Hindi nagawang makapagsalita ni Domino sa kabilang linya. Para siyang nawalan ng boses dahil hindi niya inaasahang manggagaling ang mga salitang ’yon kay Tasha.
Nagbuntonghininga ang dalaga. “Pagod na ako, Domino. Sa susunod na lang natin ‘to pag-usapan,” walang buhay nitong sabi. Ang totoo ay ayaw pa muna sana niyang marinig ang boses nito.
“Sige, magpahinga ka na lang muna,” saad nito pagkatapos ay ibinaba na ang linya.
Naiiling na pinagmasdan niya ang kaniyang cellphone nang tuluyang mamatay ang tawag. Ibababa na sana niya iyon nang sa isang ekspertong kilos ay nagawang agawin ni Dimitri ang aparato.
Gulat na pinagmasdan niya ang lalaki upang alamin ang ginagawa nito. At doon niya napagtantong inilalagay na pala ng lalaki ang numero nito sa cellphone niya. “Anong ginagawa mo?” salubong ang kilay na kaniyang tanong.
“Saving my phone number to your cell. Dito mo ako tawagan kung may mga tanong ka sa susunod,” balewala nitong tugon.
Nang matapos sa paglalagay ng numero niya sa dial pad ay tinawagan niya ito. Awtomatikong nag-ring ang phone ni Dimitri kaya nagawa nitong makuha ang cellphone number ng dalaga.
Nang makuntento ay saka nito ibinalik ang phone a kaniya. Walang imik na tinanggap niya iyon at inilagay pabalik sa kaniyang bag nang hindi na tinitingnan pa ang nakalagay roon.
Ilang sandali lang ay naramdaman niyang huminto ang sasakyan sa labas ng isang magarang boutique. Sa unang tingin ay alam na agad ni Anastasha na mamahalin ang mga ibinebenta ro’n. From the structure filled with glasses down to the expensive chandelier hung in the middle speaks expensiveness!
Tulad nang nakagawian, tinulungan ni norman si Dimitri sa paglabas ng sasakyan hanggang sa makaupo ito nang maayos sa wheelchair niya. Lumabas na rin si Tasha at tumabi rito.
Sa kabila ng ideyang nabubuo na sa isip ng dalaga kung bakit siya dinala rito ni Dimitri, hindi na niya nakuha pang magtanong dahil wala na siyang lakas pa. Ngunit nagkamali siya nang akala niya ay bibili ng bagong damit si Dimitri. Dahil imbes na sa aisle ng mga panlalaking damit ay dumiretso sila sa area ng mga babae.
“Good morning, Sir! Good morning din po, Ma’am,” nakangiting bati sa amin ng clerk.
Mabilis na pinasadahan ng tingin ni Dimitri si Tasha pagkatapos ay binalingan ang hilera ng mga damit.
“Don’t tell me ibibili mo ako ng damit?” alangan niyang tanong. Mas lalong lumaylay ang balikat niya nang tumango ito. “Oh, please don’t. Ayoko,” tanggi nito agad bago pa man sila makapagsimula.
Ipinagsawalang bahala ni Dimitri ang kaniyang pagtanggi. Binigyan siya nito nang malamig na tingin at saka inabot ang isang dress sa kaniya. She felt intimidated by him. Kaya naman kinuha niya ang damit at tahimik na nagtungo sa fitting room.
Aminin man niya o hindi, humanga siya sa sarili niya, humanga siya sa ganda ng dress na napili nito lalo na ngayon na suot na niya ito. Halos hindi na niya makilala ang sarili niya sa rason na ngayon pa lamang siya nakapagsuot ng ganitong klase ng kasuotan.
She looked rather matured in a simple deep v-neck white a-line satin dress that exudes her elegance. Idagdag pa na umangat ang kaputian ng kaniyang balat kaya mas lalo siyang gumanda.
“Sir, alin po sa mga ito ang kukunin niyo?” magalang at magiliw na tanong ng clerk na siyang nabungaran niya pagkalabas ng fitting room.
“Lahat,” simple at dominante nitong tugon. Balewala rin niyang kinuha ang black car niya sa kaniyang wallet at inabot dito upang bayaran na agad ang kanilang pinamili.
