Share

Kabanata 8

Author: Georgina Lee
last update publish date: 2026-07-03 17:59:13

Marco stared at the papers in his hand before slowly lifting his eyes toward Chantal.

"Are you planning to open a department store?"

Napakurap si Chantal. "Ha?"

"Five pages... Back-to-back pa," dagdag pa nito habang marahang itinataas ang mga papel.

Unti-unting namula ang kanyang pisngi. Bigla niyang naalala kung gaano nga pala kahaba ang isinulat niya.

"Hindi naman kasi lahat ng nakasulat ay damit," aniya kasabay ng isang alanganin na ngiti sa labi.

"Talaga?" Bahagyang tinaas ni Marco ang isang kilay.

Tumango siya at itinuro ang unang pahina. "The first page contains shampoo, hair serum, conditioner, and hair treatments. Sensitive kasi ang anit ko kaya hindi pwedeng wala ang mga yan," paliwanag niya bago binaliktad ang pahina.

"And this, para ito sa mga skin care ko sa mukha, sa leeg, sa kili-kili. Iba ang lotion, iba rin ang cream—"

Natigil siya sa pagsasalita ng iniangat ni Marco ang isa nitong kamay. "Okay. I get it," putol nito sa sasabihin sana niya.

Agad naman niyang isinara ang kanyang bibig pero naroon parin ang kanyang munting ngiti. Mula sa unang pahina, sunod-sunod na sinuri ni Marco ang apat pang papel. Habang pinagmamasdan niya ang lalaki, nanatili paring nakakunot ang makapal nitong mga kilay na para bang iniintindi kung ano ang mga sinulat niya.

"Siguro naman wala ka ng nakalimutan dito, diba?" May bahid ng sarkasmo nitong tanong.

Marahan siyang umiling. "Wala na. Pasensya ka na kung mahaba. Isinulat ko rin kasi ang mga specific na brand lalo na sa... sa underwear ko. Sensitive kasi ang balat ko kaya kailangan pure cotton—”

"I get it. You don't have to tell me in details," awat ni Marco sa kanya na mukhang naririndi na yata sa ingay niya.

Kinagat niya ang pang-ibaba niyang labi. Did she go too much?

"Sorry," mahina niyang anas.

Huminga ng malalim ang lalaki bago tumango. "It's okay. I'll have this delivered by the afternoon. You can go now."

Agad na sumilay ang isang masayang ngiti sa kanyang labi. "Maraming salamat, Marco!" Masigla niyang sambit bago lumabas ng opisina ng lalaki.

Pinagmasdan ni Marco ang bulto ni Chantal hanggang sa mawala ito sa kanyang paningin. Within just a few hours that they are together, he can already sense that she's so noisy. Bagay na ayaw niya. Nasanay siya sa tahimik niyang buhay kaya naririndi siya kapag may kausap siyang salita ng salita kahit na hindi naman kailangan.

Bumuntong hininga siya at muling napatingin sa limang pirasong papel. Ganito ba talaga lahat ng babae? Hindi naman sa kuripot siya, but damn, how will she use all of this products listed to her body all at once?

Dinampot niya ang telepono sa mesa at agad na tinawagan ang kanyang sekretarya para bilhin ang lahat ng kakailanganin ni Chantal. Matapos niyang maiutos sa babae ang lahat, nilisan na niya ang mansion patungo sa factory.

Walang ibang ginawa si Chantal buong araw kundi ang maupo sa kama sa loob ng bago niyang silid. Pagsapit ng hapon isang katok ang pumukaw sa kanyang atensyon. Nagtungo siya sa may pintuan at binuksan iyon. Bumungad sa kanya ang isang babaeng halos hindi nalalayo ang edad sa kanya. Kasunod nito ang ilang tauhan ni Marco na nakita niya kanina noong dumating siya sa mansion.

"Magandang hapon po, Ma'am Chantal, ako nga pala si Luna, secretary ni Boss Marco. Ako po ang naatasan niya sa pagbili ng lahat ng mga kakailanganin ninyo.”

Agad na nagliwanag ang kanyang mukha at niluwangan pa ang pagkakabukas ng pinto. "Pasok kayo," masigla niyang wika.

Sunod-sunod na pumasok sa loob ang mga tauhan ni Marco bitbit ang sandamakmak na mga pinamili ni Luna. Ilang sandali pa'y halos bumaha na ang mga paperbags sa sahig.

"Maraming salamat sa pagbitbit," nakangiti niyang wika sa mga tauhan.

"Walang anuman po, Ma'am," tugon ng mga ito bago tuluyang nagpaalam sa kanya at si Luna nalang ang natira.

