Share

Melting The Billionaire's Heart
Melting The Billionaire's Heart
Penulis: Callyrose

Teaser

Penulis: Callyrose
last update Terakhir Diperbarui: 2025-08-06 11:14:02

SAPO ang aking ulo nang unti-unting idinilat ang mga mata. Ngunit gano'n na lamang ang gulat ko nang mapagtantong hindi pamilyar sa akin ang naturang kwartong kinaroroonan ko.

Lihim naman akong nagpasalamat dahil wala naman akong naramdamang kakaiba sa aking buong katawan, so far and so good ay kompleto pa naman ako.

"Where am I?" Nagmamadaling bumalikwas ako ng bangon at lumabas ng naturang kwarto. Halos mabingi ako sa malakas na pagtibok ng aking puso.

"Good day, Ma'am Lavinia!" Kumunot ang noo ko nang marinig ang sinabi ng isang nakaitim na lalaki.

"Hindi ako si Lavinia, sino ka?" Takang-tanong ko rito.

Napansin kong sumenyas ang lalaki at walang-sabing lumapit sa akin ang tatlo pang lalaki na tulad nito ay nakasuot ng itim na suit. Pagdakay walang-sabing hinawakan ng mga ito ang magkabila kong braso.

"Bitiwan niyo ako!" Sigaw ko.

"Pasensiya na po pero kailangan naming sundin ang utos ng asawa niyo."

Sumilay ang mapanudyong ngiti sa aking mga labi. "Excuse me, wala pa akong asawa, nababaliw na ba kayo?"

"Mommy please..."

Napasulyap ako sa isang batang lalaki na ngayon ko lamang napansin. Mas lalo akong nalito.

Mommy? Kailan pa ako naging mommy? Ako, may anak na?

"Ma'am, alang-alang man lamang po sa anak niyong si Adam. Sumama po siya sa amin dahil gustung-gusto ka po niyang makita."

"Adam, anak ko siya?" ani ko at pilit inaalala kung sino si Adam.

Pero wala akong maalalang may anak ako. Ang alam ko'y single ako. Isang dalagang kasalukuyang nag-aaral sa kolehiyo para makatulong sa aking mga magulang.

"Pakiusap, baka nagkamali lang po kayo. Pwede niyong i-check ang ilang records ko. Hindi ako ang ina ng batang 'yan. Isa pa, single ako at ni sa buong-buhay ko hindi ko pa naranasan na magkaro'n nang anak."

"Ma'am, imposible po iyang sinasabi niyo. Sige na po, maawa kayo sa amin. Kami po ang kawawa lalo na at sumama pa sa amin si Adam. Tiyak na malilintikan na talaga kami nito ni sir."

"No!" Sigaw ko.

Inipon ko ang aking buong-lakas at marahas na bumitaw sa mga ito. Pero sa malas ay agad pa rin akong nahawakan no'ng isa at tinakpan ang aking ilong ng panyo dahilan para dahan-dahan akong mahilo dahil sa amoy niyo'n, hanggang sa magdilim ang aking paningin.

Nagising ako sa masuyong haplos sa aking pisngi. Awtomatikong nagulat ako nang makita ang luhaang batang lalaki.

He expressed his delight at seeing me again, but I could see a deep sense of sadness in his eyes.

Nakaramdam ako ng labis na pagkahabag sa batang nasa harapan ko. Saka rumehistro sa aking isipan ang nangyari kanina. Kagagaling ko lang sa paaralan ng may biglang humarang sa aking dinaraanan. Puro mga naka-itim na lalaki.

"I'm so sorry, but I'm not your Mommy," sagot ko sa batang lalaki.

Pero hindi ko man lamang ito nakitaan nang pagkagulat. Bagkus ay niyakap ako nito ng mahigpit at umiyak ito sa aking dibdib.

"Please stay mom..."

Parang pinipiga ang aking puso. Kung gano'n, don't tell me may kamukha ako? Hindi kaya, may kakambal ako?

Dahil sa sobrang awa ko para sa batang lumuluha, niyakap ko ito ng buong-higpit.

"Shhhh... stop crying," pag-aalo ko rito.

"Please promise me that you won't leave us, mom."

Paano ko nga ba maipapaliwanag dito ang nais kong sabihin. Kailangan kong makausap ang ama ng batang ito. Baka sakaling maniwala iyon sa akin.

"May I know where your dad is?" tanong ko rito.

"He is busy with work."

