Mas lalong sumasakit ang katawan ni Irene kapag laging nakahiga at walang ginagawa. Kaya naman inabala niya ang sarili sa paglilinis ng buong bahay.
Tatlong araw na rin ang nakalilipas simula ng umalis si Bryle sa bahay. Sa pananatili niya doon ay wala siyang contact man lang sa labas.
Ilang araw na rin siyang hindi mapakali sa kaiisip kung kamusta na ang operasyon ng Lola niya. Kaya naman para maiwasan ang pagkaburyo at sobrang pag-iisip ay inabala niya ang sarili sa mga gawaing bahay.
“Ma'am Iris ako na po ang bahala dito, magpahinga na po kayo,” pag-awat sa kanya ng isang katulong. Nililinis niya ang malaking salamin sa labas ng bahay.
“Hindi na, ako na ang bahala dito.” May kataasan ang mga salamin sa buong bahay kaya naman habang naglilinis ay nakatungtong siya sa hagdanan na kinuha niya pa sa storage room.
“Naku ka! Baka malaglag ka diyan, Ma'am!” Napapikit siya nang marinig ang malakas na boses ng mayordoma. Ilang araw na rin siya nitong pinipigilan na kumilos sa bahay.
Kung hindi siya kikilos, ano naman ang gagawin niya? Tutulala? Nang makuha niya ang cellphone niya na binato ni Bryle mula sa ikalawang palapag ay basag-basag na iyon. Hindi man lang siya makagamit ng social media.
Huminga siya ng malalim at nilingon ang mayordoma. “Okay lang po ako, Manang, mag-iingat po ako.” Nginitian niya ito ng labas ang ngipin na ikinabuntong hininga nito. Tila kulit na kulit na ito sa kanya.
“Ibigay mo na laang ‘yan kay Lyn at delikado baka mapaano ka pa diyan.”
“Pero—” sasagot pa sana siya nang marinig ang boses ng taong tatlong araw niya ring hindi nakita.
Nang lingunin niya ito ay nakakunot ang noo nito, “Anong ginagawa mo?” tanong nito.
“Naglilinis,” mahinang sagot niya. Hindi ba nito nakikita ang ginagawa niya?
Alam niyang hindi naglilinis ng bahay si Iris at palaging umaasa lang sa katulong pero para makabawi dito at kahit papaano mapabango man lang ang pangalan ng kakambal bago maghiwalay ang mga ito ay naisip niyang bumawi dito sa pamamagitan ng maliliit na bagay.
“Bumaba ka na diyan, hindi mo na kailangang magpanggap para mabago ang tingin ko sa’yo,” walang emosyong saad nito bago tumalikod at pumasok sa loob ng bahay.
Nawalan naman ng imik ang dalawang katulong na pilit siyang pinipigilan kanina. Walang magawang bumaba siya ng hagdan at ibinigay kay Lyn ang mga basahan.
“Ma'am pagpasensyahan mo na si Sir Bryle baka pagod lang sa trabaho.” Imbis na sumagot ay tinanguan niya lang ito. Hindi kagaya noong una na ilag halos lahat ng katulong sa kanya, kahit papaano ngayon ay nakakausap na niya ang mga ito kapag wala siyang magawa.
“Nakahanda na rin ang tanghalian, mas maigi sigurong magsabay na kayong mag-asawa,” saad ng mayordoma.
Huminga siya nang malalim bago naglakad papasok sa loob ng bahay, kailangan niyang ipagpag ang lahat ng bumabagabag sa kanya.
Nang makarating sa kusina ay nadatnan niya roon si Bryle na kumakain na.
Hindi man lang talaga siya hinintay.
Hindi siya nito pinansin nang maupo siya sa tapat nito.
Bagama't may kaunting inis siya dito sa pagtapon nito ng cellphone niya ay wala naman siyang lakas ng loob na iparamdam iyon dito.
