Share

Kabanata 139

Author: Georgina Lee
last update Last Updated: 2025-04-23 22:17:40

Pero imbes na sundin ang sinabi niya ay muli nitong itinago ang laruan sa likuran. "Fúck you! Hindi ko isasauli 'to!

Masyadong bastos at walang modo para sa isang walong taong gulang na bata ang inaasta ng anak ni Carlito. Subalit tinatamad na makipagtalo si Graciella kaya naman nilapitan niya ito at hinablot ang laruan mula kay Rex saka ibinalik kay Gavin.

Sa ginawa niya ay agad na humikbi si Rex at humilata sa sahig. May ilang mga parte pa ng laruan sa sahig na hinigaan nito kaya't nakaramdam ito ng sakit at pumalahaw ng iyak. Mabilis na nakakuha ng atensyon ni Carlito ang iyak ni Rex at nagmamadaling nilapitan ang anak.

"Bakit nasa sahig ka anak? Why are you crying? Sino ba ang umaway sayo? Sabihin mo sa Daddy."

Sinubukang bawiin ni Cherry ang laruan mula sa mga kamay ni Gavin pero nagmatigas ito at nagtago pa sa likuran ni Graciella. "Ang kulit mo talagang bata ka! Diba sinabi ko na sayo na ipahiram mo ang laruan mo sa pinsan mo! Hindi kita pinalaki para maging madamot, Gavin!" Si
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter
Comments (2)
goodnovel comment avatar
Joren Yonac
hi ma'am my full story kaba nung kay graciela
goodnovel comment avatar
Neht Vicente
tameme k db.. tinutilunga n nga unak ganyan p gagawin m
VIEW ALL COMMENTS

Latest chapter

  • Marrying her Billionaire Baby Daddy   Kabanata 305

    Namanhid ang mga kamay ni Graciella matapos niyang sampalin ng tatlong beses si Cherry pero kasabay naman nun, nakahinga siya ng maluwag na para bang may nabunot na nakabaong tinik sa dibdib niya.Sandaling natulala si Cherry at hindi halos makapaniwalang sinampal talaga siya ni Graciella. Hindi lang isa kundi tatlong beses pa! Wala sa sarili siyang napahawak sa kanyang mga pisngi bago nagsusumigaw sa matinis niyang boses."Pagbabayaran mo itong pananakit na ginawa mo sakin! Idedemanda kita ng physical assault! Ipapakulong kita!"Nagpumiglas siya mula sa pagkakahawak ng mga awtoridad sa braso niya at akmang susugurin si Graciella subalit hindi niya nagawa. Halos kuyugin na siya ng mga pulis na napipikon narin sa kanya dahil sa kanyang pagwawala.Baliw yata talaga ang babaeng ito!"Bakit niyo ba ako hinuhuli! Nanay ako ng bata—"Hindi na natuloy pa ang iba pa sana niyang sasabihin nang pilipitin ng isang pulis ang kanyang braso at idiniin ang kanyang mukha sa pinakamalapit na pader dah

  • Marrying her Billionaire Baby Daddy   Kabanata 304

    Parating mahinahon si Garett sa buong pagsasama nila kaya hindi makapaniwala si Cherry na ngayon napalabas niya ang bayolenteng pagkatao ng lalaki."D—daddy..." Mahinang sambit ni Gavin.Mabilis na nag-angat ng tingin si Garett nang marinig ang boses ng kanyang anak. Marahas niyang binitawan si Cherry nang makita ang sitwasyon ni Gavin sa itaas."G—gavin... Wag ka ng umiyak. Nandito na si daddy," puno ng emosyon niyang wika.Hindi naman mapigilan ni Gavin ang sarili niya maiyak parin nang makitang nandito na ang kanyang ama at Tita Graciella. "Hindi po ako makababa," sumbong niya."Wag kang mag-alala, kukunin ka ni Daddy."Hindi naman ganun kataas ang tower pero ang problema, hindi kakayanin ng isang adult weight ang hagdan. Kaya nga hindi nakaakyat si Cherry kanina at pinili nalang niyang sundutin si Gavin gamit ang kahoy.Akmang aakyat na si Garret nang mabilis siyang pinigilan ni Graciella. "Masyado kang mabigat, Kuya. Baka tuluyang bumagsak ang tower at masaktan pa si Gavin. Ako n

