“Domino!” gilalas niya, ‘di na kaya pang pigilin ang sariling emosyon.
Hindi niya na kayang kontrolin pa ang galit sa puso niya. Parang ang mga luha niyang patuloy pa rin sa pag-agos. Para na ring sasabog ang puso niya sa sobrang lakas ng tibok no’n.
More than the betrayal, she felt fooled. Ang baba na nang tingin niya sa sarili niya dahil sa pananalita nito. Ni sa hinagap hindi niya naisip na hahantong sa ganito ang pagmamahal niya sa lalaking pinagukulan niya ng siyam na taon ng buhay niya.
“Hayop ka! Pa’no mo nagawa sa ‘kin to?!” galit niyang sigaw.
Sa lakas ng boses niyang punung-puno ng galit at hinanakit ay natahimik ang sala kung saan kasalukuyang naroon ang dalawa. Ngunit panandaliang katahimikan lamang ‘yon. Dahil muling napuno ng kaluskos doon na tila pareho silang nagmamadali sa pagkilos, marahil ay sa pagsuot ng damit.
Ilang sandali lang, bumukas na rin ang pintuan. Iniluwa no’n ang kalmadong si Domino na ‘di mababakasan ng kahit na anong emosyon sa mukha. Nang makita niya si Anastasha ay bahagyang nagiba ang kaniyang ekspresyon pagkatapos ay nilapitan ito.
“Tash, kailan ka pa nakabalik?” kalmado nitong sabi pagkatapos umubo ng dalawang beses. “Well, anyway. Mabuti na ring nandito ka na’t alam mo na para ‘di ko na uulitin pa.”
Pilit siyang inaninag ni Tash sa likod nang nanlalabo nitong paningin. Ngunit dahil sa sagana niyang luha ay naging mahirap ‘yong gawin.
“Tash, kapatid ang turing ko sa ‘yo. Noon pa man, para na kitang nakababatang kapatid.” Kinuha niya ang kamay ng babae at mahigpit ‘yong hinawakan. “Si Venice ang totoong mahal ko. Sabihin mo lang ang gusto mo, ibibigay ko.”
Parang may bumara sa lalamunan ni Tash nang marinig mismo sa lalaking mahal niya ang katotohanan. Ngunit pinilit niya pa rin. Para sa ikagagaan ng kaniyang nararamdaman. “M-May isang tanong lang ako,” saad ko sa pagitan nang paghikbi.
Muling nagbagsakan ang mga luha sa kaniyang mga mata habang pinagmamasdan ang bawat anggulo ng mukha ng lalaking minahal niya sa loob ng siyam na taon.
Kahit sa mga oras na ‘yon, patuloy pa rin siyang kumakapit sa kapirasong hibla nang pag-asang baka mayroon pang tiyansa para sa kanilang dalawa.
Baka mayro’n pa… kahit kaunti lang.
Buong buhay niya si Domino lang ang naing laman ng puso niya. Kaya hindi niya lubos na mapaniwalaang totoong nangyayari ito. Kahit pa ramdam na ramdam niya ang sakit sa bawat pinti ng kaniyang puso.
“Ano?” walang buhay nitong tanong.
At kahit ang timbre nito ay muli na namang sumugat sa puso niya. Wala na ba talaga siyang halaga?
Humugot ng isang malalim na buntonghininga si Tasha, kinakalma ang kaniyang sarili at tinitibayan ang loob niya. “M-Minahal mo ba ako, Domino? Sa loob ng s-siyam na taon na ‘yon… ni minsan ba minahal mo ako?
Kumuyom ang kamay niya habang naghihintay ng sagot. Ramdam niya ang panginginig no’n. Ngunit lumipas na ang mahabang segundo ay nananatiling tahimik si Domino. The silence started to suffocate her even more. Hindi na siya halos makaramdam nang ginahawa sa kaniyang bawat paghinga.
At habang humahaba ang katahimikan nito, mas lalo lamang siyang nasasaktan at nasusugatan. Dahil ‘yon na mismo ang kasagutan sa kaniyang naging tanong.
