“You can’t do this to me, Papa!” sigaw pa rin ni Dawn. Sobrang sama ng loob niya sa ginawa ng Ama. Sinagot naman siya ng echo ng kaniyang boses. Bonus pa ang galit na huni ng ibon at kulisap sa paligid.
“Pa!” muli niyang sigaw nang maramdaman ang malamig na hangin. Sa huli ay tumigil na rin siya sa pagsigaw dahil hindi na niya natatanaw ang sasakyan ng magaling niyang Ama na natiis siyang iwan sa hindi pamilyar na lugar na iyon. “Putspa! Ano bang lugar ’to?” nakakunot ang noo at kinakabahan niyang sabi.
Naghanap siya ng pwedeng pang-depensa sa paligid. Wala siyang makita kaya hinubad niya ang isa niyang tsinelas.
“Masakit din itong ipalo. Siguradong mabubukulan ang sinuman na magtatangka sa akin dito,” pampalubag loob niya sa sarili para mawala ang namuong takot sa dibdib.
Dahan-dahan siyang lumapit sa bahay habang nakahanda ang tsinelas sa kaniyang kamay. Hindi siya naniniwala sa multo lalo na’t tanghaling tapat, pero naniniwala siya sa mga masasamang loob. Bigla naman siyang napatigil sa planong gawin nang umikot ang seradura. Kahit kinakabahan hinanda pa rin ni Dawn ang sarili. Hindi pa man nakakabukas ng malaki ang pintuan, agad niyang pinaghahampas ng matigas na tsinelas ang taong bigla niyang nasilayan.
“Ouch! Shit! Dammit! Aray! Ano ba? What the hell are you doing?” reklamo ng lalaki nang sunod-sunod niya itong hatawin ng tsinelas. “Stop the fuck up, woman!”
Napaatras naman si Dawn nang sumigaw ito. Bigla siyang nakaramdam ng takot sa madilim na itsura ng lalaki bagama’t gwapo ito.
“S-sino ka? Anong balak mong gawin sa ’kin?” naibulalas na lang niya.
Niyakap ni Dawn ang sarili habang unti-unting humahakbang palayo rito. Kung may masama itong plano, sisiguraduhin niyang hindi magiging madali ang paghabol nito sa kaniya. Mabilis siyang tumakbo at sigurado siya roon. Mapapagod muna ito bago siya mahawakan.
Umayos ng tayo ang lalaki. “Stop thinking dirty thoughts!” seryosong sabi ng lalaki sa kaniya.
Nanlaki naman ang kaniyang mga mata. “Paano mo nalaman?” nagtataka niyang tanong.
“It was written in your ugly face. Don’t think too highly of yourself. You’re not my type,” sarkastikong sagot nito na may ngising nakapaskil sa mapula nitong labi.
Pakiramdam ni Dawn kinikilabutan ito sa isiping magkakagusto ito sa kaniya. Muli na lang niyang isinuot ang hawak na tsinelas bago hinarap ang lalaki. “Wow! Hindi porke amoy malinis ka, e gaganyanin mo na akong wala pang ligo? H’wag ganoon Dude! Nakalamang ka lang sa ’kin ng isang ligo ’no!”
Ngumiwi naman ito sa kaniyang sinabi kaya lalong nainis si Dawn.
Arte naman nito. Porke gwapo, sambit ni Dawn sa isip sabay irap.
“We need to talk,” wika nito bago muling pumasok sa loob ng bahay.
“At bakit ako susunod sa ’yo?”
“Dahil sinabi ko. Papasok ka ba o mananatili ka riyan sa labas ng bahay hanggang habulin ka ng mga ligaw na hayop diyan? Ikaw rin, pabor naman iyon sa akin.”
Napalingon naman si Dawn sa paligid ng bahay. Gubat na gubat nga iyon at wala siyang masisilungan kundi ang nag-iisang bahay kung saan siya pinapapasok ng lalaki.
“Sabi ko nga, susunod na ako,” sabi na lang niya nang mapagtantong may punto ang aroganteng lalaki.
Pagpasok nila sa bahay ay agad na pinaliwanag ng lalaki ang dahilan kung bakit naroon sila sa bahay na iyon. Hindi makapaniwala si Dawn sa mga sinabi nito.
“Ulitin mo nga ang mga sinabi mo, Mister.” Tila nabingi si Dawn sa mga sinabi ng lalaki o baka hindi niya lang matanggap kaya hindi iyon tumatak sa kaniyang isip.
“As I was saying, you need to sign this paper and we’re free to go, Miss,” sagot ng lalaki na hindi makikitaan ng pagkabahala sa pinapagawa nito sa kaniya.
