تسجيل الدخولC-61 Jeselle Apollo Keith Martinez. Combined name ni daddy and mommy. Naisip ko iyon ang name ng baby ko. Labis ang saya ni daddy ng sabihin ko iyon sa kaniya pati rin si mommy. Sumingit pa ang kapatid ko bakit hindi raw isinama ang name niya. “Wow!” bulalas ng Ate Gloria nang sumipa ulit si Apollo sa sinapupunan ko. Napangiti ako habang nakawak at hinaplos ang tiyan ko. “Chismoso talaga nasa sinapupunan pa sumasagot na kahit hindi siya ang kinakausap,” pabiro kong tugon sa Ate Gloria. Kaya nasa mall kami para mamili ng mga gamit ni Apollo. Hindi pa ako bumili hangga't walang ultrasound. Kahapon lang ako nakapag-ultrasound kaya agad akong nagyaya sa Ate Gloria rito sa mall para mamili ng gamit. Sa sobra ko nga excited. Hindi lang pang-newborn na damit ang binili ko. “Ate Jeselle, hanggang three months pa ni Apollo ito masusuot,” naaliw na sabi ng Ate Gloria. Napangiti ako. “Mabilis lang naman lumaki ang baby. Ang cute po kasi ng mga damit ate,” tugon ko sa kaniya. "Sab
C-60 Jeselle “Ate Jeselle, ang laki na n'ya ano?” wika ni Ate Gloria, habang hinahaplos ang tiyan ko. Ang bilis nga ng panahon. Parang kahapon lang ako hinatid ng pamilya ko rito sa Isabela. Pero naka apat na buwan na pala ako rito. Seven months na rin ang sinapupunan ko at nasa tiyan ko pa mayroon na akong naisip na name ng baby ko. Lalaki itong pinagbubuntis ko kaya tuwang-tuwa si daddy dahil lalaki raw ang unang apo n'ya. Akala ko nga babae ito kasi sabi lagi ni Ate Gloria. Blooming daw ako kahit ang Tita Recy ganun din. Maging mga kapitbahay nga namin ang hula nila ay babae, kasi ang aliwalas daw kasi ng mukha ko . Napapangiti na lamang ako kapag iyon ang sinasabi nila ayaw ko naman kontrahin sila. Kasi para sa akin. Kahit babae o lalaki. Excited at mahal ko sila. Hindi ko na maaantay ang paglabas nila. Pero ako pakiramdam ko talaga ay lalaki. Feel ko lang iyon lang ang naisip ko at tama nga ako dahil lalaki nga ang unang apo nila mommy at daddy. Lalaki ang panganay nami
C-59 Jeselle Dinala kami sa magiging k'warto ko. Si daddy at ang driver, bumalik sa sasakyan dahil mayroon naiwan pa na gamit. Nauna muna dinala si Ate Gloria, sa magiging k'warto niya. Mayroon siyang single na kama. Wala akong masyadong nakitang gamit sa loob ng k'warto tanging cabinet na lalagyan lang ng damit ang makikita gamit sa loob. Pero maganda at halatang alaga sa linis ang magiging k'warto ng Ate Gloria. "Mayroon talaga pumupunta rito tuwing biyernes at sabado para maglaba at maglinis ng buong bahay kasi hindi ko naman kaya mag-isa maglinis. Sagot naman ng pinsan niyo monthly iyon kung magpadala ng pera," kwento ng Tita Recy. Halata naman na alaga sa linis ang bahay ng Tita. Kasi wala akong makita alikabok. “Sa kama ka na Jess, dito muna kami ni Ate Gloria matulog sa sahig,” sabi ni Layvee, pero pumunta naman siya sa kama pagkatapos ay humiga siya roon kahit nasa pinto pa kami. “Layvee, anak matutulog ka ba?” saad ni mommy. Nakangiti lang ang Tita Recy, basta kasi
