Share

Martina : Love and Lies
Martina : Love and Lies
Author: Rubye GT

Prologue

NANG matapos ang seremonya ng binyag ay dumiretso na ang mga bisita sa reception, na ginanap sa isang hotel malapit sa simbahan.

Naroon ang lahat ng malalapit na kaibigan at kamag-anak ng pamilya Montez Samonte upang makisaya sa selebrasyon.

Nakangiting nakatunghay si Dawn sa anak na mahimbing na natutulog sa stroller nito. Wala itong kamalay-malay sa mga nagaganap sa paligid niya. Na ito pala ang dahilan ng selebrasyon na iyon. Katabi ng stroller nito ay ang stroller naman ng anak nina Greg at Toni na mahimbing ding natutulog. Mas matanda ito ng ilang buwan kaysa sa anak nila.

Naroon din at kumakain ang mag-asawang Greg at Toni.

"Darling..." nag-angat siya ng tingin nang marinig ang tinig ng asawa.

Agad na bumaling ang tingin niya sa mga kasama nito na kapwa nakangiti rin.

"Darling, I want you to meet Tyron, a good friend of mine. Bestfriend ni Dad ang father niya. We actually, met in New York when we took a vacation there, together with Mom and Dad. That was... ahm... 10, or 11 years ago na yata..." anitong tumingin pa kay Tyron na tila kinukumpirma rito kung tama ba ang pagkaka-alala nito.

"Yeah. Almost. At ganoon katagal na rin yata, mula nang huli tayong magkita." naka-ngiti pa ring sabi ng kaharap. "Hi.., " anito at inilahad ang kamay sa kanya na malugod at nakangiti niya namang tinanggap. "And this is my beautiful wife, Anicka..." pakilala nito sa asawa, na agad ding inilahad ang kamay sa kanya.

"Hi."

"Hi..." aniyang tinanggap din ang nakalahad na kamay ng kaharap. "...Dawn! This is my sister Toni, and her husband, Greg." pakilala niya sa kapatid at bayaw, habang magka-daop ang mga kamay nila. Agad namang tumayo ang mag-asawa at kapwa kinamayan ang mga bagong dating.

"And this handsome little boy here, is my son, Jet." pakilala ni Tyron sa anak. "We also have a little girl, iniwan muna namin kay Nanay." nakangiting dagdag pa nito.

"Hey, ma'am... nice to meet you."

Umangat ang isang kilay niya nang lumapit ito at ilahad ang munting kamay nito sa harapan niya. Nakita niyang naiiling na naka-angat din ang isang kilay ng asawa sa pagka-aliw sa maliit na mamang kaharap nila. Gayundin, sina Greg at Toni.

Nang tumingin siya kina Tyron at Anicka ay naroon din ang kislap ng pagka-aliw sa mga mata ng mga ito para sa anak.

"Nice to meet you, too, little man." nakangiti pa ring sabi niya at tinanggap ang pakikipag-kamay nito.

"Thank you. I can see that you, and your sister are both beautiful, ma'am."

Humagalpak ng tawa ang asawa niya sa sinabi nito.

Kapwa naman abot hanggang tainga ang ngiti nilang mag-kapatid sa sinabi nito. Why, this little man is so smart and adorable.

"Well, young man," naaliw pa ring sabi ng asawa niya at lumapit sa kanya, at inakbayan siya  "These beautiful ladies here, aren't available anymore, and if I may add, that the husbands are so possessive with their wives."

Hinampas niya ang kamay nito sa pagpatol sa sinabi ng bata. Natatawang kinindatan lamang siya ng asawa.

Umikot ang mga mata ng bata at saglit na nilingon ang mga magulang na hindi malaman kung matatawa o mapapahiya sa sinasabi ng anak.

"Possessive, my ass. And so is my Dad, who is also very possessive of my Mom."

"Jet!" nanlalaki ang mga matang hindi napigilang bulalas ni Anicka.

Habang hindi naman nila napigilang lahat ang pagtawa ng malakas.

"Where did you learn to say those words? I forbid you saying those words, do you understand?" nananaway na sabi ni Anicka sa anak, bagaman naroon at nakikita pa rin ang amusement sa mga mata nito.

"Yeah. I'm sorry, Mom. I heard those from Dad." anitong tila nag-aakusang tumingin sa ama.

Nag-aakusa rin ang tinging ipinukol ni Anicka sa asawa nito na tila inosenteng itinaas ang dalawang kamay at nag-kibit ng balikat.

Naiiling na lamang na bumaling muli si Anicka sa anak at ginulo ang buhok nito.

Kapwa sila naka-kagat labi sa pagpipigil na matawa sa eksena.

Nang muling bumaling sa kanila ang bata ay seryoso na ang mukha nito na tumingin sa asawa niya na dinampot ang isang basong tubig at uminom upang maitago ang pag-ngisi.

"Well, sir... since you said, that you are both possessive with your wives, and I am not allowed to express my admiration to them," nangunot ang noo niya kung saan pupunta ang sinasabi nito nang tumuon ang pansin nito sa stroller kung saan naroon ang anak niya.

Lalaki rin ang anak nina Greg at Toni kaya't ang mga mata nito ay nakatuon lamang sa anak nila.

"Might as well, I divert my admiration to your daughter. I am sure, she will be as beautiful, as her mother, someday. And I intend to marry her, when that time comes." tila matandang sabi nito na nagbigkas lamang ng isang business deal.

Ang lakas ng tawa ni Greg nang sunud-sunod na maubo si Art dahil sa pagkasamid sa iniinom nitong tubig.

"Fuck!" anitong agad na ibinaba ang baso sa mesa at pinagpagan ang sarili.

"Art, your mouth!" saway niya sa pagmumura ng asawa.

Nanlaki rin ang mga mata ni Anicka sa sinabi ng anak. Si Tyron ay kagat-kagat ang labi sa pagpi-pigil na tumawa ng malakas, ngunit panay naman ang yugyog ng balikat sa mahinang pagtawa. Si Toni ay tawa rin ng tawa sa upuan nito.

"I'm sorry, darling. But can you blame me? Tatlong buwan pa lang ang anak ko, and this little monster here, declared to marry her?" paliwanag nito, na nag-aangatan ang mga kilay at kunot ang noo.

"Darling, those were just a kid's words. Don't take it seriously. I bet, ten to fifteen years from now, nakalimutan niya na 'yang sinabi niya." amused pa ring sabi niya.

Umangat naman ang kilay ng bata, seryoso pa rin ang mukha. "But I am serious, tita Dawn. Or, should I practice calling you Mama, now?"

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status