Share

FIRST HEADACHE

Author: Maybel Abutar
last update Last Updated: 2025-03-30 17:49:26

Samantala, dumiretso si Vander sa isang theater upang tagpuin ang kaniyang kasintahan. Sa daming stress na ibinigay ng ama niya, ngayon ay kailangan naman niya ng stress reliever. Isa pa, kailangan niyang sabihin sa girlfriend ang sapilitang pagpapakasal sa kaniya sa babaeng kasama niya ngayon sa maliit na bahay na inilaan ng kaniyang Ama para sa kanila. Ewan ba niya sa daddy niya. Marami itong pera pero napakaliit ng bahay na ibinigay sa kanila ng babaeng ’yon. Wala tuloy siyang pagpipilian kundi makita palagi sa loob ng bahay ang pagmumukha ng babaeng ’yon.

“Sweetie!” masayang sinalubong si Vander ng kasintahan niyang si Thelma pagkarating sa theater.

“Let’s go?” nakangiti niyang paanyaya rito.

Tinawagan si Vander ng kasintahan kanina upang manood ng paborito nitong theater play. Kahit nakakaantok iyon para sa kaniya, hindi niya kayang tanggihan si Thelma. Kaya walang pagdadalawang isip siyang nagmadaling umalis makita lang ito. Isa pa naiirita siya sa babaeng kasama niya sa bahay. Hindi niya gusto ang kilos nito at masakit sa mata ang kulay pula nitong buhok.

Palihim na humikab si Vander sa kalagitnaan ng palabas. Matamis siyang ngumiti nang bumaling sa kaniya si Thelma.

“Nagustuhan mo ba ang play?” malambing nitong tanong.

“Of course!” kumpyansa niyang sagot kahit wala siyang naiintindihan.

Yumakap ito sa kaniyang braso habang nakangiting nanonood. Nang matapos ang play ay nagtungo na sila sa mamahaling restaurant para kumain.

“Hindi kita makontak kanina. Where did you go?” tila nagtatampo nitong tanong habang nag-d-dinner sila.

Huminga nang malalim si Vander. Kailangan niyang sabihin dito ang nangyari sa kaniya. Ayaw niyang maglihim sa kasintahan.

“I need to tell you something, Sweetheart.”

Mayuming uminom si Thelma bago hinintay ang kaniyang sasabihin.

“Sige. Ano ba ’yon?”

“I’m—” Naputol ang sasabihin ni Vander nang tumunog ang cellphone ni Thelma. “Any problem?” tanong niya nang mapansin ang pagbabago ng mood nito.

“N-nothing,” mabilis nitong pinatay ang tawag at ini-off ang cellphone. “What is it we’re talking about earlier?” muli nitong tanong sa kaniya pagkatapos ipatong ang cellphone sa mesa.

Pinagmasdan ni Vander ang kasintahan. Maamo pa rin ang mukha nito habang nakangiti sa kaniya, pero pakiramdam niya may bumabagabag dito. Hindi mapakali ang mga mata nito.

“I moved in another place,” sagot na lang niya. Ayaw niyang dagdagan ang alalahanin ni Thelma kaya mabuting hindi muna niya sabihin ang tungkol sa pangit na kondisyonis ng ama at panggigipit sa kaniya.

“Do you want a company to fix your things?” tanong nito. Bumalik na rin ito sa pagkain.

“No. Someone will do that for me,” sagot ni Vander patukoy sa iniwang babae sa bahay nilang maliit.

Ang totoo ay nagulat siya na ito ang babaeng muntik na niyang masagasaan at ang babaeng dahilan kung bakit hindi siya nakarating sa photoshoot. Kahit ayaw niya wala siyang magagawa laban sa ama. Gagawin niya ang gusto nito para sa ikatatahimik ng pamilya ni Thelma at career niya. Wala rin siyang ideya sa plano ng Ama at pinagsama sila nang babae sa iisang bubong. Kung anuman iyon, siguradong tungkol na naman ’yon sa business.

Natapos lang ang dinner nila na hindi nasasabi kay Thelma ang kinakaharap niyang problema ngayon. Wala rin itong kaalam-alam na nakatali na siya sa iba.

“Good night!” paalam ni Thelma pagkahatid niya rito. Humalik lang ito sa kaniyang pisngi bago pumasok sa loob ng bahay.

***

Habang nagmamaneho ay iniisip ni Vander ang naging kilos ni Thelma kanina. Alam niyang may problema ito pero hihintayin niyang ito mismo ang magsabi sa kaniya. Iyon ang naglalaro sa isip niya hanggang makarating sa maliit nilang tahanan. Kumunot ang noo ni Vander nang makitang madilim ang buong bahay.

“Hindi ba marunong magbukas ng ilaw ang babaeng ’yon?” tanong niya sa sarili pagbukas ng front door.