  • Marrying her Billionaire Baby Daddy   Kabanata 303

    Nakatanggap ng tawag si Graciella at ang mga pulis na may nakakita kay Cherry at Gavin sa loob ng amusement park kaya agad nilang pinuntahan ang location na ibinigay ng isa sa mga staffs ng rides.At dahil nakakuha ng tyempo si Gavin kanina nang mapansin sila ng mga tao pagkatapos niyang umiyak, tumakbo siya palayo sa kanyang ina at umakyat sa pinakamataas na tower ng amusement park. Kahit na natatakot siya, wala na siyang ibang paraan pang naiisip para lang makatakas sa kanyang mommy na ngayon ay parang leon na lalapa ng tao.Kumuha naman ng kahoy si Cherry at galit na galit na sinundot si Gavin na nasa itaas para bumaba nang magmatigas ito at ayaw sumunod sa utos niya. Halos maiiyak naman ang staffs na nakakita sa nangyayari. Hindi niya alam kung balak ba ng nanay ng bata na pababain ito o patayin.Hindi pa naayos ang parteng iyon ng amusement kaya nga naglagay na sila ng yellow cordon. Hindi naman nila inaasahan na may batang pupunta doon at aakyat. Kapag may nangyaring masama dito

  • Marrying her Billionaire Baby Daddy   Kabanata 302

    Bahagyang umaliwalas ang mukha ni Felip sa narinig. "Talaga? Yan ang plano mo?" Paninigurado niya."Oo naman. Alam mo namang ginagawa ko ang lahat ng ito para sayo, diba? Para sa atin." Malambing na ani Cherry sa kabilang linya.Huminga siya ng malalim bago sumagot. "Okay. Pero paano naman si Garett? Baka mamaya hindi siya papayag at guluhin niya tayo?""Ako ang nanay ng bata at hangga't nasa akin si Gavin, walang magagawa si Garett. Isa pa, kapag lumaki na ang lintik na batang yan, mapakikinabangan na natin siya dahil kikita narin siya ng pera at tayo, pwede na tayong humilata lang at maghintay ng sahod niya habang si Garett, mag-isa nalang siya habang buhay," nakangising ani Cherry.Napatango-tango naman si Felip bilang pagsang-ayon. "Okay. Maghanda na kayo dahil malapit na ako," tugon nito bago pinatay ang tawag.Nakangising ibinaba ni Cherry ang kanyang cellphone at mataman na hinintay si Gavin na bumalik. Ang hindi niya namalayan, kanina pa pala nakatayo si Gavin sa likuran niya

  • Marrying her Billionaire Baby Daddy   Kabanata 301

    Matapos nilang maitawag sa pulis ang nangayri, agad namang dumating ang mga awtoridad lalo na at may suicidal tendencies si Cherry. Mabilis ding nakipagcooperate ang management ng paaralan ni Gavin nang malaman nito ang sitwasyon.Lihim napasulyap si Kimmy kay Graciella na nakatingin sa monitor. Minsan lang niya nakitang magalit ng labis ang babae. Ang una ay noong muntik na siyang magahasa sa isang hotel at ang pangalawa ay ngayon tinangay ni Cherry si Gavin ng walang paalam."Relax kalang Graciella. Hindi naman siguro sasaktan ni Cherry si Gavin. Baka nais lang niyang gumanti kay Garett kaya kinuha niya ang bata," ani Kimmy nang hindi niya malaman kung ano ang sasabihin niya para pakalmahin si Graciella.Naiyukom naman ng huli ang mga palad nito. Napakamalas ng kapatid niya at nakatagpo ito ng babae na kagaya ng kanilang inang si Thelma!"Inosente ang bata Kimmy. Hindi niya dapat ginagamit ang sarili niyang anak para lang masunod ang gusto niya," may diin niyang bigkas.Ilang sandal

  • Marrying her Billionaire Baby Daddy   Kabanata 300

    Marahan niyang sinapok si Kimmy para tumigil na ito. "Magmaneho ka nalang nga! Kung anu-ano naman yang naiisip mo," saway niya sa babae.Bakit ngayon niya lang nalaman na ganito pala kapilya si Kimberly.Pero imbes na tumigil ay tumawa pa ito ng malakas. "Makinig ka sakin Graciella. A lot of men are monsters in bed. Kapag nasimulan na nila yan, hahanap-hanapin nila ang bagay nayan sayo."Natahimik naman si Graciella. Sa hindi sinasadya ay muling sumagi sa isipan niya ang nangyari noong mga nakaraang buwan.Drake was like a beast! Halos napunit na nga nito ang suot niyang damit dahil sa gigil!Sa kaisipang iyon ay ilang beses siyang napalunok. What if... What if mangyayari ulit ang bagay na iyon?"At kung walang pagnanasa sayo ang partner mo, kabahan ka na Graciella. It's either wala yang gusto sayo o may iba yang gusto."Marahas siyang napalingon kay Kimmy. Walang nangyayari sa kanila ni Drake. Posible kaya na may ibang gusto ang lalaki? Sa kaisipang iyon ay agad na sumikip ang dibdi

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status