MARAHANG bumukas ang pinto ng office, kasabay ng pagsara nito ay dumoble ang kalabog sa dibdib ni Jacob.
“Jacob Ignacio?” banggit ng lalaking nakatayo sa kaniyang harapan na nakatingin sa papel. Agad na tumayo si Jacob ng tuwid. Sumilip mula sa kaniyang makapal na salamin ang lalaki at tiningnan siya mula ulo hanggang paa. “Pasok,” maikli niyang sabi at saka tumalikod.
Inayos ni Jacob ang nag-iisang polo shirt niya na si Kyla pa ang bumili noong first anniversary nila. Ipinahid naman niya ang namamawis niyang mga palad sa likod ng pantalong nahiram niya sa binatang anak ni Mrs. Dela Vega. May kalakihan ito sa bandang baywang ngunit buti na lamang ay naremedyohan niya ito ng safety pin. Huminga siya nang malalim at saka pumasok sa office ng manager.
Bahagyang nabigla si Jacob sa lamig ng nakatodong aircon pagpasok. Nakita niya ang manager sa kaniyang mesa na hindi manlang siya binigyan ng tingin at patuloy lamang na nagta-type sa kaniyang laptop.
“Upo,” sabi nito. Inilapag ng lalaking tumawag sa kaniya kanina ang papel na sa tingin niya ay ang kaniyang resume. Umupo siya sa upuang nasa harap. Ilang minuto ang makalipas, at ang tanging tunog lamang ng pagtipa ng manager sa keyboard niya ang naririnig sa buong office.
Nang tumikhim si Jacob ay nagulat siya nang biglang tumingin sa kaniya ang manager, tila nagulat din ang mga mata nito na para bang nakalimutan niyang may kasama pala siya sa silid. Kinuha nito ang resume niya at binasa.
“Jacob Ignacio,” banggit nito. Umayos ng upo si Jacob at itinuwid ang kaniyang likod. “You are the twentieth person who applied for the service crew position, tell me one thing why we should hire you instead of the previous applicants.”
Ngumiti ng malawak si Jacob. “Isa po akong masipag at mapagkakatiwalaang empleyado, at anuman po ang ipaga-”
“Ipagawa sa’yo ay susundin mo?” pagpuputol ng manager sa kaniya. Huminga ito ng malalim at saka sumandal sa kaniyang swivel chair. “Sa buong maghapon na ‘to, puro ‘yan ang naririnig ko. Wala na bang iba? Sasabihin niyo na ganiyan pero pag na-delay lang konti ang sweldo idinadaan niyo agad sa welga,” inis nitong sabi.
“H-Hindi po ako-”
“Gano’n? Hindi po ako magwe-welga, at kahit ma-delay po ang sweldo ay hindi po ako magsusumbong sa Department of Labor and Employment? Narinig ko na rin ‘yan.”
Natulala na lamang si Jacob pagkatapos ng mga litanya ng manager sa kaniya. At alam niya rin sa kaniyang sarili na ang mukha niya ay tiyak na nakabusangot na.
Bakit sila nag-hiring kung parang ayaw naman nilang tumanggap?!
“Hindi po ako pwede, Sir?” mahinang tanong niya. Halos magdugo na ang gilid ng kaniyang hinlalaki sa walang humpay niyang kakakutkot kanina pa.
Tumingin muli ang manager sa resume niya, at ilang segundo lamang ay inilapag ito sa kaniyang harapan. “Kung at least marunong ka manlang sana ng pagsasalita ng English, I might consider you. Sayang, perfect na sana ang itsura mo for the job.”
Nanlaki ang mata ni Jacob. “Po? Diba service crew ang inapplyan ko? Bakit po kailangan ng English?”
Tumaas ang kilay ng manager. “Hijo, you need to speak in English when serving the foreign clients. Resto bar ito, hindi Jollibee.”
