Naging mabilis lang ang pangyayari. Sa halos sampung minutong lumipas ay narehistro na agad ang kasal nilang dalawa. Ang problema niya nga lang ay ang nakasimangot na mukha ng lalaki.
Nagduda tuloy ang mga staff sa loob ng ahensyang iyon na napilitan lang ito na pakasalan siya. O hindi nga ba? Ilang beses pa itong tinanong ng mga staffs kung sigurado ba talaga ang lalaki sa desisyon nito.
Habang lihim niyang pinagmamasdan ang mukha nito ay hindi niya maiwasang itanong sa sarili niya.
Hindi ba talaga ito marunong ngumiti?
Pero lumipas ang ilang sandali ay nawala ang atensyon niya dito lalo pa ng makita niya ang makulimlim na kalangitan sa itaas. Naalala niyang may paparating palang bagyo sa lugar nila. Kailangan na niyang umuwi para iligpit ang mga sinampay niya.
"Sir may importante pa pala akong pupuntahan. Mag-usap nalang po tayo through chat kung may tanong kayo. Add friend nalang po kita."
Hindi naman ito nag-atubili at nakipagpalitan ng account name sa kanya. Ngayon niya lang napagtanto na hindi niya pa pala alam ang buong pangalan ng napangasawa niya! Wala din naman kasi doon ang atensyon niya kanina.
"Drake Levin Yoshida, your husband…" anito nang mapansin ang pagkunot ng kanyang noo habang binabasa ang pangalan nito.
Lihim siyang napapitlag nang maramdaman ang tila mabilis na pagtibok ng puso niya lalo na nang masalubong niya ang medyo singkit at itim nitong mga mata. "O—kay. Tatawagin nalang kitang Mr.Yoshida mula ngayon."
Mr.Yoshida?
Playing hard to get huh?
Naniniwala talaga si Drake na nagpapanggap lang si Graciella sa mga ikinikilos nito. "Marami pa akong gagawin kaya hindi kita maihahatid," masungit niyang turan.
"Naku, ayos lang po. Huwag mo na akong alalahanin. Sapat na sakin na nagpunta ka dito ngayon," masigla nitong sagot at sumakay na sa electric scooter nito.
"Goodbye Mr.Yoshida," nakangiting kumaway ang babae at tuluyan ng umalis.
Sinundan ng tingin ni Drake ang papalayong bulto ni Graciella. Inaasahan niyang lalabas na ang totoong kulay nito sa oras na makasal sila—hihingi ito ng pera o kung anu-ano pang bagay mula sa kanya pero ang ipinagtaka niya ay tanging marriage certificate lang ang tinangay nito at wala ng iba.
Unti-unting nagsalubong ang kanyang makapal na kilay. Hindi niya maipaliwanag pero pakiramdam niya ay ginamit lang siya ng babae.
Iyon ba ang paraan nito para akitin siya?
Nasa kalagitnaan siya ng pag-iisip nang tumawag ang kanyang secretary para ipaalam ang importanteng meeting na kailangan niyang puntahan. Agad na nagseryoso ang kanyang mukha at ibinalik sa kanyang bulsa ang kanyang cellphone.
As the CEO of Dynamic Group of Companies, bata palang siya ay sinanay na siya bilang tagapagmana ng kumpanya kaya naman nasanay siya na halos lahat ng tao ay sumusunod sa kanya. Pero iba ang nangyari ngayong araw. Bigla nalang dumating si Graciella at sa ilang sandali lang ay nakasal agad sila.
Siguraduhin lang talaga ng babae na wala itong binabalak na hindi maganda dahil sisiguraduhin di niyang ililibing niya talaga ito ng buhay.
Pagdating ni Graciella sa bahay ay malakas na ang hangin sa labas. Agad niyang iniligpit ang mga danit para hindi tangayin ng hangin.
Tahimik ang buong bahay. Agad na sumagi sa isipan niya ang kanyang ina. Mula pagkabata ay hindi ito kailanman nagbibigay ng pera sa kanya kaya naman nagsumikap siyang magtinda ng prutas at gulay na nakukuha niya sa bukirin kahit pa halos masunog na ang balat niya sa mainit na sikat ng araw para lang may pambili siya ng libro na gagamitin sa pag-aaral niya at iba pang gastusin sa eskwelahan.
Kaya habang lumalaki siya, tumatak sa isipan niya kung gaano kahirap ang buhay kung wala kang pera. Natuto siyang magtipid. Bawat piso ay mahalaga.
Pagkatapos niyang ayusin ang mga damit niya ay napasulyap siya sa kanyang cellphone.
Twenty missed calls…
Lahat galing sa kapatid niya. Kaya man niyang suwayin ang kanyang ina pero hindi ang kanyang nakakatandang kapatid. Malaki ang respeto niya sa lalaki kaya hinanda na niya ang marriage certificate para ipakita dito.