Wala tuloy siyang balita sa Lola niya, kailangan niyang gumawa ng paraan para makapunta sa hospital nang hindi ito maghihinala na may gagawin siyang masama.
Nang mapagmasdan ang mga pagkain sa lamesa ay napangiwi na lang siya. Lahat iyon ay sea foods.
Hindi siya pwedeng kumain ng kahit anong sea foods dahil allergy siya doon.
“Lyn, bakit puro sea foods ang mga pagkain ngayon?” hindi niya naiwasang tanong sa katulong nang pagsalinan sila nito ng tubig.
“Ni-request po iyan ni Sir Bryle.” Napatingin siya kay Bryle nang sabihin nito iyon. Agad niya ring naibaba ang tingin nang masalubong ang matalim na tingin nito.
“Hinanda rin po namin ang paksiw na tilapia na palagi niyo pong pinapahanda,” dagdag pa nito bago umalis.
Napatitig siya sa tilapia na nandoon, paborito iyon ni Iris.
Naiwan naman silang dalawa ni Bryle na wala pa ring imik.
Habang nakatingin sa pagkain ay may ideyang pumasok sa isip niya. Kung aatakihin siya ng allergy ay mawawalan ng choice si Bryle kun'di ang dalhin siya sa hospital. Ang pinakamalapit na hospital dito ay ang St. Laurel kung saan naroon ang Lola niya.
“May problema ba?” pagbasag ni Bryle sa katahimikan.
“Wala naman,” sagot niya.
Upang hindi na ito maghinala pa ay agad siyang naglagay ng kanin at kaunting ulam sa pinggan.
Nangiginig ang kamay na sumubo siya.
Simula pagkabata ay iniiwasan niya talagang kumain ng mga pagkain na allergy siya dahil nahihirapan siyang huminga. Iniisip niya pang sumpa iyon, ngunit hindi niya lubos maisip na darating ang araw na magiging blessing in disguise iyon para makita niya ang Lola niya.
“Baka sa susunod na linggo ay dumating na ang divorce paper natin, hangga't hindi nagiging opisyal ang paghihiwalay natin pwede kang mag-stay dito. Just stay still and don't do anything. Huwag mong abalahin ang mga katulong.” Rinig niyang wika ni Bryle, ngunit hindi na niya iyon napagtuunan ng pansin ng maramdamang nangangati na ang ilang bahagi ng katawan niya.
“Wala kasi akong magawa dito sa bahay, ayaw mo akong palabasin tapos sinira mo pa ang cellphone ko,” sagot niya habang abala ang kamay sa pagkamot.
Ngunit hindi na ito umimik pa, pinunasan lang nito ng table napkin ang labi bago tumayo.
Napahawak siya sa gilid ng lamesa nang maramdaman ang unti-unting paninikip ng dibdib niya at panlalabo ng paningin. Ramdam niya ang pamumuo ng pawis sa noo niya.
Hindi pa man ito nakakalayo ay tuluyan na siyang nawalan ng balanse nang subukan niyang tumayo para habulin ito.
Malala ang allergy niya at binalaan na siya ng doctor noon na kapag hindi niya naagapan ang atake niya ay posible niya iyong ikamatay.
Mariing napapikit siya habang ang mga kamay ay nakadakot sa dibdib niya. “Ma’am Iris!” Rinig niyang pagtawag sa kaniya ni Manang. Ngunit wala na siyang lakas pang magsalita.
“Call the ambulance!” Bago pa mawalan ng malay ay narinig niya ang nagmamadaling boses ni Bryle.
Nang imulat ni Irene ang mga mata ay doon lang nagrehistro sa isip niya kung nasaan siya.
Nang iangat niya ang kamay ay maraming kung ano-anong nakakabit doon.
Napangiti siya nang maisip na nasa hospital na siya. Hindi siya makapaniwala na para makalabas ay kinailangan niyang ilagay ang sarili sa alanganin.
