LOGIN“S-sigurado po ba kayo? Baka po makaabala lang ako doon,” kunwari’y pa-humble kong sagot, pero sa loob-loob ko ay gusto ko nang mag-backflip sa tuwa.
“No, Sera. Hindi ka magiging abala doon. Gusto ko talagang ipakita sa'yo ’yun,” nakangiti niyang sabi habang sinusuot na niya ang dalang bathrobe. “Kung ayos lang sa'yo ay magbihis ka na para makapunta na tayo doon. Kakatukin na lang kita sa kwarto niyo after lunch.” Tumango ako at mabilis nang tumalikod. Pagpasok ko sa kwarto, hindi ko na napigilan at napangisi na ako. Success! Akala ko ay aabutin pa ako ng buwan bago makapasok sa logistics hub niya. Ito na nga ang pinakamadaling natanggap kong misyon, mukhang ito rin ang pinakamabilis kong natapos. Kawawang Dante. Sa sobrang pagiging malambot at katangahan, siya pa ata ang kusang magdadala ng sarili sa kulungan. Tsk, tsk. Eksaktong ala-una ng hapon nang katukin nga niya kami ni Tobi sa kuwarto. Isinama ko na si Tobi dahil hindi ko naman ito pwedeng iwan rito. Nasisiguro ko kasing hindi na kami babalik dito dahil hindi pa maggagabi ay tyak, tapos na ang misyon. Habang nasa byahe ang walang umiimik sa amin ni Dante, maliban kay Tobi na pakanta-kanta sa backseat habang may nginunguya na namang chocolate. Mayamaya ay huminto ang sasakyan sa isang malawak na compound. Sa tapat nito ay may malaking karatula, nakasulat ay CASTIGLIONE LOGISTICS & PHILANTHROPIES HUB. “Dito na ba ’yun?” tanong ko habang nakatingin sa matatayog na pader na may mga barbed wires at CCTV cameras sa bawat kanto. “Oo, nandito na tayo," tugon ni Dante at pinagbuksan na kami ng pintuan. Halos hindi ko mapigilan ang excitement nang pumasok na kami sa loob ng matayog na warehouse, lalo na nang bumungad sa amin ay ang naglalakihang racks. Huminto kami sa Section A. Nakita ko ang mga kahon na may nakasulat na 'FRAGILE' at 'MEDICAL USE'. “Ito ang Section A. Dito namin nilalagay ang mga medical supplies,” panimula ni Dante nang una namin dinaluhan ang isang seksyon. Puro kahon ang makikita rito, kahon na may mga tatak na FRAGILE at MEDICAL USE. Naningkit ang mga mata ko. Agad na pumasok sa utak ko ay ang mga nabalitaan ko tungkol sa mga "medical front" ng mga sindikato. “Medical supplies?” maang ko. Makahulugan ko siyang nilingon. “Droga ba?” “Huh?” maang din niya, tila gulat na gulat sa itinanong ko. Bahagya pa siyang tumawa. “Anong droga?” Nilapitan niya ang isang bukas na kahon at may kinuha doon. “Ito, tignan mo. Ang tinutukoy kong medical supplies ay mga sterile gauze, IV fluids, at mga basic antibiotics. Pinapamigay namin ito sa mga pampublikong ospital linggu-linggo dahil palaging nagkaka-ubusan ng budget ang gobyerno para rito.” Mabilis nangunot ang noo ko sabay inispeksyon ang label ng swero. Original ito, Normal Saline Solution. “Ah…” kunwari'y tumango-tango ako at pasimpleng binalik ang kinuha sa lagayan. “Akala ko kasi… ’yung mga bawal na gamot, ’yung mga painkiller na matatapang?” palusot ko. “Wala kaming ganoon dito, Sera. Mahigpit ang permit sa mga ganoon kaya hindi na kami kumukuha,” banayad niyang sagot bago kami iginiya sa Section B. Kung walang mali sa Section A, paniguradong dito ay meron na! Ang dami kasing sako ng bigas! At nasisiguro ko na hindi lang bigas ang laman ng mga sako. Shabu! Baka may nakasiksik na shabu! “This section is for our disaster relief operations,” paliwanag niya. Lumapit ako sa mga sako at nagkunwaring inispeksyon ang kalidad nito, pero ang totoo ay pasimple ko nang tinutusok ng daliri ang ilalim nito para maramdaman kung may matigas na bagay sa