Nabanggit ko na noong nakaraan na abala ako at halos wala naman talaga ako kapag weekend. Hindi ako madamot sa update kapag marami akong oras. Papaalala ko lang na hindi ako typing machine. May trabaho ako. May nanay akong alagain. Wag sana tayong bastos at matuto tayong rumespeto. Okay lang manghingi ng update sa maayos na paraan. Hindi porket binibili mo yunh gawa ko parang nabili mo narin ako. Kilala mo na kung sino ka. Wala namang namilit sayong magbasa. Kabadtrip ka naman.
Nakangiti namang naglahad ng kamay si Mr.Dela Cruz kay Graciella. "I wish us a happy cooperation, Miss Graciella."Makapangyarihan si Beatrice kumpara sa kanya at sa buong Apex. Mahirap makahanap ng taong katapat ng babae. Pero dumating si Graciella. Hindi niya man alam ang pinagmulan ng babae, pero si Mr.Oliver Inoue ang nagrecommend dito kaya sigurado siyang hindi ito basta-basta."Wag po kayong mag-alala, Mr.Dela Cruz, pag-iigihan ko po ang trabaho ko," magiliw na sambit ni Graciella.Hindi parin humuhupa ang galit sa sistema ni Beatrice hanggang sa makarating siya sa parking lot. Marahas niyang hinawakan ang braso ng kanyang agent bago nagsalita."Mag-isip ka ng paraan para masira si Graciella!""Miss Beatrice, paano nalang kapag nalaman ni Sir Oliver ang gagawin natin!" Nag-aalalang tugon ng agent.Pinukol niya ito ng isang nakamamatay na tingin kaya't wala itong ibang mapagpipilian kundi sundin amg nais ng dalaga."Okay. Gagawin ko na. Bumalik ka na doon sa loob. Dapat ay noong
Nais na palakpakan ni Graciella ang CEO ng Apex sa mga sinabi nito."Hindi mo ba alam na sinabi ko na mismo kay Mr.Yoshida na boses ko ang dapat na gamitin sa palabas? Hindi ka ba natatakot kay Master Levine?" Mapang-uyam na tanong ni Beatrice.Pero imbes na kabahan ay ngumiti lang si Mr.Dela Cruz. "Naisip narin namin ang sinasabi mo Miss Beatrice. Ayos lang naman kay Master Levine. Sabi niya pa nga na mukhang mas maganda ang ideya namin. Kung hindi kayo maniniwala sa sinasabi ko, pwede niyo ring tawagan si Master Levine."Nais ng magwala ni Beatrice. Kaya pa niya na si Graciella ang nangbastos sa kanya dahil wala naman itong bilang but this fúcking CEO also dared to ignore her?Ito ang comeback project niya pagkatapos ng tatlong taon. Nais niyang patunayan sa lahat na hindi lang siya umaasa sa koneksyon at ipakitang all-in-one ang talento niya.Subalit ano itong nangyayari ngayon? Hinayaan ng lahat na si Graciella ang gaganap sa dubbing? Sa hindi sinasadya, napasulyap siya kay Gracie
"You gotta be kidding me!" Hindi makapaniwalang sambit ni Beatrice.Huminga ng malalim si Mr.Dela Cruz bago nagsalita. "Kung hindi po kayo naniniwala sa sinasabi ko, pwede niyo pong tawagin ang inyong nakakatandang kapatid para itanong sa kanya.""Stop spitting a fúcking nonsense words, idiot!" Singhal niya sa lalaki.Sa pagkakataong iyon ay sapilitan na talagang hinila ng agent si Beatrice palayo sa mga ito. Nang makarating sila sa tagong parte ay agad na tumawag si Beatrice kay Oliver.Napasimangot naman si Oliver nang makita niyang tumatawag ang kanyang kapatid. "I'm still working Beatrice. Kung anuman yang sasabihin mo, just save it for later on.""Hindi na ako makapaghintay ng mamaya pa, Kuya! I saw Graciella here in Apex! Ipaliwanag mo sakin kung bakit pinayagan mo siya na mag-dub ng movie ko gayong nasabi ko na, na boses ko mismo ang gagamitin sa palabas?! Alam mo naman na hindi kami magkasundo diba? Yet you still brought her here! Kapatid ba talaga kita?!" Nanggagalaiting asik