Sa anim na trabahong inapplyan niya ngayong araw, lahat ay tila naghahanap ng mga bagay na wala siya. Para sa tagabantay ng computer shop ay kailangan nila ng basic computer skills na hindi kailanman natutunan ni Jacob. Sa isang kumpanya bilang janitor ay hinanapan siya ng backer dahil maraming nakapilang mas may edad sa kaniya, maski ang pagiging clown sa birthday party ay pinatos na niya ngunit hindi naman siya magaling magpatawa.
Bagsak na balikat niyang nilisan ang resto bar na huli niyang pinag-applyan sa araw na ito. Tiningnan niya ang resume niya na halos kalahating papel lamang ang napunan dahil wala naman siyang mailagay kun’di ang kaniyang personal information at ang kaniyang contact details lamang.
Natawa na lamang si Jacob sa sinapit, napunta lamang sa wala ang pagtitiis niya ng gutom maghapon at ngayon ay uuwi siyang wala pa ring trabaho.
Pag-uwi niya sa apartment ay laking gulat niya nang makita si Kyla na nakasandal sa gate. Sinalubong siya nito ng malaking ngiti na agad na nagpakalma sa kaniyang pagod na isipan. Bukod sa maganda nitong tinig at busilak na kalooban, maganda rin ang kaniyang panlabas. Sumayaw sa hangin ang kaniyang mahaba at itim na buhok nang tumakbo ito palapit sa kaniya. Nang makarating si Kyla sa kaniyang harapan ay sinunggaban niya ito ng yakap na mahigpit.
“Kumusta? Sabi ni Freddie, umalis ka na raw kila Manoy kaya dito ako dumeretso,” sabi nito habang ang kamay niya ay bumagtas papunta sa kaniyang kamay. Sabay silang naglakad papunta sa loob ng apartment.
“Oo, wala akong mapapala roon. Ni hindi pa ata marunong magkwenta ‘yung matandang ‘yon. Ang sabi dalawang daan kada araw, pagdating ng isang linggo ang sweldo namin tatlong daan lang?” naiiling niyang sumbong. Inilapag ni Jacob ang isang baso ng tubig sa harap ni Kyla.
“Paano ka na? Nakahanap ka na ba ng trabaho ulit?” tanong nito. Saglit na napatigil si Jacob at nag-isip kung sasabihin niya ba ang mapaklang sinapit ngayong araw.
“Meron,” sagot niya. Naghintay si Kyla ng susunod niyang sasabihin. “May tumanggap sa’kin kanina, tatawagan daw nila ako sa Linggo.” Bahagya siyang ngumiti sa kabila ng mabigat na pakiramdam sapagkat nakapagsinungaling siya kay Kyla.
Bakas naman sa mukha ni Kyla na hindi niya rin ito pinaniwalaan, ngunit hindi na niya ito pinansin pa. “Maganda kung ganu’n! Edi hindi pala tayo lalabas sa Linggo?”
“Ha?” Kumunot ang noo ni Jacob. “May napagusapan ba tayong lalabas tayo?” kinakabahang tanong niya dahil wala siyang matandaan na kasunduan nilang lalabas sila.
Ngumiti ng pilit si Kyla. “Sa Monday na ang alis ko, Jacob. Huling araw na natin ang Linggo bago ako lumipad sa Singapore.”
Kasabay ng pag-upo niya sa harapan ni Kyla ang pagkadurog ng kaniyang puso. Saka lang niya naalala na ilang araw na lang pala ang nalalabi sa kanilang dalawa. Itanggi man sa sarili ay nakaramdam siya ng hiya sapagkat naunahan pa siya ni Kyla na makapaghanap ng trabaho gayong siya ang dapat na nangunguna sa pagbuo ng pangarap nila.
“Susundan mo ‘ko, diba?” tanong niya. Kahit alam ni Kyla na malabong mangyari, mataas ang bilib niya kay Jacob.
