Agad na tumikwas ang isang kilay ni Graciella sa narinig mula kay Brittany. "Talaga? Okay, kung ganun ay kakausapin ko nalang si Sir Marlou," kibit balikat at kalmado niyang sagot.
Napalunok si Brittany. Hindi niya alam kung anong gayuma ang ginamit ni Graciella at tila nag-iba na ang ihip ng hangin. Iyon ang unang beses na pinagalitan siya ni Marlou. She can't believe that this is actually happening.
"Kung akala mo nanalo ka ngayon, pwes nagkakamali ka Graciella! Just wait! May araw ka rin sakin!" Galit na asik ni Brittany bago padaskol na lumabas at binagsak pa ang pintuan.
Nang makaalis si Brittany ay bumungisngis ng tawa si Kimmy. "Nakakatawa ang reaksyon niya Graciella. Parang umuusok na yung ilong niya sa galit. Pero maiba tayo, hindi ko inaasahan na ganyan ka pala katapang, girl. Akala ko hindi ka marunong magalit."
Ngumiti lang si Graciella sa naging pahayag ni Kimmy.
"Nagsumbong ka ba sa General Manager para isauli ni Brittany ang mga files sayo?" Usisa pa ni Kimmy.
Marahang umiling si Graciella. "Kagaya ng sabi ko, walang silbi kung lalapit tayo sa General Manager ng Dynamic."
Alam niyang walang ibang gagawin ang General Manager ng Dynamic kundi umupo at pakape-kape lang kaya naman dumiretso na siya sa internal website ng kumpanya at nagpadala ng complaint letter mismo sa CEO.
"Kahit na hindi ko pa nakikita si Master Levine, nabasa ko sa mga interview na marunong siyang makinig sa mga hinaing ng mga empleyado nila kaya sinubukan ko lang na mag-email sa kanya at nagbaka-sakali."
Bakas ang gulat sa mukha ni Kimmy. "Talaga? So mukhang mabait pala yang si Master Levine. Marunong pang tumingin ng mali sa empleyado niya kahit na mas mababa ang posisyon natin kaysa kay Sir Marlou."
"Hindi rin," paismid na sambit ni Graciella.
"Huh? Bakit mo naman nasabi?"
"Kung tama yang sinasabi mo, dapat pinarusahan na niya si Sir Marlou sa ginawa nito pero hindi naman diba? Sinabihan lang niya na isauli sakin ang dapat na para sakin at walang kalakip na punishment kahit na nagkamali yung manager natin. Siguro naisip niyang hindi big deal ang nangyari kaya wala parin silang pinagkaiba," naiiling niyang bigkas.
Isa pa, mukha man siyang nanalo ngayon, pero alam niyang gaganti si Sir Marlou sa nangyari. Kahit na sinunod nito ang utos ng nakatataas sa ngayon, sigurado siyang pahihirapan siya ng lalaki sa susunod.
Nagpunta siya doon para sa trabaho at pera at hindi para makipag-away sa mga kasamahan niya. Isa pa ay may anak na siyang kailangang isaalang-alang. Kapag lumaki na ang tiyan niya, hindi na siya pwedeng magtrabaho pa.
Kailangan niyang makahanap ng paraan para hindi na siya mahirapan pa...
Naging abala si Drake mula sa kaliwa't kanang factory inspections at shareholding meetings para sa susunod na mga buwan nang makatanggap siya ng complaint letter mula sa isa sa mga empleyado nila sa Dynamic Wheels.
"Graciella Santiago..."
Napatitig si Drake sa signature ng complainant. Pakiramdam niya nakita na niya ang pirmang iyon pero hindi niya maalala kung saan. Lumipat ang kanyang tingin sa pangalan ng inireklamo.
Marlou Castillo...
Isa ito sa mga tauhan ng kanyang tiyuhin.
