LOGINIsang buwan matapos ang proposal.Ang buong mundo ng negosyo ay yumanig nang ianunsyo ang pinakamalaking kasal ng dekada. Ang Ice King ng Zion Prime ay tuluyan nang natunaw. Isang grand private wedding ang ginanap sa isang eksklusibong isla sa Palawan na pag-aari rin ni Zion, dinaluhan lamang ng mga pinakamalalapit na tao. Umiyak nang husto sina Zeno at Celestine nang makitang tuluyan nang masaya ang kanilang anak.At ngayon, ang gabi ay para sa kanilang dalawa lamang.Sa loob ng honeymoon suite na nakatayo sa ibabaw ng asul na karagatan, ang hangin ay malamig, ngunit sa loob ng dambuhalang kwarto, isang nakakapasong apoy ang nagliliyab.Nakatayo si Liana sa gitna ng kwarto, suot na lamang ang isang napakanipis, puting lace lingerie na binili pa mismo ni Zion. Ang dambuhalang Blue Empress sa kanyang daliri ay kumikinang sa ilalim ng malamlam na ilaw.Bumukas ang pinto mula sa bathroom at lumabas si Zion. Hubad ang itaas, ang tubig mula sa shower ay tumutulo pa mula sa kanyang makapal
Ang gabi sa Tayabas ay bumagsak nang payapa at puno ng mga bituin.Mula sa kwarto, nakaharap si Liana sa salamin, suot ang isang simpleng ngunit napakagandang puting maxi dress na ipinahanda ni Zion. Ang kanyang buhok ay nakalugay, malambot na bumabagsak sa kanyang mga balikat. Nagtataka siya kung bakit biglang nagpadala ng make-up artist at stylist ang kanyang asawa gayong nasa bakasyon lamang sila, ngunit hindi na siya nagreklamo.Bumukas ang pinto. Pumasok si Zander na nakasuot ng isang maliit na black tuxedo. Si Zael ay nakasuot din ng kaparehong tuxedo habang hawak ang isang maliit na basket ng mga puting rosas, at si Zoya ay isang munting anghel sa kanyang puting tutu dress."Ang gaganda at ang popogi naman ng mga anak ko," nakangiting bati ni Liana, lumuhod upang yakapin silang tatlo. "Saan ba tayo pupunta? Bakit bihis na bihis kayo?""Secret po, Mommy!" humahagikgik na sagot ni Zoya, hinawakan ang kamay ni Liana at marahang hinila palabas. "Pinapatawag ka na po ni Mr. Yelo sa
Sa loob ng malawak na library ng mansyon sa Tayabas, nakaupo si Zion sa likod ng dambuhalang mahogany desk. Kahit sinabi niyang magpapahinga sila, hindi maiwasan ng bilyonaryo na silipin ang ilang mahahalagang emails tungkol sa pagbili niya sa Sy Enterprises. Tahimik ang paligid. Rinig lamang ang mahinang paglangitngit ng mga puno ng pino mula sa labas ng bintana.Bumukas ang pinto.Pumasok si Zander. Ang limang taong gulang na henyo ay nakasuot ng maliit na turtleneck sweater at pormal na naglakad patungo sa harapan ng mesa ng kanyang ama. May bitbit itong tablet.Napatigil si Zion sa pagbabasa at tinaasan ng kilay ang kanyang panganay. "May problema ba, Zander? Nasaan ang Mommy ninyo?""Natutulog pa si Mommy sa kwarto," kalmadong sagot ni Zander, inayos ang kanyang anti-radiation glasses. "Nandito ako dahil may nakita akong napakalaking butas sa operational security mo pagdating sa pagprotekta sa pamilyang ito."Nangunot ang noo ni Zion. Mabilis na nag-isip ang bilyonaryo kung may n
Dalawang araw matapos ang madugong pag-atake sa Maynila, isang itim na private helicopter ang lumapag sa isang dambuhalang helipad na nakatago sa gitna ng makakapal na puno ng pino at mahahabang kawayan.Ang hangin ay sariwa, malamig, at nag-uumapaw sa amoy ng kalikasan. Ito ang Tayabas City, isang lugar na kilala sa mayaman nitong kasaysayan, malamig na klima, at tahimik na pamumuhay. Ngunit sa isang tagong bahagi ng bundok nito, nakatayo ang isang napakalawak na private estate na eksklusibong pag-aari ni Zion Valmonte.Isang dambuhalang mansyon na yari sa pinagsamang modernong salamin at tradisyunal na matitigas na kahoy ang bumungad sa pamilya. Ang buong lupain ay napapalibutan ng matataas na bakod na may high-tech electric wiring, at bawat sulok ay binabantayan ng mga nakasibilyang tauhan ng Valmonte Private Army na sadyang nag-aanyong mga hardinero at katiwala upang hindi matakot ang mga bata."Wow! Ang laki ng bahay, Mommy!" tuwang-tuwang sigaw ni Zael pagkababa niya ng helicopt
