Mag-log inSamarah's POV
“Paano ko naman naging kasalanan yung pagiging lampa mo?” Inirapan ko siya at hinila ang kumot pero hinila niya ito pabalik. “Natamaan mo ako ng bola sa ulo kaya ako natumba. Hindi mo kasi ilugar yung pagiging tomboy mo!” Nakaupo kami ngayon sa sahig, sa tapat ng fire place ng kwarto namin at nag-aagawan sa kumot. Ang lamig pala rito kapag gabi! “Maraming beses na akong natamaan ng bola sa ulo ‘no, hindi naman ako natumba at nahimatay. Lampa ka lang talaga!” Itinaas niya ang kamay niya at akmang bubwelta nang unahan ko siya, “At! Hindi ‘yon sapat na reason para ipagkalat mong natae ako sa palda nung Elementary tayo ‘no!” “Pfffft! Hahahaha! Oo nga pala, natae ka nga pala nung grade two. So disgusting!” Maarte niyang sinabi ang huli at ngumiwi pa. “Elementary pa ‘yon!” Hinampas ko siya ng unan na kaagad naman niyang sinalag habang tawa pa rin ng tawa, “siguro crush mo ‘ko kaya high schoo na tayo hindi ka pa rin nakakamove-on don!” “What?!” Ako naman ang hinampas niya ng unan. “Letse! Ang sakit!” Parang analog ang utak ko. “Ayan! Masyado kang delusional baka magising ka na!” Mula nung mangyari ang mga bangayan namin nung high school ay naging mortal na kaming magkaaway. Panay ang bangayan at lagi kaming nagkakasakitan noon. Pero syempre ako ang panalo lagi, sinisiguro kong lagi siyang umuuwing may bulak sa ilong. Ganon ako ka thoughtful, kaso pagdating sa mga pageants, lagi niyang mini-makeupan ang mga kalaban ko at sinisigurong matatalo ako. Panata niya ata every year ‘yon. “Bading!” “Amazona!” “Lampa!” “Natae sa palda!” Pareho kaming humahangos habang nakahiga sa kama. Hindi ko alam kung bakit ako nakangiti kahit puro away naman ang ginawa namin. Naramdaman kong may kung anong mainit na tumutulo galing sa ilong ko. Naupo ako at pagkapa ko rito, dugo! “Hala! Dumudugo ilong ko!” sumbong ko sa kanya, pero nanlaki ang mga mata ko nang makita ko siya. “HAHAHAHA!” Magulo ang buhok niya na parang kinuryente at parehong butas ng ilong niya ang dumudugo! Malayong-malayo sa Rowan na palaging malinis, maayos, at mabango. “Okay lang ba kayo dyan? Dinig ang sigawa– ay sus! Maryosep!” Naitakip ni Lola ang kamay sa bibig niya. Mabilis na lumapit sa akin si Rowan at inakbayan ako, “Opo, okay lang po kami Lola.” “Nasobrahan lang po sa laro, hehe!” Pawis na pawis na ako pero bakit ang bango pa rin niya? “Grabe naman kayo maglaro, okay lang ba ang mga ilong niyo?” Lalapit na sana siya nang hawakan ako sa baba ni Rowan at iharap sa kanya. “Okay naman tayo ‘di ba babe?” Umaagos ang dugo sa parehong butas ng ilong niya pero ang gwapo niya pa rin? “Babe?” “A-aah oo!” Inalis ko ang hawak niya sa akin at tumayo, “Okay lang po kami Lola, hehe! ‘wag po kayo mag-alala. Tara na po hatid ko na po kayo.” Wala na siyang nagawa nang akayin ko siya palabas at inilock ang kwarto namin. “Grabe, ganitong ganito itsura ko tuwing uwian nung high school eh.” Nasa harap siya ng salamin at pinupunasan ang ilong niya. Lumapit ako at kumuha rin ng tissue, “Lampa ka eh, di ka makaganti.” Ngumisi siya at biglang diniinan ng tissue ang ilong ko, “Aww!” “Ayan ang ganti ko, hahaha!” Masakit man ay natawa na lang din ako. Matagal din kaming hindi nagkita ni Rowan at mukhang marami din siyang pinagbago. Dati kasi kung hindi siya mukhang kawawa at api-apihan, mukha naman siyang demonyo na gagantihan lahat ng nang-api sa kanya. Pero ngayon mukhang marunong na rin siyang makipag biruan. “What? Hindi ko namalayang nakatitig pala ako sa kanya. Umiwas ako ng tingin, “Wala! Napansin ko lang na ang dami mo na rin palang pinagbago.” “Ikaw din naman,” nagsimula siyang magpahid ng kung ano-ano sa mukha niya, “Dati anak ka ng mayaman, kaya hindi ko alam kung bakit kailangan mong tanggapin ang trabahong ‘to.” “Mahabang kwento.” Pinapanood ko ang ginagawa niya nang bigla siyang tumayo. “Umupo ka rito.” Sinunod ko