Umangat ang sulok ng labi ni Graciella. Mayaman lang si Beatrice pero para itong lata na walang laman. Maingay. Sanay itong maghari-harian dahil sa impluwensya ng pamilya nito."Miss Beatrice, hindi ako ang klase ng babae na umaasa sa pera ng asawa ko. May trabaho ako. May sahod ako na kagaya ng isang normal na empleyado. Siguro normal lang naman na mamili online, hindi ba? Hindi naman kami kagaya mo na kayang kumita ng milyon sa isang araw. Kung basura na pala ang mga damit sa online, sa tingin mo, saan ako bibili ng damit pati na ang mga empleyado dito?"Nanlaki ang mga mata ni Beatrice sa sinabi ni Graciella. Bakit parang siya pa ang nahulog sa bitag nito at nagmukhang masama?Napalingon siya sa mga staffs na nagbubulungan sa paligid."Hindi ko inaasahan na mapangmata pala si Miss Beatrice. Akala ko mabait siya...""Nakakadismaya. Ang baba pala ng tingin niya sa atin sa kabila ng matamis niyang mga ngiti."Tumalim ang titig ng mga mata ni Beatrice dahilan para makaramdam ng takot a
Nang maalala niya ang ginawa nitong paglalandi kay Levine kagabi at ang posibleng nangyari sa dalawa pagkatapos ng tawag, hindi na kaya pa ni Beatrice ang magtimpi. Kailangan makaganti siya kay Graciella nang hindi pa natatapos ang araw na iyon!Akmang susugurin niya si Graciella nang mabilis siyang pinigilan ng kanyang agent. "Wag kang basta-basta nalang magpadalos-dalos, Miss Beatrice."Walang buhay na natawa si Beatrice. "Wag magpadalos-dalos? Kung ginawa mo lang ng tama ang iniutos ko sayo, wala sana ang babaeng yan dito ngayon!""Hindi ko alam kung bakit siya nandito, Miss Beatrice pero sigurado akong ginawa ko ng maayos ang inutos mo sa akin. Lahat sila ay tumupad sa sinabi mo at siniguradong hindi siya makakahanap ng trabaho sa kahit saang kumpanya."Sandaling natigilan si Beatrice at unti-unting kumalma. Kung iisipin, sinusuportahan siya ng Apex Production kaya bakit siya kakabahan na nandito si Graciella? Walang sinuman ang nais na kumalaban sa pamilya nila.Hindi kaya..."Hi
"That bítch!" Nanggagalaiti niyang sigaw at walang pag-aalinlangan na inihampas sa sahig ang hawak niyang baso.Agad namang nakakuha ng atensyon ng ina ni Beatrice ang ingay ng pagkabasag. Nang makarating siya sa kinaroroonan ni Beatrice ay mabilis niyang niyakap ang dalaga sa takot na baka saktan na naman nito ang sarili."Anong nangyayari sayo, hija?" Nag-aalala niyang tanong."Mommy... Bakit ba ang bwisit Graciella na iyon ang pinakasalan ni Levine. Bakit hindi ako?" Humagulgol nitong sambit.Walang ideya si Mathilda tungkol sa kasal ni Levine. Hindi rin niya alam ang tungkol kay Graciella. Kung hindi pa nabanggit sa kanya ni Oliver ang lahat, hindi pa niya malalaman."Stop cursing that Graciella woman, Beatrice. Hindi ba't siya ang nagligtas sayo mula sa mga kidnappers? Isa pa, kahit na hindi natin lubusang kilala ang babaeng yun, hindi natin mababago ang katotohanan na asawa siya ni Levine."Huminga ng malalim si Mathilda bago hinawakan ang magkabilang pisngi ni Beatrice at pinah