang kapatid niya at ang kaniyang kasintahan gamit ang malamig nitong mga mata. Na mas lalo pang nawalan nang emosyon nang kaniyang mapansin ang suot nitong damit na sigurado siyang sa kapatid niya. Sunod ay nagbaba siya nang tingin sa kalat na naiwan sa sahig, ang inihandang pagkain ni Tasha.
Huli niyang binalingan si Tasha na walang imik na ngayong nakasadlak sa sahig. Patuloy pa rin ang pagdurugo ng kaniyang ulo dahil sa nangyari.
“Tulungan mo siya, Norman. Dalhin mo siya sa ospital,” malaming nitong utos sa kaniyang sekretarya na tahimik lang na nakatayo sa likod ng wheelchair niya.
“Yes, Sir,” Norman immediately obliged.
Atubiling nilapitan siya ni Norman at dinaluhan. Sa pag-alalay nito ay maingat siyang nakatayo. Minsan niya pang tiningnan ang dalawang tao sa kaniyang harapan at muli na namang naramdaman ang pighati sa puso niya. At doon mas luminaw sa kaniya ang ginawa ni Domino.
Tinulak siya nito ng walang habas upang protektahan ang babae. Ngunit ang kapalit no’n ay ang sugat na natamo niya. Ngunit mukhang ‘di man lang nag-aalala si Domino para sa kaniya.
Talunang tinabig niya ang braso ni Norman. “Kaya ko na,” saad niya at tahimik nang naglakad.
Walang-lingong tinahak niya ang daan palabas ng president’s office kung saan naiwan ang tatlo.
Wala na siyang lakas, hindi lang dahil sa pagkakauntog niya kundi maging sa sakit na nararamdaman ng puso niya. Muli niyang isinabit ang bag niya sa kaniyang balikat at lulugo-lugong tinungo ang elevator. Nang marinig niyang walang kahit na anong nararamdaman para sa kaniya si Domino ay doon tuluyang gumuho ang mundo niya.
Ramdam niya ang pagtulo ng mainit na likido na pumapatak sa kulay itim niya na blazer ngunit hindi niya ‘yon ininda. Mas masakit pa rin ang nararamdaman niya sa puso niya. Mas ramdam niya ang kirot doon. Mas sinasakal siya no’n.
Tasha walked in on the lift solemnly, in despair. Pero bago pa man tuluyang sumara ‘yon ay muli ‘yong bumukas. Maingat na tinulak ni Norman ang wheelchair ni Dimitri papasok. Suot pa rin nito ang malamig nitong tingin nang lapatan ang babae bago muling nag-iwas.
Sa katahimikang namagitan sa kanila ay agad nilang narating ang first floor ng building. Tash lifelessly stared at the opening door before she walked out tirelessly.
Agad namang sumunod si Dimitri sa tulong pa rin ni Norman. Tinungo nila ang sasakyang pag-aari niya. Si Tasha naman ay ni hindi man lang sila nagawang balingan. Kung hindi pa siya pipigilan ni Norman sa paglalakad ay hindi siya hihinto man lang.
“May sugat ka, Miss. Dadalhin ka na naman sa ospital,” ani Norman sa kaniya. Nag-aalala ito, malayo kay Domino na wala man lang yatang pakialam sa kaniya.
Pinilit ni Tasha na ngitian ang lalaki. Ngunit nauwi lamang ‘yon sa isang ngiwi dahil sa kaniyang lungkot at pighati. “Salamat. Pero, kaya ko na. Malayo naman sa bituka.”
Mahina niyang kinawayan ang lalaki. Ngunit isang hakbang pa lang ang nagagawa niya nang maramdaman niyang may mariing humawak sa braso niya. Nang lingunin niya ‘yon ay nakita niya ang seryosong tingin na ibinibigay sa kaniya ni Dimitri.
Walang kahit na anong ekspresyon sa mukha nito. Kaya hindi niya alam kung galit ba ‘to. O kung nasasaktan ba tulad niya.
“Okay lang ako,” kumbinsi niya rito.
Hindi man niya ito lubos na kilala tulad nang pagkakakilala niya sa nakababatang kapatid nito, nagkrus na rin ang landas nila ng ilang beses dahil malapit siya sa pamilya ng mga Lazatine.
Matagal na nang huling beses niyang makita ito. Madalas kasi ay wala ito sa bansa dahil na rin sa propesyon nito. Hindi ito lubos na kilala ngunit malinaw sa kaniya sa nakikita niya ngayon na seryosong tao ito na dapat katakutan.
“Sumakay ka na. Dadalhin kita sa ospital,” malamig nitong utos.
