Balot nang katahimikan ang naging biyahe nina Tasha at Dimitri patungo sa destinasyong hindi pa ipinaaalam ng lalaki. Ngunit kabaliktaran ang laman ng kaniyang isip dahil parang sirang-plaka na paulit-ulit na pumupuno roon ang ala-alang pinagsaluhan nila ni Domino sa loob ng siyam na taon.
At sa bawat masasayang memoryang kaniyang binabalikan, kapalit ay ang puso niyang paulit-ulit na nasusugatan.
Siyam na taon, Domino! Hindi mo na sana ako pinagmukhang tanga sa loob nang mahabang panahon!
Muli na namang naglandas ang luha sa kaniyang mga mata na agad naman niyang pinunasan. Hanggang sa hindi niya namalayan na huminto na pala sila sa tapat ng isang magara at sumisigaw sa karangyaan na mataas na gusali.
“Get out and follow me,” malamig nitong sabi.
At kahit sa mga segundong iyon ay hindi niya pa rin magawang masanay sa presensya ng lalaki. Halos walang emosyon na mababakas sa boses ni Dimitri. Puno iyon nang lamig. Na para bang siya ay galit o ’di kaya’y walang pakialam sa kaniyang paligid.
Agad na dinaluhan ni Renato si Dimitri nang marinig ang sinabi nito. Ito na ang nagbukas ng pintuan at agad na umalalay sa paglabas nito.
Samantalang naiwan namang tulala at puno ng gulat si Tasha sa loob ng sasakyan habang kagat ang ibabang labi sa hindi pagkapaniwala. Mula sa bintana ay tinatanaw niya ang mataas na gusali at wala siyang ibang maisip kung gaano ito kaganda.
“Dito tayo titira oras na ikasal tayong dalawa. On my penthouse to be exact,” dugtong nito na nagpaluwa halos ng kaiyang mga mata.
Seryoso ba ito? Hindi tuloy matigil ang mga daliri niya sa png mga daliri niya sa paglalaro ng bag niya sa ibabaw ng kaniyang kandungan. Hindi niya ito inaasahan.
“O-Okay, sige,” may bahid pa rin nang alangan na tugon niya. Pero hindi na niya intensyon na umatras pa.
“Iparehistro na natin ang kasal,” pinal nitong sabi na tahimik lang niyang tinanguhan.
Hindi na niya alam kung ano pa nga ba ang nararaat niyang sabihin. Ni sa hinagap ay hindi niya naisip na papasukin niya ang ganitong bagay. Hindi siya hopeless romantic pero pangarap niya ang maipakasal sa lalaking mahal niya. Tulad nang pangarap niya para sa kanila ni Domino.
Flash marriage? Contract marriage? Never in her life she knew she’d end up having one. Most especially with the brother of her first love.
“Drive us to the municipal hall,” Dimitri ordered once again.
Atubiling sumunod naman si Norman na muling tinulungan ang lalaki papasok ng sasakyan. Walang sinasayang na minuto na pinasibad niya ang sasakyan patungo sa munisipyo.
She always dreamt of a marriage that would make her heart jump in joy. Instead, tears started bursting out from her eyes the moment she entered the car again after sealing their contract marriage. Iyak na hindi sa pagmamahal ngunit sa rason na hindi niya nagawang pakasalan ang lalaking pinakamamahal niya. Na hindi niya nagawang tuparin ang pangarap niya.
Noon pa man, pangarap na niyang pakasalan si Domino. Pero para siyang pinaglaruan ng Diyos dahil imbes na ang lalaki at ang Kuya nito ang kaniyang nakaisang dibdib.
“What’s with the long face? Nagsisisi ka na ba agad?” Nilapatan siya nang malamig na tingin ng lalaking kaniyang katabi.
Nanatili siyang nakatingin sa labas ng sasakyan. Tahimik lang siyang umiling dito habang inaalala ang kapirasong papel sa loob ng kaniyang bag na sumisimbolo ng kanilang kasal.
“Take us to the nearest mall, Norman,” he ordered his secretary.
“Yes, Sir,” masunuring tugon nito.
Parang tuod lang na nakaupo si Anastasha sa tabi ni Dimitri. Blangko lang ang kaniyang mga mata habang nakatingin sa kawalan. Hindi niya alam kung ano ba ang dapat niyang maramdaman.
Natigilan siya nang pumailanlang ang isang pamilyar na musikang nagmumula sa cellphone niya na hudyat nang isang tawag. Huling El Bimbo ng Eraserheads. At kahit na hindi niya tingnan kung sino ang tumatawag, kilalang-kilala na niya ’yon. Tuloy, para na namang tinutusok-tusok ng maliliit na karayom ang puso sa kirot. Nahihirapan siyang makaahon mula sa sakit tapos ito na naman at tatawagan siya nito.
Kung noon ay wala pang isang ring ay agad na niyang sinasagot ang tawag. Ngayon ay para na iyong punyal na nakatutok sa leeg niya, pinahihirapan siyang kumilos at huminga. Sa huli, pagkatapos pagmasdan ng ilang minuto ang aparato ay pinatay niya ang tawag ni Domino.
