Sa ikatlong set naman ay nakasuot siya ng swimming trunks. May mga manonood ang impit na tumitili habang siya’y naglalakad sa runway. Hindi na iyon nakapagtataka dahil sa taglay niyang kakisigan.“Final set na!” sambit ng organizer ng event sa mga modelo sa dressing room. “Kasama niyong maglalakad si Miss Abegail. Teka, nasaan ang tatlong makakasama ni Miss Abegail sa paglalakad? Vander, Magnus and Thelma, come here!”Tahimik na lumapit si Vander. Nakita naman niyang nakangiti si Magnus sa kaniya habang hindi siya pinapansin ni Thelma.“Are you with her?” tanong ni Magnus paglapit sa kaniya.“Who?” Kunot noong tanong niya sa lalaki.Magnus is his number one rival in modeling kaya nagtataka siya nang kausapin siya nito ngayon. Karaniwan naman silang hindi nagpapansinan kapag nasa trabaho. Hindi rin niya intensyon na kausapin ito, dahil hindi niya gusto ang presko nitong ugali.“Si Baby Indi.”“I’m sorry, who?” ulit niyang tanong.Medyo lumakas pa ang boses niya kaya napatingin sa kanil
“Silueta, may dalaw ka,” sabi ng isang pulis bago nito buksan ang pintuan ng selda.Bumangon si Dawn sa hinihigaang karton at sumunod palabas sa pulis. Ito ang ikatlong araw niya sa kulungan, pero hindi siya nag-aalala. Libre ang pagkain at tulugan sa selda. Mas gusto niya rito para malayo siya sa mga taong ayaw niyang makita.Tumawag siya ng pulis noong nasa pasugalan siya, nang sa ganoon ay may matuluyan siya. Kaya nasabi nang babaeng kasama niya na hindi siya nito maintindihan sa mga pinaggagawa niya. Pwede naman siyang tumuloy sa mga hotel, pero mas gusto pa niyang manatili sa kulungan. Iyon ay dahil nakokonsensya rin siya sa mga pasugalang pinapahuli sa mga pulis. Dahil sa kaniya nawalan ng hanapbuhay ang mga ito at ito ang paraan niya para mabawasan kahit kaunti ang konsensya niya. Hindi siya maaaring magbulag-bulagan sa negosyo ng mga ito. Kailangan ng mga itong maturuan ng leksyon. Kung hindi, maraming kabataan ang mapapariwara at malululong sa sugal. Masisira ang kinabukasan
Nagtataka naman si Dawn sa kilos ni Vander simula nang ilabas siya nito sa kulungan. Habang naghuhugas ng plato ay patuloy na naglalaro sa kaniyang isip ang sinabi at ginawa nito.“Alright. Let’s talk later,” mabilis siya nitong hinalikan sa labi na ikinagulat niya.Hindi pa rin siya nasasanay sa biglaan nitong halik. Kahit mag-asawa sila sa papel, wala naman silang romantic feelings para sa isa’t-isa, kaya labis siyang nagtataka sa pinapakita nitong pag-aalala sa kaniya. Oo, gwapo ang lalaki pero wala pa siyang makapang kakaibang damdamin para rito. Si Magnum pa rin talaga ang laman ng puso niya.Sinundan niya ng tingin si Vander hanggang makaupo ito sa sala. Ngumiti pa ito sa kaniya kaya umiwas siya ng tingin at hinarap ang mga hinuhugasang plato.“Kakaiba talaga ang kilos niya,” sambit ni Dawn sa sarili.Marahang lumapit si Dawn sa kinauupuan ni Vander pagkatapos niyang maghugas ng plato. Seryoso ang tingin nito sa telebisyon kaya tumingin din siya roon. Nagulat siya nang makita an
