Share

KABANATA 2:

Author: JEREMEYA
last update Last Updated: 2025-06-12 09:12:02

Nang mahimasmasan ay napagdesisyunan ni Irene na pumunta sa hospital. Marahil ay naroon pa ang kakambal niya. Usapan nila ay hindi ito aalis doon hangga't hindi naooperahan ang Lola nila. 

Kaya naman nagmamadali niyang inayos ang sarili, dala ang cellphone at sling bag ay mabilis siyang naglakad palabas ng silid. 

Ngunit pababa pa lamang siya ng hagdan nang salubungin siya ni Will. Hindi na sana niya ito papansinin ngunit hinarang nito ang braso sa daraanan niya. 

Sinabi sa kaniya ni Iris na isa ito sa mga taong malapit dito. Ngunit wala siyang oras para kausapin pa ito.

“Iris, let's talk.” Napaiwas siya rito ng akmang hahawakan nito ang braso niya. Napapahiyang ibinaba naman nito ang kamay.

“I'm sorry pero may kailangan pa akong puntahan,” seryosong paumanhin niya. “Next time na lang tayo mag-usap.” Matapos sabihin iyon ay nilagpasan niya ito. 

Ngunit nakakailang hakbang pa lang siya ay napatigil siya sa sinabi nito, “I know you're not Iris.” Bagama't mahina ay pinakabog no'n sa kaba ang dibdib niya.

Ngunit kailangan niyang panindigan ang pagpapanggap. Hindi siya dapat bumigay dahil lang sa sinabi nito. Gano'n ba nito ka-close si Iris para malaman nito na hindi siya ang kapatid?

Imbis na sagutin ito ay nagpatuloy na lang siya palabas ng mansyon. Balak niyang pumara na lang ng taxi sa labas ng subdivision. Kaya kahit mainit ay naglakad na siya palabas. 

Napahinto siya sa paglalakad nang may itim na kotse ang tumigil sa gilid niya. Nang lingunin niya ito ay namataan niya si Will. “Sakay na!” wika nito.

Hindi ba talaga siya nito lulubayan? 

Napabuntong hininga siya at pilit itong nginitian. “Hindi na, salamat na lang.” Matapos sabihin iyon ay nagpatuloy na siya sa paglalakad.

Ngunit sadyang napakakulit nito, dahil habang naglalakad siya ay mabagal din itong nagmamaneho sa tabi niya.

Inis na nilingon niya ito. “Ano bang problema mo?” 

“Chill.” Itinaas nito ang dalawang kamay. “Sumakay ka na.” 

Mukhang hindi ito titigil hangga't hindi siya sumasakay dito. Kaya naman walang magawang umikot siya sa kabilang bahagi ng kotse nito at sumakay. 

Nang makaayos ng upo ay muli nitong pinaandar ang sasakyan. Hindi niya ito iniimik at pasalamat na lang siya at hindi rin ito nagsasalita. 

Wala pang ilang saglit ay narating din nila ang gate. Ngunit hindi kagaya kanina noong pumasok siya na dalawa lang ang guard na duty doon. Ngayon ay anim na. 

Pinara sila nito kaya naman nahinto ang sasakyan nila sa gate. “Boss, anong meron ngayon?” tanong ni Will matapos ibaba ang bintana ng kotse. 

Napansin naman niya ang saglit na pagsulyap ng guard sa gawi niya.

“Sinabihan po kami ni Sir Bryle na i-check ang lahat ng sasakyang papasok at lalabas ng subdivision. Hindi daw po pwedeng palabasin si Ma'am Iris,” wika nito at muli siyang tinignan. 

Napaawang ang labi niya sa sinabi nito. Balak ba siya nitong ikulong sa loob ng subdivision?

Mukhang sersyoso ito na ipapakulong siya kapag napatunayan nito ang pagnanakaw ng kakambal niya.

“Pasensya na po, Ma'am. Nasunod lang po kami sa ipinag-uutos ng nakatataas.” Akmang makikiusap pa si Will pero agad niya itong pinigilan. 

Ayaw niyang mandamay ng ibang tao sa problema nila. 

Muli siyang nagpahatid dito sa mansyon. “Saan ba ang punta mo?” pagbasag ni Will sa katahimikan, ngunit hindi niya ito sinagot. “Trust me, I know you're not Iris.”

