Home / Romance / Marrying My First Love's Brother / Chapter 52: Wedding March

Share

Chapter 52: Wedding March

Author: Elisha Rue
last update Last Updated: 2025-05-22 23:50:09

Malalim na nagpakawala ng isang malalim na buntong-hininga si Dominic pagkatapos ay nagpaubaya na sa kagustuhan niya. Muli siya nitong tinabihan at suwabeng inakbayan.

“Puwede mo ba akong pagbigyan kung hihiling ako sa iyo ngayon?” maingat niyang tanong.

Agad namang tumango si Anastasha at nag-angat dito ng tingin. “Ano iyon, Kuya?”

“Kung sakali mang hindi ka maging masakya sa kasal mo, palagi mong tatandaan na puwede kang bumalik sa akin. Kahit kailan. Basta nandito lang ako. Hihintayin kita.”

Dala marahil ng emosyon na pansamantala niyang nakalimutan ay naramdaman na lamang niya ang pagtulo ng kaniyang mga luha. “Kuya Dom naman.”

Itinaas ni Dominic ang kanyang kamay at marahang pinunasan ang mga luha sa gilid ng kaniyang mga mata. Tumingin ito sa kanya na suot ang pag-aalangan sa kaniyang mga mata at ngumiti. "I used to like seeing you smile the most. Dahil sobrang ganda mo tuwing kumikinang sa tuwa ang mga mata mo. Hindi ko inaasahan na paiiyakin kita sa unang araw na bumalik ako.
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter

Latest chapter

  • Marrying My First Love's Brother   Chapter 52: Wedding March

    Malalim na nagpakawala ng isang malalim na buntong-hininga si Dominic pagkatapos ay nagpaubaya na sa kagustuhan niya. Muli siya nitong tinabihan at suwabeng inakbayan.“Puwede mo ba akong pagbigyan kung hihiling ako sa iyo ngayon?” maingat niyang tanong.Agad namang tumango si Anastasha at nag-angat dito ng tingin. “Ano iyon, Kuya?”“Kung sakali mang hindi ka maging masakya sa kasal mo, palagi mong tatandaan na puwede kang bumalik sa akin. Kahit kailan. Basta nandito lang ako. Hihintayin kita.”Dala marahil ng emosyon na pansamantala niyang nakalimutan ay naramdaman na lamang niya ang pagtulo ng kaniyang mga luha. “Kuya Dom naman.”Itinaas ni Dominic ang kanyang kamay at marahang pinunasan ang mga luha sa gilid ng kaniyang mga mata. Tumingin ito sa kanya na suot ang pag-aalangan sa kaniyang mga mata at ngumiti. "I used to like seeing you smile the most. Dahil sobrang ganda mo tuwing kumikinang sa tuwa ang mga mata mo. Hindi ko inaasahan na paiiyakin kita sa unang araw na bumalik ako.

  • Marrying My First Love's Brother   Chapter 51: Father's Wish

    "Kung ganoon, ikaw na lang ang magmay-ari ng complete package na ‘to.”Bahagyang nagbago ang ekspresyon ni Anastasha nang marinig niya ang kanyang mga salita. Tumingin siya sa lugar kung saan nagtagpo ang dagat at langit sa malayo, at biglang tumalikod at ngumiti sa kanya. "Imposible ang hiling mo, Kuya..." May asawa na ako!Ngunit talagang hindi niya masabi ang mga sumusunod na salita. Alam niya ang rason kung bakit ito umalis ilang taon na ang nakakaraan. Ngunit sa oras na iyon, ang kanyang mundo ay umiikot lamang kay Domino.Tumingin sa kanya si Dominic at marahang hinawakan ang mga balikat niya upang matingnan siya sa mata. "Ash, bakit ka nagpakasal sa taong hindi mo gusto?"Bahagyang kumurap si Anastasha nang marinig niya ang kanyang mga salita, pagkatapos ay ngumiti nang mapait.“Bakit naging ganito, Ash?” muli nitong tanong nang hindi siya nakaimik. “Kahit na mali ang ginawa ni Domino sa iyo, hindi mo dapat na pinakasalan ang Kuya niya dahil lang sa galit ka.”Malinaw niyang na