Tumango si Jacob at ngumiti. “Magugulat ka na lang na may isang sira ulong hihiyaw ng ‘Girlfriend ko ‘yaaaan!’ sa entablado.” Tumawa si Kyla na sinabayan niya. Panandalian silang nabalot ng katahimikan. Tumingin si Kyla sa mga mata ni Jacob, na unti-unting bumaba papunta sa kaniyang labi. Tumayo si Jacob at inilapit ang kaniyang mukha sa dalaga, ipinikit nila ang kanilang mga mata nang magsara ang pagitan ng kanilang mga labi. Isang marahan at puno ng pagmamahal na halik ang ibinigay ni Jacob. Nang maghiwalay sila ay hindi niya muna inilayo ang kaniyang mukha, at dumeretsong muli ang kaniyang mga labi sa noo ng dalaga.
Napangiti si Kyla. “So, Sunday?” tanong niya.
“Okay, Sunday,” tugon ni Jacob.
Muling binalot ng katahimikan ang kaniyang apartment nang umalis si Kyla. Halo-halong emosyon ang nararamdaman ni Jacob at tila ayaw pakawalan ng utak niya ang pag-iisip kung paano pa niya isasalba ang buhay niya kapag umalis na si Kyla.
Nagulat siya nang biglang kumalabog ang pinto, saglit na tumahimik ang kaniyang isipan at dali daling dinampot ang martilyo niya sa tabi ng kaniyang pinto. Patuloy na kumalabog sa mga nagmamadaling katok ang pinto, hindi nagsasalita kung sinuman ang nasa labas kung kaya’t sinilip niya ito sa awang ng kaniyang bintana.
Kumunot ang kaniyang noo nang makita si Freddie na palinga linga sa paligid habang patuloy na pinauulanan ng katok ang kaniyang pinto. Agad naman itong pinagbuksan ni Jacob.
“Pre, ano’ng problema mo?! Gigisingin mo ba si Mrs. Dela Vega?!” sigaw niya rito ngunit nang makita niya ang mukha ni Freddie ay tila takot na takot ito, bakas ang pagkabalisa at naniningkad sa pawis niya ang kaniyang mukha. Itinulak niya papasok si Jacob at saka isinara ang pinto.
“P-Pre, may maganda akong balita,” sabi nito at biglang tumungo sa kaniyang kusina para kumuha ng tubig. Tila parang uhaw na isda niyang tinungga ang pitsel nang tuluy tuloy.
“Alam mo, umuwi ka na. Pagod ako, Fred. Wala akong panahon sa mga kwentong lasing mo.” Lumapit si Jacob sa kaibigan at hinila ito sa braso. Bago sila muling makalapit sa pinto ay pinigil siya ni Freddie.
“Pre, seryoso. Ito na ‘yung inaasam asam mo,” aniya at hinila pabalik si Jacob. Umupo sila sa harap ng mesa kung saan nakapwesto si Kyla kanina. Humingang malalim si Freddie bago siya magsalita. Napapikit na lamang sa inis si Jacob dahil gusto na niyang magpahinga.
“Gusto mo ba ng trabaho?” tanong niya habang seryosong nakatitig sa kaniyang mga mata.
“Natural,” mabilis na sagot ni Jacob. “Bakit? May napasukan ka na ba?”
Lumawak ang ngiti ni Freddie. “Pre, sa’yong sa’yo na ‘to. Gusto ko sana ‘to eh pero hindi ko kaya. Hindi talaga. Kaya ikaw na ibibigay ko,” sabi nito at may dinukot sa bulsa ng kaniyang kupas na pantalon. Iniabot niya ang maliit na calling card kay Jacob.
“Ano ‘to? Number lang talaga? Walang pangalan?” tanong niya. Pinaikut-ikot niya ang itim na card sa kaniyang mga daliri. “Mukhang sosyal, saang basurahan mo ‘to napulot?”
