Feeling ni Dawn nasa anit na niya ang kaniyang kilay dahil sa sobrang taas. Nagcross-arm pa siya para magmukha siyang matapang at hindi basta-bastang babae.
“Sino bang dahilan kung bakit nahulog? Kung sinong naghagis, siya rin dapat ang dumampot,” saad niya.
Hindi niya ugali ang akuin ang bagay na hindi niya ginawa. Kaya bahala ang lalaki na pulutin ang bagay na hinagis nito. Nakipaglaban pa siya ng titigan dito. Kahit naluluha na ang kaniyang mga mata, hindi siya kumurap at mas lalong hindi siya nag-iwas ng tingin. Ewan lang kung hindi pa ito ma-intimidate sa kaniya. Lihim siyang napangiti nang tumayo ito at kinuha ang nahulog nitong cellphone. Masamang tingin ang pinupukol nito nang nakangiti niyang tanggapin ang cellphone mula rito.
“Miss Dawn Indiana Silueta,” seryosong boses ng matandang lalaki mula sa kabilang linya ang bumungad pagkatapat niya ng cellphone sa tainga. “If you don’t sign the marriage contract, you’re babies will explode in your garage,” may pananakot pa nitong saad.
Namutla si Dawn sa sinabi nito. Walang ina ang hindi nagmamahal sa anak. Gagawin ng isang ina ang lahat para sa mga anak nito kahit buhay nito ang kapalit. Ganoon siya magmahal sa mga babies niya.
“Sira ka ba? Sinong may sabi na hindi ako pipirma? Nasaan ang ballpen, Mister? Ibigay mo sa akin. Pipirmahan ko na ang papel na ’yan!” agad niyang baling sa lalaking mayabang sa tabi niya. Hinagis naman iyon ng lalaking bastos. Mabilis naman niya iyong dinampot.
“Done whoever you are," inis niyang sabi sa pangit ang boses sa kabilang linya pagkatapos pumirma sa tinutukoy nitong papel. “Hoy, panget! Tantanan mo ang mga anak ko, okay? Patayin mo na ang instant asawa ko na nasa tabi ko ngayon, huwag lang... Hey! Hindi pa ako tapos! Bastos ka, Mister!” reklamo niya sa lalaki nang agawin nito ang cellphone sa kaniya. Ito naman ang nakipag-usap sa kabilang linya.
“It’s done. Ipasundo mo na ako rito,” utos ng lalaking instant husband niya sa kausap nila sa kabilang linya. Pagkatapos ay muli nitong isinilid sa bulsa ang cellphone nito.
“S-sandali, mister!” pigil niya sa lalaki nang kunin nito ang papel na pinirmahan niya. “Safe ba ang mga anak ko?” naluluha niyang tanong pero hindi siya nito pinansin.
Dumiretso ito sa labas ng bahay. Syempre, sumunod siya. Narinig kasi niya ang pagdating ng isang sasakyan. Baka pwede siyang makisabay. Ayaw niyang maiwan sa isolated place na iyon.
“Young master, my Lady.” Pagbibigay pugay ng medyo may edad na lalaki pagbaba nito ng kotse. Yumukod pa ito sa harapan nila ng lalaki na ngayon ay asawa na niya. “Master Alero ordered me to fetch you,” magalang na saad pa nito.
“Okay, let’s go!” mabilis na sabi ni Dawn at mas nauna pang sumakay sa sasakyan. Baka kasi maisip pa siyang iwanan e. Mas mabuti na ’yong sigurado.
Mabilis din naman silang nakaalis ng ligtas hanggang nakarating na naman sila sa isang bahay. Hindi naman makapaniwala si Dawn.
“Dito kami titira?” gulat na tanong ni Dawn sa driver slash butler daw ng kaniyang biyenan.
Letse! Biyenan my ass! Sino ba ang lintik na biyenan na iyon? Jusko! Paano ba ako nasadlak sa kagaguhang ’to? Kagabi lang nasa ospital ako, ngayon may asawa na ako na ubod ng bastos at arogante! nagpupuyos na wika ni Dawn sa isip habang nakamasid sa bahay na titirhan daw nila ng asawa niyang mayabang.
Kung hindi lang talaga siya natakot na pasabugin ang kaniyang mga babies, hindi talaga siya pipirma sa marriage contract na iyon. Kahit narinig niya ang sinabi ng lalaki na wala silang pakialam sa isa’t-isa, hindi pa rin sana siya papayag. Marriage is a serious matter and she takes it seriously. Nakakabaliw ang nangyayari sa kaniya. Hindi niya matanggap na may naglalaro sa kapalaran niya ngayon, pero may pagpipilian ba siya? Mukhang hawak ng nasa likod ng lahat ng ito ang buhay ng mga anak niya. Sinong siraulo ang handang pumatay para lang makuha ang walang kwenta niyang pirma? Oo at ang mga baby niya ay hindi tao, pero ang pagpatay ay isa pa ring uri ng krimen kahit ano pang klase o uri ang biktima. Labag pa rin iyon sa batas.