Habang sa kabilang banda ay halos hindi naman mapakali si Garett. Kilala niya ang kapatid niya. Kahit na marami itong manliligaw ay wala itong sinagot ni isa. Mukha ngang walang balak mag-asawa ang dalaga kaya nakapagtataka kung paano nito nasabi sa kanya na nagdadalantao ito at nagbabalak ng magpakasal!
Hindi talaga kapani-paniwala.
Pero nang ibigay ni Graciella sa kanya ang marriage certificate nito kinabukasan ay mas lalo lang siyang nagimbal. Hindi iyon peke! Totoo ngang nagpakasal ang kapatid niya!
Katabi ng kanyang kapatid sa larawan ang isang lalaki na hindi niya kilala subalit kapansin-pansin ang malamig at nakasimangot nitong aura.
Dahil sa takot na baka mahalata ni Garett na hindi dahil sa pagmamahal ang pagpapakasal nila ni Drake ay agad niyang binawi ang litrato nilang dalawa at pilit na ngumiti.
"Siguro naman ngayon naniniwala ka na na hindi ako nagbibiro sa sinabi ko," aniya bago sumandal sa balikat ng kanyang kapatid. "Huwag kang mag-alala Kuya, mabait si Drake at mahal na mahal namin ang isa't-isa."
Pero hindi parin kumbinsido si Garett sa desisyon ni Graciella. Paano nalang kung aapihin ng lalaking ito ang kapatid niya?
"Pero dapat sinabi mo parin sakin ang bagay na'to bago ka nagpakasal sa kanya. Sigurado ka ba talaga na tatratuhin ka ng tama ng lalaking yan? Itsura pa lang niyan mukha ng may galit sa mundo eh. Ilang taon na ba siya at saan siya nakatira?"
Napakurap-kurap si Graciella sa tanong ni Garett.
Ilang taon na nga ba si Drake?
Mabilis niyang sinulyapan ang marriage certificate bago sumagot. "Twenty nine years old na siya at taga-dito lang din sa syudad."
"Eh yung pamilya niya? Mabait ba? May sarili na bang bahay yan?" Dagdag katanungan nito.
Natameme na zi Graciella sa mga tanong ni Garett. Ano nga bang isasagot niya sa kapatid niya gayong hindi niya lubos na kilala ang lalaking pinakasalan niya?
"That bítch!" Nanggagalaiti niyang sigaw at walang pag-aalinlangan na inihampas sa sahig ang hawak niyang baso.Agad namang nakakuha ng atensyon ng ina ni Beatrice ang ingay ng pagkabasag. Nang makarating siya sa kinaroroonan ni Beatrice ay mabilis niyang niyakap ang dalaga sa takot na baka saktan na naman nito ang sarili."Anong nangyayari sayo, hija?" Nag-aalala niyang tanong."Mommy... Bakit ba ang bwisit Graciella na iyon ang pinakasalan ni Levine. Bakit hindi ako?" Humagulgol nitong sambit.Walang ideya si Mathilda tungkol sa kasal ni Levine. Hindi rin niya alam ang tungkol kay Graciella. Kung hindi pa nabanggit sa kanya ni Oliver ang lahat, hindi pa niya malalaman."Stop cursing that Graciella woman, Beatrice. Hindi ba't siya ang nagligtas sayo mula sa mga kidnappers? Isa pa, kahit na hindi natin lubusang kilala ang babaeng yun, hindi natin mababago ang katotohanan na asawa siya ni Levine."Huminga ng malalim si Mathilda bago hinawakan ang magkabilang pisngi ni Beatrice at pinah
Nang kumunekta ang tawag niya sa kabilang linya, agad naman iyong sinagot ni Oliver. "Graciella. I'm glad you called. Kumusta ang pakiramdam mo?" Agarang bungad ni Oliver.Naalala niyang may sugat ito noong nasa ospital ang babae at marahas pa itong hinila ni Levine palayo sa kanya. Hindi lang siya nakapagreact dahil wala naman siyang karapatan kumpara sa asawa nito."Ayos lang ako, Sir Oliver," kaswal na sagot ni Graciella.Nakahinga ng maluwag si Oliver. "Mabuti naman kung ganun. Oo nga pala, napatawag ka. Sigurado akong may importante kang sadya sa akin."Kahit na nakakausap na niya si Graciella, ramdam niyang hindi parin siya itinuturing na kaibigan ng babae. Medyo malayo parin ang loob nito sa kanya kaya sigurado siyang hindi ito tatawag para makipagtsismisan sa kanya.Napangiti naman si Graciella. Talagang matalino din si Oliver. "Naalala niyo po ba noong huli tayong nag-usap sa telepono? Tumawag po ako para sa katuparan ng bagay na nais kong hilingin sa iyo."Agad namang napata