“Dawn?” Marahang katok sa kwarto ni Dawn ang narinig niya. Binuksan naman niya iyon at nakita si Sister Wasay.“Bakit po, sister?” magalang niyang tanong.“Nasa ibaba si Ginoong Magnus. Hinahanap ka,” inporma nito sa kaniya.“Okay po, sister. Susunod na po ako,” nakangiti niyang sabi.Isang buwan na siyang nananatili sa Orphil Di Ani. Nagpahatid siya roon kay Magnus matapos siyang iwan ni Vander sa amusement park. Isang linggo matapos ang huli nilang pag-uusap ay naging usap-usapan ang hiwalayan nila sa social media dahil daw sa relasyon niya sa ibang lalaki. Naging matunog din ang pangalan ni Magnus na sinasabing kalaguyo niya. Sa halip na magalit, natuwa pa si Magnus na na-relate ito sa kaniya. Kahit daw sa balita man lang ay maging sila.“Hello there, gorgeous!” masayang bati ni Magnus nang makita siya.Tulad ng dati, paborito pa rin nitong suotin ang white shirt at leather jacket. Gwapo raw kasi ito sa ganoong get up, iyon ang sabi nito. Hindi na niya kinokontra pero gwapo naman t
Hindi niya alam kung sinasadya ba nito ’yon o hindi. May tama rin kasi ang utak ng isang ’to, kaya siguro magkasundo sila pagdating sa kalokohan.“Salamat. Kumain ka na rin,” sambit niya bago nagsimulang kainin ang hiniwa nitong karne.“Aww! You’re so sweet, Magnus. Kayo na ba?” epal na namang tanong ni Thelma.Hindi sinasadyang napasulyap si Dawn sa pwesto ni Vander. Patuloy lang ito sa pagkain at tila walang pakealam sa pag-uusap sa paligid.“How I wish she’ll be mine, pero in love ’yan sa iba e,” sagot ni Magnus.Nag-iwas ng tingin si Dawn nang biglang mag-angat ng paningin si Vander sa direksyon niya. Huling huli nito na nakatingin siya.“Oh, really? Sino?” muling tanong ni Thelma. “Narito ba?” parang sinasadya nitong ipitin siya sa sitwasyon.“Wala rito si Magnum,” bahagya niyang siniko si Magnus nang sambitin nito ang pangalan ng kakambal. Kahit kailan talaga napakadaldal ng lalaking ito. Talagang sinabi pa nito sa plastic na kausap ang nararamdaman niya sa kambal nito. Bwesit t
I miss you, Indiana. Mga salitang paulit-ulit na gumuguhit sa isip ni Dawn. Pinilig niya ang ulo para mawala sa kaniyang isip ang iniwang salita ni Vander dalawang araw na ang nakakaraan. Sariwa pa rin sa isip niya ang ginawa nito. Hindi naman siya nakapagsalita nang bigla rin itong tumalikod. Iniisip pa nga niya baka pinagtitripan siya nito, pero bakit naman?“Ginugulo mo ang sistema ko, Vander,” sambit niya at sinabunutan ang sarili.“Anak, anong nangyayari sa ’yo? May masakit ba sa ’yo?”Mabilis namang umayos si Dawn nang marinig ang boses ni Mother Superior.“Mother,” bati niya sa matandang madre bago magmano. “Ayos lang po ako,” nakangiti niyang sabi.“Mabuti naman,” mukhang nakahinga ito ng maluwag. “S’yanga pala, nariyan nga pala si Magnus sa ibaba binibisita ka. Kaya lang parang kakaiba ngayon ang batang ’yon. Napaka-tahimik at kakaiba ang pananamit niya. Parang nagpa-gupit din siya ngayon.”Nagtaka naman si Dawn sa sinabi ng madre. Wala kasi silang usapan ngayon ni Magnus.“S
Samantala, biglang hinagis ni Vander ang hawak na cellphone sa mesang nasa harapan niya. Naiinis siya sa nakita roon.“Nakikinig ka ba, Vander?” galit na tanong ni Manager Crista.“No,” balewala niyang sagot.“Ano bang nangyayari sa ’yo? Hindi ka naman dating ganiyan, ah? Hinayaan kitang mag-cellphone sa kalagitnaan ng meeting kahit hindi mo ’yon gawain, dahil akala ko nasa meeting ang tainga mo, pero hindi pala. Ano bang tinitignan mo sa cellphone na ’yan, ha?” Walang paalam nitong kinuha ang cellphone niya. “The princess and her knights?” basa nito sa caption ng larawan na tinitignan ni Vander kanina. “So, this is all about her again, ha? And because of her, nagkakaganiyan ka sa harapan ko. Kailan ka ba magigising, Vander? Tigilan mo na ang babaeng iyon na walang ginawa kundi sirain ang karera mo.”Nanatiling seryoso si Vander. Hinayaan lang niyang magsalita si Manager Crista. Wala siya sa mood para magpaliwanag.“Plano mo ba talagang sirain ang career mo, Vander? Malaking proyekto