loob. “Magandang klase ’yan. Siguradong busog ang mga pamilyang makakatanggap niyan,” sabi ni Dante habang hinihimas ang malapit sa kaniya na sako. “Ano sa tingin mo?" Madiin kong nakagat ang labi bago ako tumuwid ng tayo. Wala talaga. Literal na sako ng bigas ang mga ito. Inispeksyon ko rin ang mga nakatambak na de-lata sa tabi-tabi pero katulad ng mga sako, walang nakapaloob na droga. Nakakadismaya na sa totoo lang! Papunta na kami sa huling seksyon pero wala pa rin akong napapala. Pero hindi. Baka dito sa Section C, meron na! Mahigpit na kasi ang seguridad sa bandang ito dahil may biometric scanner pa sa pinto. Feeling ko ito na talaga ’yun! Kaso nang bumukas ang pinto ay ganoon na lang ang pag-awang ng bibig ko nang masilip ko ang loob. Imbes kasi na limpak-limpak na illegal na droga, mga makabagong hospital beds, dialysis machines, at mga wheelchair ang bumungad sa amin. “Ito ang pinaka-importanteng shipment para sa buwan na ito, Sera,” seryosong sabi ni Dante. “Maraming pasyente ang umaasa rito.” Halos laglag ang panga kong nagpalinga-linga sa paligid, hindi makapaniwala sa nakikita. Sa huli ay matinding kabiguan ang nangibabaw sa akin nang bumalik kami sa mansyon na wala man lang akong napala. Pakiramdam ko'y sumakit pa ang ulo ko dahil sa dami nang naiisip. Nagpaalam na akong aakyat muna ako sa kuwarto para makapagpahinga at nang walang alinlangan akong tanguan ni Dante ay dumiretso na ako sa banyo ng kwarto. Binuksan ko ang gripo nang malakas, pagkatapos ay mabilis kong inilabas ang communication device ko para i-deal ang numero ni Chief. “Agent 009, give me an update. Have you located the narcotics?” maawtoridad na bungad ni Chief sa kabilang linya. “Chief... kagagaling ko lang sa warehouse niya. Sa Castiglione Logistics,” mahina kong sabi, bakas ang pagkalito sa boses. “Pero wala akong nakitang illegal substances doon. Ang nakita ko lang ay libu-libong sako ng bigas, gauze, at dialysis machines. Ni anino ng droga ay wala.” Nahimigan ko ang pagbuntong-hininga nito bago magsalita. “Listen to me carefully, Agent 009,” seryosong tugon ni Chief. “Don’ let your guard down. High-profile criminals like Castiglione are masters of deception. They use philanthropy as a sophisticated smokescreen to mask their illicit operations. If the warehouse is clean, it only means he’s moved the evidence or he’s using a more secure location.” “Pero Chief, nakita ko kung paano siya makipag-usap sa mga tao niya. Sobrang labo talaga na maging isa siyang lider ng mga sindikato. Bukod sa pagiging lampa niya, parang ang dali pa niyang utuin.” “Just focus on the mission objective,” matigas na sabi ni Chief. “Vulnerability can be a calculated persona designed to disarm you. You are there to gather hard evidence, not to empathize with the target. I don't care if he has medical anomalies; I care about the drug ring he's allegedly funding.” Napapikit ako nang mariin. “Intindido, Chief.” “Maintain your cover. The wedding is scheduled for next week, right? Once you are legally his wife, I expect you to gain access to his private safe and personal records. Don’t fail me, 009. The agency has invested too much in this operation to come back empty-handed. Understood?” “Understood, Chief.” Pinatay ko na ang device, pagkatapos ay tulalang napasandal sa pader habang bukas pa rin ang gripo sa tabi. Nasa ganoong posisyon ako nang may biglang kumatok sa pintuan ng kuwarto, kaya napatuwid agad ako ng tayo. Paglabas ko ng banyo ay agad kong narinig ang boses ni Dante sa labas. “Sera? Are you okay in