Kinapa niya ang switch ng ilaw pagpasok sa loob ng bahay. Namilog ang mga mata niya nang biglang nagliwanag ang buong bahay.

“What the hell?” bulalas niya nang makitang nagkalat sa loob ang mga appliances, groceries at iba’t-ibang mga kagamitan.

“Indiana!” tawag niya sa babae.

Kinatok niya ang nag-iisang silid doon.

“Indiana!” muli niyang tawag dito.

Bumukas naman ang pintuan at kunot noo niya itong tiningnan. Hindi niya sigurado kung kararating lang nito o aalis pa lang dahil sa bihis nito ngayon.

“What is this?” turo niya sa nagkalat na bagay sa loob.

“I brought everything needed in this house,” balewala nitong sagot.

Hinilot ni Vander ang sentido. Unang araw pa lang sumasakit na ang ulo niya sa babaeng ito.

“Then?”tanong niya. Gusto niyang maisip nito na dapat inaayos nito ang mga iyon at hindi hinahayaang nakakalat lang.

“I brought everything and then, you will put everything in place. I need to go. Bye, Mister! It’s my turn to go out. Total ikaw ang naunang lumabas kanina, ikaw na ang bahala sa mga ’yan. My part in the house is done today. Isa pa, hindi mo ako katulong, Mister.”

Napanganga na lang si Vander nang bigla siya nitong iwan.

“Argh! I can’t take you anymore, Woman. I can’t believe this. You’re unbelievable!” frustrated na sigaw ni Vander pag-alis ni Dawn. Mukhang maha-highblood siya sa babaeng ’yon. Sobrang pasaway! Kaya kailangan niyang madaliin ang Daddy niya na makuha nito ang gusto nito sa pamilya ni Dawn Indiana para makalaya na siya at hindi na makasama pa ang babaeng iyon.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • Marrying Rebellious Heiress   HAPPY ENDING

    “Pa, where’s Vander?” tanong ni Dawn. Ngayon ang discharge nilang dalawa pero hindi niya nakita si Vander sa silid pagkamulat ng mga mata niya kaninang umaga.“Nauna na siyang lumabas, Anak. Hindi ka na niya ginising kanina.” Ang kaniyang Mama ang sumagot habang abala ito sa pag-aayos ng kaniyang mga gamit.Lihim namang nagtampo si Dawn. Usapan nila ni Vander ay sabay silang lalabas.“Let’s go!” paanyaya ng kaniyang Ama.Tahimik pa rin si Dawn habang na sa sasakyan.“Smile, Baby!” nakangiting sabi ng kaniyang Ina.Pilit naman siyang ngumiti.“Huwag ka nang malungkot, baka may inaasikaso lang si Vander,” singit ng kaniyang Ama.Her parents decided to settle everything between them and she’s happy that they are together now. Hindi nag-asawa ang kaniyang Ina nang maghiwalay ito ng kaniyang Ama. Siguro ang Papa niya talaga ang soulmate ng Mama niya.“I’m happy, Pa.” Pilit na ngiti pa rin ang ibinigay niya sa Ama.“Happy ka ba talaga, Anak? E, bakit parang malungkot ka naman? Huwag kang ma

  • Marrying Rebellious Heiress   WOKE UP

    Matamlay na pinagmamasdan ni Abegail ang anak na tatlong linggo ng hindi nagkakamalay. Ayon sa doktor, malapit sa puso ang tama ng baril kay Dawn. Ganoon din si Vander na ngayon ay hindi pa rin nagkakamalay. Kritikal din ang sugat nito sa ulo. Nagdesisyon silang pagsamahin ang dalawa sa isang pribadong silid. Nananatiling magkadikit ang kamay ng mga ito. Naniniwala rin si Abegail sa sinabi ng isang nurse na kumukuha ng lakas ang dalawa sa isa’t-isa.“You need to wake up na mga anak. Excited na kami sa aming magiging apo,” biro niya. Pilit niyang pinasisigla ang boses habang kinakausap ang dalawa.Tumingin sa pintuan si Abegail nang bumukas iyon. Akala niya ang kapatid ni Vander ang pumasok na siyang nagbabantay sa lalaki ngayon pero si Romano ang iniluwa ng pintuan.“Magpahinga ka muna. Ako naman ang magbabantay sa anak natin,” malambing nitong sabi.“Ayokong umalis sa tabi niya, Romano. Maraming taon ang nasayang ko para makasama siya. Hindi ko na iyon hahayaan pa na maulit muli. Our