“Ano ulit ang papel na ’yan?” Tinuro niya ang papel na nasa harapan niya.
Umigting ang panga ng lalaki. “Nakikinig ka ba sa mga sinabi ko? Sinabi ko na, ’di ba?”
“Malamang, narinig ko!” mabilis niyang sagot. “Gusto ko lang ulitin mo lahat dahil nahihirapan tanggapin ng kalooban ko ang mga sinabi mo.”
Bahagyang umigting ang panga ng lalaki. Halata ang pagkainis nito sa kaniya.
In fairness ang gwapo niya kahit naiinis, wika ni Dawn habang pinagmamasdan ang kaharap na lalaki.
“This paper is our marriage contract. We need to sign it to make our marriage legal then we’re free,” ulit ng lalaki.
“Gago ka ba, Mister?”
Biglang dumilim ang itsura nito sa sinabi niya. Napaatras naman siya nang tumalim ang tingin nito sa kaniya.
“Ang ibig kong sabihin kung nag-gurgle ka ba? You know, like this.” Pinakita pa niya kung paano magmumog pero hindi nabura ang masama nitong tingin sa kaniya.
“I’m not stupid to believe in your nonsense explanation, woman. Sign this paper and we’re done."
Tumaas naman ang kilay ni Dawn. “No!” mariin tanggi niya. Isa lang ang gusto niyang pakasalan at hindi iyon ang taong na sa harapan niya. “Whoever you are, Mister. I won’t sign this damn paper. Kung sino ang nakaisip sa ideyang ’yan, sila ang magpakasal! Huwag niyo akong isali riyan!” matigas niyang sabi. Matibay ang paninindigan niya sa ganitong bagay. Hindi biro ang magpakasal sa kung sino lang. Nananahimik siya tapos idadamay pa siya sa mga kalokohan ng mga ito. It’s a big NO! Hindi niya hahayaan ’yon.
Huminga nang malalim ang lalaki. May dinukot ito sa bulsa. Naalerto naman si Dawn. Akala niya sandata, cellphone lang pala. Agad nitong itinapat ang cellphone sa tainga.
“Pick me up here. It’s not my problem if she won’t sign the paper.” Dinig ni Dawn na sabi ng lalaki sa kung sinuman na kausap nito sa kabilang linya.
Mas tumaas ang nakataas na niyang kilay. Kahit nangangalay na siyang itaas iyon hindi pa rin niya ibinababa. Intimidating daw kapag ganoon at gusto niyang ma-intimidate ito sa kaniya.
“He wants to talk to you, Miss.” Hinagis nito ang cellphone sa kaniya pero hindi niya sinalo.
Bastos e. Pwede namang maayos na ibigay, ihahagis pa. Nalaglag iyon sa sahig. Mukhang matibay at mamahalin naman ang cellphone nito dahil hindi man lang nagtalsikan ang parte niyon.
“Pick up the phone,” utos nito sa kaniya.
“Pa, where’s Vander?” tanong ni Dawn. Ngayon ang discharge nilang dalawa pero hindi niya nakita si Vander sa silid pagkamulat ng mga mata niya kaninang umaga.“Nauna na siyang lumabas, Anak. Hindi ka na niya ginising kanina.” Ang kaniyang Mama ang sumagot habang abala ito sa pag-aayos ng kaniyang mga gamit.Lihim namang nagtampo si Dawn. Usapan nila ni Vander ay sabay silang lalabas.“Let’s go!” paanyaya ng kaniyang Ama.Tahimik pa rin si Dawn habang na sa sasakyan.“Smile, Baby!” nakangiting sabi ng kaniyang Ina.Pilit naman siyang ngumiti.“Huwag ka nang malungkot, baka may inaasikaso lang si Vander,” singit ng kaniyang Ama.Her parents decided to settle everything between them and she’s happy that they are together now. Hindi nag-asawa ang kaniyang Ina nang maghiwalay ito ng kaniyang Ama. Siguro ang Papa niya talaga ang soulmate ng Mama niya.“I’m happy, Pa.” Pilit na ngiti pa rin ang ibinigay niya sa Ama.“Happy ka ba talaga, Anak? E, bakit parang malungkot ka naman? Huwag kang ma
