CHAPTER 53 “Why do you look like my mom?” inosenteng tanong ni Nadia sa kakambal ni Joana. Nakaluhod ito sa passenger seat na katabi si Kismo. Hindi nakontento sa pasilip-silip kanina kaya hinarap na talaga si Jonelyn sa backseat. Hindi na niya kinailangan ng mahabang pangungumbinse sa babae para sumama sa kanila. Sinabi niya lang na gusto itong makita ni Joana ay agad na pumayag. Ayaw niya sanang gawin ang bagay na iyon kaya lang ay pansin niya sa asawa niya na kahit naiintindihan siya nito ay mabigat ang loob. Ayaw niya pa naman itong ganon. “Same po kayo ng face, eh. But I know you’re not my mom. Warm po ang heart ko kapag si Mommy ang nakikita ko.” “I’m your mom’s twin.” Nang silipin ni Castiel si Jonelyn sa rearview mirror, nakita niya ang maiiyak ng mga mata ng babae kahit pa may maliit na ngiti sa mga labi. “Twin? Sister?” “Yes.” “Wow. I have a brother din po.” Pabibong itinuro
CHAPTER 54 (PART 1) She and Jonelyn were abused. Kinumpirma sa kanya ng kaibigan ni Castiel ang impormasyong iyon. Nanghalughog raw ito sa mga R-18 websites nang nagsisimula pa lang raw itong imbistigahan ang kanyang tunay na pagkatao noong nagpapanggap pa lamang siya. Marami raw silang mga larawan na h ubad habang natutulog. Dinamba at pinagsusuntok ni Castiel si Marcos nang araw na iyon. Galit na galit ito nang parang demonyo pang humalakhak ang matanda habang siya ay nagkulay papel na sa kinauupuan. Kung hindi pa inawat ng mga gwardiya ay hindi pa titigil si Castiel. Pagkabalik na pagkabalik nila ng Maynila, agad niyang pinaasikaso sa kanyang abogado ang pagpapalit niya at ni Jonelyn ng apelyido. Hindi niya na kayang ikabit pa ang apelyidong Interino sa pangalan niya. Nakakasuka! “Expect a result in a week, Ms. Int—” “Joana,” putol niya sa private investigator na kinuha niya. “Or you ca
CHAPTER 54 (PART 2)Castiel moves at their kitchen smoothly as he prepares their dinner. Nakaupo lang siya sa tabi ng mga bata habang pinapanood itong magluto. H ubad baro kahit malamig ang aircon sa penthouse. Ibinabalandra pa ang katawan sa harap niya na paulit-ulit na nakadagan sa kanyang kanina. Paulit-ulit niya rin hinaplos. “Mama, okay ka lang po?” tanong ni Kismo nang mapansing ang pana-panaka niyang pagngiwi. Mahapdi ang pagkab ababae niya sa rahas ng galaw ni Castiel kanina. Kung hindi pa sana nagising ang mga bata ay hindi pa siya nito titigilan. Balak talaga yatang hindi siya palakarin dahil hinamon niya kanina. “Yes, I’m fine.” “Bakit po nangingiwi ka?” “N-nadulas kasi ako kanina. Naglampaso ako ng…sahig.” Tumabingi ang ngiti niya at pasikretong iningusan niya si Castiel nang sumulyap ito sa kanila. Nanukso pa ang mga mata. “Nag-clean ka po? Sana ginising mo po ako, Mama para tinulungan kit
CHAPTER 55 Natigilan si Joana sa pagsasalansan ng kanyang mga dokumento sa drawer nang mahagip ng kanyang paningin ang ilang papel na nasa ibabaw. Mga resibo iyon na kay Castiel nakapangalan. Ngunit ang mas nakakuha ng kanyang atensyon ay ang pamilyar na logo ng hotel. Wala siyang natatandaan na araw na pinuntahan nila ni Castiel nitong nakaraang linggo. Ang huli ay noong nakaraang buwan pa. Masyado na kasi silang naging busy—lalo na siya na palaging lampas alas-otso na umuuwi. Pareho silang pagod ni Castiel at diretso tulog na silang dalawa. Kapag umaga naman ay busy sila sa pag-aayos ng mga bata at sa pagpasok ng trabaho. Nakumipirma niyang resibo iyon ng pag-check in. Ang petsa ay noong nakaraang linggo lang, nang na-late siyang umuwi at hindi nasamahan si Castiel sa charity ball. Umaga na nang nakauwi ang lalaki. Lugong-lugo pa na parang hindi pa nahihimasmasan. Pagkatapos raw kasi ng charity ball ay nagkayayaan ang m