siya at naupo ako sa upuan sa tapat ng vanity mirror. “Anong gagawin ko?” “Magkwento ka habang inaayos ko ‘tong mukha mo. Masisira ang reputasyon ko sa itsura ng balat mo.” “Grabe ka talaga!” Pero may point nga naman siya. CEO siya ng nag-iisang Allure cosmetics, nakakahiya naman kung mukhang gusgusin ang asawa niya. “Magkwento ka na.” Binuhusan niya ng kung ano ang bulak saka idinampi sa mukha ko. “Anong gusto mong malaman?” “Mayaman pa rin ba kayo?” Focused na focused siya sa mukha ko. Nagulat ako nang inilapit niya ang mukha niya sa akin at parang sinisipat-sipat ang mga pores ko. “Hindi na eh.” “Buti nga sa 'yo.”3rd Person’s POV Mabilis na lumipas ang mga panahon sa buhay ng isang tao. maraming bagay sa paligid natin ang nagbabago na madalas ay hindi na natin napapansin. Tulad ng mga bagong establishimentong naipapatayo ng hindi natin namamalayan. Angmga bata na napaka bilis ng paglaki, o minsan kahit pa sa mga sarili natin. Hindi natin napapansin na tumatanda na tayo, nagiging mahina at lumilipas ang kagandahan at kakisigan. Isang makulit na matanda ang inaalalayan ng anak niya sa pagbaba ng sasakyan. Hawak nito ang tungkod niya na mas madalas pang gamitin bilang pamalo kaysa ipang lakad. “Bakit ba kasi napaka kulit mo?! Ayoko ngang inumin ang gamot na iyan! Mamamatay din naman tayong lahat eh, kapangit pangit nga ng lasa niyan pahihirapan niyo pa akong inumin ‘yan!” “Mommy, kapag hindi niyo po ito ininom lalala na naman ang arthritis ninyo. Tignan niypo po si Daddy malakas pa oh, kasi lagi niyang iniinom ang gamot niya.” Nakangising bumaba ng sasakyan ang matandang tinutukoy ng
Samarah’s POV Hindi tulad nung una kong pagbubuntis, mas gamay na namin ang mga dapat naming gawin sa pagkakataong ito. Mabuti na lang din at malaki na si Ferlyn na nakakatulong na rin namin sa mga gawain. Siya nga ang madalas na nagmamasahe sa paa ko kapag gabi. “Mommy, aren’t you too old to give birth?” Nagulat ako sa tanong niya. Pati si Rowan na nasa kusina at nagluluto ay napatingin. “Hindi pa naman ganon katanda si Mommy anak, bakit mo natanong?” “Wala lang po, matanda ka na po kasi eh.” “Pffft!” “Hoy Rowan! ‘Wag mo ‘kong tawanan dyan mas matanda ka sa akin! Baka tsinelasin kita!” pagbabanta ko. “Opo, hindi na nga po. Galit naman agad itong matanda.” “Mommy there you go again, masyado kang masungit kay Daddy. Ever since you got pregnant you’re too mean to him.” “Eh ‘yang Daddy mo kasi nakakairita eh!” “Hayaan mo na ang Mommy mo anak, signs of aging lang ‘yan, ganyan talaga.” Dinampot ko ang unan sa couch at saka iyon ibinato sa kanya, “Hindi ka mananahimik?! Ikaw an
3rd Person's POV Nanatiling tahimik ang lahat. Nanginginig ang mga labi ni Rowan sa bawat mga salitang sinasambit niya. Habang umaagos naman ang luha ng mga magulang nila. Unti unting nawawasak ang mga puso nila habang pinanonood na mag-away ang dalawang anak. “I became the head of the family because I am the one who can provide. I took all the responsibilities kahit ikasira ko pa iyon. Tapos ngayon kung magsalita ka parang kasalanan ko pa?!” Natigilan si Gab nang makita ang pagtulo ng mga luha ng kapatid niya. Pero hindi iyon sapat para magpatinag siya. “Oh edi ikaw na! Ikaw na magaling, ikaw na ang mabuting anak!” “Sige, ngayon sasabihin ko sa ‘yo ang gusto mong marinig. Gusto mong malaman ang failures ko sa buhay hindi ba? Ngayon makinig ka. Inggit na inggit ako sa inyo ni Chelsea.” Tuluyang nabasag ang boses ni Rowan, “I am successful but I became misserable because I wasn’t able to live my life.” Namayani ang hagulgol ni Amelia, “Anak ko…” “Habang kayo nag-aaral, kailangan
