Palabas na sana siya ng silid nang tumunog ang cellphone niya na nakapatong sa side table. Agad niya itong nilapitan at kinuha.
Nang mabasa kung sino ang tumatawag ay agad niya iyong sinagot. It's Will, baka may balita na ito sa kakambal niya.
“Hello?” salubong niya dito. “Nakita mo ba si Iris?”
“Galing akong hospital, pero wala doon si Iris. Ang sabi sa nurse station nag-iwan lang ng contact number ang kasama nito,” diretsong wika nito.
“Ano?” gulat na wika niya. Usapan nila ay pupunta itong hospital at hindi nito iiwan ang Lola nila.
“Sinong kasama niya?”
“Yun nga e, ayaw sabihin ng mga nurse. I'll try to find out, then I will call you again.” Napaupo siya sa kama nang makaramdam ng panghihina.
“Sinong kasama ni Lola? May mag-aasikaso ba sa kanya? Anong sabi ng mga doctor?” sunod-sunod na tanong niya, hindi siya mapapakali hangga't walang mag-aasikaso sa Lola niya.
“Don't worry, katulad ng sinabi ng doctor naka-schedule bukas ang operasyon ng Lola mo. May mga nurse at doctor na rin ang naka-assign sa kanya. Bukod pa ro’n ay bayad na ang pang-isang buwang bill at gamot niya.” Dahil sa sinabi nito ay nakahinga siya ng bahagya.
“For now, take care of yourself there. Balitaan na lang kita about Iris and your Lola.”
“Mabuti naman, thank you so much, Will.” Buong puso ang pasasalamat niya sa tulong nito. Bagama't nagkaroon ito ng hindi tamang relasyon sa kakambal niya ay ramdam naman niya na sinsero ang nararamdaman nito.
“Walang—” naputol ang akmang sasabihin nito nang bigla na lang may humablot ng cellphone niya.
Gulat na napatayo siya at nilingon ito. It's Bryle.
Kanina pa ba ito doon?
Mula sa cellphone niya ay matiim siya nitong tinitigan. Kung nakamamatay lang ang titig ay kanina pa siya bumulagta.
Walang sabi-sabi itong tumalikod at binuksan ang sliding ng balkonahe at pagkatapos ay buong pwersa nitong itinapon ang cellphone niya na ikinahiyaw niya.
Iyon lang ang cellphone niya.
Iyon lang ang tanging contact niya sa Lola niya.
Mabilis na namasa ang mga mata niya. “Ano ba! Bakit mo tinapon ang cellphone ko?” galit na sinugod niya ito ngunit nahawakan nito ang pareho niyang braso.
“Pagkatapos mo akong nakawan ngayon naman ay harap-harapan mo akong lolokohin?” gigil na saad nito. “Kailan ka ba makukontento?”
Napalunok siya sa talim ng tingin nito, nanggagalit hindi lang ang mga mata nito maging ang mga bagang. Parang umusod hindi lang ang luha niya maging ang galit niya sa pagtapon nito ng cellphone niya.
“I’m sorry,” mahinang paumanhin niya na ikinangisi lang nito. Bagama't matalim ang tingin nito ay mababanaag ang pagod sa likod no’n.
“I'm so tired of all your shits! Mas maganda sigurong ibalik na kita sa bahay ng mga magulang mo. Our company is still willing to work with your company, just leave this house and my life!” Pabato nitong binitiwan ang braso niya.
No! Hindi siya pwedeng umuwi sa bahay nila. Hindi pwedeng malaman ng nanay nila ang ginawa nila ng kakambal. Isa pa, she sacrifice everything just to leave that house.
“Pack your things,” utos nito bago tumalikod.
Hindi pa man ito nakakalabas ay mabilis niya itong niyakap mula sa likod na ikinatigil nito sa paglalakad. “Ayokong umuwi sa bahay, hayaan mo na lang ako dito, please! Pangako, I'll try to change.” Mahigpit ang pagkakayakap niya dito, hindi niya alam kung bakit ngunit hindi niya mapigilan ang sariling umiyak.
Once na ihatid nga siya nito posible na malaman nito at ng nanay niya ang ginawa nila ng kakambal.
“Pwede kang dumito muna habang hinahanda ko ang divorce paper, kagaya ng sinabi ko our company is still willing to work with yours, just don't expect na makikipag-merge kami sa inyo. Consider that as a payment sa ninakaw mo.” Marahas na tinanggal nito ang mga kamay niyang nakayakap dito.
Walang magawang napaupo siya sa sahig. Hindi na niya alam kung ano ang pinasok niya.
Dapat na maging masaya siya dahil nakikipaghiwalay na ito sa kakambal niya, Isang araw pa lang siya sa bahay pero tapos na ang misyon niya.
Ngunit sa loob niya ay medyo nakokonsensya pa rin siya para dito, tila may naging ambag din siya sa problema nito. She has to make it up to him bago pa nito matapos ang pag-aasikaso sa divorce paper.