"Ang ganda niyo po talaga Ma'am Chantal! Hindi ko po inaasahan na makikita ko kayo sa personal. Fan na fan po ako ninyo mula paman noon!" Kinikilig na wika ni Luna habang may masayang ngiti sa labi nito.

Awkward siyang napangiti. Pagkatapos ng iskandalong kinasasangkutan niya sa Maynila, hindi niya inaasahan na may fan pa pala siya.

"Uhm... Maraming salamat, Luna," mahina niyang bigkas.

"Sana po makabalik kayo sa acting sa hinaharap. Aabangan ko po ang magiging pelikula ninyo."

Agad na nanikip ang kanyang dibdib. Ilang beses pa siyang napalunok para mawala ang bikig sa kanyang lalamunan. "Hindi ko alam kung makakabalik pa ako Luna. Alam mo naman ang nangyari diba?"

"Bakit naman hindi? Sigurado naman ako na hindi totoo ang kumakalat na tsismis tungkol sayo."

Sandali siyang natigilan sa kanyang narinig. "H—hindi ka naniniwala na totoo ang video?"

Sunod-sunod ang naging pagtango ni Luna. "Nakasubaybay ako sa inyo mula pa noon. Mabait kayong tao lalo na sa mga fans. Kaya imposible talaga na ikaw yung nasa video. Paninira lang yun panigurado!"

Unti-unti siyang napangiti. Masarap sa pakiramdam na kahit papaano, may naniniwala parin pala na inosente siya. Sana lahat katulad mag-isip ni Luna...

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • Marrying the Rugged Billionaire (Barcelona Bastards 1)   Kabanata 203

    Parang nais nang matawa ni Chantal. She couldn't believe she cried over a simple misunderstanding na puwede naman sana nilang mapag-usapan nang maayos kung sinabi lang nito kung ano ang problema.But Marco didn't do it. Instead, he immediately made an assumption and threw unnecessary hurtful words towards her."Kung inaakala mong ganoon lang kadali na kalimutan ang mga sinabi mo, puwes, nagkakamali ka, Marco. Hindi porket humingi ka ng tawad ngayon at inaamin mong nagkamali ka ay babalik na tayo sa dati na parang walang nangyari. That's not how it works.""No, that's not what I'm saying—"Humarap siya nang tuluyan sa lalaki, at sa kabila ng liit ng kanyang pigura kumpara sa matangkad na pangangatawan ni Marco, nangingibabaw ang matatag niyang aura. "Hindi dahil sinabi mong 'sorry' ay kailangan ko na agad tanggapin at patawarin ka. Hindi mo alam kung gaano kasakit ang mga salitang ibinanggit mo sa akin noong gabing 'yon.""We were okay the day before, and you suddenly acted that way. K

  • Marrying the Rugged Billionaire (Barcelona Bastards 1)   Kabanata 202

    Napaatras naman si Marco dahil sa talim ng tingin ni Chantal sa kanya habang magkaharap sila."I...""I what? Kanina ka pa sa hapag-kainan nakatitig sa akin na parang kakainin mo ako nang buhay!" patuloy ni Chantal sa pagkakataong iyon, hindi na niya napigilan ang sarili na duruin ang lalaki."Tapos ngayon, saan man ako pumunta—sa library, sa kusina, at kahit dito sa balkonahe—nakabuntot ka! Ano 'to, Marco? Ano ba talagang gusto mo, ha? Iniiinis mo ba ako? Wala ka bang magawa sa buhay mo at ako ang trip mo ngayon?"Bahagyang namula ang mga tainga ni Marco sa pagkahuli sa kanya. Sa kabila ng matangkad at nakakatakot niyang tindig bilang isang Barcelona, sa pagkakataong ito ay mukha siyang batang nahuling nagnanakaw ng kendi. Pinilit niyang ituwid ang kanyang postura at isinuksok nang mas malalim ang dalawang kamay sa bulsa ng kanyang pantalon para piliting magmukhang kalmado."I'm not following you," kaswal at malamig niyang palusot, bagaman halatang bahagyang nabilaukan sa sariling la