Anastasha blushed at her husband’s generous words. Hindi niya alam kung paanong magre-react kaya kusang kumawala ang isang manipis na tawa sa mga labi niya.He took him by surprise, alright.She cleared her throat “Well, hindi na rin masama. At least, kapag naghiwalay na tayo may peace of mind ako na okay ka,” nakangiti niyang tugon, hindi na pinag-iisipan pa ang sinasabi.Katahimikan ang naging tugon ni Dimitri sa kaniya, isang bagay na hindi niya inaasahan dahil iyon naman talaga ang hahantungan ng relasyon nilang dalawa.Saktong nasa harapan na sila ng hapag-kainan nang ihinto niya ang wheelchair nito. Sinilip niya ang mukha ni Dimitri at nakita ang walang ekspresyon nitong mga mata. He turned cold again, like the man she first met weeks back.Right there and then, Anastasha knew that she had said something wrong yet again. Kaya imbes na magsalita pa ay nanatili na lamang siyang tahimik.Even their dinner was relatively quiet. Hindi katulad noong mga nakaraan na nag-uusap pa sila
Nakangiting tinapos ni Anastasha ang pag-aayos ng dining table nila para sa kaniyang mag-asawa at sa kanilang bisita. Bagaman mayroong parte sa kaniya na hindi pa rin lubos na napapanatag sa presensya nito, ipinagsawalang bahala na lamang niya iyon.She doesn’t want any negativity surrounding her. Masyado nang nakakaubos ng enerhiya ang mga nangyayari sa sitwasyon nilang mag-asawa kaya naman ayaw na niyang dagdagan pa ang mga bumabagabag sa kaniya.Pagkatapos maghain ay lumabas na rin siya sa sala upang imbitahan ang asawa at ang bisita para sa hapunan. Nakangiti pa siya nang harapin ang dalawa ngunit agad siyang nakaramdam nang pagkapahiya nang hindi man lang bumaling si Yasmien sa kaniya.Nanatili lamang ito sa pagkakaupo habang kuyom ang mga kamay na nakatingin sa asawa. Wala siyang ideya sa naging daloy nang pag-uusap ng dalawa ngunit hindi naman siya tanga upang hindi maintindihan na hindi naging maganda ang palitan nila ng salita.“Dinner’s ready,” she invited, trying to make he
Akala ni Dimitri ay tapos na ang pagtanggap nila ng bisita sa hapon na iyon ngunit muling nag-ingay ang doorbell ng unit na okupado nila hindi pa man nagtatagal nang makaalis si Henry.Si Yasmien.Nagpapalipas siya ng oras habang nanonood ng pelikula nang dumating ito. He watched her closely as she reached for his legs to check on it.Truth to be told, hindi niya gusto ang bawat pagbisita ng babaeng doctor sa kaniya. His wife already has a bad impression of him, at ayaw niya na sana iyong dagdagan pa. Ayaw niyang pangunahan ang nararamadman ni Anastasha at isiping baka pinagseselosan nito si Yasmien. Ngunit higit na mas ayaw niyang bigyan ito ng rason upang makaramdam pa ng negatibong emosyong maihahambig doon.Ayaw na niyang mayroon silang pag-awayan pa.“You better stop making ridiculous excuses just to come here, Yasmien,” he warned her. “I don’t want my wife to misunderstand things between the two of us. I’m a married man now, Yasmien. Kaya niyang gawin ang simpleng pagmasahe lan
“Teka lang!” mabilis na pigil ni Liz kay Dominig bago pa ito tuluyang makalayo.With all her strenght, she pulled him back to the private room. Maingay na ang tibok ng puso niya dahil alam niyang hindi magugustuhan ni Anastasha kung sasabihin niya ang bagay na ito kay Dominic. But if her silence means disturbing her friend’s peace, she might as well just tell him what he wants to know."Tell me, what's going on?" Dominic demanded as he sat down opposite her and stared at her nervously.Napakagat siya ng ibabang labi. Malakas ang sigaw nang pagtutol ng isip niya. Malinaw sa kaniyang hindi ito tama. Pero alam niyang hindi niya dapat sabihin kay Dominic ang tungkol sa sensitibong bagay.She contemplated for a while as Dominic’s anxiousness grew even more. “Kaya lang naman siya pumayag na pakasalan si Dimitri ay dahil ipinangako ng lalaki na pagkatapos ng tatlong buwan ay maghihiwalay rin sila,” sa wakas ay sabi niya.“What the fuck?! And you did nothing to stop her from this ridiculousne
Naiwan bilang isang malaking palaisipan kay Dominic ang mga salita ng matalik na kaibigan ni Anastasha na si Lizzy sa kaniya. Noon pa man ay ramdam na niyang mayroong hindi tama sa ginawa nitong pagpapakasal kay Dimitri. At mas lalo pang tumindi ang pagdududa niyang iyon dahil sa mga salitang narinig niya mula sa kaibigan nito.Ano ang ibig sabihin nito maghihiwalay pagkatapos ng tatlong buwan?Gusto niyang tawagad si Anastasha at kumustahin ito ngunit hindi niya makuha ang tapang para gawin iyon.From her observation, Dimitri actually looks cold. Paano kung hindi nito trinatrato ng tama si Anastasha ngayon na silang dalawa na lang ang magkasama? Subukan man niyang tawagan ito, palaging nauuwi sa pagkatulala sa numero ng dalaga ang nangyayari dahil sa matinding pag-aalangan niya.Pinipigilan siya ng katotohanang may asawa na ito at hindi tama kung maya’t maya niya itong tinatawagan upang kumustahin. But how is he going to help himself clear his mind in this state? Pagsapit ng tanghali
“Umalis na si Henry?” tanong ni Dimitri na kalalabas lang ng kuwarto. Sa mga hita nito ay nakapatong ang dalawang saklay na marahil ay siyang kinuha nito.“Oo, kaaalis lang,” sagot niya habang tumatango.Kusang bumama ang paningin niya sa saklay at mga binti nito habang inaalala ang kuwentong ibinahagi ni Henry sa kaniya. At doon ay lubos niyang naintindihan kung bakit gano’n na lang ang pakikitungo nito sa kaniya.Gano’n na lang siguro talaga ang lungkot na naramdaman ni Dimitri para umakto ng gano’n. Maybe he’s really too depressed to be able to act as himself. Isabay pa ang nangyari sa pagitan nila ni Venice.“Anong sinabi niya sa ‘yo?” tanong nito nang tuluyang makalapit sa kaniya.Maingat nitong ibinaba ang saklay sa gilid ng sofa kung saan mas malapit ang kaniyang kinauupuan. Inosente itong nag-angat ng tingin sa kaniya gamit ang inosente nitong mga mata.Hindi niya tuloy mapigilan ang sarili na ma-imagine kung paano nito niligtas ang senior na nasa kuwento ni Henry kanina. Paki