"A—ano po ang plano ninyong gawin kay Mr.Castillo, Master Levine?" Boses ng Human Resource Manager ang pumukaw sa atensyon niya.
Habang nagsasalita ang manager ay pahina ng pahina ang boses nito. Ilang saglit pa ay parang nais na nitong sampalin ang sarili. Ano ba ang pumasok sa isipan niya at tinanong pa niya si Master Levine kung ano ang nais nitong gawin?
"H—huwag po kayong mag-alala Master Levine. Pagagalitan ko po si Mr.Castillo sa kapabayaan niya at sisiguraduhin ko rin na maibabalik sa naturang empleyado ang mga files at credits na para sa kanya," natataranta nitong wika bago mabilis na lumabas ng opisina ni Drake na para bang hinahabol ito ng sampung aso.
Napasimangot naman si Drake. Minsan ng nagkamali si Marlou kaya't ipinadala ito sa mababang posisyon pero mukhang hindi yata ito natuto at gumawa parin ng kabulastugan. Nais man niya itong parusahan pero tauhan parin ito ng kanyang tiyuhin. Sisiguraduhin niyang makakatikim ang lalaki sa hagupit niya kapag tuluyan ng nagretire ang tiyuhin niya sa susunod na araw.
Pero ilang saglit lang ay natigilan siya.
Nakakatakot ba talaga ang kanyang mukha at parang halos maihi na ang kausap niya kanina sa kaba?
Nasa ganung kaisipan siya nang pumasok sa loob ng kanyang opisina ang kanyang personal assistant na si Owen at napasulyap sa kanyang mukha.
"Galit po ba kayo, Master Levine?"
Napakunot noo siya. Hindi siya galit! Ito talaga ang normal na itsura niya!
Napakurap-kurap naman si Owen sa naging reaksyon ng boss nito at hilaw na ngumiti. "Pasensya na po kayo Master Levine. Sadyang masungit lang po talaga ang iyong mukha pero gwapo parin naman po kayo," anito ay sinundan pa ng hilaw na tawa.
Pinaningkitan naman ito ni Drake ng mga mata. Mas lalo tuloy na nagmukhang singkit ang lalaki. "Kung wala kang sasabihing importante ay lumayas ka sa harapan ko!"
"Master Levine naman, kung lalayas po ako ay hindi na kayo makakahanap ng assistant na gaya ko."
Istrikto, hindi marunong magbiro, malamig pa sa yelo. Iyon ang pagkakakilala ng buong Dynamic kay Master Levine. Idagdag mo pa ang nakakatakot nitong mga mata na para kang tutunawin kung tumitig ito. Iilan lang ang nakakatagal ng dalawang segundo kapag tumitig sa mga mata ni Master Levine pero sa kabila ng mga katangiang iyon, isa siya sa mga nakakaalam kung gaano ito kadaling pakisamahan. Hindi naman siya magtatagal sa trabaho niya kung hindi.
Napakamot ng kilay si Drake.
He was born with an intimidating look kaya nasanay na siya na takot sa kanya ang lahat, but the woman in the City Affairs Bureau few days ago...
Wait!
Bigla niyang naalala ang babaeng nagyaya sa kanya ng kasal noong nakaraang araw. No wonder the signature is familiar. Dahil ang babaeng napangasawa niya ay siya ring complainant sa email na nabasa niya!
Graciella Santiago...
Ipinakuha niya ang files ng babae at agad na tumambad sa kanya ang nakangiti nitong mukha. Nagkataon lang kaya ang lahat? Hindi kaya...
Sarkastiko siyang napailing. What a small world huh!
Ang inaakala niyang magpapakita na ito ng totoong kulay ay hindi nangyari. Tatlong araw na ang lumipas subalit tahimik ito. Ni hindi man lang ito nag-abalamg tawagan siya. Kinuha niya ang kanyang cellphone para sana tawagan ang babae nang agad niyang maisipan kung ano ang plano nito.