“Yes, my Lady. According to Master Alero, you two will live here together,” sagot ng butler ng Ama ng instant asawa niya.
Hindi naman makapaniwala si Dawn pero ramdam niyang naisahan siya. “Akala ko ba ’yong papel lang ang mahalaga? Bakit kailangan pa naming magsama?”
“Pasensya na po. Wala akong ideya sa tinutukoy mo.” Nakayuko nitong sagot.
“Hoy, ikaw!” Baling ni Dawn sa instant asawa niya na hindi man lang niya alam ang pangalan. Ni hindi niya binasa ang pinirmahan niya kanina. Wala siyang interes kahit sa pangalan man lang nito. “Pinagloloko niyo ba ako, huh? Anong kalokohan ’to? You said if I signed that damn paper, we’re free. Now what, Mister?” naiinis niyang tanong dito.
Saglit lang siya nitong tiningnan bago pumasok sa loob ng bahay.
“Tingnan mo ang kabastusan ng gagong ’yon!” gigil niyang sabi habang nakatingin sa malapad nitong likuran.
Letse! Bakit ang lapad ng likod ng gagong ’yon? Lakas makagwapo lalo, nasabi na lang niya sa sarili.
Inalis niya ang tingin dito at binalingan ang driver. “Ikaw! Sabihin mo sa amo mo, bullsh’t siya!” Napansin niya ang pamumutla nito bago niya talikuran. Ewan lang niya kung sasabihin nito iyon sa amo nitong walanghiya.
Wala na siyang choice kaya naupo na lang siya sa couch na naroon sa salas ng tutuluyan nilang maliit na bahay.
“Buy everything needed inside this house. I need to go,” sabi ng lalaki nang mamataan siyang nakaupo sa salas. Kalalabas lang nito mula sa kwarto.
Napanganga na lang si Dawn nang ibigay nito ang isang card kasabay ng tila hari nitong utos. Oo at nakikita niyang walang laman ang bahay. As in, wala! Pero, bakit siya ang inuutusan nito? Bakit hindi ’yong butler ng tatay nito. Hinayaan nitong umalis agad. Alam naman nitong maraming kailangan sa bahay na iyon.
“Hoy, animal ka! Bakit ako ang inuutusan mo ha?” Hinabol niya ito sa labas pero hindi na niya naabutan nang biglang umandar ang kotse nitong iniwan ng butler.
Galit niyang binalingan ang iniwan nitong card. Dahan-dahang sumilay ang ngiti sa kaniyang labi dahil sa ideyang biglang pumasok sa kaniyang isip.
“Pa, where’s Vander?” tanong ni Dawn. Ngayon ang discharge nilang dalawa pero hindi niya nakita si Vander sa silid pagkamulat ng mga mata niya kaninang umaga.“Nauna na siyang lumabas, Anak. Hindi ka na niya ginising kanina.” Ang kaniyang Mama ang sumagot habang abala ito sa pag-aayos ng kaniyang mga gamit.Lihim namang nagtampo si Dawn. Usapan nila ni Vander ay sabay silang lalabas.“Let’s go!” paanyaya ng kaniyang Ama.Tahimik pa rin si Dawn habang na sa sasakyan.“Smile, Baby!” nakangiting sabi ng kaniyang Ina.Pilit naman siyang ngumiti.“Huwag ka nang malungkot, baka may inaasikaso lang si Vander,” singit ng kaniyang Ama.Her parents decided to settle everything between them and she’s happy that they are together now. Hindi nag-asawa ang kaniyang Ina nang maghiwalay ito ng kaniyang Ama. Siguro ang Papa niya talaga ang soulmate ng Mama niya.“I’m happy, Pa.” Pilit na ngiti pa rin ang ibinigay niya sa Ama.“Happy ka ba talaga, Anak? E, bakit parang malungkot ka naman? Huwag kang ma
Matamlay na pinagmamasdan ni Abegail ang anak na tatlong linggo ng hindi nagkakamalay. Ayon sa doktor, malapit sa puso ang tama ng baril kay Dawn. Ganoon din si Vander na ngayon ay hindi pa rin nagkakamalay. Kritikal din ang sugat nito sa ulo. Nagdesisyon silang pagsamahin ang dalawa sa isang pribadong silid. Nananatiling magkadikit ang kamay ng mga ito. Naniniwala rin si Abegail sa sinabi ng isang nurse na kumukuha ng lakas ang dalawa sa isa’t-isa.“You need to wake up na mga anak. Excited na kami sa aming magiging apo,” biro niya. Pilit niyang pinasisigla ang boses habang kinakausap ang dalawa.Tumingin sa pintuan si Abegail nang bumukas iyon. Akala niya ang kapatid ni Vander ang pumasok na siyang nagbabantay sa lalaki ngayon pero si Romano ang iniluwa ng pintuan.“Magpahinga ka muna. Ako naman ang magbabantay sa anak natin,” malambing nitong sabi.“Ayokong umalis sa tabi niya, Romano. Maraming taon ang nasayang ko para makasama siya. Hindi ko na iyon hahayaan pa na maulit muli. Our