  • Marrying the Rugged Billionaire (Barcelona Bastards 1)   Kabanata 201

    Bagsak ang mga balikat na tinahak ni Marco ang daan pabalik sa loob ng mansyon. Bawat hakbang niya ay parang may nakataling mabigat na kadena sa kanyang mga paa.Gusto niyang tumakbo diretso sa silid ni Chantal, lumuhod, at ipagtapat na nagkamali siya—na pinalaki lang ng tanga at walang kwenta niyang selos ang lahat. Ngunit nang makarating siya sa ikalawang palapag at matitigan ang nakasarang pinto ng kanyang kwarto, kung saan kasalukuyang nagpapahinga ang babae, ay napatigil siya.Anong sasabihin niya kapag binuksan nito ang pinto? Should he apologize? Of course he should. But the question is, how is he going to start?‘Pasensya na, nagalit ako kasi akala ko naglalandian kayo ng kapatid ko noong nahulog ka sa bench’? Ganun ba dapat?Mabilis na napapikit si Marco sa matinding hiya at inis sa sarili. Damn it. Tunog pa lang sa utak niya, mukha na siyang gago. At mas lalong masakit para sa kanya dahil alam niyang nasaktan niya nang sobra ang babaeng pilit lang namang nagpapakatotoo sa mg

  • Marrying the Rugged Billionaire (Barcelona Bastards 1)   Kabanata 200

    Nanatiling nakatayo si Marco sa gitna ng garahe, tila napako ang mga paa sa semento. Bahagyang nakabukas ang kanyang panga, habang ang matalas at galit na titig sa kanyang mga mata kanina ay unti-unting napalitan ng kawalan ng paniniwala at matinding pagkahiya.Nahulog? Nasalo lang?Fuck!What the heck!Did he just get mad for the wrong reasons?Ang eksenang paulit-ulit na nagpapasakit sa dibdib niya sa nakalipas na mga araw—ang eksenang naging dahilan para saktan niya si Chantal gamit ang malalamig at malulupit niyang mga salita—ay isang simpleng aksidente lang pala."Y-You're lying..." pabulong at halos walang boses na wika ni Marco, pilit na humahawak sa huling natitirang hibla ng kanyang pride."Bakit naman ako magsisinungaling sa'yo?"Bumuntong-hininga si Knoxx at marahang tinapik ang balikat ng kapatid, sa pagkakataong ito ay wala nang halong pang-aasar. "Natapilok ang asawa mo noong nakaraan. I just caught her. Alangan naman hayaan ko siyang mapasubsob sa lupa? That's very unge

  • Marrying the Rugged Billionaire (Barcelona Bastards 1)   Kabanata 199

    Pinagmasdan ni Knoxx ang kapatid habang dahan-dahan nitong isinisuksok ang dalawang kamay sa bulsa ng kanyang pantalon. Ang aura ni Marco ay parang bagyong nagbabadya, nangingibabaw ang matinding panlalamig at galit.Hindi natagpuan ni Knoxx ang dating pambubwisit sa kanyang mukha. Sa halip, pinalitan iyon ng isang seryosong ekspresyon habang nakasandal sa pinto ng kanyang sasakyan."Anong pag-uusapan natin, Marco?" kaswal ngunit seryosong tanong ni Knoxx. "Kung tungkol 'to sa buko pie, huwag ka nang mag-alala, hindi ko inubos. Nag-iwan ako sa kusina para sa'yo," biro pa niya para kahit papaano ay maibsan ang tensyon sa pagitan nila.Marco, on the other hand, didn't buy it as his reaction remained cold. "I told you to stop messing around with my wife, Knoxx," pabalang at malamig na putol ni Marco, dahan-dahan niyang itinataas ang tingin sa kapatid.Huminga nang malalim si Knoxx bago matapang na sinalubong ang malamig na titig ni Marco. "I am not messing around with her. And I don't se

  • Marrying the Rugged Billionaire (Barcelona Bastards 1)   Kabanata 198

    Habang papunta sa kusina, nakasunod pa rin ang pilyong ngiti sa mga labi ni Knoxx. Nang marating nila ang malawak na dining area at kitchen, agad na kumuha si Chantal ng dalawang plato at tinidor. Naupo si Knoxx sa tapat ng island counter habang pinagmamasdan ang dalaga na tahimik na inihahanda ang buko pie."Chantal," tawag ni Knoxx sa kalmadong boses habang pinaglaruan ang baso ng tubig. "Anong ginawa ni Marco sa'yo?"Napatigil ang kamay ni Chantal sa pagputol ng pie. Humarap siya kay Knoxx nang may blangkong mukha at tipid na ngumiti. "Wala naman, Knoxx. Bakit mo natanong?""Come on. Aside from being your brother-in-law, I am also your friend now. You can tell me what happened," kaswal na wika ng lalaki at isinandal ang likuran sa silya. "Pagpasok ko pa lang dito kanina, parang gusto na akong kainin nang buhay ni Marco eh. At ikaw naman, mukha kang nakikipag-deal sa hindi mo kakilala. May nangyari ba na hindi maganda?" curious niyang tanong.Huminga si Chantal nang malalim at dahan

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status