She's working under his company and for sure kilala siya ng babae. Kaya pala pinakasalan siya nito. Habol nito ang pera niya! Tapos hindi pa siya nito tinawagan para siya ang tatawag dito at kunwa'y may paki siya.
What a wicked scheme...
Imbes na tawagan ito ay pinili niyang itext ang babae.
"Come out and meet me, my dear wife..."
Sigurado siyang magkukumahog ito kapag nabasa na ang mensahe niya.
Pero ilang saglit lang ay biglang nagnotify ang kanyang cellphone. He thought that she had already replied but it was the system instead.
'Your message has been rejected. Please add the other party first.'
Humigpit ang kapit niya sa kanyang cellphone. Damn it!
Did that woman just unfriend him?!
Agad na namutla si Beatrice sa kanyang narinig. Nang inilinga niya ang kanyang tingin sa paligid ay nasa kanya ang mga mata ng lahat dahilan para makaramdam siya ng pangangapal ng mukha. At dahil sa labis na hiya, wala na siyang mapagpipilian pa kundi lisanin ang silid ni Grandma Hermania.At habang naglalalad siya palabas, nangngingitngit ang kalooban niya. Bakit ba ang hirap ipaintindi sa mga ito na masamang tao si Graciella? Tapos siya na itinuring na apo ng matandang babae sa loob ng mahabang panahon ay pagagalitan nito ng ganun-ganun nalang? Talagang mas papaboran pa nito ang babaeng kelan lang nito nakilala?Mukhang hindi na yata marunong tumingin ang ginang kung ano ang tama at mali. Kaya pala nakarma ito at nawalan ng apo. Well, judging from what she did to her now? She deserves those years of misery. Kung bakit ba hindi nalang ito natuluyan nang matumba ito sa labas ng silid ni Graciella? Mas malaki pa ang tsansa ng matandang babae na makita si Hannah at ang anak nitong si W
Agad na pumagitna si Graciella sa dalawa. Wala naman siyang pakialam kahit masaktan pa si Beatrice pero ang asawa niya ang inaalala niya. Hindi niya nais na madungisan ang kamay nito dahil lang sa isang walang kwentang babae."Tama na, Drake," malumanay niyang wika.Unti-unti namang binitawan ni Drake si Beatrice dahilan para makahinga siya ng maluwag. "Nakita mo na ang ginawa mo? Nakakagulo kalang dito," malamig niyang turan sa babae.Hindi naman makapaniwala si Beatrice sa ginawa ni Levine. Muntik na siya nitong saktan nang dahil lang kay Graciella. Talagang nababaliw na ang mga ito! Anong gayuma kaya ang ginamit ni Graciella at kuhang-kuha nito ang damdamin ng lahat?Isang nakamamatay na tingin ang ipinukol niya kay Graciella. Wala siyang pakialam kahit na masaktan pa siya. Ang mahalaga, magising sina Levine at Grandma Hermania sa kahibangan nito."Ang sabihin mo ayaw mong umalis dito kasi nasisilaw ka sa pera ng mga Nagamori!" Singhal niya at akmang kakaladkarin si Graciella pala
Mabilis na napalis ang ngiti ni Hermania nang makita niya si Beatrice. "What are you doing here?" Malamig na tanong ng ginang.Hindi parin nakakalimutan ng matandang babae ang narinig niya na sinabi ni Beatrice tungkol kay Graciella kaya ayaw niya itong makita.Agad namang iniharang ni Graciella ang kanyang sarili kay Grandma Hermania. "Hindi pa magaling si Grandma, Beatrice kaya kung ano man ang sadya mo dito, umalis ka na," malamig niyang turan.Sarkastiko namang napangisi si Beatrice at tiningnan pa siya mula ulo hanggang paa. "Grandma, wag po kayong magpapaniwala sa babaeng ito. This woman is a liar! Hindi siya ang totoong Hannah Nagamori!" Ani Beatrice sa malakas na boses sabay turo kay Graciella."Ano bang pinagsasabi mo, Beatrice? Hindi ka na ba talaga titigil?" Naiinis na wika ni Hermania."Totoo po ang sinasabi ko, Grandma. Nasa akin ang DNA test result ninyong dalawa ni Graciella and it's negative. Hindi mo apo ang babaeng yan,"madiin na sambit ni Beatrice at iwinagayway an