Mas lalong nabalot nang katahimikan ang sasakyan nang tuluyang namatay ang tawag. At aminin man niya o hindi, masyadong nakakailang ang paligid.
But as stubborn as she knew her first love, Domino, was… Anastasha’s phone rang for the second time. Tulad nang nauna nitong papatayin niya na sana iyon kung hindi lang hinawakan ni Dimitri ang kamay niya upang pigilan siya sa kaniyang plano.
“Answer his call,” malamig nitong sabi sabay bawi ng kaniyang kamay. “Pamilya na tayo. Sa ayaw at sa gusto mo, magkikita at magkikita kayo.”
Nabalot siya nang alinlangan sa tinuran nito. Hindi man siya handa upang muling harapin si Domino, alam niya sa sarili niyang tama ang kapatid nito. Dahil simula nang pumayag siya sa alok na kasal ni Dimitri, naging parte na siya ng pamilya ng mga Lazatine.
She’s now sister-in-law with her first love; the man she thought she’d exchange vows with.
Pagkatapos humugot ng isang malalim na hininga, pikit-matang sinagot niya ang tawag. “Hello?” pilit na pinakaswal ang boses na sagot niya sa tawag.
“Tasha! Nasa’n ka? Okay ka lang ba?” tanong nito, ang boses ay balot nang pag-aalala.
Simula nang umalis ang babae sa opisina dahil sa nasaksihan nitong eksena, hindi na nawala ang pag-aalala kay Domino. Lalo na’t alam niyang may sugat itong natapo. But he’s worried only because he doesn’t know how he would explain things to his family! That’s it!
Mapakla ang naging pagtawa ni Tasha. “Ano namang pakialam mo kung nasaan ako?” kalmado ngunit puno nang lamig niyang tanong pabalik dito. Nakapako pa rin ang kaniyang paningin sa bintana at iwas ang tingin sa kaniyang katabi.
Sa kabilang linya, inusig nang konsensya si Domino dahil sa naging tono ni Tasha sa kaniya. Ni minsan, hindi ito gumamit ng ganitong timbre tuwing kausap siya. “I’m sorry, Tash,” aniya.
Tasha smiled bitterly and replied indifferently, “Domino, forget it. Okay lang ako.”
Nagbuntonghininga sa kabilang linya si Domino. “Masyadong maraming nangyari ngayong araw. Umuwi ka na muna at magpahinga. Pupuntahan kita sa makalawa. Huwag kang mag-alala. I’ll pay every damage I may have caused you.”
“Gusto mo akong bayara?” kalmadong tanong ni Tasha.
“Yes! Anything! Sabihin mo lang sa akin ang gusto mo, ibibigay ko,” agad nitong tugon. Para pa siyang nabunutan nang tinik sa sobrang sigla nang boses nito.
Umukit ang isang mapait na ngiti sa kaniyang mga labi kasabay nang pagguhit ng panibagong sugat sa kaniyang puso. Kahit sa telepono, nagagawa pa rin siyang saktan ng lalaki. “Give me one of your properties and I’ll call it quits.”
Anastasha blushed at her husband’s generous words. Hindi niya alam kung paanong magre-react kaya kusang kumawala ang isang manipis na tawa sa mga labi niya.He took him by surprise, alright.She cleared her throat “Well, hindi na rin masama. At least, kapag naghiwalay na tayo may peace of mind ako na okay ka,” nakangiti niyang tugon, hindi na pinag-iisipan pa ang sinasabi.Katahimikan ang naging tugon ni Dimitri sa kaniya, isang bagay na hindi niya inaasahan dahil iyon naman talaga ang hahantungan ng relasyon nilang dalawa.Saktong nasa harapan na sila ng hapag-kainan nang ihinto niya ang wheelchair nito. Sinilip niya ang mukha ni Dimitri at nakita ang walang ekspresyon nitong mga mata. He turned cold again, like the man she first met weeks back.Right there and then, Anastasha knew that she had said something wrong yet again. Kaya imbes na magsalita pa ay nanatili na lamang siyang tahimik.Even their dinner was relatively quiet. Hindi katulad noong mga nakaraan na nag-uusap pa sila
Nakangiting tinapos ni Anastasha ang pag-aayos ng dining table nila para sa kaniyang mag-asawa at sa kanilang bisita. Bagaman mayroong parte sa kaniya na hindi pa rin lubos na napapanatag sa presensya nito, ipinagsawalang bahala na lamang niya iyon.She doesn’t want any negativity surrounding her. Masyado nang nakakaubos ng enerhiya ang mga nangyayari sa sitwasyon nilang mag-asawa kaya naman ayaw na niyang dagdagan pa ang mga bumabagabag sa kaniya.Pagkatapos maghain ay lumabas na rin siya sa sala upang imbitahan ang asawa at ang bisita para sa hapunan. Nakangiti pa siya nang harapin ang dalawa ngunit agad siyang nakaramdam nang pagkapahiya nang hindi man lang bumaling si Yasmien sa kaniya.Nanatili lamang ito sa pagkakaupo habang kuyom ang mga kamay na nakatingin sa asawa. Wala siyang ideya sa naging daloy nang pag-uusap ng dalawa ngunit hindi naman siya tanga upang hindi maintindihan na hindi naging maganda ang palitan nila ng salita.“Dinner’s ready,” she invited, trying to make he