Nang ipalibot niya ang mga mata ay namataan niya si Lyn na nakahiga sa sofa.
Bagama't nanghihina ay pinilit niyang bumangon at tumayo. Tinanggal niya ang ilang nakakabit sa kamay niya bago nilapitan si Lyn. Tulog na tulog ito.
Balak niyang lumabas saglit para puntahan sa kwarto ang Lola niya. Kung hindi niya ito pupuntahan ngayon ay mahihirapan na siyang humanap ng iba pang pagkakataon.
Isa pa, pasalamat na lang siya at wala dito ngayon si Bryle.
Dahan-dahan na naglakad siya palabas ng kwarto at walang ingay na binuksan at sinara niya ang pinto.
Mabilis na naglakad siya papunta sa nurse station, “Excuse me,” pagkuha niya sa atensyon ng nurse na naroon.
“Yes, Ma'am? How can I help you?” Nakangiting salubong nito sa kanya.
“Ah, itatanong ko lang sana kung anong room number ni Mrs. Fely Malvar?” magalang na tanong niya rito. Sinabihan siya ng doctor noon na pagkatapos ng operasyon ay sa ibang kwarto na nila ito ilalagay.
“Relative po ba kayo ng pasyente?”
“Apo niya po ako.” Tumango lang ito at inabala ang sarili sa computer.
“Sa Room 1013 po,” sagot nito.
Matapos magpasalamat dito ay agad niyang hinanap ang room number na sinabi nito.
Napangiti siya nang makita ang kwarto nito, dahan-dahan niya iyong binuksan at nang makita ang payapang mukha ng Lola niya ay hindi niya napigilan ang pagbagsak ng luha.
Nang tuluyang makapasok sa loob ng kwarto ay naupo siya sa gilid ng higaan nito.
“Lola.” Hinawakan niya ang kamay nito habang hindi maampat ang pag-iyak. “I miss you.”
Kahit ano ay gagawin niya para dito. At hindi siya magsisisi na nakipagpalit siya sa kakambal para mapaoperahan ito at kahit kamatayan ay susuungin niya makita niya lang ito.
“Lola, sorry kung hindi kita nasamahan sa operasyon mo. Nasa sitwasyon ako ngayon kung saan alam kong mali ang ginagawa ko pero wala akong magawa kun'di panindigan iyon para sa sarili ko, para sa’yo at para kay Iris. Ang tanging magagawa ko lang ay ang bumawi sa taong ginawan ko ng mali.” Habang hawak ang kamay nito ay hindi niya mapigilan ang sariling maglabas ng hinaing dito na madalas niyang ginagawa noon.
Mabilis na hinawi ng palad niya ang nalaglag na luha sa mga pisngi niya ng bumukas ang pinto at pumasok doon ang isang nurse at doctor. Natigilan ang mga ito tila hindi inaasahan ang presensya niya.
Tumayo siya at sinalubong ito. “Doc, ako po ‘yong apo ng pasyente. Bakit po hindi pa nagigising ang Lola ko? May problema po ba sa naging operasyon?” sunod-sunod na tanong niya.
“Actually, nasabi na namin sa ibang relative ng pasyente ang tungkol sa lagay niya. Naging maayos naman ang operasyon pero may mga ganitong cases talaga kung saan nakadepende sa pasyente kung magigising sila after an operation.” Sinulyapan nito ang Lola niya at tinignan ang mga nakakabit dito.
Tinignan siya nito ng may simpatya sa mga mata, “Magtiwala ka na lang na hindi magtatagal at magigising din ang Lola mo, as of now, stable ang lagay niya. And we will give the best medication sa Lola mo.” Matapos tignan ang lagay ng Lola niya ay nagpaalam na rin ito.
Muli niyang natitigan ang payapang mukha ng Lola niya, she's been through a lot of pain simula ng magkasakit ito.
Sandali pa siyang naglagi doon bago nagpaalam, ang mahalaga ay alam niyang maayos at ligtas na ito sa kapahamakan. Mas malaking ginhawa sana kung magigising na ito.