  • Marrying My First Love's Brother   Chapter 50: Complete Package

    Hindi napigilan ni Anastasha ang makaramdam nang pagkamangha nang bumungad sa kaniya ang isang magar at mamahaling kulay itm na BMW na alam niyang hindi biro ang halaga.Nanlalaki ang mga mata na nilingon niya ang lalaki. “Kuya, sa ‘yo ‘tong sasakyan na ‘to?” Hidi na niya nagawa ang itago ang pagkamangha. Pakiramam niya tuloy ay ang ignorante niya dahil hindi niya inaasahang makakakita nang gano’n kamahal na sasakyan. Not even Dimitri or Domino owns one.Ngumiti ang lalaki sa kaniya at ginulo ang kaniyang buhok na para bang aliw na aliw ito sa naging reaksyn niya. “Oo, kabiili ko lang.”“Wow naman, Kuya Dom!” Pabiro niya itong hinapas sa braso, bumibilib siya sa mga narating nito. “Asensado na talaga, ah?”“Sira, Kulang na kulang pa ang narating o kung kuumpara sa marangyang pamumuhay ng mga maharlika na yata kung ituring,” biro nito saba tawa.“Ano ka ba, Kuya. Ang mahalaga, naabot mo na ang mga bagay na pangarap mo lang noon. Hindi mo naman kailangang makipagkumpitensya sa iba, eh.

  • Marrying My First Love's Brother   Chapter 49: Lunch

    Kung mayroon mang isang taong sobrang malapit kay Anastasha simula pa noong bata siya, ang Kuya Dom niya na siguro iyon. He’s not just her cousin but also her best friend. Well, technically not blood related to her dahil kinupkop lang naman ito ng Tita niya noong maulila ito ng dati nilang katulong.Naging sobrang malapit sila sa isa’t isa dahil noon pa man ay sobra na itong naging mabuti sa kaniya. Para na niya itong naging totoo Kuya sa sobrang pagiging maalaga nito noon pa man. Palagi niya rin itong nakakalaro noon dahil magkalapit lamang ang bahay ng mga pamilya nila. Ngunit isang araw ay bigla na lamang itong nagdesisyon na manirahan sa ibang bansa upang mag-aral at gumawa ng sarili nitong career.Kaya dahil sa muling pagbabalik nito, hindi na niya magawa pang pigilan ang paglawak ng kaniyng mga ngiti sa kasabikan na muli itong makita.“Kumusta po kayo Tita? Ano na pong balita sa inyo rito?”Napahinto sa gagawing pagpasok si Anastasha nang marinig ang naging tanong na iyon ni Dom

  • Marrying My First Love's Brother   Chapter 48: Cousin

    Hindi na nagawa pang pigilan ni Anastasha ang pagtulo ng kaniyang mga luha pagkasakay na pagkasay pa lamang niya ng taxi. Lulan siya nito sa loob ng sampung minuto na. At magmula no’n ay hindi na nahinto ang kaniyang pagluha.Sobra siyang nasasaktan sa kanilang muling pagkikita ni Domino. Dahil pagkatapos ng lahat ng ito ay may kirot pa rin sa puso niya para kay Domino. Mas lalo na dahil hindi niya inaasahang makikita niya itong kasama ang babaeng ipinalit nito sa kaniya. Ngunit mas lalong hindi niya inaasahan ang naging konteksto nang pag-uusap nila. Lalo na ang limang milyong alok nito kapalit ang lahat nang nangyari sa pagitan nila.Limang milyon!Sino naman siya sa tingin niya? Ano sa tingin niya ang ginagawa niya? Hindi gano’n kababaw ang kaniyang ama upang bigyan nito ng halaga ang pagdo-donate nito ng cornea para muli siyang makakita.Alam niya iyon, dahil tinuring nitong anak si Domino. Hindi matutumbasan ng kahit na anong halaga ng pera ang kabutihan ng kaniyang ama.Hindi ni