Malakas ang ginawang pag-preno ni Dawn nang makita ang taong hindi niya inaasahang makita sa race lane. Seryoso ang tingin nito taliwas sa gulat niyang ekspresyon. Akala niya kung ano ang gagawin nito, pero nagulat siya nang bigla itong yumakap sa kaniya.“You’re causing my heart failure, Indiana. You scared me to death!”Hindi niya napigilan ang malakas na kabog ng dibdib dahil sa nag-aalala nitong boses. Ang mahigpit nitong yakap ay nagbibigay ng kiliti sa kaniyang sikmura.“V-Vander,” mahina niyang sabi. “What are you doing here?” Bahagya itong lumayo sa kaniya. “Don’t do that!” pigil niya nang tangkain nitong alisin ang kaniyang helmet. “Back off!” seryoso niyang sabi bago muling paandarin ang kaniyang motor.“Indiana, please stop!” Hindi niya pinansin ang pagtawag nito sa kaniya.Huminto si Dawn sa kasamahan niyang naghihintay sa kaniya.“Kilala mo ’yong pogi na iyon?” salubong na tanong sa kaniya ni Litos.Tumingin siya sa itinuro nitong direksyon. Napataas ang kaniyang kilay na
“Pa, where’s Vander?” tanong ni Dawn. Ngayon ang discharge nilang dalawa pero hindi niya nakita si Vander sa silid pagkamulat ng mga mata niya kaninang umaga.“Nauna na siyang lumabas, Anak. Hindi ka na niya ginising kanina.” Ang kaniyang Mama ang sumagot habang abala ito sa pag-aayos ng kaniyang mga gamit.Lihim namang nagtampo si Dawn. Usapan nila ni Vander ay sabay silang lalabas.“Let’s go!” paanyaya ng kaniyang Ama.Tahimik pa rin si Dawn habang na sa sasakyan.“Smile, Baby!” nakangiting sabi ng kaniyang Ina.Pilit naman siyang ngumiti.“Huwag ka nang malungkot, baka may inaasikaso lang si Vander,” singit ng kaniyang Ama.Her parents decided to settle everything between them and she’s happy that they are together now. Hindi nag-asawa ang kaniyang Ina nang maghiwalay ito ng kaniyang Ama. Siguro ang Papa niya talaga ang soulmate ng Mama niya.“I’m happy, Pa.” Pilit na ngiti pa rin ang ibinigay niya sa Ama.“Happy ka ba talaga, Anak? E, bakit parang malungkot ka naman? Huwag kang ma
Matamlay na pinagmamasdan ni Abegail ang anak na tatlong linggo ng hindi nagkakamalay. Ayon sa doktor, malapit sa puso ang tama ng baril kay Dawn. Ganoon din si Vander na ngayon ay hindi pa rin nagkakamalay. Kritikal din ang sugat nito sa ulo. Nagdesisyon silang pagsamahin ang dalawa sa isang pribadong silid. Nananatiling magkadikit ang kamay ng mga ito. Naniniwala rin si Abegail sa sinabi ng isang nurse na kumukuha ng lakas ang dalawa sa isa’t-isa.“You need to wake up na mga anak. Excited na kami sa aming magiging apo,” biro niya. Pilit niyang pinasisigla ang boses habang kinakausap ang dalawa.Tumingin sa pintuan si Abegail nang bumukas iyon. Akala niya ang kapatid ni Vander ang pumasok na siyang nagbabantay sa lalaki ngayon pero si Romano ang iniluwa ng pintuan.“Magpahinga ka muna. Ako naman ang magbabantay sa anak natin,” malambing nitong sabi.“Ayokong umalis sa tabi niya, Romano. Maraming taon ang nasayang ko para makasama siya. Hindi ko na iyon hahayaan pa na maulit muli. Our