Mabuti na lang at sa kabilang hallway lang ang kwarto ng Lola niya.
Hindi iyon kalayuan sa kwarto niya kaya naman mabilis siyang nakabalik sa sariling kwarto.
Nang makarating sa silid ay dahan-dahan niyang binuksan ang pinto at pumasok doon, ngunit hindi pa man niya naisasara ang pinto ay agad rin siyang natigilan nang marinig ang malamig na boses ni Bryle sa likod niya.
“Saan ka galing?”
Hindi na maramdaman ni Irene ang paa niya sa ngalay. Akala niya sa mall lang sila ngunit hindi niya inakala na dadalhin siya ni Tita Amalia sa London para lang mag-shopping. It's not just a simple shopping, sa palagay nga niya ay masyadong all out si Tita. They've been walking for hours now, non stop. Ang tanging pahinga lang nila ay pagkain. Kung kanina ay nakakangiti pa siya, ngayon ay hindi na. Wala na siyang lakas. “Come here, Iris. Pick a watch for Bryle.” Hinila siya nito sa loob ng shop kung saan puro relo ang tinda. “I trust your fashion sense,” wika nito habang abala sa pagtingin sa mga relo. Sinabi sa kanya ni Iris noon na wala siyang fashion sense, she's an architecture student at that time. Ito naman ay fashion designer. Natural na may fashion sense ito at siya ay wala. Ngunit kahit gano'n ay nagtingin pa rin siya. There's a watch that caught her attention. Sa palagay niya ay bagay iyon kay Bryle. “What? Do you like it?” tanong ng ginang sa kanya. Mukhang napansin ni
“Gano'n siya kalaki?” Pinamulahan ng mukha si Irene sa tanong ni Jasper matapos ikwento dito ang nangyari noong nakaraang linggo. “Grabe!” Umakto itong pinapaypayan ang sarili. Nagpunta siya sa bahay nito dahil sa pagkaburyo matapos ang isang linggong bed rest. Mabuti na lang at kakauwi lang nito galing sa modeling gig nito sa France. Isang linggo na rin mahigit simula ng makauwi sila galing sa hospital. Maayos naman na ang pakiramdam niya at hindi na masakit ang pagkababae niya. “Ano ba ang ingay mo naman,” saway niya dito kahit wala namang ibang tao sa paligid. “So, totoo nga nakakalumpo ang pagkalaki ni Mr. Sanchez.” Tumatango-tangong wika nito. Tumingin ito sa kanya at nangalumbaba. “Hindi mo na pala kailangan ng advice ko kung gano'n.” “Hindi nga.” Napaiwas siya ng tingin, sa palagay naman niya she was able to perform well that day. She thinks so. “Wow, ang confident naman pala niyan!” pang-aasar sa kanya ni Jas. Ngunit sadyang mapaglaro yata talaga ang tadhana dahil pagla
“Iris.” Hindi napigilan ni Irene ang sariling yakapin ang kakambal. Ngunit binaklas nito ang braso niya na nakayakap dito. “I'm sorry, Irene, pero hindi ako pwedeng magtagal dito baka bumalik na si Bryle.” Tinanaw nito ang labas ng bintana bago muling bumaling sa kanya. Mahigpit nitong hinawakan ang kamay niya. “Alam kong nahihirapan ka sa sitwasyon natin ngayon, pero kasi baka hindi ako makabalik agad after one month.” Nangungusap ang mga mata nito. Anong ibig sabihin nito? “Bakit may naging problema ba?” Naging mailap ang mga mata nito. “Iris,” pagtawag niya dito. Ibig sabihin ba nito wala pa itong balak na makipagpalit sa kanya after a month? Napalunok naman ito at huminga ng malalim. “Buntis ako, Irene,” deklara nito. Tila nabingi siya sa narinig. B-buntis ito? Bumaba ang tingin niya sa tiyan nito kahit hindi naman niya nakikita kung bumubukol na iyon dahil naka-jacket ito. “P-paano? I mean, si Bryle ba ang ama o si Will?” pigil ang hiningang tanong niya na ikinatigil naman