  • Marrying My First Love's Brother   Chapter 47: Mrs. Lazatine

    Pinagmasdan ni Venice ang papalayong likod ni Anastasha habang mariing kagat ang pang-ibaba niyang labi upang pigilan ang sarili na makapagsabi pa nang hindi maganda.Halos hilahin na niya ang kaniyang mga mata upang magawang balingan si Domino. Hindi niya nagawang itago ang inis niya nang damputin ang tsekeng hindi kinuha ni Anastasha at padabog na ibinaba sa tapat ni Domino. “Don’t you think five million is too much to give her?” tanong niya.Kukuhanin na sana niya ang tseke upang ilagay sa kaniyang bag ngunit maagap siyang napigilan ni Domino. “Give it back to me. The company’s currently facing financial problems.”Umingos siya. “Nangangailangan ng pera ang kumpaniya ninyo pero nagawa mo pa rin siyang offer-an ng limang milyon?” may bahid nang inis na tanong niya rito.“Alam ko namang tatanggihan niya,” kumpiyansang sagot nito na nagpainit ng ulo ni Venice.Hindi nagawang itago ni Venice ang sarkasmo ng matawa siya dahil sa naging sagot nito sa kaniya. “Ha! Talagang kilala mo siya,

  • Marrying My First Love's Brother   Chapter 46: Five Million

    Isa’t kalahating oras pagkatapos ng tawag ay narating ni Domino ang napagkasunduan nilang lugar. He texted her a particular cafe where they could meet and talk like he wanted to.Ngunit nang makapasok sa coffee shop ay napahinto na siya sa entrada pa lang. Taliwas kasi sa inaasahan niya, mayroon itong kasama. Isang babaeng pamilyar na pamilyar sa kaniya.Venice was sitting just beside Domino. The two were still unaware of her presence that made her the liberty to stare at them from that distance. Muli tuloy nanumbalik sa kaniya kung paano siya marahas na tinulak ng lalaki upang protektahan ang babaeng ipinagpalit nito sa kaniya.Ngunit kahit gaano pa siya hindi kakomportable, at kahit unti-unti na namang nabubuhay ang sakit sa puso niya, nag-alinlangan lang siya ng isa o dalawang segundo bago pumasok nang tuluyan.“Tash!” bati ni Domino ng makita siy. “Have a seat,” he offered using his formal tone that she often hears when he’s in a business meeting.Nag-angat ng tingin sa kaniya si

  • Marrying My First Love's Brother   Chapter 45: Meet-Up

    Tahimik na binaybay ni Anastasha ang sidewalk pagkababa na pagkababa niya ng sasakyan ni Dimitri. Nasundan niya pa ng tingin ang pagharurot ng sasakyan nito hanggang sa tuluyan na silang mawala sa kaniyang paningin.Napabuntong-hininga siya. Hindi niya alam kung saan pupunta dahil ang totoo ay ayaw niya pang umuwi. Ayaw niya pang muling harapin ang kaniyang ina lalo na’t magulo ang kaniyang isip.Sa kalagitnaan ng kaniyang paglalakad, tumunog ang kaniyang cellphone bilang hudyat ng isang tawag. Kinuha niya ito mula sa kaniyang bag at natigilan sa paglalakad ng makitang si Domino ito. Malaking bahagi ng isip niya ang tumututol na sagutin ito ngunit bago pa siya makapag-isip nang tama ay nagawa na niyang sagutin ang tawag.It was her reflex controlling her hands even though there was a clear warning in her mind.“Hello?” sagot niya at napakagat ng ibabang labi.Ang ingay ng bawat tambol ng puso niya. Ito pa lamang ang unang beses na makakapag-usap sila simula nang magulo ang buhay nilan

  • Marrying My First Love's Brother   Chapter 44: Conversation

    Magmula nang malaman ni Domino ang tungkol sa pagpapakasal ng kanyang nakatatandang kapatid kay Anastasha, sobrang nanlumo ito. Hindi niya mapigilang mabagabag sa loob ng dalawang araw na nagdaan.Ngunit wala siyang ibang pagpipilian kundi ang itago ang ang kaniyang nararamdamang pag-aalala sa takot na baka makaekto ito sa negatibong paraan para sa sanggol sa sinapupunan ni Venice. Subalit lingid sa kaniyang kaalaman ay nararamdaman na ni Venice ang kakaibang kinikilos nito sa mga nakalipas na araw.Sa araw na iyon, sabay silang bumisita sa OB-GYN ni Venice para sa check up ng kanilang anak. Naging maayos ang saglit nilang appointment at nasa maayos ding kalagayan ang kanilang anak. Nang isakay ni Domino si Venice sa kotse, tumingin ito sa kanya. Bagama't ang munting supling sa sinapupunan ng dalaga ay labis na nagpapasaya sa kanya, hind niya pa rin magawang itago ang tunay niyang nararamdaman."Anong problema, mahal?" Nang makita si Venice na nakatingin sa kanya, lumingon si siya at

Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status