Nakatayo si Zion sa harap ng makapal at bakal na pinto ng Safe Room. Ang kanyang mga kamay, na kani-kanina lamang ay walang-awang pumutol sa kinabukasan ng kanyang mga kalaban, ay ngayon ay nanginginig nang bahagya.Huminga siya nang malalim. Ipinasok niya ang override passcode sa digital keypad.BEEP. CLACK.Dahan-dahang bumukas ang dambuhalang pintong bakal. Ang loob ng Safe Room ay naiilawan lamang ng malamlam na asul na emergency lights. Sa isang sulok, nakaupo si Liana sa ibabaw ng makapal na alpombra. Mahigpit na mahigpit ang pagkakayakap niya kina Zander, Zael, at Zoya. Ang buong katawan ng dalaga ay nakaharang sa mga bata, tila handang saluhin ang anumang bala na papasok sa silid.Nang marinig ni Liana ang pagbukas ng pinto, awtomatiko siyang napapikit at lalong humigpit ang yakap sa mga anak. Inasahan niyang ang papasok ay ang mga mersenaryo ni Roman Delgado.Ngunit walang putok ng baril. Walang sigaw."Liana..."Isang paos, basag, at nanginginig na boses ang bumasag sa katah
Sumara ang makapal na pintong bakal ng Safe Room, tuluyang itinatago sina Liana at ang triplets mula sa nagbabadyang karahasan sa labas.Sa sandaling marinig ni Zion ang paglapat ng kandado, ang huling bahid ng pagpipigil sa kanyang sistema ay tuluyang naglaho. Wala nang Liana na matatakot sa kanya. Wala nang mga inosenteng mata ng kanyang mga anak na makakakita sa halimaw na matagal na niyang ikinulong sa yelo.Humarap si Zion. Ang malamlam na liwanag ng buwan na tumatagos mula sa wasak na bintana ay nagbigay ng mahabang anino sa kanyang dambuhalang pigura. Nakatayo siya sa gitna ng sala, hawak ang umuusok pang baril.Ang kabuuan ng penthouse ay napuno ng nakakabinging katahimikan, basag lamang ng pilit na pagpigil sa pag-iyak ng lalaking binaril ni Zion sa tuhod. Ang apat pang mersenaryo ay nakaluhod, nanginginig, habang ang dose-dosenang laser sights mula sa Valmonte Private Army ay nananatiling nakatutok sa kanilang mga ulo."Sino ang nagbigay sa inyo ng karapatang tapakan ang sah
Six Years AgoBingi ang mga tainga ni Celestine sa malakas at dumadagundong na musika sa loob ng The Obsidian Lounge, isang eksklusibong underground VIP club sa BGC, Maynila. Sa kabila ng nagkikislapang mga ilaw at nagkakagulong mga tao sa dance floor, tila nakakulong siya sa sarili niyang madilim
Ang tunog ng bawat bagsak ng sapatos ni Celestine Valderama sa makintab na sahig ng executive floor ay tila isang babala sa bawat empleyadong nadadaanan niya. Sa edad na dalawampu’t walo, siya ang itinuturing na reyna ng Apex Realty sa makasaysayan at umuunlad na lungsod ng Tayabas, Quezon. Hawak n
Tatlong araw.Iyon ang itinagal ng diskarte ni Celestine upang iwasan ang mapanganib na presensya ng bagong CEO ng kumpanya. Mula nang mangyari ang muntikang paghalik sa loob ng executive office, ginawa ni Celestine ang lahat ng dahilan upang hindi mag-isa na makasama si Zeno Valmonte. Kung kailang
Kinabukasan, eksaktong alas-otso ng umaga, nakatayo na si Celestine sa labas ng pinakamalaking opisina sa top floor ng Apex Realty building sa Tayabas. Ang kanyang bagong lamesa at mga gamit ay inilipat na sa isang executive desk na literal na nasa tapat lamang ng double doors ni Zeno Valmonte.Wal







