“Okay lang ako, promise,” pilit niya. Sinubukan niyang kumawala sa mahigpit nitong pagkakahawak ngunit dahil nanghihina na siya’y hindi niya magawa.
Namamanhid na yata ang buo niyang katawan. Hindi niya kasi makuhang maramdaman ang sugat niya. Bagkus ay para pa siyang hindi nasasaktan.
“Sumakay ka na, Miss. Nasa ulo ang sugat mo. Baka kung ano pa ang mangyari. Baka magkaro’n pa ng komplikasyon kung ‘di natin mapapagamot nang maayos ‘yan,” giit ng sekretarya ni Dimitri. Binuksan na rin nito ang pintuan para sa kaniya.
“Kung gusto mong patuloy na ipahiya ang sarili mo, bahala ka. Pinagtitinginan ka niya. Kung gusto mong magmukhang kawawa, ikaw ang bahala.” Walang emosyong binitawan siya ng lalaki at iniwan na siya sa kinatatayuan niya.
Dumaan ang pag-aalangan sa kay Anastasha. Nag-dadalawang-isip siya. Si Dimitri ang kaharap niya. Siya ang nakatatandang kapatid ni Domino, ang lalaking mahal niya ngunit sinaktan siya.
Sa huli ay natagpuan na lang niya ang sarili niyang mabagal na naglalakad papasok sa loob ng sasakyan. Si Norman na rin ang nagsarado ng pintuan. Pagkatapos ay si Dimitri naman ang kaniyang dinaluhan at inalalayan.
Hindi na sila nagsayang pa ng segundo. Agad na minaneobra ni Norman ang sasakyan patungo sa direksyon nang pinakamalapit na ospital.
Nanatiling tahimik si Tasha. Nakapako lang ang kaniyang paningin sa bintana kung saan papalit-palit ang tanawin. Walang laman ang isip niya. Sa puntong ‘to, namanhid na siya. Wala na siyang maramdaman. Para na rin siyang nabibingi sa katahimikan.
Ako? Tanga? Siguro nga ay tama si Domino. Baka nga totoong tanga siya’t uto-uto dahil nagawa siyang bilugin nito. Malungkot siyang napangiti at napahawak sa kaniayng dibdib kung saan pumipintig sa masakit na paraan ang puso niya.
Kahit kailan, hindi niya inisipan ng masama si Domino. She always believed that he was genuine with her. Iyon kasi ang ipinaramdam ng lalaki sa kaniya. She never second-guessed his feelings only to end up in a pit of hell with the truth they failed to conceal.
Nagising lang siya nang huminto ang sasakyan sa harapan ng isang ospital. Tahimik lang siyang sumunod kay Dimitri na kapuwa niya tahimik din. Katabi nito si Norman na siyang nagtutulak pa rin ng wheelchair niya. May sinabi ito sa doctor na agad siyang dinaluhan at ginamot.
Kalahating oras ang lumipas ay nagamot na ang sugat niya. Tulala lang siya sa buong durasyon na iyon at hinahayaan lang niyang gamutin siya ng doctor.
Nang matapos ay muli siyang pinasakay ni Dimitri sa kaniyang sasakyan. Hindi niya alam kung saan siya nito dadalhin. Ang totoo, nawalan na siya nang pakialam. She was too hurt to even care for herself.
Pagkalipas lamang ng sampung minuto ay agad nilang narating ang sea side at doon sila huminto pansamantala. Lumabas si Norman at iniwan sila roon para mag-usap sa utos na rin ng nakatatandang Lazatine.
“Natatandanan na kita,” simula nito sa mababang boses nang sila na lang ang nasa loob ng sasakyan. “Ikaw si Anastasha, tama?”pagkausap sa kaniya ng lalaki.
Hindi kasi tulad ni Domino na madalas niyang kasama, si Dimitri ay madalang lang sa bansa kaya hindi niya ‘yon lubos na kilala. Ngunit nababanggit na ng nakababatang Lazatine ang lalaki sa kaniya noon pa man.
“Opo,” magalang niyang kumpirma rito. Nananatiling nakapako ang kaniyang paningin sa kawalan. Hindi na niya alam ang dapat na gawin.
“I came back from the army to get married,” Dimitri uttered.
But Tasha couldn’t follow at all. Kaya simpleng pagtango lang ang kaniyang naging tugon dito. Ni hindi niya pa nga ito nakakausap talaga kahit na matagal na niyang kilala ang kanilang pamilya.
“Iyong babaeng nakita mong kasama ng kapatid ko, siya dapat ang papakasalan ko,” pagpapatuloy nito.
Doon siya natigilan. “Oh…” mababa ang boses na tugon niya. Hindi na rin niya napigilan pa ang kaniyang sarili na lingunin ang lalaki.
Pinaglalaruan ba sila ng mundo? Bakit parang ang komplikado naman ng mga nangyayari sa buhay nilang dalawa.