Tumikhim siya para alisin ang pagkapahiya. “Ahm… Ma, si Vander po pala, asawa ko,” pakilala niya rito.“I know,” nakangiting sagot ng kaniyang Ina.“Paano mo nalaman? ’Di ba ang alam mo peke ang kasal namin at pinalabas sa TV na hiwalay na kami?” nagtatakang tanong ni Dawn.“Yes, but Vander talked to your Father after you take over the company, and your father told me about it.”Nang-aasar naman siyang ngumiti sa Ina. “So Mama, nag-uusap po kayo ni Papa ng hindi ko alam? Magkakaroon na ba ako ng kapatid?” panunukso niya sa Ina.Namula naman si Ms. Abegail sa sinabi niya. “Don’t put me in the hot seat, Dawn. Dapat kami ang bigyan niyo ng apo,” bawi nito.Siya naman ang namula sa sinabi ng Ina at hindi nakasagot sa tudyo nito.“Don’t worry, Tita. We will work that soon,” nakangiting singit ni Vander.Bahagya niya itong pinalo sa braso pero tumawa lang ang lalaki.“Miss Abegail, pwede na ba nating tapusin ang shoot?” magalang na tanong ng photographer. Waring naiinip na sa dramang nasasa
“Very good!” puri ng photographer kay Dawn.Proud namang nakangiti sa kaniya ang mama niya. Noong bata pa siya palagi siya nitong tinuturuan kung paano ang tamang anggulo sa harap ng camera. Hindi niya alam na magagamit niya iyon ngayon. Napansin ni Dawn na may ibinulong sa photographer ang isang staff. Lumapit din ang kaniyang ina sa dalawa. Hindi niya naririnig ang usapan, pero base sa facial expression ng mga ito, may problema. Mataman namang nakikinig ang dalawa sa kaniyang ina, nakita niyang lumiwanag ang itsura ng kausap nito.“Okay, let’s do this!” sigaw ng photographer. Mukhang excited ito sa gagawin na wala siyang ideya kung ano. “Ms. Dawn, stay there! We’re taking the second shoot.” Pigil nito sa tangka niyang pag-alis sa pwesto.Nagtaka si Dawn. Bumaling naman siya sa kaniyang ina na may nagtatanong na tingin. Ngumiti lang ito sa kaniya bilang sagot. Tila pinapahiwatig nitong ayos lang ang lahat, kaya napanatag siya. Isa pa, ligtas naman siya sa loob ng studio.“Sir, punta
Kinabukasan ay nagtungo siya sa isang photoshoot para sa kanilang kompanya. Tinawagan niya si Magnus sandali.“Magnus, where are you?” tanong ni Dawn sa lalaki habang kausap ito sa cellphone.Late na ang lalaki sa gaganaping photoshoot kasama siya para sa isang business magazine. Tampok ang kanilang kompanya para maging cover this year at bilang presidente, kailangan mukha niya ang naroon. Ayaw niya sana, pero napilit siya ng ama at wala siyang choice kundi sundin ito.“I’m sorry, Baby Indi. Pupunta na ako,” sagot nito sa kabilang linya.Ito ang kinuhang partner niya. Wala naman iyong problema dahil kaibigan niya ito. Isa pa, modela si Magnus at sikat din ito sa larangang iyon. Bukod doon, komportable rin siyang ito ang kasama niya sa trabaho.“Alright. Bilisan mo.”Bumalik si Dawn sa studio matapos ng kanilang pag-uusap ni Magnus.“Ms. President, you’re also here?”Bahagyang pumikit si Dawn nang marinig ang boses ni Thelma. Lumingon siya rito pero bahagya siyang natigilan dahil sa la
Nagtaka si Dawn nang hindi gumalaw si Magnus. Para itong itinulos sa kinatatayuan.“Ayos ka lang ba, Magnus?”Lalayo sana siya rito, para tingnan ang kaibigan, pero pinigilan siya ni Magnus.“Stay. Minsan lang ito mangyari kaya lulubusin ko na,” sagot ni Magnus. Naramdaman niya ang braso nito sa kaniyang baywang at niyakap siya ng mahigpit. Natawa siya sa katwiran nito.“Tama na, Magnus. Masyado nang matagal. Sinuswerte ka na. Nagpapasalamat lang ako, abuso ka naman diyan,” biro niya nang hindi pa ito humihiwalay sa kaniya.“Minsan lang ’to, Baby Indi. Huwag mo nang ipagdamot.”Pabiro niya itong hinampas sa likuran. “Baka masanay ka, ano ka ba? Bitiw na kasi.”“Ouch! Sinaktan mo na naman ang puso ko, Baby Indi. Ayaw mo ba talaga sa ’kin?” kunwari ay arte nito at malungkot nitong tanong.Natigilan naman si Dawn. Gusto na niyang itanong dito ang bagay na iyon.“Magnus,” tawag niya sa pangalan ng binata.“Hmm?”“May gusto ka ba talaga sa ’kin?” lakas loob niyang tanong.Humiwalay ito ng