Tumawa si Freddie. “Hindi ko ‘yan napulot sa basurahan. May in-applyan akong trabaho Pre pero kasi ‘di ko kaya ‘yung trabaho eh ikaw alam ko kayang kaya mo kaya sabi ko ‘yung kaibigan ko na lang ang ipapasok ko,” paliwanag nito.
Tiningnan lamang siya ng nagdududa ni Jacob. “Seryoso nga! Tawagan mo ‘yan bukas, ah.”
“Ano ba’ng klaseng trabaho kasi at bakit kaya ko pero ikaw hindi mo kaya?”
“Mas nangangailangan ka, Pre,” seryosong sagot nito. “Ako may asawa na ‘ko. Ikaw mag-isa ka pa rin sa buhay, isa pa napaka bata mo pa, malakas pa katawan mo. Mas kailangan mo ‘yan.”
Napa-ismid naman si Jacob. Hindi niya maitanggi na siya ay natuwa sa itinuring ng kaibigan. “Salamat, Pre.”
Nakakitang muli ng liwanag si Jacob. Tila sinasabi nitong hindi siya kinukunan ng pag-asa, kun’di dinaragdagan pa. Umaasa siya na sa trabahong ito, makakasunod siya kay Kyla sa Singapore at doon nila tutuparin ang pangarap na kanilang inaasam.
Umalog nang malakas ang yate, dahilan upang magkatinginan ang maga-ama sa isa’t isa. Itinaas ni Paula ang kaniyang mga kamay upang pakalmahin sila at saka siya tumayo upang silipin kung ano ang dahilan nito. Mula sa maliit na siwang ng pintuan ng storage room, nakita ni Paula ang isa sa mga tauhang dumaan at tumalon upang makarating sa deck.Bumaling siya kina Lauren at bumulong, “Nakabalik na tayo.”Tila isang malaking tinik ang natanggal sa lalamunan ni Lauren. Buong byahe ay halos pigil pigil niya ang kaniyang hininga dahil sa takot na baka biglang tingnan ng kung sino man sa mga tauhan ang storage room at matagpuan sila.“Kailangan natin silang maunahan, bago nila tayo makita rito,” sabi ni Mr. Gregory at dahan dahan na binuhat ang sarili upang tumayo. “Sumunod kayo sa’kin, at kahit anong mangyari, ipangako niyo sa’kin na uunahin niyong iligtas ang inyong
“Lauren!” Marahang niyugyog ni Jacob ang balikat ni Lauren upang ito ay magising. Agad namang napadilat ang dalaga dahil sa gulat ngunit tinakpan ni Jacob ang knaiyang bibig upang hindi ito sumigaw o magsalita. “Huwag kang maingay,” babala ni Jacob. Tumango naman si Lauren at saka tumayo mula sa kaniyang pagkakahiga. Nang ilibot niya ang kaniyang mata sa silid, nakita niya si Paula na nakaabang sa pinto hawak hawak ang isang patpat, at si Mr. Gregory na nakasandal sa pader na katabi niya.“Ano’ng nangyayari?” gulat na tanong ni Lauren. “Bakit tayo nandito?”“Papatayin nila tayo,” sagot ni Jacob na siya namang ikinalaki ng mga mata ng dalaga. “Utos ng Mommy mo na kapag hindi niyo pinatay si Sir Gregory, ay tuluyan na tayo para hindi na makabalik pa.”“What?!” mahinang sigaw ni Lauren. Nanayo ang mga balahibo niya sa kan