there?” katok pa nito sa pintuan. It was Dante. Pagbukas ko ay siya nga ang bumungad sa akin. Nakaputing t-shirt at cotton pants Siya, mukhang matutulog na. “Akala ko tulog ka na,” banayad niyang sabi. “Gusto ko lang sana sabihin na bukas ay darating ang wedding coordinator para sa kasal natin. Baka kasi magulat ka paggising mo na may ibang tao na rito sa mansyon.” Tumango ako. “Salamat sa pagsasabi. Ahm... bababa ka ba?” tanong ko, sinusubukang ibahin ang usapan. “Sabay na tayo. Tatawagin ko kasi si Tobi para makatulog na. Baka kung anu-ano na naman ang pinapakpak nun sa kusina.” Bahagya siyang natawa. “Sa office room sana ang tuloy ko para tapusin ang ilang papers, pero sige... sasamahan na kita.” Sabay kaming bumaba ng hagdan. Habang pababa, hindi ko maiwasang mapatingin sa kaniya. Para sa akin napaka-normal niyang tingnan. Bukod sa maamo ang mukha niya, parang mas mukha pa siyang biktima imbes na suspek. Hindi kaya nagkakamali lang si Chief? Pagdating namin sa kusina, nakita namin si Tobi na mahimbing nang natutulog sa isa sa mga upuan doon, may bahid pa ng frosting sa gilid ng labi. Lalapitan ko sana ito para buhatin kaso naunahan na ako ni Dante. “I’ll take him to your room,” anito. Tumango ako at sinundan sila ng tingin habang paakyat. Pero bago pa sila tuluyang makalayo, may napansin akong isang piraso ng papel na nahulog mula sa bulsa ni Dante nang buhatin niya ang bata. Sinulyapan ko muna ang gawi ni Dante, at nang makitang tuloy-tuloy na siya sa pag-akyat sa hagdan ay pinulot ko na ang papel saka ito tiningnan. “Anak ng pakshet!" may diin kong bulalas sa sarili nang makita kong isa itong surveillance photo. At ang subject ng litrato ay… ako. Hindi lang ito isang simpleng litrato ko. Kinunan ang litrato habang nasa loob ako ng training facility ng ahensya. At kung hindi ako nagkakamali ay noong nakaraang taon ito. Pero hindi iyon ang lubos kong ikinagulat. May pulang marka na nilagay sa tapat ng mukha ko at doon ay may nakasulat na maikling note sa gilid nito: “Target Identified: Agent 009. Proceed with Plan B.” Putek! So, he really is my enemy, huh?“S-sigurado po ba kayo? Baka po makaabala lang ako doon,” kunwari’y pa-humble kong sagot, pero sa loob-loob ko ay gusto ko nang mag-backflip sa tuwa. “No, Sera. Hindi ka magiging abala doon. Gusto ko talagang ipakita sa'yo ’yun,” nakangiti niyang sabi habang sinusuot na niya ang dalang bathrobe. “Kung ayos lang sa'yo ay magbihis ka na para makapunta na tayo doon. Kakatukin na lang kita sa kwarto niyo after lunch.” Tumango ako at mabilis nang tumalikod. Pagpasok ko sa kwarto, hindi ko na napigilan at napangisi na ako. Success! Akala ko ay aabutin pa ako ng buwan bago makapasok sa logistics hub niya. Ito na nga ang pinakamadaling natanggap kong misyon, mukhang ito rin ang pinakamabilis kong natapos. Kawawang Dante. Sa sobrang pagiging malambot at katangahan, siya pa ata ang kusang magdadala ng sarili sa kulungan. Tsk, tsk. Eksaktong ala-una ng hapon nang katukin nga niya kami ni Tobi sa kuwarto. Isinama ko na si Tobi dahil hindi ko naman ito pwedeng iwan rito. Nasisiguro ko kas