“Pano mo naman nasabi?” Imbis na umamin ay kailangan niyang malaman ang basehan nito. Dahil maski siya ay walang nakikitang butas sa pagpapanggap. Bukod pa don ay ilang oras pa lang silang magkasama. Kung si Bryle nga ay hindi iyon napansin, paano pa kaya ito? Maliban na lang kung kilalang kilala talaga nito si Iris. 

“I can feel it, and also magkaiba kayo ng kulay ng mga mata. Mas dark brown ang mata niya kesa sa’yo.” 

Mas dark ba ‘yong kay Iris? Parang pareho lang naman sila.

“What if sabihin ko sa’yong naka-contact lang ako?” hamon niya dito na ikinangisi lang nito.

“May nunal si Iris sa gilid ng leeg, I can see na wala kang nunal don.” Napahawak siya sa leeg ng tapunan nito iyon ng tingin. 

“Don't worry, hindi ko alam kung bakit niyo ito ginagawa pero wala akong pagsasabihan ng tungkol dito. We’re here.” Napalingon siya sa bintana nang huminto ang kotse nito. 

Wala na ring saysay kung tatanggi pa siya, gagamitin na lang niya ang pagkakataon na ito para hingiin ang tulong nito. 

“Kung gano'n, sabihin mo sa’kin kung totoo ba na nagnakaw si Iris?” baling niya dito. 

Mukhang inaasahan na nito ang tanong niya dahil kampante lang itong sumandal sa upuan. “Hindi ko rin alam at hindi rin impossible na gawin niya iyon. Knowing Iris, she's materialistic at palaging on trend sa lahat ng bagay. Simula ng kinasal sila ni Bryle ay naging limitado na lang ang allowance niya at hindi na rin siya binibigyan ng magulang niyo.” Mataman siyang nakikinig sa mga sinasabi nito habang pilit na ipinapasok sa isip ang mga impormasyong narinig. 

It doesn't make sense, kahit hindi ito bigyan ng magulang nila ay panigurado namang hindi maliit na halaga ang binibigay na allowance dito.

“Actually, nagkaroon kami ng relasyon.” Natulala siya sa sunod na sinabi nito. 

“Ano?” tila nabingi siya. 

Hindi siya makapaniwala sa narinig. Nag-cheat ang kakambal niya kay Bryle? Ngayon, hindi na niya alam kung sino talaga sa dalawa ang may problema. 

“Kami pa noong nalaman kong ninanakawan nito ng pera si Bryle, ngunit maliit na halaga lang naman iyon at pinagsabihan ko na siya sa bagay na iyon. Kaya hindi ko inaasahan na hindi lang nito iyon kay Bryle gagawin pati sa kumpanya.” Malayo ang tanaw nito habang nagkukwento. 

“Nabanggit niya sa’kin na may kakambal siya, that's why nang makita kita and you're differences nakumpirma ko na hindi ikaw ang tunay na Iris.” Mula sa maliit na compartment ng sasakyan ay inabutan siya nito ng calling card na agad naman niyang kinuha. “From now on, magiging mahirap ang mga bagay para sa’yo, kung kailangan mo ng tulong tawagan mo lang ako.”

Nahihiya man ay sinabi na niya ang laman ng isip niya, “May pabor sana ako, pwede ka bang pumunta sa hospital? Nangako si Iris na babantayan niya ang Lola namin hanggang maging okay ito. Bukas ooperahan ang Lola namin, hindi niya kasi sinasagot ang mga tawag ko. Baka makita mo siya doon, can you confirm things from her?” 

“Of course,” sagot nito na ikinangiti niya. Matapos ibigay ang numero dito ay nagpaalam na siya at muling pumasok sa loob ng mansyon. 

Nang makapasok sa silid ay agad siyang dumiretso sa kama at ibinagsak ang sarili doon. Pagod na pagod ang katawan niya sa ilang araw na trabaho at pagbabantay sa Lola niya. Bukod pa doon ay masyadong maraming bagay ang nangyari ngayon kaya naman hindi na siya magtataka nang kusang pumikit ang mga mata niya at tuluyan na siyang kainin ng antok. 