His silence was her truth.
“H-Hindi… hindi mo ako minahal?” nawawalan nang pag-asang tanong niyang muli.
“Oo,” tipid, walang emosyon, at simple nitong tugon.
Bago niya pa magawang piglan ang sarili niya ay malakas na niya itong nasampal. Kasabay no’n ay ang muling pagbalong ng walang katapusang luha sa kaniyang mga mata.
Para siyang tinalikuran ng mundo.
“Nine years, Domino! Siyam na taon! Siyam na taon akong nagpakatanga sa pagmamahal ko sa ‘yo. Kung sana noon pa man sinabi mo na sa akin ang totoo mong nararamdaman, eh, ‘di sana hindi ko na hinayaan ang sarili kong malunod sa mga nararamdaman ko hanggang ngayon!” puno nang hinanakit na sumbat ko. “Hindi mo naman pala ako minahal… bakit hinayaan mo pang tumagal. Bakit?!” Bago niya pa magawang pigilan ang sarili niya ay kinuwelyuhan na niya ito.
Sa loob ng siyam na taong magkakilala sila, si Domino ang naging sandalan niya. He was his source of happiness. He was her hope. Kaya halos idepende na niya ang kaniyang buhay sa lalaki. Pero ngayon lang niya napagtantong… ni hindi man lang siyang makuhang pahalagahan nito. Kahit na kaunti.
Paano siya aaktong normal? Paano siyang hindi masasaktan? Paano siya magpapanggap na malakas kung iyong taong nagbigay ng pag-asa sa kaniya ang mismong nagdudulot nang sakit sa puso niya?
At ang pinakanakalulungkot pa ro’n ay kahit sa puntong ‘to, kahit sobrang labo, umaasa pa rin siyang kasinungalingan lang ang lahat. Na nagsisinungaling lang si Domino. Na hindi ito totoo. Na ginagamit lang niya si Venice upang pagselosin siya.
“Domino, joke lang ‘to ‘di ba? Nagsisinungaling ka lang. Plinano mo lang ‘to at ng babaeng ‘yan para alamin ang totoong nararamdaman ko. ‘Di ba?” desperado niyang tanong kahit na unti-unti nang gumuguho ang mundo niya sa nangyayari.
Hindi niya matanggap. Kahit na malinaw nang nakalatag sa harapan niya ang ebidensya ay umaasa pa rin ang puso niyang nagsisinungaling lang si Domino.
Binalingan niya ang babae at pilit na hinubad ang damit nito. At tuluyan nang naglaho ang pag-asa niya nang makita ang suot nito. Shirt ‘yon ni Domino. Na maikli lang sa kaniya kaya kita ang mahaba, maputi, at makinis nitong hita.
Sopistikada itong tumayo sa likod ng lalaki matapos siyang tabigin ng mahina.
“Kumalma ka, Tash,” kalmante ngunit nakasimangot na saad ni Venice. “Sinabi na nga sa ‘yo ni Domino na hindi ka niya mahal. At hindi ka niya minahal,” pagdidiin nito. “Marami namang lalaki sa mundo. Makakahanap ka pa ng para sa ‘yo. Just let Domino go. Masaya na kaming dalawa.”
Mas lalong nag-ulap ang kaniyang mga mata nang makita niyang niyakap ni Venice si Domino. Puno naman nang pagmamalaki na inakbayan siya ng huli.
Doon mas lalong tumaas ang kaniyang emosyon. ‘Di na niyang napigilan pa ang sarili niyang haklitin ang braso ni Venice at pinanlisikan ito. “Nilandi mo si Domino,” akusa nito.
“Aray ko, Tash! Nasasaktan ako!” Nagpapaawang humarap siya kay Domino.
Mabilis namang naalerto ang lalaki. “Tash! Bitawan mo si Venice! She’s pregnant for fuck’s sake!”