  • Marrying Rebellious Heiress   CRITICAL CONDITION

    Tumikhim siya para alisin ang pagkapahiya. “Ahm… Ma, si Vander po pala, asawa ko,” pakilala niya rito.“I know,” nakangiting sagot ng kaniyang Ina.“Paano mo nalaman? ’Di ba ang alam mo peke ang kasal namin at pinalabas sa TV na hiwalay na kami?” nagtatakang tanong ni Dawn.“Yes, but Vander talked to your Father after you take over the company, and your father told me about it.”Nang-aasar naman siyang ngumiti sa Ina. “So Mama, nag-uusap po kayo ni Papa ng hindi ko alam? Magkakaroon na ba ako ng kapatid?” panunukso niya sa Ina.Namula naman si Ms. Abegail sa sinabi niya. “Don’t put me in the hot seat, Dawn. Dapat kami ang bigyan niyo ng apo,” bawi nito.Siya naman ang namula sa sinabi ng Ina at hindi nakasagot sa tudyo nito.“Don’t worry, Tita. We will work that soon,” nakangiting singit ni Vander.Bahagya niya itong pinalo sa braso pero tumawa lang ang lalaki.“Miss Abegail, pwede na ba nating tapusin ang shoot?” magalang na tanong ng photographer. Waring naiinip na sa dramang nasasa

  • Marrying Rebellious Heiress   GETTING BACK TOGETHER

    “Very good!” puri ng photographer kay Dawn.Proud namang nakangiti sa kaniya ang mama niya. Noong bata pa siya palagi siya nitong tinuturuan kung paano ang tamang anggulo sa harap ng camera. Hindi niya alam na magagamit niya iyon ngayon. Napansin ni Dawn na may ibinulong sa photographer ang isang staff. Lumapit din ang kaniyang ina sa dalawa. Hindi niya naririnig ang usapan, pero base sa facial expression ng mga ito, may problema. Mataman namang nakikinig ang dalawa sa kaniyang ina, nakita niyang lumiwanag ang itsura ng kausap nito.“Okay, let’s do this!” sigaw ng photographer. Mukhang excited ito sa gagawin na wala siyang ideya kung ano. “Ms. Dawn, stay there! We’re taking the second shoot.” Pigil nito sa tangka niyang pag-alis sa pwesto.Nagtaka si Dawn. Bumaling naman siya sa kaniyang ina na may nagtatanong na tingin. Ngumiti lang ito sa kaniya bilang sagot. Tila pinapahiwatig nitong ayos lang ang lahat, kaya napanatag siya. Isa pa, ligtas naman siya sa loob ng studio.“Sir, punta

  • Marrying Rebellious Heiress   THE HEIRESS MOTHER

    Kinabukasan ay nagtungo siya sa isang photoshoot para sa kanilang kompanya. Tinawagan niya si Magnus sandali.“Magnus, where are you?” tanong ni Dawn sa lalaki habang kausap ito sa cellphone.Late na ang lalaki sa gaganaping photoshoot kasama siya para sa isang business magazine. Tampok ang kanilang kompanya para maging cover this year at bilang presidente, kailangan mukha niya ang naroon. Ayaw niya sana, pero napilit siya ng ama at wala siyang choice kundi sundin ito.“I’m sorry, Baby Indi. Pupunta na ako,” sagot nito sa kabilang linya.Ito ang kinuhang partner niya. Wala naman iyong problema dahil kaibigan niya ito. Isa pa, modela si Magnus at sikat din ito sa larangang iyon. Bukod doon, komportable rin siyang ito ang kasama niya sa trabaho.“Alright. Bilisan mo.”Bumalik si Dawn sa studio matapos ng kanilang pag-uusap ni Magnus.“Ms. President, you’re also here?”Bahagyang pumikit si Dawn nang marinig ang boses ni Thelma. Lumingon siya rito pero bahagya siyang natigilan dahil sa la

  • Marrying Rebellious Heiress   UNEXPECTED VISITOR

    Nagtaka si Dawn nang hindi gumalaw si Magnus. Para itong itinulos sa kinatatayuan.“Ayos ka lang ba, Magnus?”Lalayo sana siya rito, para tingnan ang kaibigan, pero pinigilan siya ni Magnus.“Stay. Minsan lang ito mangyari kaya lulubusin ko na,” sagot ni Magnus. Naramdaman niya ang braso nito sa kaniyang baywang at niyakap siya ng mahigpit. Natawa siya sa katwiran nito.“Tama na, Magnus. Masyado nang matagal. Sinuswerte ka na. Nagpapasalamat lang ako, abuso ka naman diyan,” biro niya nang hindi pa ito humihiwalay sa kaniya.“Minsan lang ’to, Baby Indi. Huwag mo nang ipagdamot.”Pabiro niya itong hinampas sa likuran. “Baka masanay ka, ano ka ba? Bitiw na kasi.”“Ouch! Sinaktan mo na naman ang puso ko, Baby Indi. Ayaw mo ba talaga sa ’kin?” kunwari ay arte nito at malungkot nitong tanong.Natigilan naman si Dawn. Gusto na niyang itanong dito ang bagay na iyon.“Magnus,” tawag niya sa pangalan ng binata.“Hmm?”“May gusto ka ba talaga sa ’kin?” lakas loob niyang tanong.Humiwalay ito ng

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status