“Alam mo ba ang ginagawa mo?!” sigaw ni Jacob kay Lauren. Kitang kita ang gulat sa mga mata nito, na agad din niyang itinago. “Huwag kang gumawa ng bagay na pagsisisihan mo Lauren. Alam kong hindi mo kayang gawin ‘to!”“Tumahimik ka!!” sigaw pabalik nni Lauren. Itinutok niya ang baril kay Jacob nang magtangka itong humakbang upang agawin ito sa kaniya. “Please, just let me finish this all for once. I’m really tired, Damien.” Masaganang luha ang tumulo sa mga mata ni Lauren, unti unti naman niyang ibinalik ang baril niya sa kaniyang ama na pinanonood lamang siya sa kaniyang ginagawa. “I’m really sorry Dad. We’ve prepared long for this. I can’t let you hurt Mom again.”Huminga nang malalim si Mr. Gregory, itinaas niya ang kaniyang dalawang kamay sa hangin at saka pumikit. “Do what you have to do, Lauren. After all, nothing can change y
Nang makababa sina Jacob, buhat buhat si Mr. Gregory sa isang stretcher ay agad niyang inilibot ang kaniyang mga mata sa isla na kanilang pinuntahan. Walang ibang tao ang naroroon bukod sa mga nagdala sa kanila. Sa gitna ng mabatong isla ay nakatayo ang mansyon na may kaliitan lamang sa mansyon ng mga Guavez ngunit malalaman na pinagmamay-arian ng isang mataas na personalidad base sa seguridad na naka-implementa rito.Bawat sulok ay may camera, at bawat pinto ay may bantay. Tulad ng mga naghatid sa kanila, ang mga ito ay nakasuot din ng itim na maskara na natatakpan ang kanilang mga ulo hanggang leeg.Tinapik siya ng isa sa mga tauhan at agad naman na napalingon dito si Jacob. “Ipasok na natin si Mr. Gregory sa loob, naghihintay na sila.”“Sila?” banggit ni Jacob. “Sinong sila?”Ngunit hindi ito sinagot pa ng tauhan. Sa halip, nagsimula
Umiikot ang paningin ni Jacob. Hindi niya alam kung dahil ba ito sa pagod na kaniyang nararamdaman, o sa takot na bumalot sa kaniya nang pumasok sa kaniyang isipan na hindi na siya pwede pang umatras sa pagkakataong iyon, nang isara na ni Mr. Gregory ang kaniyang mga mata dhail umepekto na ang droga na inilagay ni Jacob sa pagkain niya.Ilang minuto na ang nakalilipas, ngunit ang sasakyan nila ay nananatili pa ring naka-park sa tapat ng restaurant na kanilang pinagkainan. Nanginginig ang mga kamay ni Jacob na kinapkap ang kaniyang cellphone upang tawagan si Garett.Sinagot ni Garett ang tawag sa pangatlong ring. “I am only accepting good news.”Napapikit nang mariin si Jacob bago niya sinagot ang bungad sa kaniya ni Garett. “Nagawa ko na ang unang hakbang. I-send mo sa’kin ang address kung saan ko siya dadalhin.”Mahabang katahimikan ang b
Isa lang ang nasa isip ni Jacob sa buong oras na dinadrive niya ang sasakyan pabalik ng mansyon. Ang matapos na ang lahat ng ito. Matagal niyang pinaghandaan ang pagkakataon mapag-isa ang Presidente kasama niya nang maisagawa na niya ang kaniyang plano, ngunit ngayon na nabigyan na siya ng pagkakataon ay tila nawala ang lahat ng kaniyang lakas ng loob. Mula nang makaalis sila sa hotel, hanggang sa makaalis sila sa unang city pabalik ng mansyon ay mahigpit ang pagkakahawak niya sa manibela.“Do you know a good place to eat some Chinese food? I’m craving for some. Maybe we could stop for awhile kapag may nadaanan ka Damien, okay?” sabi ni Mr. Gregory sa likod habang siya ay abala sa pagbabasa ng magazine. Hindi naman sumagot sa kaniya si Jacob dahil nasa kalaliman pa rin ito ng kaniyang pag-iisip kaya naman napunta na ang kaniyang mga mata sa binata. “Damien?”Napatingin si Jacob sa rear mirror ng sa