Mas lalong nasugatan ang puso niya nang tabihin siya ni Domino bilang pagprotekta sa babaeng totoo nitong mahal dala nang pag-aalala para sa kalagayan nito. Buntis ito. At ayaw niyang mapahamak ang kaniyang mag-ina.
Ngunit dahil sa lakas nang pagkakatulak ni Domino sa kaniya ay nawalan siya nang balanse. Hindi siya agad na nakabawi dahilan upang tuluyan siyang mawalan nang balanse. Malakas na tumama ang ulo niya sa kanto ng lamesang nasa kaniyang likod. Mabuti na lang ay agad niyang nasuportahan ang bigat ng kaniyang katawan.
Gumuhit ang matinding sakit sa kaniyang katawan. Lalo na sa likod ng ulo niyang direktang tumama sa matigas na lamesa. Kinapa niya ang parteng ‘yon at agad na naramdaman ang mainit at malapot na likidong tumutulo mula roon. At gano’n na lang ang panlalaki ng mga mata niya nang makita ang kamay niyang balot ng sarili niyang dugo.
Anastasha blushed at her husband’s generous words. Hindi niya alam kung paanong magre-react kaya kusang kumawala ang isang manipis na tawa sa mga labi niya.He took him by surprise, alright.She cleared her throat “Well, hindi na rin masama. At least, kapag naghiwalay na tayo may peace of mind ako na okay ka,” nakangiti niyang tugon, hindi na pinag-iisipan pa ang sinasabi.Katahimikan ang naging tugon ni Dimitri sa kaniya, isang bagay na hindi niya inaasahan dahil iyon naman talaga ang hahantungan ng relasyon nilang dalawa.Saktong nasa harapan na sila ng hapag-kainan nang ihinto niya ang wheelchair nito. Sinilip niya ang mukha ni Dimitri at nakita ang walang ekspresyon nitong mga mata. He turned cold again, like the man she first met weeks back.Right there and then, Anastasha knew that she had said something wrong yet again. Kaya imbes na magsalita pa ay nanatili na lamang siyang tahimik.Even their dinner was relatively quiet. Hindi katulad noong mga nakaraan na nag-uusap pa sila
Nakangiting tinapos ni Anastasha ang pag-aayos ng dining table nila para sa kaniyang mag-asawa at sa kanilang bisita. Bagaman mayroong parte sa kaniya na hindi pa rin lubos na napapanatag sa presensya nito, ipinagsawalang bahala na lamang niya iyon.She doesn’t want any negativity surrounding her. Masyado nang nakakaubos ng enerhiya ang mga nangyayari sa sitwasyon nilang mag-asawa kaya naman ayaw na niyang dagdagan pa ang mga bumabagabag sa kaniya.Pagkatapos maghain ay lumabas na rin siya sa sala upang imbitahan ang asawa at ang bisita para sa hapunan. Nakangiti pa siya nang harapin ang dalawa ngunit agad siyang nakaramdam nang pagkapahiya nang hindi man lang bumaling si Yasmien sa kaniya.Nanatili lamang ito sa pagkakaupo habang kuyom ang mga kamay na nakatingin sa asawa. Wala siyang ideya sa naging daloy nang pag-uusap ng dalawa ngunit hindi naman siya tanga upang hindi maintindihan na hindi naging maganda ang palitan nila ng salita.“Dinner’s ready,” she invited, trying to make he
Akala ni Dimitri ay tapos na ang pagtanggap nila ng bisita sa hapon na iyon ngunit muling nag-ingay ang doorbell ng unit na okupado nila hindi pa man nagtatagal nang makaalis si Henry.Si Yasmien.Nagpapalipas siya ng oras habang nanonood ng pelikula nang dumating ito. He watched her closely as she reached for his legs to check on it.Truth to be told, hindi niya gusto ang bawat pagbisita ng babaeng doctor sa kaniya. His wife already has a bad impression of him, at ayaw niya na sana iyong dagdagan pa. Ayaw niyang pangunahan ang nararamadman ni Anastasha at isiping baka pinagseselosan nito si Yasmien. Ngunit higit na mas ayaw niyang bigyan ito ng rason upang makaramdam pa ng negatibong emosyong maihahambig doon.Ayaw na niyang mayroon silang pag-awayan pa.“You better stop making ridiculous excuses just to come here, Yasmien,” he warned her. “I don’t want my wife to misunderstand things between the two of us. I’m a married man now, Yasmien. Kaya niyang gawin ang simpleng pagmasahe lan