Tumikhim siya para alisin ang pagkapahiya. “Ahm… Ma, si Vander po pala, asawa ko,” pakilala niya rito.“I know,” nakangiting sagot ng kaniyang Ina.“Paano mo nalaman? ’Di ba ang alam mo peke ang kasal namin at pinalabas sa TV na hiwalay na kami?” nagtatakang tanong ni Dawn.“Yes, but Vander talked to your Father after you take over the company, and your father told me about it.”Nang-aasar naman siyang ngumiti sa Ina. “So Mama, nag-uusap po kayo ni Papa ng hindi ko alam? Magkakaroon na ba ako ng kapatid?” panunukso niya sa Ina.Namula naman si Ms. Abegail sa sinabi niya. “Don’t put me in the hot seat, Dawn. Dapat kami ang bigyan niyo ng apo,” bawi nito.Siya naman ang namula sa sinabi ng Ina at hindi nakasagot sa tudyo nito.“Don’t worry, Tita. We will work that soon,” nakangiting singit ni Vander.Bahagya niya itong pinalo sa braso pero tumawa lang ang lalaki.“Miss Abegail, pwede na ba nating tapusin ang shoot?” magalang na tanong ng photographer. Waring naiinip na sa dramang nasasa
“Very good!” puri ng photographer kay Dawn.Proud namang nakangiti sa kaniya ang mama niya. Noong bata pa siya palagi siya nitong tinuturuan kung paano ang tamang anggulo sa harap ng camera. Hindi niya alam na magagamit niya iyon ngayon. Napansin ni Dawn na may ibinulong sa photographer ang isang staff. Lumapit din ang kaniyang ina sa dalawa. Hindi niya naririnig ang usapan, pero base sa facial expression ng mga ito, may problema. Mataman namang nakikinig ang dalawa sa kaniyang ina, nakita niyang lumiwanag ang itsura ng kausap nito.“Okay, let’s do this!” sigaw ng photographer. Mukhang excited ito sa gagawin na wala siyang ideya kung ano. “Ms. Dawn, stay there! We’re taking the second shoot.” Pigil nito sa tangka niyang pag-alis sa pwesto.Nagtaka si Dawn. Bumaling naman siya sa kaniyang ina na may nagtatanong na tingin. Ngumiti lang ito sa kaniya bilang sagot. Tila pinapahiwatig nitong ayos lang ang lahat, kaya napanatag siya. Isa pa, ligtas naman siya sa loob ng studio.“Sir, punta
Kinabukasan ay nagtungo siya sa isang photoshoot para sa kanilang kompanya. Tinawagan niya si Magnus sandali.“Magnus, where are you?” tanong ni Dawn sa lalaki habang kausap ito sa cellphone.Late na ang lalaki sa gaganaping photoshoot kasama siya para sa isang business magazine. Tampok ang kanilang kompanya para maging cover this year at bilang presidente, kailangan mukha niya ang naroon. Ayaw niya sana, pero napilit siya ng ama at wala siyang choice kundi sundin ito.“I’m sorry, Baby Indi. Pupunta na ako,” sagot nito sa kabilang linya.Ito ang kinuhang partner niya. Wala naman iyong problema dahil kaibigan niya ito. Isa pa, modela si Magnus at sikat din ito sa larangang iyon. Bukod doon, komportable rin siyang ito ang kasama niya sa trabaho.“Alright. Bilisan mo.”Bumalik si Dawn sa studio matapos ng kanilang pag-uusap ni Magnus.“Ms. President, you’re also here?”Bahagyang pumikit si Dawn nang marinig ang boses ni Thelma. Lumingon siya rito pero bahagya siyang natigilan dahil sa la
Nagtaka si Dawn nang hindi gumalaw si Magnus. Para itong itinulos sa kinatatayuan.“Ayos ka lang ba, Magnus?”Lalayo sana siya rito, para tingnan ang kaibigan, pero pinigilan siya ni Magnus.“Stay. Minsan lang ito mangyari kaya lulubusin ko na,” sagot ni Magnus. Naramdaman niya ang braso nito sa kaniyang baywang at niyakap siya ng mahigpit. Natawa siya sa katwiran nito.“Tama na, Magnus. Masyado nang matagal. Sinuswerte ka na. Nagpapasalamat lang ako, abuso ka naman diyan,” biro niya nang hindi pa ito humihiwalay sa kaniya.“Minsan lang ’to, Baby Indi. Huwag mo nang ipagdamot.”Pabiro niya itong hinampas sa likuran. “Baka masanay ka, ano ka ba? Bitiw na kasi.”“Ouch! Sinaktan mo na naman ang puso ko, Baby Indi. Ayaw mo ba talaga sa ’kin?” kunwari ay arte nito at malungkot nitong tanong.Natigilan naman si Dawn. Gusto na niyang itanong dito ang bagay na iyon.“Magnus,” tawag niya sa pangalan ng binata.“Hmm?”“May gusto ka ba talaga sa ’kin?” lakas loob niyang tanong.Humiwalay ito ng