And also, kailangan niya munang malaman kung nasaan ang kakambal niya.
Tatlong araw na rin simula nang umalis si Bryle sa bahay nila. Sa secret room na nasa loob ng opisina siya natutulog. After all, he has a lot of things on his plate right now.
Abala siya sa isang katerbang papeles na nasa lamesa niya na nangangailangan ng pirma niya.
“Ang sabi ni Manang, parang may kakaiba daw sa asawa mo,” saad ni Brian habang nakaupo sa sofa na nasa loob ng opisina niya.
Pinapunta niya ito sa bahay niya para silipin at alamin kung ano ang pinagkakaabalahan ni Iris. Dahil baka pag-uwi niya ay may bago na naman itong kalokohan.
“Anong kakaiba?” tanong niya habang abala ang mga kamay sa pagpirma.
“Mas bumait daw.” Naitaas niya ang tingin nang sabihin nito iyon. “Hindi kaya natakot na hiwalayan mo siya kaya biglang bumait?”
“I must see it myself then.” Mas okay kung iyon ang dahilan ng pagiging mabait nito. Huwag lang talaga para pagtakpan ang panibagong kalokohan nito. Dahil baka hindi na niya alam kung anong gagawin dito.
“What about the divorce papers?” Ibinilin niya rito ang bagay na iyon.
“Si attorney na ang bahala don.” Tumango siya sa sinabi nito. “Are you sure na hihiwalayan mo siya? What about Dad?” Yeah. After dealing with Iris, he still need to deal with their father.
“Kung gusto niya pa ring mapanatili ang kumpanya na ‘to, he has to let go of Iris,” matigas ang tinig na ani niya.
“Ginalaw niya ang kumpanya, now she has to pay for the consequences. Mabait na nga ako sa part na hindi ko siya ipakukulong at binayaran ko ang lahat ng ninakaw niya. Now, it's time for her to pay for my freedom.”
Sa tatlong taon nilang pagsasama ay hindi man lang sila nagkasundo. Noong una ay sinubukan niyang makipagkasundo dito ngunit masyadong malaki ang pagkakaiba nila. Kaya upang mabawasan ang pagtatalo nila ay sinikap niya itong iwasan at kung anuman ang kasalanan nito ay madalas niya iyong pinalalagpas.
Nang malaman niyang nakipagrelasyon ito kay Will na pinsan niya ay doon na tuluyang nawala ang tiwala niya rito. At dahil sa ginawa nitong pagnanakaw sa kumpanya, hindi na niya matiis na makasama pa ito.
Kung hindi niya ito bibitawan ay baka siya ang malaglag.
Napaayos ng upo si Irene nang bumukas ang pinto at pamasok doon si Tita Dahlia. Kapatid ito ng nanay ni Bryle.Halos mapalunok siya nang tumama sa kanya ang matalim na tingin nito. Bakas sa ekspresyon nito ang galit. Ano na naman kaya ang problema nito sa kanya?“Tamang-tama pala at nandito kang malandi ka!” Hindi siya nakagalaw sa inuupuan nang sugurin siya nito at hilahin ang buhok niya patayo.“Ah!” Napahiyaw siya ng kaladkarin siya nito. Hinawakan niya ang kamay nitong nakahawak sa buhok niya at pilit iyong tinatanggal. Pakiramdam niya ay mapupunit ang anit niya sa sakit.“Tita!” Agad na pumagitna si Bryle sa pagitan nila ng tiyahin nito. Dahilan para mabitawan ni Tita Dahlia ang buhok niya sa takot na masaktan nito ang pamangkin.“Ano bang ginagawa mo dito?” Bakas ang tinitimping galit sa boses ni Bryle.“Ayan!” Duro sa kanya ng tiyahin nito. “Iyang babae na ‘yan ang sumisira sa reputasyon mo!” Mula sa loob ng bag nito ay may kinuha itong puting sobre at binudbod sa sahig ang lam
Napaayos ng upo si Irene nang bumukas ang pinto at pamasok doon si Tita Dahlia. Kapatid ito ng nanay ni Bryle. Halos mapalunok siya nang tumama sa kanya ang matalim na tingin nito. Bakas sa ekspresyon nito ang galit. Ano na naman kaya ang problema nito sa kanya?“Tamang-tama pala at nandito kang malandi ka!” Hindi siya nakagalaw sa inuupuan nang sugurin siya nito at hilahin ang buhok niya patayo.“Ah!” Napahiyaw siya ng kaladkarin siya nito. Hinawakan niya ang kamay nitong nakahawak sa buhok niya at pilit iyong tinatanggal. Pakiramdam niya ay mapupunit ang anit niya sa sakit. “Tita!” Agad na pumagitna si Bryle sa pagitan nila ng tiyahin nito. Dahilan para mabitawan ni Tita Dahlia ang buhok niya sa takot na masaktan nito ang pamangkin.“Ano bang ginagawa mo dito?” Bakas ang tinitimping galit sa boses ni Bryle. “Ayan!” Duro sa kanya ng tiyahin nito. “Iyang babae na ‘yan ang sumisira sa reputasyon mo!” Mula sa loob ng bag nito ay may kinuha itong puting sobre at binudbod sa sahig ang