“I-Iyong babaeng ‘yon… Iyong kanina… fiancée mo?” hindi niya nagawang itago ang gulat at ‘di pagkapaniwala sa boses niya.
Naisip na niya ang posibilidad na ‘yon kanina dahil na rin sa mga narinig niya. Ngunit ang marinig ang kumpirmasyon na galing mismo kay Dimitri ay tuluyang natuldukan ang agam-agam niya. Tuluyan siyang nabigyan ng linaw ang lahat.
Walang buhay lang siyang tiningnan ni Dimitri. Mukhang kahit ito ay hindi rin inaasahan ang nasaksihan. “Sa susunod na bukas na dapat ang kasal,” anito.
“Kasal?” pagak siyang natawa. Napailing din siya. Kung may kasal pa na mangyayari. Sa nangyari kanina? Duda siyang itutuloy pa ‘to ng lalaki.
The irony. Paanong nagawa ni Domino na makipagtalik sa babaeng papakasalan ng Kuya niya? Ngunit mas lalong ‘di niya magawang mapaniwalaan na gano’n ang klase ng lalaking nagustuhan niya sa loob ng siyam na taon!
“Everything has been set out already. Nakapag-distribute na rin kami ng invitations. Hindi p’wedeng hindi ‘yon matuloy,” determinadong anito. “This may be a bolt out of the blue. But you’re the most suitable woman to walk down that aisle.”
Nabulunan siya’t nanlaki ang kaniyang mga mata. Ano raw?!
“Bibigyan kita ng isang araw para pag-isipan. But the day after tomorrow… please be my bride,” he uttered, almost showing emotion for the first time since he talked to Tash.
Nanatili pa ring nanlalaki ang mga mata ni Tasha dahil sa ‘di pagkapaniwala sa mga pinagsasabi ni Dimitri. Seryoso ba ito?
“What you saw in the office, whether you accept it or not, totoo ang lahat ng ‘yon. Hindi ikaw ang mahal ng tarantado kong kapatid. That’s why I’m offering you marriage. Ibibigay ko sa ‘yo ang lahat nang gusto mo,” pangako niya. “Maliban sa pagmamahal.”
Tasha let out a sarcastic laugh. “Pinagloloko mo ba ‘ko?” She looked at him in disbelief.
Naguguluhan siya sa naging suhestiyon nito. Lalo na’t hindi niya ‘yon inaasahan. Lalo na ngayon! Masyadong mabilis ang mga nangayayri sa paligid niya at hindi na siya makasabay!
Muling nagsalubong ang kanilang mga mata. Wala pa ring tatalo sa talim ng mga mata nito. “Kung papayag ka ngayon, ora mismo p’wede nating iparehistro ang kasal. Bigyan mo lang ako ng sagot.”
Anastasha blushed at her husband’s generous words. Hindi niya alam kung paanong magre-react kaya kusang kumawala ang isang manipis na tawa sa mga labi niya.He took him by surprise, alright.She cleared her throat “Well, hindi na rin masama. At least, kapag naghiwalay na tayo may peace of mind ako na okay ka,” nakangiti niyang tugon, hindi na pinag-iisipan pa ang sinasabi.Katahimikan ang naging tugon ni Dimitri sa kaniya, isang bagay na hindi niya inaasahan dahil iyon naman talaga ang hahantungan ng relasyon nilang dalawa.Saktong nasa harapan na sila ng hapag-kainan nang ihinto niya ang wheelchair nito. Sinilip niya ang mukha ni Dimitri at nakita ang walang ekspresyon nitong mga mata. He turned cold again, like the man she first met weeks back.Right there and then, Anastasha knew that she had said something wrong yet again. Kaya imbes na magsalita pa ay nanatili na lamang siyang tahimik.Even their dinner was relatively quiet. Hindi katulad noong mga nakaraan na nag-uusap pa sila
Nakangiting tinapos ni Anastasha ang pag-aayos ng dining table nila para sa kaniyang mag-asawa at sa kanilang bisita. Bagaman mayroong parte sa kaniya na hindi pa rin lubos na napapanatag sa presensya nito, ipinagsawalang bahala na lamang niya iyon.She doesn’t want any negativity surrounding her. Masyado nang nakakaubos ng enerhiya ang mga nangyayari sa sitwasyon nilang mag-asawa kaya naman ayaw na niyang dagdagan pa ang mga bumabagabag sa kaniya.Pagkatapos maghain ay lumabas na rin siya sa sala upang imbitahan ang asawa at ang bisita para sa hapunan. Nakangiti pa siya nang harapin ang dalawa ngunit agad siyang nakaramdam nang pagkapahiya nang hindi man lang bumaling si Yasmien sa kaniya.Nanatili lamang ito sa pagkakaupo habang kuyom ang mga kamay na nakatingin sa asawa. Wala siyang ideya sa naging daloy nang pag-uusap ng dalawa ngunit hindi naman siya tanga upang hindi maintindihan na hindi naging maganda ang palitan nila ng salita.“Dinner’s ready,” she invited, trying to make he