“Teka lang!” mabilis na pigil ni Liz kay Dominig bago pa ito tuluyang makalayo.With all her strenght, she pulled him back to the private room. Maingay na ang tibok ng puso niya dahil alam niyang hindi magugustuhan ni Anastasha kung sasabihin niya ang bagay na ito kay Dominic. But if her silence means disturbing her friend’s peace, she might as well just tell him what he wants to know."Tell me, what's going on?" Dominic demanded as he sat down opposite her and stared at her nervously.Napakagat siya ng ibabang labi. Malakas ang sigaw nang pagtutol ng isip niya. Malinaw sa kaniyang hindi ito tama. Pero alam niyang hindi niya dapat sabihin kay Dominic ang tungkol sa sensitibong bagay.She contemplated for a while as Dominic’s anxiousness grew even more. “Kaya lang naman siya pumayag na pakasalan si Dimitri ay dahil ipinangako ng lalaki na pagkatapos ng tatlong buwan ay maghihiwalay rin sila,” sa wakas ay sabi niya.“What the fuck?! And you did nothing to stop her from this ridiculousne
Naiwan bilang isang malaking palaisipan kay Dominic ang mga salita ng matalik na kaibigan ni Anastasha na si Lizzy sa kaniya. Noon pa man ay ramdam na niyang mayroong hindi tama sa ginawa nitong pagpapakasal kay Dimitri. At mas lalo pang tumindi ang pagdududa niyang iyon dahil sa mga salitang narinig niya mula sa kaibigan nito.Ano ang ibig sabihin nito maghihiwalay pagkatapos ng tatlong buwan?Gusto niyang tawagad si Anastasha at kumustahin ito ngunit hindi niya makuha ang tapang para gawin iyon.From her observation, Dimitri actually looks cold. Paano kung hindi nito trinatrato ng tama si Anastasha ngayon na silang dalawa na lang ang magkasama? Subukan man niyang tawagan ito, palaging nauuwi sa pagkatulala sa numero ng dalaga ang nangyayari dahil sa matinding pag-aalangan niya.Pinipigilan siya ng katotohanang may asawa na ito at hindi tama kung maya’t maya niya itong tinatawagan upang kumustahin. But how is he going to help himself clear his mind in this state? Pagsapit ng tanghali
“Umalis na si Henry?” tanong ni Dimitri na kalalabas lang ng kuwarto. Sa mga hita nito ay nakapatong ang dalawang saklay na marahil ay siyang kinuha nito.“Oo, kaaalis lang,” sagot niya habang tumatango.Kusang bumama ang paningin niya sa saklay at mga binti nito habang inaalala ang kuwentong ibinahagi ni Henry sa kaniya. At doon ay lubos niyang naintindihan kung bakit gano’n na lang ang pakikitungo nito sa kaniya.Gano’n na lang siguro talaga ang lungkot na naramdaman ni Dimitri para umakto ng gano’n. Maybe he’s really too depressed to be able to act as himself. Isabay pa ang nangyari sa pagitan nila ni Venice.“Anong sinabi niya sa ‘yo?” tanong nito nang tuluyang makalapit sa kaniya.Maingat nitong ibinaba ang saklay sa gilid ng sofa kung saan mas malapit ang kaniyang kinauupuan. Inosente itong nag-angat ng tingin sa kaniya gamit ang inosente nitong mga mata.Hindi niya tuloy mapigilan ang sarili na ma-imagine kung paano nito niligtas ang senior na nasa kuwento ni Henry kanina. Paki