“Nababaliw ka na ba?” ’Di makapaniwalang tiningnan niya si Dimitri. “Alam mo ba ang halaga ng bawat isang pirasong damit dito? Ang dami masyado nang binili mo!”
“Ginagawa ko ‘to para rin sa ’yo. Para hindi ka alipustahin ng dalawang iyon,” makahulugan niyang tugon.
Hindi na siya nakasagot pa at napatingin na lang sa kaniya.
Pagkaraan ay dinala naman siya nito sa section na puro mga underwear and naka-display. Magtitingin at kukuha na sana siya ng isang piraso roon ngunit bigla na lamang may sumulpot na panibagong sales lady at inabutan and binata ng isang pares ng underwear na gawa sa manipis na materyales lang. Halos wala na nga iyong takpan! Lace pa!
Agad na pinamulahan ng pisngi si Anastasya. Nakakahiya! Kung bakit ba naman kasi dito pa siya dinala ng lalaki. Ngunit agad ding umukit ang isang kakaiba at mapanuksong ngisi sa mga labi ni Anastasha nang may maisip na kalokohan.
Pasimple niyang pinasadahan si Dimitri at ang pagkakaupo nito sa wheelchair. Sunod at binalingan naman niya ang inalok na underwear ng clerk. Ano kaya ang magiging reaksyon ng binata tuwing nakakakita ng ganito gayong imbalido siya?
Subalit agad na napagtanto ni Dimitri ang nais nitong gawin lalo na nang mas lumawak pa ang ngisi sa mga labi ng babae. He squinted his eyes, trying to hide how they flicker at the sight of the lingerie the clerk offered to them. “Give me a pair of that one that fits her size,” he ordered using his domineering voice.
“Sigurado ka na ba sa mga sinasabi mong ‘yan?” pagdududa nito. “How sure are you that you’re already moving on? It’s nine years of relationship; you can’t possibly be over that quickly. It hasn’t even been a month yet.”Nahulog siya sa malalim na pag-iisip dahil doon. Sa rami ng mga nangyari nitong mga nakaraang araw sa buhay ni Anastasha, wala na siyang oras pa na kilalanin ang totoong nararamdaman ng puso niya. Idagdag pa na sa loob ng ilang linggo ay naging kakaiba ang pakikitungo ni Domino sa kaniya.But these days, especially today, it has become clearer to her that she’s losing her feelings for her first love, that she’s been in love with for nine years.“You know me, Liz. Alam mong matagal ko nang gusto si Domino. I was really hurt by what he did. Mabuti na lang at halos araw-araw kong kasama si Dimitri kaya nabaling sa kaniya ang atensyon ko. Although we don’t really have the kind of relationship, it helped me in a way pa rin.” Nagkibit-balikat siya sa kaibigan. “Actually, noo
Anastasha asked to meet with her best friend right after her conversation with her husband. Pinahatid na lamang siya nito kay Norman kaya hindi na niya kinailangan na mag-communte pa.Napagkasunduan nilang magkita sa coffee shop sa loob ng isang malapit na mall. Nauna siyang dumating kaya siya na ang nag-order para sa kanilang dalawa. Hindi naman siya naghintay pa nang matagal dahil dumating din agad ang matalik niyang kaibigan.Hindi nakatakas sa kaniyang paningin ang ginawa nitong pagpasada ng tingin sa kaniya mula ulo hanggang paa. Pagkatapos ay ngumisi ito. “Wow, my friend. Gumaganda yata ang fashion sense natin, ah? Dalaga ka na!” biro nito sa kaniya.However, she could feel how honest her friend’s words were. Hindi niya tuloy maiwasang hindi ma-conscious sa suot niya. It’s a simple sleeveless peplum top in baby pink color that she matched with cream trousers and a pair of flat sandals.Simple lang naman iyon kung tutuusin pero dahil nasanay na itong nakikita siyang nakasuot ng m