Akala ni Dimitri ay tapos na ang pagtanggap nila ng bisita sa hapon na iyon ngunit muling nag-ingay ang doorbell ng unit na okupado nila hindi pa man nagtatagal nang makaalis si Henry.Si Yasmien.Nagpapalipas siya ng oras habang nanonood ng pelikula nang dumating ito. He watched her closely as she reached for his legs to check on it.Truth to be told, hindi niya gusto ang bawat pagbisita ng babaeng doctor sa kaniya. His wife already has a bad impression of him, at ayaw niya na sana iyong dagdagan pa. Ayaw niyang pangunahan ang nararamadman ni Anastasha at isiping baka pinagseselosan nito si Yasmien. Ngunit higit na mas ayaw niyang bigyan ito ng rason upang makaramdam pa ng negatibong emosyong maihahambig doon.Ayaw na niyang mayroon silang pag-awayan pa.“You better stop making ridiculous excuses just to come here, Yasmien,” he warned her. “I don’t want my wife to misunderstand things between the two of us. I’m a married man now, Yasmien. Kaya niyang gawin ang simpleng pagmasahe lan
“Teka lang!” mabilis na pigil ni Liz kay Dominig bago pa ito tuluyang makalayo.With all her strenght, she pulled him back to the private room. Maingay na ang tibok ng puso niya dahil alam niyang hindi magugustuhan ni Anastasha kung sasabihin niya ang bagay na ito kay Dominic. But if her silence means disturbing her friend’s peace, she might as well just tell him what he wants to know."Tell me, what's going on?" Dominic demanded as he sat down opposite her and stared at her nervously.Napakagat siya ng ibabang labi. Malakas ang sigaw nang pagtutol ng isip niya. Malinaw sa kaniyang hindi ito tama. Pero alam niyang hindi niya dapat sabihin kay Dominic ang tungkol sa sensitibong bagay.She contemplated for a while as Dominic’s anxiousness grew even more. “Kaya lang naman siya pumayag na pakasalan si Dimitri ay dahil ipinangako ng lalaki na pagkatapos ng tatlong buwan ay maghihiwalay rin sila,” sa wakas ay sabi niya.“What the fuck?! And you did nothing to stop her from this ridiculousne
Naiwan bilang isang malaking palaisipan kay Dominic ang mga salita ng matalik na kaibigan ni Anastasha na si Lizzy sa kaniya. Noon pa man ay ramdam na niyang mayroong hindi tama sa ginawa nitong pagpapakasal kay Dimitri. At mas lalo pang tumindi ang pagdududa niyang iyon dahil sa mga salitang narinig niya mula sa kaibigan nito.Ano ang ibig sabihin nito maghihiwalay pagkatapos ng tatlong buwan?Gusto niyang tawagad si Anastasha at kumustahin ito ngunit hindi niya makuha ang tapang para gawin iyon.From her observation, Dimitri actually looks cold. Paano kung hindi nito trinatrato ng tama si Anastasha ngayon na silang dalawa na lang ang magkasama? Subukan man niyang tawagan ito, palaging nauuwi sa pagkatulala sa numero ng dalaga ang nangyayari dahil sa matinding pag-aalangan niya.Pinipigilan siya ng katotohanang may asawa na ito at hindi tama kung maya’t maya niya itong tinatawagan upang kumustahin. But how is he going to help himself clear his mind in this state? Pagsapit ng tanghali
“Umalis na si Henry?” tanong ni Dimitri na kalalabas lang ng kuwarto. Sa mga hita nito ay nakapatong ang dalawang saklay na marahil ay siyang kinuha nito.“Oo, kaaalis lang,” sagot niya habang tumatango.Kusang bumama ang paningin niya sa saklay at mga binti nito habang inaalala ang kuwentong ibinahagi ni Henry sa kaniya. At doon ay lubos niyang naintindihan kung bakit gano’n na lang ang pakikitungo nito sa kaniya.Gano’n na lang siguro talaga ang lungkot na naramdaman ni Dimitri para umakto ng gano’n. Maybe he’s really too depressed to be able to act as himself. Isabay pa ang nangyari sa pagitan nila ni Venice.“Anong sinabi niya sa ‘yo?” tanong nito nang tuluyang makalapit sa kaniya.Maingat nitong ibinaba ang saklay sa gilid ng sofa kung saan mas malapit ang kaniyang kinauupuan. Inosente itong nag-angat ng tingin sa kaniya gamit ang inosente nitong mga mata.Hindi niya tuloy mapigilan ang sarili na ma-imagine kung paano nito niligtas ang senior na nasa kuwento ni Henry kanina. Paki