Nagising na lang siya nang marinig ang sunod-sunod na katok sa pintuan. Bagama't inaantok ay pinilit niyang bumangon para pagbuksan ito. “Ma'am Iris, pinapatawag na po kayo ni Sir Bryle. Kakain na raw po.” Bungad sa kaniya ng isang katulong.

Kakain? Nakabalik na pala ito kung gano'n.

Nang sipatin niya ang orasan ay alas-siyete na pala. 

“Susunod na lang ako,” ani niya at muling sinara ang pinto. 

Nakokonsensya siyang harapin ito, ngunit nandito na siya. 

Hindi niya pwedeng kunsintihin ang kakambal dahil sa mga ginawa nito ngunit hindi niya rin pwedeng sabihin na hindi siya ang kakambal. 

Kun'di pareho silang mananagot. 

Ang tanging magagawa niya lang ay ang bumawi sa lahat ng ginawa ng kakambal dito. At magpatuloy sa pagpapanggap hanggang sa muli niyang makausap si Iris. 

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • Masquerading As The Billionaire's Wife   KABANATA 20:

    Hindi na maramdaman ni Irene ang paa niya sa ngalay. Akala niya sa mall lang sila ngunit hindi niya inakala na dadalhin siya ni Tita Amalia sa London para lang mag-shopping. It's not just a simple shopping, sa palagay nga niya ay masyadong all out si Tita. They've been walking for hours now, non stop. Ang tanging pahinga lang nila ay pagkain. Kung kanina ay nakakangiti pa siya, ngayon ay hindi na. Wala na siyang lakas. “Come here, Iris. Pick a watch for Bryle.” Hinila siya nito sa loob ng shop kung saan puro relo ang tinda. “I trust your fashion sense,” wika nito habang abala sa pagtingin sa mga relo. Sinabi sa kanya ni Iris noon na wala siyang fashion sense, she's an architecture student at that time. Ito naman ay fashion designer. Natural na may fashion sense ito at siya ay wala. Ngunit kahit gano'n ay nagtingin pa rin siya. There's a watch that caught her attention. Sa palagay niya ay bagay iyon kay Bryle. “What? Do you like it?” tanong ng ginang sa kanya. Mukhang napansin ni

  • Masquerading As The Billionaire's Wife   KABANATA 19:

    “Gano'n siya kalaki?” Pinamulahan ng mukha si Irene sa tanong ni Jasper matapos ikwento dito ang nangyari noong nakaraang linggo. “Grabe!” Umakto itong pinapaypayan ang sarili. Nagpunta siya sa bahay nito dahil sa pagkaburyo matapos ang isang linggong bed rest. Mabuti na lang at kakauwi lang nito galing sa modeling gig nito sa France. Isang linggo na rin mahigit simula ng makauwi sila galing sa hospital. Maayos naman na ang pakiramdam niya at hindi na masakit ang pagkababae niya. “Ano ba ang ingay mo naman,” saway niya dito kahit wala namang ibang tao sa paligid. “So, totoo nga nakakalumpo ang pagkalaki ni Mr. Sanchez.” Tumatango-tangong wika nito. Tumingin ito sa kanya at nangalumbaba. “Hindi mo na pala kailangan ng advice ko kung gano'n.” “Hindi nga.” Napaiwas siya ng tingin, sa palagay naman niya she was able to perform well that day. She thinks so. “Wow, ang confident naman pala niyan!” pang-aasar sa kanya ni Jas. Ngunit sadyang mapaglaro yata talaga ang tadhana dahil pagla

  • Masquerading As The Billionaire's Wife   KABANATA 18:

    “Iris.” Hindi napigilan ni Irene ang sariling yakapin ang kakambal. Ngunit binaklas nito ang braso niya na nakayakap dito. “I'm sorry, Irene, pero hindi ako pwedeng magtagal dito baka bumalik na si Bryle.” Tinanaw nito ang labas ng bintana bago muling bumaling sa kanya. Mahigpit nitong hinawakan ang kamay niya. “Alam kong nahihirapan ka sa sitwasyon natin ngayon, pero kasi baka hindi ako makabalik agad after one month.” Nangungusap ang mga mata nito. Anong ibig sabihin nito? “Bakit may naging problema ba?” Naging mailap ang mga mata nito. “Iris,” pagtawag niya dito. Ibig sabihin ba nito wala pa itong balak na makipagpalit sa kanya after a month? Napalunok naman ito at huminga ng malalim. “Buntis ako, Irene,” deklara nito. Tila nabingi siya sa narinig. B-buntis ito? Bumaba ang tingin niya sa tiyan nito kahit hindi naman niya nakikita kung bumubukol na iyon dahil naka-jacket ito. “P-paano? I mean, si Bryle ba ang ama o si Will?” pigil ang hiningang tanong niya na ikinatigil naman