C-58 Jeselle Pagod na pagod ako nang bumaba ng sasakyan, pero kahit ganun, napangiti pa rin ako nang tuluyan kong masilayan ang lugar ng tiyahin ng mommy. ‘Ito na iyon’ mahina kong bulong sa sarili ko habang pinagmamasdan ang bungalow na bahay sa harap ko. “Alam ko magugustuhan mo rito anak,” saad ni mommy ganun din siya nilibot ang tingin sa buong bakuran. Halata sa kaniyang mata nanibago siya sa muli n'yang pagbabalik dito. “Grabe ang tagal ko na pala bago ulit nagawi rito. Buhay pa noon ang mommy ko nang magbakasyon kami rito, at maliit pa noon ang pinsan ko na anak ng Tiya Recy, ngayon ay may mga anak na rin. Sayang nga sa ibang bansa nanirahan," saad ni mommy namamangha rin siya nakatingin sa bakuran ng Tita Recy. “Jess, malay mo rito ka makakita ng true love mo,” saad ng kapatid ko kababa lang sa sasakyan lumapit agad sa amin. Tinulak ko sa noo nya. “Kaya nga ako nagtungo rito para mag-move-on iyan naman ang isisingit mo,” wika ko sa kaniya. "Echos! Kunwari hindi k
C—57 Jeselle Pababa ako ng hagdan dahil paalis na kami nang mapansin kong mayroon tumatawag sa akin. Ayaw ko na sanang ilabas sa bag ko kasi nag-aantay na sina daddy sa labas pero baka importanteng tawag ito kaya napilitan muna akong sagutin iyon. Tuluyan na rin kasi akong nakababa sa hagdan. Pagsilip ko, damn it si Tita Jae ang tumatawag. Napalunok ako dahil kabado ako nang sinagot ko, ngunit hindi ko lang sa kaniya pinahalata nataranta ako sa pagtawag niya. "Hello po, Tita Jae. May kailangan ka po ba sa mommy ko?" tanong ko sa kaniya nadamay pa nga si mommy. "Hija, ikaw ang gusto kong makausap. Katatapos lang naming mag-usap kanina ng Ate Andrea. Nalulungkot ako sa nalaman ko. Totoo ba itong nabalitaan ko na aalis ka patungo ka raw sa ibang bansa? Kung hindi pa nabanggit ni Tito Ishmael mo, nag-usap yata sila ng daddy mo. Pero bakit naman gusto mo umalis? Ang pag-aaral mo roon mo na ba itutuloy?" malungkot n'yang sabi. "Opo Tita Jae. Ahm...baka roon ko na po ituloy ang pag
C-56 Jeselle Maaga akong gumising dahil ngayon araw kami aalis. Mamaya nine ng umaga kami aalis. Naibaba na rin ang gamit ko. Pero nandito pa ako sa k'warto ko nilibot ang aking mata sa buong sulok ng k'warto ko. Bigla akong nalungkot. Humiga pa muna ako ngunit nag-vibrate ang phone ko na hawak ko lang. Pag-angat ko nakita ko si Gillian ang nag-text kaya bumangon ako't sumandal sa headboard ng kama. Gillian: Bruha ka! Seryoso ba iyong sinabi mo kay bayot sa text? Gage, nataranta si Jazper doon sa sinabi mo. Biglaan naman girl. Umuwi ka lang ng maaga, tapos ngayon ibabalita mo lalayo ka na. Siya nga pala nasa school canteen kami ngayon. Wala ng pumasok na professor. Woi, anong balita, Jess? Mahabang text ni Gillian. Kahit naman sino, iyon talaga ang magiging reaksyon dahil mabilis ang plano ko. Ako: Bakit walang professor? Hindi na ba sila magtuturo? Gillian: Wala na. Pwede na raw mag-clearance. Paano pala iyong clearance mo?” Ako: Si daddy na ang bahala. After pa naman