Akala ni Dimitri ay tapos na ang pagtanggap nila ng bisita sa hapon na iyon ngunit muling nag-ingay ang doorbell ng unit na okupado nila hindi pa man nagtatagal nang makaalis si Henry.Si Yasmien.Nagpapalipas siya ng oras habang nanonood ng pelikula nang dumating ito. He watched her closely as she reached for his legs to check on it.Truth to be told, hindi niya gusto ang bawat pagbisita ng babaeng doctor sa kaniya. His wife already has a bad impression of him, at ayaw niya na sana iyong dagdagan pa. Ayaw niyang pangunahan ang nararamadman ni Anastasha at isiping baka pinagseselosan nito si Yasmien. Ngunit higit na mas ayaw niyang bigyan ito ng rason upang makaramdam pa ng negatibong emosyong maihahambig doon.Ayaw na niyang mayroon silang pag-awayan pa.“You better stop making ridiculous excuses just to come here, Yasmien,” he warned her. “I don’t want my wife to misunderstand things between the two of us. I’m a married man now, Yasmien. Kaya niyang gawin ang simpleng pagmasahe lan
“Teka lang!” mabilis na pigil ni Liz kay Dominig bago pa ito tuluyang makalayo.With all her strenght, she pulled him back to the private room. Maingay na ang tibok ng puso niya dahil alam niyang hindi magugustuhan ni Anastasha kung sasabihin niya ang bagay na ito kay Dominic. But if her silence means disturbing her friend’s peace, she might as well just tell him what he wants to know."Tell me, what's going on?" Dominic demanded as he sat down opposite her and stared at her nervously.Napakagat siya ng ibabang labi. Malakas ang sigaw nang pagtutol ng isip niya. Malinaw sa kaniyang hindi ito tama. Pero alam niyang hindi niya dapat sabihin kay Dominic ang tungkol sa sensitibong bagay.She contemplated for a while as Dominic’s anxiousness grew even more. “Kaya lang naman siya pumayag na pakasalan si Dimitri ay dahil ipinangako ng lalaki na pagkatapos ng tatlong buwan ay maghihiwalay rin sila,” sa wakas ay sabi niya.“What the fuck?! And you did nothing to stop her from this ridiculousne
Naiwan bilang isang malaking palaisipan kay Dominic ang mga salita ng matalik na kaibigan ni Anastasha na si Lizzy sa kaniya. Noon pa man ay ramdam na niyang mayroong hindi tama sa ginawa nitong pagpapakasal kay Dimitri. At mas lalo pang tumindi ang pagdududa niyang iyon dahil sa mga salitang narinig niya mula sa kaibigan nito.Ano ang ibig sabihin nito maghihiwalay pagkatapos ng tatlong buwan?Gusto niyang tawagad si Anastasha at kumustahin ito ngunit hindi niya makuha ang tapang para gawin iyon.From her observation, Dimitri actually looks cold. Paano kung hindi nito trinatrato ng tama si Anastasha ngayon na silang dalawa na lang ang magkasama? Subukan man niyang tawagan ito, palaging nauuwi sa pagkatulala sa numero ng dalaga ang nangyayari dahil sa matinding pag-aalangan niya.Pinipigilan siya ng katotohanang may asawa na ito at hindi tama kung maya’t maya niya itong tinatawagan upang kumustahin. But how is he going to help himself clear his mind in this state? Pagsapit ng tanghali
“Umalis na si Henry?” tanong ni Dimitri na kalalabas lang ng kuwarto. Sa mga hita nito ay nakapatong ang dalawang saklay na marahil ay siyang kinuha nito.“Oo, kaaalis lang,” sagot niya habang tumatango.Kusang bumama ang paningin niya sa saklay at mga binti nito habang inaalala ang kuwentong ibinahagi ni Henry sa kaniya. At doon ay lubos niyang naintindihan kung bakit gano’n na lang ang pakikitungo nito sa kaniya.Gano’n na lang siguro talaga ang lungkot na naramdaman ni Dimitri para umakto ng gano’n. Maybe he’s really too depressed to be able to act as himself. Isabay pa ang nangyari sa pagitan nila ni Venice.“Anong sinabi niya sa ‘yo?” tanong nito nang tuluyang makalapit sa kaniya.Maingat nitong ibinaba ang saklay sa gilid ng sofa kung saan mas malapit ang kaniyang kinauupuan. Inosente itong nag-angat ng tingin sa kaniya gamit ang inosente nitong mga mata.Hindi niya tuloy mapigilan ang sarili na ma-imagine kung paano nito niligtas ang senior na nasa kuwento ni Henry kanina. Paki