“You’re not needed here, Amara. Bring her back home, Vander,” matigas nitong utos sa kaniya. “Let’s continue our meeting,” baling nito sa board members.“I think, Mrs. Monterallo has something to say, Mr. Monterallo,” sambit ng isang board member.Muling bumaling ang tingin ni Alero sa kanilang dalawa. Nagbabanta ang tingin nito, pero malakas ang loob ng kaniyang ina at tumayo ito. Inalalayan naman niya ito patungo sa unahan ng mahabang mesa sa loob ng conference room.“As the legal heiress of Katnis Corporation, me, Amara Katnis Monterallo will be removing Alero Monterallo in the position of the company’s President and my son, Vander Monterallo will take over the company from now on,” anunsyo nito sa lahat na hindi nagustuhan ni Alero.“What are you doing, Amara?” sigaw ni Alero.“Dad!” awat ni Vander sa ama nang tangkain nitong hilahin ang kaniyang ina.“At ikaw naman na nagmamagaling, anong malay mong magpatakbo ng kompanya, huh?! Hindi photoshoot ang trabaho rito na p’wede kang ma
“Thelma, what is it?” tanong ni Maira nang sagutin ang tawag ng pamangkin. “Alero, stop it!” Nakikiliti nitong saway sa lalaki nang halikan nito ang leeg niya.“You’re with Tito Alero, Tita?”“Yeah at iniistorbo mo kami. Bakit ka ba kasi tumawag? Busy kami ni Alero ngayon,” sagot ni Maira sa pamangkin.“We have a problem, Tita!”Umayos ng upo si Maira. “What problem?” nagtatakang tanong ni Maira habang hinayaan si Alero na haplusin ang parte ng katawan niya.“Search what’s the trend today even the news. Bilisan mo, Tita,” taranta nitong sabi.“Okay, I’ll be right back.” Pinatay ni Maira ang tawag at nagtungo sa search engine ng kaniyang cellphone.“What’s the matter, honey?” tanong ni Alero na napahinto sa ginagawa.“I’m trying to know what Thelma’s talking about,” sagot niya habang hinihintay ang result sa cellphone niya at nanlaki ang mga mata nito sa bumungad na article. “What is this?” gulat niyang tanong.Sinilip ni Alero ang tinitingnan niya sa phone. “Silueta heiress?” basa nit
Tumalim naman ang tingin nito sa kaniya. “Tama ang sabi nila, wala kang modo!” madiin nitong sabi.“Huwag kang maniwala sa sabi-sabi, tanda. Masama iyan. Baka kung saan ka pulutin,” nakangisi niyang pang-aasar dito. Hindi pala ito nararapat na tawaging ginang, ang sama ng ugali. Ginagalang na nga niya, sinabihan pa siya ng walang modo.“You—”“Halina kayo. Makakalabas na tayo.”Narinig niyang sabi ni Vander na nagpaputol sa sasabihin ni Manager Crista.“Ikaw na ang mauna, tanda, baka masabihan mo pa ako ng walang modo kapag inunahan kita, eh. Oldest first,” nakangiti niyang sabi sa nanggigil sa inis na manager at itinuro rito ang daan.Matalim siya nitong tiningnan bago talikuran.“Did she say something to you?” nag-aalalang tanong ni Vander sa kaniya.“Nothing,” tipid niyang sagot.She can handle that old lady. Hindi niya ito kailangan para lang sa walang kwentang sinasabi ng manager nito. Naramdaman niya ang paghawak ni Vander sa kaniyang siko, pero marahan niya iyong inalis.“I can