CHAPTER 56 Bumakas ang pagkagulat sa mukha ni Castiel nang makita siya nitong gising pa at nakaupo sa sofa gayong pasado ala-una nang madaling araw. “Hey,” Castiel little smile doesn’t amuse Joana, not even a bit. Ayaw niyang gumawa ng konklusyon kahit nakalatag na sa harap niya na nagsinungalin ito sa kanya. “Tulog na ang mga bata. Hinintay ka nila.” “Tinawagan ko kanaina si Delia.” “Hindi si Delia ang nag-asikaso sa kanila. Umuwi ako ng maaga.” Ilang sandali siyang tinitigan ni Castiel bago ito tumango. “You already eat dinner?” “Oo, ikaw?” “Nagpa-deliver ako sa opisina.” “Nang ala-una nang madaling araw?” Natigilan ulit ito sa hindi sinasadyang nagdududang tono niya. Napailing siya nang mapagtanto ang tono ng kanyang boses at humugot ng malalim na hininga. “Pwede ba tayong mag-usap?” “Abigail told me about Wela. Kung siya ang in
CHAPTER 57 (PART 1) Parehong matamlay ang dalawang bata nitong mga nakaraang araw kahit pa palagi naman nakakausap ng mga ito si Castiel sa telepono. Ito rin ang naghahatid at sumusundo kay Kismo, h ahalikan si Nadia at titigan siya bago umalis. Tumuloy sila sa bakanteng bahay na pinaparentahan na nasa harap lang ng bahay nina Auntie Andeng. Mas minabuti niyang huwag makituloy kina Auntie Andeng dahil may mga anak at apo rin itong kasama sa bahay. Kaya naman niyang magbayad. Isa pa, mas mabuti ring may malawak na espasyo sina Nadia at Kismo kung gugustuhin man maglaro ng mga ito. Ang problema nga lang, halos ayaw lumabas ng dalawa. Kadalasan ay nagkukulong sa kwarto o kaya at tutok sa telibisyon na parang nawalan ng gana sa lahat. Joana stands on her decision. Alam niyang lilipas at masasanay rin ang mga anak niya sa bagong paligid na ginagalawan. Kaunting panahon pa at matatanggap rin ng mga ito na hindi habambuhay ay kasama ng mga ito
CHAPTER 57 (PART 2) Nadia’s birthday came. Nagpahanda siya ng party at inimbitahan ang ibang bata sa loob ng subdivision para dumalo. Mababait naman ang mga iyon kaya agad na napakalagayang loob nina Nadia at Kismo. “Mommy, I’m a princess na.” Malaki ang ngiti ni Nadia nang hinila nito pataas ang gown na suot. Tuwang-tuwa na umikot pa talaga at nagkunyang ni-flip ang buhok dahil naka-braid iyon na pormang korona. “So pretty,” she laughed. Yumuko siya para patakan ito ng h alik sa pisngi. “Happy birthday! How old are you?” “Four!” maligayang ipinakita nito ang apat na daliri. “Big girl na.” “Baby ka pa rin ni Mommy,” tutol niya. “Baby ko pa rin kayo ni Kuya Kismo.” Bigla namang sumulpot si Kismo mula sa kung saan. Nakasuot naman ito ng pang-prinsipeng costume. “Kahit very big na kami katulad ng mga anak ni Mang Toti?” Tumango siya. “Kahit malalaki na kayo.” “Ikaw rin ang best mama,” sigaw ni
CHAPTER 58 They left the city and Joana felt alive again. Dinala sila ng mga paa niya sa Isla Molave. Malayo sa siyudad, tahimik, presko ang hangin at masarap sa tainga ang mga pana-panakang paghampas ng alon sa dalampasigan. Malaki ang naitulong sa kanya ng kalmadong pag-uusap nila ni Castiel. Ang pagpayag nito na umalis siya at isama sina Kismo at Nadia ay isang malaking bagay para sa kanya na dapat niyang ipagpasalamat rito. It’s not about Castiel cheating on her. Tungkol rin iyon sa paghihilom niya sa mga sugat dulot ng kanyang nakaraan. May mga anak na siya at hindi pwedeng palagi na lang niyang pangingibabawin ang kanyang mga insekyuridad sa tuwing may makakapagpapasama ng kanyang loob. She should not just be a strong woman as she is but she also needs to embrace her whole self. Nang sag anon, kung sakali man maranasan niya ang masaktan ulit katulad ng ginawa ni Castiel ay mas mamahalin niya ang