Nang magising si Irene ay mas magaan na ang pakiramdam niya kumpara noong magising siya kanina. Nang ipalibot ang mata ay doon niya lang napagtanto na wala na siya sa silid nila. Puti ang dingding, amoy gamot ang paligid at… ano ‘to?Naitaas niya ang kamay ng makitang may nakakabit na IV sa kamay niya. Teka nasa hospital ba ako?Akmang babangon siya sa pagkakahiga ng bumukas ang pinto at pumasok doon si Bryle. May kasama itong babaeng doctor. Nang dumako ang tingin nito sa kanya ay mabilis itong naglakad palapit. “Kamusta ang pakiramdam mo?” batid niyang malabo ngunit may bahid ng pag-alala ang boses nito. “Okay na ako,” namamalat ang boses na sagot niya na labis niyang ikinagulat. Narinig naman niya ang bahagyang pagtawa ng doctor.Gusto niyang mapapikit sa hiya dahil alam niya ang dahilan kung bakit napaos siya. “By the way, I'm Doc Zai,” pakilala ng doctor mukhang kakilala ito ni Bryle dahil may panunudyo sa mga mata nito. “Doc, be professional,” pansin dito ni Bryle. Agad na
Mabigat ang katawan ni Irene nang magising. Tila hindi niya magalaw ang katawan niya sa sobrang panlalata. Hindi siya tinigilan ni Bryle hangga't hindi siya bumibigay. Nang ibaling niya ang tingin sa kwarto ay siya na lang ang mag-isa sa kama. Marahil ay pumasok na ito. Pinilit niya ang sariling bumangon at halos mapangiwi siya ng sumigid ang kirot sa pagkababae niya. Muli niyang naibagsak ang sarili sa higaan at tumulala sa kawalan. Naibigay na niya kay Bryle ang iniingatan niyang pagkababae noon. At sa taong hindi pa niya asawa, kun'di asawa ng kapatid niya. Wala na siyang malalabasan sa sitwasyon na ito, hangga't hindi niya nakokontak ang kakambal ay kailangan niyang manatili bilang si Iris. The guilt is killing her inside. Kaya naman habang nasa poder pa siya ni Bryle, handa siyang ibigay dito ang lahat ng meron siya. “Gising ka na pala,” natinag siya sa pagtitig sa kisame ng marinig ang boses ni Bryle na kalalabas lang sa shower room. Naka-polo na ito at mukhang naghahanda na
“Anong pinag-uusapan niyong dalawa?” tanong ni Bryle sa kanya ng makaalis ang bisita nito. Hindi mapalagay ang loob niya, pakiramdam niya ay galit sa kanya ang lalaking ‘yon. Pagkatapos ibigay ni Bryle ang kailangan nito ay basta na lang itong umalis. “Wala, tinanong ko lang kung bakit hindi ka nakauwi kagabi,” sagot niya dito. “May naging problema lang sa negosyo, don't mind him.” Hinubad nito ang suit na suot at ipinatong sa lamesa. Nang dumako ang kamay nito sa necktie ay napaiwas siya ng tingin. Nararamdaman niya ang pag-iinit ng katawan niya sa simpleng kilos lang nito. It's not that we will really going to do that thing today. Mukha itong pagod at walang pahinga sa nagdaang gabi.“Gusto mo bang kumain? May niluto na si Manang bago sila umalis,” pag-iiba niya sa pinag-uusapan ngunit wala siyang natanggap na sagot dito. Nang ibalik ang tingin dito ay wala na itong saplot pang-itaas na ikinalunok niya.“Anong ginagawa mo?” kinakabahang usal niya ngunit direkta lang itong nakati