Hindi! Hindi pa rin ako naniniwala. Imposible talaga, e. Baka dahil sa sinag ng araw kaya nagmumukhang parang dalawa ang nakaumbok sa trunks niya. Kung hindi naman sinag ng araw, baka may nilagay siya doon para dayain ako? Dalawang talong, gano'n! Pero bakit naman niya ‘yun gagawin kung wala siyang ideya na nakasilip ako ngayon sa kaniya? Ah basta! Kailangan ko talagang makita ito para wala ng lusutan. Huminga ako nang malalim, at lumabas mula sa pinagtataguan ko. Kunwari ay gulat na gulat akong makita siya. “O-oh! Dante! Nandiyan ka pala?” bati ko habang ang mga mata ko ay tila may magnet na diretsong napatingin sa ibabang bahagi ng katawan niya. Gulat niya akong nilingon, at nang mapansin kung nasaan ako nakatingin ay mabilis niyang pinangtakip sa ibaba niya ang hawak na tuwalya. “Sera! Kanina ka pa ba riyan?” “Kakarating ko lang,” pagsisinungaling ko. Lumapit na ako sa kaniya ng tuluyan. “Ano kasi... tungkol sa napag-usapan natin kagabi. Hindi ako nakatulog dahil do
Automatic na bumaba ang tingin ko sa gitna ng pantalon niya habang nakaawang ang bibig dahil sa gulat, tila ba nagkaroon ako bigla ng X-ray vision nang titigan ko ang umbok niya. Kaso mabilis niyang tinakpan ng dalawang kamay ang tapat ng kaniyang zipper kaya napabalik sa mukha niya ang tingin ko.“Don’t—don’t stare at it! God, it’s embarrassing!” nauutal niyang saway sa wikang Ingles, hindi na naman siya makatingin ng diretso sa akin.Napalunok ako. Totoo ba talaga ang sinabi niya? Pinilit kong ibalik ang pokus ko sa mukha niya habang iniisip ang mission protocol para hindi ako tuluyang masiraan ng bait dito.“Tatanggapin ko po kayo... kahit ilan pa ’yan. Ang mahalaga po ay mabuti ang puso niyo,” halos nauutal ko na ring tugon.“Talaga?” Biglang nagliwanag ang mukha niya. Lumapit siya lalo sa akin na may nagniningning nang mga mata. “Kahit mag-ano tayo… ayos lang sa’yo? Hindi ka matatakot o mandidiri?”Hilaw akong napangiti. Yung tipong ngiting aso na lang dahil hindi ko na alam k
“Tobi po, Bossing!” sagot ni Tobi kay Dante, may kasama pang paghimas sa malusog niyang tiyan. “Gutom na gutom na po talaga ako. Ano pong mga pagkain n'yo dito?” Natawa nang mahina si Dante. “Marami. Ano ba mga paborito mo?” At sinagot naman iyon ni Tobi ng kung anu-anong pagkain. Lumapit na ako sa kanila pagkatapos magpaalam ng guard sa akin. Nang nasa hapag na kami, halos malula ako sa daming pagkain na inihain sa amin. Tuloy, halos hindi na makahinga si Tobi sa dami ng nakain niya. “Salamat po talaga, Sir Dante sa pagkain. Tatanawin po naming utang na loob ito," bait-baitan kong panalamat. Nakangiti lang akong inilingan ni Dante pagkatapos ay kay Tobi na itinuon ang atensyon. Kami ang magkatabi ni Tobi, habang si Dante naman ay parang nakakita ng anghel kung makatitig kay Tobi, kaharap namin siya ni Tobi. "Masaya akong makita na busog na busog ang anak mo,” anito at tumingin sa akin. Bago pa humaba ang usapan ay humiling na ako ng isa pang pabor. “Maraming salamat
“He is Dante Castiglione. Zillionaire, philanthropist, at ang pinaghihinalaang utak sa likod ng pagkalat ng mga bagong droga sa bansa at iba pang illegal na gawain. He is your mission now.” Nanatili akong tahimik habang pinagmamasdan ang envelope na inilapag ni Chief sa harap ko. Dinampot ko iyon at nilabas ang litrato mula sa loob. Bahagyang umarko ang kilay ko nang makita ang itsura ng target. Guwapo, matipuno, at mukhang karespe-respetado. Isang mukhang hindi mo paghihinalaang kayang pumatay o sumira ng buhay ng libu-libong tao gamit ang illegal na negosyo niya. Pero sa industriyang ito, ang pinakamagandang mukha ang kadalasang may pinakamaitim na sikreto. “Anong gagawin?” may kagaspangan kong tanong kay Chief habang nilalaro ang gilid ng litrato. “Secretly, Dante is looking for a wife. Hindi malinaw ang dahilan, but we suspect it’s for a business leverage or a personal shield. Ang misyon mo ay pasukin ang buhay niya, maging asawa niya, at kunin ang lahat ng ebidensyang kai