“So, you're his mistress,” saad niya sa pinakakalmadong paraan.Nakuha naman niya ang atensyon ng mga ito. Kitang-kita niya kung paano natigilan si Kendra at kung paanong tila hindi man lang nabigla si Bryle sa pagdating niya. Nagawa pa nitong alalayan ang Kendra na iyon patayo bago siya tapunan ng tingin na para ba’ng naistorbo niya ang mga ito. “What are you doing here?” malamig ang boses na tanong nito. Sinikap niyang ngumiti at itinaas ang dalang lunch box. “Lunch,” maikling wika niya. Naglakad siya papalapit sa sofa na naroon at ipinatong ang dala sa lamesa. Hinarap niya si Kendra at tinignan ito mula ulo hanggang paa, she looks classy yet deep inside she's just an insecure bitch. Isa ito sa mga dahilan kung bakit muntik nang malugi ang kumpanya nila. Sila ang dahilan kung bakit nagpakasal ulit ang nanay nila, kung bakit kailangan niyang umalis at iwan ang kakambal niya at kung bakit ipinakasal si Iris kay Bryle. She's
“He's being jealous, kaya pinagseselos ka rin niya,” saad ni Jasper. Maaga pa lang ay sumugod na siya sa bahay nito at dito na rin nag-umagahan. Bago siya pumunta ay tumawag muna siya dito para hindi na maulit ‘yong nangyari noong nakaraan. Luckily, she's an early bird kaya maaga pa lang nakaayos na ito. “Kilala mo ba ‘yong kabit niya?” tanong nito na tinanguan niya. “Talaga? Anong ginawa mo noong malaman mo?” “Wala,” sagot niya na sinuklian naman nito ng tingin na para bang wala na siyang pag-asa. “Ano ba ‘yan, like hindi mo siya kinausap? Even si girl?” Hindi makapaniwalang saad nito. “They are workmates, the last time, nakita ko siyang minamasahe ng babaeng ‘yon sa conference room.” Kanina pa siya rant ng rant dito, the only thing she like about Jasper is she's too straightforward. Parang parati ay alam nito ang dapat sabihin. “Oh my gosh! Masokista ka ba? Hindi mo man lang sinugod. If I we're you, I will make sure that bitch won't stand a chance with my husband,” nanggagalai
“About Iris, may balita ka na ba sa kanya?” tanong niya habang nasa daan sila pauwi. Malungkot na umiling ito, “Wala akong balita sa kanya, ‘yong huling beses na nakita ko siya noong bago kayo nagpalit.” So, hindi pala talaga nakipagkita si Iris dito? Kung gano'n may posibilidad kayang nasa poder ng magulang nila ang kakambal? Knowing that her twin visited their Lola with her Mom. Nakalimutan niya lang itong tanungin noong huling pagkikita nila. Ang tanging katanungan sa isip niya ay kung bakit tila hinayaan lang siya ng mga magulang na magpanggap bilang ang kakambal niya?“Sinubukan kong hanapin siya kaso parang may humaharang sa paghahanap ko,” saad nito na nakaagaw ng atensyon niya.“Sino naman?” Knowing how powerful Will’s connection, she wonder how powerful the person whose blocking him.“I don't know.” Hindi na siya umimik nang bumakas ang frustration sa mukha nito. Baka bigla pa siyang madulas at masabi ang tungkol sa kakambal. Alam naman niyang mabait si Will at marami na it
“Wow! You’re so pretty.” Nahihiyang ngumiti siya sa mommy ni Bryle. Ngunit hindi niya rin naman maiwasang mamangha ng makita ang hitsura sa salamin. “Ang swerte niyo po sa daughter-in-law niyo, Madam, napakaganda!” eksahederang wika ng stylist na naroon. Nasa salon sila ngayon at pinakulayan niya ang buhok ng brown. Mas bumagay iyon sa kulay ng balat niya. Samantalang si Tita naman ay nagpa-rebond ng buhok habang nagpapa-manicure. “After this, let's have a full body massage. Okay?” saad ng ginang habang hinihintay nilang ma-process ng cashier ang bayad nila. Tumango siya, mukhang kailangan na nga niya iyon. Dahil sobrang sakit ng katawan niya sa pagod, maghapon din silang namili at ilang beses siyang napabalik-balik sa loob ng dressing room dahil halos ipasukat na nito ang lahat ng damit na magustuhan.Nang matapos ay inakay siya nito papalabas ng salon at nagpamaneho papunta sa isang kilalang massage therapist. Nang makababa ng sasakyan ay namangha siya sa ganda ng exterior at in