3rd person's POV “Have you tried contacting Lola’s lawyer? I've been trying to reach him but he’s not answering,” tanong ni Ate Gab paglabas ng kwarto nila. Nakasuot lang siya ng puting sando at pink shorts na para bang wala siyang pakialam sa mga bisita. “‘Nak bat naligo ‘yan? Hindi niya ba alam na bawal maligo kapag may lamay?” tanong ni Amelia na siniko pa si Samarah saka bumulong. “Hindi ko rin alam Ma, parang wala namanyata silang pamahiin,” sagot ni Sam. “Why are you trying to call him?” tanong ni Basty na kapapasok lang din ng kusina. Nasa kusina sila habang nagluluto kasama ang mga kasambahay at si Amelia. Habang si Gab at Basty naman ay parehong pumunta para uminom ng tubig. “You know, about the money.” “What money?” tanong ni Rowan na bigla na lang sumulpot kung saan. Hindi siya sinagot ni Gab. “What money are you talking about?” Inulit ni Basty ang tanong. “Yung last will and testament ni Lola. Hindi ba sabi niya makuku—hey!!” “Rowan!” Nagka pira piraso ang c
Samarah's POV Mas pinili namin ni Mama Amelia na lumabas na lang ng kwarto at umupo sa upuan sa tapat ng pintuan. Gusto namin silang bigyan ng pribadong oras. Kahit si Mama na nakaupo sa gilid ko ay panay ang iyak. Hindi ko tuloy maiwasang maalala ang mga nangyari nung ako ang nawalan ng ina. Kung nandito pa si Mama, kamusta kaya ang buhay namin? Magiging masaya kaya siya para sa aming mga anak niya? 10:47PM Iyan ang oras na tuluyan na kaming iniwan ni Lola. Gusto kong magluksa pero mas una kong inintindi si Rowan na halos sirain na ang buong kwarto ng hospital. Pagpasok ko ay ipinupukpok niya ang ulo niya sa pader at kahit akong hila sa kanya ni Papa ay hindi siya mapigilan. “Rowan!” Malakas kong sigaw at saka siya tinakbo. Pilit kong isiniksik ang sarili ko sa pagitan niya at ng pader. Hinawakan ko ang magkabilang pisngi niya at iniharap siya sa akin. “Lola!!!” Para siyang bata kung umiyak. Iyong tipo ng iyak na puno ng emosyon at wala nang pakialam sa paligid. Iyong
Samarah's POV “Ano kaya iyong pamana ni Lola ‘no? Napaka pa suspense naman. Para saan kaya yung susi?” “I have no idea.” Focus na focus siya sa pagdadrive at halatang ayaw makipag usap. “Parang nasa movie tuloy tayo. Paano kung susi pala ng selda iyon tapos gusto pala ni Lola pakawalan natin yung mga naka kulong na politiko??” “Pffft! Baliw ka talaga!” “What if lang naman ‘di ba?” Panay ang pagbibiro ko at mabuti naman dahil naging effective. Ang akala nami noon magiging okay na ang lahat. Na matitigil na rin si Ate Gab dahil kahit papano ay may pinanghahawakan na siyang pamana. Pero hindi. Ikinwento sa amin ni Chelsea na pati daw si Lola ay inaway niya. Wala raw siyang nakukuhang tulong sa sarili niyang pamilya at sinabi pa niya na hinding hindi na raw siya babalik ng Pilipinas at ayaw niya nang makita ang mga Fontano. Bagay na sigurado akong lubos niyang pagsisisihan. “Rowan? Ikaw na ba ‘yan Apo ko?” “Yes Lola, nandito po ako.” Kinuha ni Rowan ang kamay ng matanda a
Samarah’s POV “That smells nice. Nagugutom na ‘ko.” “Wala pa naghihiwa pa lang oh! Hahaha!” “Ay sorry sorry hahaha!” Mula nung binanggit ni Maureen ang itsura ko kanina, eh hindi niya na ako tinigilan sa pang-aasar. “Buttered shrimp?” “Buttered shrimp na may pechay at kamatis? Sinigang!”
ANNOUNCEMENT: Leave kayo ng favorite scenes niyo sa REVIEWS (Click niyo yung 3 dots sa taas nitong chapter, click yung pic ng book, then scroll down nandoon ang reviews) . ANG MAY PINAKAMAGANDANG SAGOT GAGAWIN KONG CHARACTER! Ano ang favorite niyong Scene/Character at bakit? “Fine. Pero ganggang
ANNOUNCEMENT: Leave kayo ng favorite scenes niyo sa REVIEWS (Click niyo yung 3 dots sa taas nitong chapter, click yung pic ng book, then scroll down nandoon ang reviews) . ANG MAY PINAKAMAGANDANG SAGOT GAGAWIN KONG CHARACTER! Ano ang favorite niyong Scene/Character at bakit? Samarah's POV “Wher
“Hoy! Buksan mo ‘to!” Bigla niyang sinara ang pintuan at Ikinulong ako ron. Paulit-ulit kong kinakalampag ‘yon, “Hoy! Peppa pig buksan mo ‘to!” Tumakbo ako papunta sa gilid ng rooftop para sana humingi ng tulong sa mga taong nasa baba pero kaagad akong nal