Ilang saglit pa'y lumapit na si Graciella sa kanya. Isang masuyong ngiti ang sumilay sa kanyang labi nang makalapit ito sa kanya."Is there anything you want?" Malambing niyang tanong.Graciella leaned on his arm like a cat purring to its owner. Mas lalo tuloy siyang napangiti."Pwede mo bang ipatawag si Owen? May nais lang akong itanong sa kanya."Of course he can pero hindi naman pwede na hindi niya malaman kung ano ang pakay ng asawa niya sa kanyang assistant. Subalit nang makita niya ang balisa nitong ekspresyon, ay wala na siyang sinabi pa at tinawag na si Owen.Nang dumating ang lalaki ay agad itong hinila ni Graciella sa isang sulok na medyo may kalayuan sa kanya saka nag-usap ang dalawa."Pwede mo ba akong tulungan na mag-imbestiga kung may mga taong kahina-hinala sa labas ng silid ko bago madulas si Grandma Hermania?" Aniya sa lalaki.Pakiramdam niya sinadya ng sinuman na magtapon ng tubig sa labas ng kanyang ward para kung may lumabas man ay madudulas. Hindi niya nga lang ma
Matapos manghalungkat ng doctor sa mga files na nasa kanyang mesa, nahanap narin niya sa wakas ang envelope na naglalaman ng results ng DNA test ni Graciella Santiago. Subalit nang buksan niya ang envelope, gulat ang rumehistro sa kanyang mukha. Hindi niya inaasahan ang nakita niyang resulta. Ilang beses pa siyang pabalik-balik sa pagtingin para siguruhin kung tama ba ang nakikita niya at maya-maya pa'y natatawa niyang ibinigay kay Beatrice ang resulta."I told you to make a fake report for me. I'm not asking for the actual result—Natigil sa pagsasalita si Beatrice nang makita niya ang resulta ng test. Hindi pa iyon sapat at nanlaki pa ang kanyang mga mata sa gulat at maya-maya pa'y malakas siyang tumawa."Tingnan mo nga naman. I guess I don't need you to do a fake result then," aniya ay isinilid na sa kanyang bag ang folder saka excited na lumabas ng opisina...Naging matagumpay ang blood transfusion ni Graciella kay Grandma Hermania and luckily, wala din namang nangyaring masama s
Kasalukuyan namang nagtatago sa loob ng ladies restroom si Beatrice. Halos kalahating oras muna ang hihintay niya bago siya lumabas para siguraduhin na walang makakakita sa kanya at sa ginawa niya sa labas ng silid ni Graciella. At sa hindi sinasadya, narinig niya ang usapan nina Wilbert at Levine.They want to do a DNA test huh!Ni hindi pa nga sila sigurado kung si Graciella nga si Hannah tapos ang matandang Nagamori, parang tunay na apo ba kung ituring si Graciella? Paano nalang kaya kapag lumabas na ang resulta at magiging positive?It will be the end of her!Naiyukom niya ang kanyang mga kamao. Hindi pwede!Kailangan maunhan niya ang mga ito bago paman mapasakamay nina Levine at Wilbert ang resulta!Agad siyang nagtungo sa identification department's office. Bago siya kumatok, sinigurado niya muna na walang nakakita sa kanya o hindi kaya ay nakasunod."Come in," ani ng nasa loob.Nag-angat ng tingin ang lalaking nakaupo sa swivel chair at agad na nanlaki ang mga mata nito nang ma