Dahan-dahan na iminulat ni Graciella ang kanyang mga mata. Bahagya pa siyang napasinghap nang mabungaran niya ang mukha ni Drake na nakatunghay sa kanya."Good morning," bati nito sa paos na boses."G—good morning," aniya at nahihiyang sumubsob sa dibdib nito.They've done it again last night. Hindi niya alam kung bakit nahihiya pa siya eh maraming beses na naman nilang inulit ang nangyari.Narinig niya ang mahinang tawa ni Drake at hinalikan ang tuktok ng kanyang ulo. "Are you shy?"Hindi siya sumagot bagkus ay hinigpitan pa ang yakap kay Drake. Nasa ganun silang posisyon nang makarinig sila ng pagring ng cellphone. Napasulyap siya sa kanyang telepono at napagtantong kay Drake iyon."May tumatawag sayo," ungot niya sa lalaki nang mapansin na hindi man lang ito gumalaw sa pwesto nila, ni lingunin ang cellphone nito."Hayaan mo yan. Gusto ko pang mahiga," kaswal na sagot ni Drake.Magmula ng bata pa siya, ang pagpapakatakbo na ng kumpanya ang iniisip niya. Bawat araw ay nagsisipag siya
Unti-unting napapikit ang kanyang mga mata kasabay ng kanyang panghihina. Ni hindi na nga niya namalayan na gumapang na pala si Drake paakyat at nagpantay na ang mukha nila."Hindi kapa pwedeng matulog, wife. Wag kang madaya," anito sa mapaglarong boses.Dahan-dahan niyang iminulat ang kanyang mga mata at agad na sumalubong sa kanyang paningin ang namumulang mga labi ni Drake."Pagod na ako, Drake," nakanguso niyany sambit.Hindi naman siya nagsisinungaling. Talagang napagod siya kahit na wala naman siyang ibang ginagawa kundi tanggapin ang ipinalasap nitong sarap sa kanya.Umangat ang sulok ng labi nito bago lumuhod sa harapan niya. Pinanood niya ang kanyang asawa na kasalukuyang naghuhubad ng suot nitong damit hanggang sa tumambad sa kanya ang matipuno nitong pangangatawan.Naglakbay ang kanyang mga mata sa kabuuan ni Drake hanggang sa dumako ang kanyang mga mata sa naghuhumindik nitong pagkalalàki. Ilang beses siyang napalunok dahil bigla nalang nanuyo ang lalamunan niya."Are you
Mabilis na bumalikwas ng bangon si Drake at agad na humarap kay Graciella. Kaswal lang din siyang humiga ng maayos at tinakpan ng kumot ang buo niyang katawan."Umalis na sila?" Tanong nito sa nagniningning na mga mata.Napailing nalang si Graciella. Hindi niya inaasahan na may pagkachildish pala si Drake sa kabila ng personalidad na meron ang lalaki. Siguro totoo nga ang mga nababasa niya na lumalabas ang ugali na hindi mo naman madalas na maipakita sa iba kapag kasama mo ang taong mahal mo."Tinutukso ka lang daw nila dahil alam nilang ayaw mo na nandito sila," tugon niya.Isang mapaglarong ngiti ang sumilay sa labi ni Drake. "Then pwede na nating ituloy?"Agad naman siyang umingos. "Anong itutuloy? Hindi ba't ayaw mo dahil inaantok ka na? Pwes matulog ka na Drake. Hindi maganda sa taong kagagaling lang sa ospital ang nagpupuyat."Imbes sundin ang sinabi niya ay agad siyang niyakap ng lalaki. "Wala naman akong sakit. Kahit na madaling araw na ako matutulog walang problema—""Sayo ba
Agad na nagningning ang mga mata ni Celestina sa narinig. "Talaga, hija? Ayos lang ba yun sayo?" Naninigurado nitong tanong."Oo naman po. May isang extrang silid itong bahay," tukoy niya sa kanyang kwarto.Agad namang napapalakpak si Grandma Celestina sa narinig. "Aba'y kung ganun, dito nalang tayo matulog ngayong gabi, sweetheart. Ayos lang ba yun sayo, Drake?" Baling pa nito sa asawa niya.Kung gaano kasaya si Grandma Celestina, ganun naman kabusangot ang mukha ni Drake. Hindi talaga itinago ng lalaki ang disgusto sa mukha nito na ikinatawa niya."Wag po kayong mag-alala, Grandma. Ayos lang po kay Drake na dito kayo matutulog ngayong gabi."Naunang pumasok sa kanyang silid si Drake. Hindi niya alam kung nagmamagandang loob lang ba ang asawa niya o sinasadya talaga nitong sa apartment nila patulugin ang lolo at lola niya para bitinin siya. Alinman sa dalawa ang rason, pareho namang hindi nakakatuwa ang resulta.Daig pa niya ang naparusahan. He just wanted to spend a quality time with