Mainit ang ulo na bumalik si Anastasha sa mansyon ng mga Lazatine. At alam niyang malinaw na nakasulat iyon sa kaniyang mga kilos. Sakto pang pagkapasok niya sa sala ng bahay ay bumati sa kaniya ang biyenan na kalalabas lang sa kusina. May hawak itong paltito na puno ng iba’t ibang klase ng prutas. Nakangiti ito nang harapin siya. “Anastasha, halika muna’t samahan ako na kumain ng pangimagas,” alok ng biyenan sa kaniya.Tipid niyang nginitian ang biyenan. “Magpapahinga na lang po muna ako, Tita. Puntahan ko na lang po muna si Dimitri sa study,” magalang na paalam niya rito.Umukit ang isang kakaibang ngiti sa mga labi ng ginang dahil sa pangalang kaniyang binanggit. At para sa kaniya, pang-iinsulto ang nais na ipahiwatig ng ngiting ibinigay nito sa kaniya. “Napapamahal ka na yata sa asawa mo, Anastasha?” Kibit-balikat itong tumalikod sa kaniya at doon bumulong, “What’s so good about that paralytic man?”Hindi narinig ni Anastasha ang ibinulong nito at ipinagsawalang-bahala na lamang
Galit na sinipa ni Domino ang pobreng bato sa paanan niya nang biglang mag-ring ang kaniyang cellphone. Kinuha niya iyon mula sa kaniyang bulsa at sinago nang hindi tinitingnan kung sino ang tumatawag.“Nagsisisi ka na ba, Anastasha?” sagot niya sa isiping ang kaaalis lang na dalaga ang tumawag sa kaniya.“Ano bang pinagsasabi mo? Anong Anastasha? Domino!”Nanlaki ang kaniyang mga mata at napatinging muli sa cellphone. Doon niya nakumpirmang si Venice ang tumatawag sa kaniya at hindi s Anastasha. Shit!Dimitri cleared his throat and acted normally as if he didn’t just say another woman’s name. “Baby,” he called as he breathed hard. “Akala ko kung sino,” pahabol niya pang bulong.Ngunit hindi umubra ang pagmamaang-maangan niya dahil malinaw na narinig ni Venice ang pangalang naamutawi sa bibig niya. “Kausap mo ba si Anastasha? Kasama mo ba siya? Siguro madalas kayong magkasama lalo na’t nakatira na siya sa inyo, ano?!” maanghang nitong tanong.Malinaw na nariring ni Domino ang galit s
“I don’t see the need to bargain with you respecting me, Domino.” Dismayado ko siyang inilingan.Sa hindi maipaliwanag na dahilan, pasama nang pasama ang imaheng iniiwan ni Domino sa kaniya. His words ae not making any sense at all. At hindi rin niya maintindihan kung bakit nagkakaganito ang lalaki gayong ito mismo ang rason kung bakit natuldukan ang ugnayang mayroon sila.“Just leave me alone. Doon ka sa mag-ina mo,” taboy pa niya rito.“I’m just concern about you. Lalo na kung sakali mang nasa plano mo ang sumama kay Kuya sa base nila. It’s a place full of men. How is he going to protect you if he can’t even go to the bathroom himself,” he argued. She laughed mentally. Ito na yata ang pinakanakakatawang salitang narinig niya mula rito. Bakit pa siya matatakot sa ibang lalaki kung kaharap na niya ang pinakagagong lalaki na dumaan sa buhay niya.Wala siyang pakialam kung nag-aalala ito dahil in the first place, ito naman ang puno’t dulo ng lahat ng ito. Siguro kung maayos nilang napa
Hindi siya nagawang sagutin ni Domino dahil sa anghang ng mga salita niya. “Alam mo, Domino, pakialaman mo na lang ang buhay mo. Lalo na ang mag-ina mo. Let me live my own life outside your control. Wala ka na rin namang lugar sa buhay ko. Hind ba dapat mas natutuwa ka pa na iba ang pinakasalan ko? You didn’t have any feelings for me. You were never even interested in me, Domino,” I reminded him.Marahas itong nagbuntong-hininga dahilan para mapalingon siya rito. He sounded frustrated but Anastasha couldn’t care less. Ayaw niya itong makasama. She hates how he turned into the man that is far different from how she knew him. At kung siya ang tatanungin ay ayaw niya itong makita ngayon.“Palagi kang nasa harapan ko, Anastasha. Paano kita bibitawan sa lagay na ‘yon? Kahit sa panaginip ko, palagi kang nandoon. You in our home is torture, Tash! Naiintindihan mo ba?” Sa gilid ng kaniyang mga mata ay nakita niyang ginulo nito ang magulo na nitong buhok. “Kung ang gusto mo lang naman ay pahir