  • Masquerading As The Billionaire's Wife   KABANATA 17:

    Nang magising si Irene ay mas magaan na ang pakiramdam niya kumpara noong magising siya kanina. Nang ipalibot ang mata ay doon niya lang napagtanto na wala na siya sa silid nila. Puti ang dingding, amoy gamot ang paligid at… ano ‘to?Naitaas niya ang kamay ng makitang may nakakabit na IV sa kamay niya. Teka nasa hospital ba ako?Akmang babangon siya sa pagkakahiga ng bumukas ang pinto at pumasok doon si Bryle. May kasama itong babaeng doctor. Nang dumako ang tingin nito sa kanya ay mabilis itong naglakad palapit. “Kamusta ang pakiramdam mo?” batid niyang malabo ngunit may bahid ng pag-alala ang boses nito. “Okay na ako,” namamalat ang boses na sagot niya na labis niyang ikinagulat. Narinig naman niya ang bahagyang pagtawa ng doctor.Gusto niyang mapapikit sa hiya dahil alam niya ang dahilan kung bakit napaos siya. “By the way, I'm Doc Zai,” pakilala ng doctor mukhang kakilala ito ni Bryle dahil may panunudyo sa mga mata nito. “Doc, be professional,” pansin dito ni Bryle. Agad na

  • Masquerading As The Billionaire's Wife   KABANATA 16:

    Mabigat ang katawan ni Irene nang magising. Tila hindi niya magalaw ang katawan niya sa sobrang panlalata. Hindi siya tinigilan ni Bryle hangga't hindi siya bumibigay. Nang ibaling niya ang tingin sa kwarto ay siya na lang ang mag-isa sa kama. Marahil ay pumasok na ito. Pinilit niya ang sariling bumangon at halos mapangiwi siya ng sumigid ang kirot sa pagkababae niya. Muli niyang naibagsak ang sarili sa higaan at tumulala sa kawalan. Naibigay na niya kay Bryle ang iniingatan niyang pagkababae noon. At sa taong hindi pa niya asawa, kun'di asawa ng kapatid niya. Wala na siyang malalabasan sa sitwasyon na ito, hangga't hindi niya nakokontak ang kakambal ay kailangan niyang manatili bilang si Iris. The guilt is killing her inside. Kaya naman habang nasa poder pa siya ni Bryle, handa siyang ibigay dito ang lahat ng meron siya. “Gising ka na pala,” natinag siya sa pagtitig sa kisame ng marinig ang boses ni Bryle na kalalabas lang sa shower room. Naka-polo na ito at mukhang naghahanda na

  • Masquerading As The Billionaire's Wife   KABANATA 15:

    “Anong pinag-uusapan niyong dalawa?” tanong ni Bryle sa kanya ng makaalis ang bisita nito. Hindi mapalagay ang loob niya, pakiramdam niya ay galit sa kanya ang lalaking ‘yon. Pagkatapos ibigay ni Bryle ang kailangan nito ay basta na lang itong umalis. “Wala, tinanong ko lang kung bakit hindi ka nakauwi kagabi,” sagot niya dito. “May naging problema lang sa negosyo, don't mind him.” Hinubad nito ang suit na suot at ipinatong sa lamesa. Nang dumako ang kamay nito sa necktie ay napaiwas siya ng tingin. Nararamdaman niya ang pag-iinit ng katawan niya sa simpleng kilos lang nito. It's not that we will really going to do that thing today. Mukha itong pagod at walang pahinga sa nagdaang gabi.“Gusto mo bang kumain? May niluto na si Manang bago sila umalis,” pag-iiba niya sa pinag-uusapan ngunit wala siyang natanggap na sagot dito. Nang ibalik ang tingin dito ay wala na itong saplot pang-itaas na ikinalunok niya.“Anong ginagawa mo?” kinakabahang usal niya ngunit direkta lang itong nakati

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status