Matamlay na pinagmamasdan ni Abegail ang anak na tatlong linggo ng hindi nagkakamalay. Ayon sa doktor, malapit sa puso ang tama ng baril kay Dawn. Ganoon din si Vander na ngayon ay hindi pa rin nagkakamalay. Kritikal din ang sugat nito sa ulo. Nagdesisyon silang pagsamahin ang dalawa sa isang pribadong silid. Nananatiling magkadikit ang kamay ng mga ito. Naniniwala rin si Abegail sa sinabi ng isang nurse na kumukuha ng lakas ang dalawa sa isa’t-isa.“You need to wake up na mga anak. Excited na kami sa aming magiging apo,” biro niya. Pilit niyang pinasisigla ang boses habang kinakausap ang dalawa.Tumingin sa pintuan si Abegail nang bumukas iyon. Akala niya ang kapatid ni Vander ang pumasok na siyang nagbabantay sa lalaki ngayon pero si Romano ang iniluwa ng pintuan.“Magpahinga ka muna. Ako naman ang magbabantay sa anak natin,” malambing nitong sabi.“Ayokong umalis sa tabi niya, Romano. Maraming taon ang nasayang ko para makasama siya. Hindi ko na iyon hahayaan pa na maulit muli. Our
Tumikhim siya para alisin ang pagkapahiya. “Ahm… Ma, si Vander po pala, asawa ko,” pakilala niya rito.“I know,” nakangiting sagot ng kaniyang Ina.“Paano mo nalaman? ’Di ba ang alam mo peke ang kasal namin at pinalabas sa TV na hiwalay na kami?” nagtatakang tanong ni Dawn.“Yes, but Vander talked to your Father after you take over the company, and your father told me about it.”Nang-aasar naman siyang ngumiti sa Ina. “So Mama, nag-uusap po kayo ni Papa ng hindi ko alam? Magkakaroon na ba ako ng kapatid?” panunukso niya sa Ina.Namula naman si Ms. Abegail sa sinabi niya. “Don’t put me in the hot seat, Dawn. Dapat kami ang bigyan niyo ng apo,” bawi nito.Siya naman ang namula sa sinabi ng Ina at hindi nakasagot sa tudyo nito.“Don’t worry, Tita. We will work that soon,” nakangiting singit ni Vander.Bahagya niya itong pinalo sa braso pero tumawa lang ang lalaki.“Miss Abegail, pwede na ba nating tapusin ang shoot?” magalang na tanong ng photographer. Waring naiinip na sa dramang nasasa
“Very good!” puri ng photographer kay Dawn.Proud namang nakangiti sa kaniya ang mama niya. Noong bata pa siya palagi siya nitong tinuturuan kung paano ang tamang anggulo sa harap ng camera. Hindi niya alam na magagamit niya iyon ngayon. Napansin ni Dawn na may ibinulong sa photographer ang isang staff. Lumapit din ang kaniyang ina sa dalawa. Hindi niya naririnig ang usapan, pero base sa facial expression ng mga ito, may problema. Mataman namang nakikinig ang dalawa sa kaniyang ina, nakita niyang lumiwanag ang itsura ng kausap nito.“Okay, let’s do this!” sigaw ng photographer. Mukhang excited ito sa gagawin na wala siyang ideya kung ano. “Ms. Dawn, stay there! We’re taking the second shoot.” Pigil nito sa tangka niyang pag-alis sa pwesto.Nagtaka si Dawn. Bumaling naman siya sa kaniyang ina na may nagtatanong na tingin. Ngumiti lang ito sa kaniya bilang sagot. Tila pinapahiwatig nitong ayos lang ang lahat, kaya napanatag siya. Isa pa, ligtas naman siya sa loob ng studio.“Sir, punta
Kinabukasan ay nagtungo siya sa isang photoshoot para sa kanilang kompanya. Tinawagan niya si Magnus sandali.“Magnus, where are you?” tanong ni Dawn sa lalaki habang kausap ito sa cellphone.Late na ang lalaki sa gaganaping photoshoot kasama siya para sa isang business magazine. Tampok ang kanilang kompanya para maging cover this year at bilang presidente, kailangan mukha niya ang naroon. Ayaw niya sana, pero napilit siya ng ama at wala siyang choice kundi sundin ito.“I’m sorry, Baby Indi. Pupunta na ako,” sagot nito sa kabilang linya.Ito ang kinuhang partner niya. Wala naman iyong problema dahil kaibigan niya ito. Isa pa, modela si Magnus at sikat din ito sa larangang iyon. Bukod doon, komportable rin siyang ito ang kasama niya sa trabaho.“Alright. Bilisan mo.”Bumalik si Dawn sa studio matapos ng kanilang pag-uusap ni Magnus.“Ms. President, you’re also here?”Bahagyang pumikit si Dawn nang marinig ang boses ni Thelma. Lumingon siya rito pero bahagya siyang natigilan dahil sa la
Nagtaka si Dawn nang hindi gumalaw si Magnus. Para itong itinulos sa kinatatayuan.“Ayos ka lang ba, Magnus?”Lalayo sana siya rito, para tingnan ang kaibigan, pero pinigilan siya ni Magnus.“Stay. Minsan lang ito mangyari kaya lulubusin ko na,” sagot ni Magnus. Naramdaman niya ang braso nito sa kaniyang baywang at niyakap siya ng mahigpit. Natawa siya sa katwiran nito.“Tama na, Magnus. Masyado nang matagal. Sinuswerte ka na. Nagpapasalamat lang ako, abuso ka naman diyan,” biro niya nang hindi pa ito humihiwalay sa kaniya.“Minsan lang ’to, Baby Indi. Huwag mo nang ipagdamot.”Pabiro niya itong hinampas sa likuran. “Baka masanay ka, ano ka ba? Bitiw na kasi.”“Ouch! Sinaktan mo na naman ang puso ko, Baby Indi. Ayaw mo ba talaga sa ’kin?” kunwari ay arte nito at malungkot nitong tanong.Natigilan naman si Dawn. Gusto na niyang itanong dito ang bagay na iyon.“Magnus,” tawag niya sa pangalan ng binata.“Hmm?”“May gusto ka ba talaga sa ’kin?” lakas loob niyang tanong.Humiwalay ito ng
“You’re not needed here, Amara. Bring her back home, Vander,” matigas nitong utos sa kaniya. “Let’s continue our meeting,” baling nito sa board members.“I think, Mrs. Monterallo has something to say, Mr. Monterallo,” sambit ng isang board member.Muling bumaling ang tingin ni Alero sa kanilang dalawa. Nagbabanta ang tingin nito, pero malakas ang loob ng kaniyang ina at tumayo ito. Inalalayan naman niya ito patungo sa unahan ng mahabang mesa sa loob ng conference room.“As the legal heiress of Katnis Corporation, me, Amara Katnis Monterallo will be removing Alero Monterallo in the position of the company’s President and my son, Vander Monterallo will take over the company from now on,” anunsyo nito sa lahat na hindi nagustuhan ni Alero.“What are you doing, Amara?” sigaw ni Alero.“Dad!” awat ni Vander sa ama nang tangkain nitong hilahin ang kaniyang ina.“At ikaw naman na nagmamagaling, anong malay mong magpatakbo ng kompanya, huh?! Hindi photoshoot ang trabaho rito na p’wede kang ma
“Thelma, what is it?” tanong ni Maira nang sagutin ang tawag ng pamangkin. “Alero, stop it!” Nakikiliti nitong saway sa lalaki nang halikan nito ang leeg niya.“You’re with Tito Alero, Tita?”“Yeah at iniistorbo mo kami. Bakit ka ba kasi tumawag? Busy kami ni Alero ngayon,” sagot ni Maira sa pamangkin.“We have a problem, Tita!”Umayos ng upo si Maira. “What problem?” nagtatakang tanong ni Maira habang hinayaan si Alero na haplusin ang parte ng katawan niya.“Search what’s the trend today even the news. Bilisan mo, Tita,” taranta nitong sabi.“Okay, I’ll be right back.” Pinatay ni Maira ang tawag at nagtungo sa search engine ng kaniyang cellphone.“What’s the matter, honey?” tanong ni Alero na napahinto sa ginagawa.“I’m trying to know what Thelma’s talking about,” sagot niya habang hinihintay ang result sa cellphone niya at nanlaki ang mga mata nito sa bumungad na article. “What is this?” gulat niyang tanong.Sinilip ni Alero ang tinitingnan niya sa phone. “Silueta heiress?” basa nit
Tumalim naman ang tingin nito sa kaniya. “Tama ang sabi nila, wala kang modo!” madiin nitong sabi.“Huwag kang maniwala sa sabi-sabi, tanda. Masama iyan. Baka kung saan ka pulutin,” nakangisi niyang pang-aasar dito. Hindi pala ito nararapat na tawaging ginang, ang sama ng ugali. Ginagalang na nga niya, sinabihan pa siya ng walang modo.“You—”“Halina kayo. Makakalabas na tayo.”Narinig niyang sabi ni Vander na nagpaputol sa sasabihin ni Manager Crista.“Ikaw na ang mauna, tanda, baka masabihan mo pa ako ng walang modo kapag inunahan kita, eh. Oldest first,” nakangiti niyang sabi sa nanggigil sa inis na manager at itinuro rito ang daan.Matalim siya nitong tiningnan bago talikuran.“Did she say something to you?” nag-aalalang tanong ni Vander sa kaniya.“Nothing,” tipid niyang sagot.She can handle that old lady. Hindi niya ito kailangan para lang sa walang kwentang sinasabi ng manager nito. Naramdaman niya ang paghawak ni Vander sa kaniyang siko, pero marahan niya iyong inalis.“I can