"Could you please lend me your ear? I want to assure you that I am not your mother. By any chance, do you have any photographs of your mother? I would be delighted to have a glimpse of her pictures."

"Yes, just wait a minute," malungkot na tugon sa akin ni Adam.

Kailangan kong sabihin dito ang katotohanan. Hindi pwedeng ganito dahil umaasa sa akin ang ina at kapatid ko.

Nasundan ko na lamang ng tingin si Adam. Mula sa aking kama ay bumaba ito at nilapitan ang isang frame. Dinampot niya iyon at dinala sa akin.

"Here, it's us."

Halos tumalon ang puso ko sa sobrang pagtataka. Naramdaman ko ang malakas na pagtibok ng aking puso.

Inabot sa akin ni Adam ang frame. Gano'n na lamang ang gulat ko nang makita ang babaeng talagang kamukhang-kamukha ko.

"Imposible," ani ko.

Nanginginig ang mga kamay ko habang hawak ang frame.

"What do you mean, Mom?"

Nakikita ko ang kakaibang ningning sa mga mata ng lalaki na nasa larawan lalo na ang matingkad nitong ngiti. Maliban sa babaeng kasama nito sa larawan, makikita na hindi masaya ang naturang babae at halatang napipilitan lang.

Kapwa kami nagulat ni Adam ng biglang bumukas ang pinto ng kwartong kinaroroonan ko. Nakatayo sa harapan ko ang lalaking nasa frame na ngayo'y hawak-hawak ko.

Napalunok ako nang masilayan ito ng personal. Mas hot ito ngayon kaysa noon. Halos mabingi ako sa malakas na pagtibōk nang aking puso.

His mere presence takes my breath away, leaving me captivated and unable to look away. There's an undeniable air of seriousness that surrounds him, making me feel a mix of reverence and anticipation. His confident demeanor exudes an aura of arrogance, adding an intriguing edge to his character. As I lock eyes with him, I can feel the intensity radiating from his gaze, sending shivers down my spine. Yet, there's also a hint of aloofness, a coldness that keeps me on my toes, yearning to unravel the enigma that he is. His commanding presence and magnetic allure make it impossible to resist being drawn into his world.

"Daddy!" Narinig kong bulalas ni Adam. "Mommy is back!"

Natameme ako sa lalaking nasilayan nang aking mga mata. Sa buong-buhay ko ngayon lang ako nakakita ng perpektong imahe ng isang lalaki, na dati ay akala ko noon ay sa mga nobela ko lamang nababasa. Hindi ko akalaing meron din pala sa totoong buhay.

Gamit ang matipunong braso ng lalaki. Walang-hirap nitong kinarga si Adam.

Hindi ko kayang titigan ang mga mata nitong tila nang-uuyam.

"Dad, don't you feel happy that mommy is here with us?" tanong ni Adam dito.

"Yaya, could you please take Adam to his playroom for a moment?"

"Y—Yes, sir," nautal na sagot nang Yaya.

Mula sa lalaki ay kinuha ng Yaya nito si Adam. Agad namang sumama si Adam sa Yaya nito.

"Don't hate her again, daddy. Please I beg you..." Narinig kong pagmamakaawa ni Adam sa ama nito.

Hindi pinansin ng lalaki ang sinabi nang anak. Pinukol ako nito ng isang nag-aalab na tingin. Binundol nang matinding kaba ang aking puso. Napalunok ako.

Narinig ko ang pagbukas at pagsara nang pinto ng kwartong kinaroroonan ko. Halos hindi ako makahinga sa mabilis na pagtibōk nang aking puso.

"Who are you?" Sa wakas ay tanong ko rito.

"Lavinia, don't manipulate me. I can never find it in my heart to forgive you for your acts of betrayal," sarkastikong tugon nito sa akin kasabay ng marahas nitong paghila sa aking kabilang braso dahilan para mapangiwi ako sa sakit.

"Hindi ako si Lavinia, you bastàrd! Batid kong makapangyarihang tao ka. Alamin mo muna kung ako nga ang nagtaksil mong asawa bago mo ako saktan," mahina pero may diing sagot ko sa gàlit na lalaki.

Inis na pumiksi ako mula sa pagkakahawak nito. Kitang-kita ko ang labis na galit sa anyo nito.

Galit at poot ang nakikita ko sa mga mata nito. Pagdakay, biglang tumaas ang sulok ng labi nito at walang-sabing hinila nito ang aking dalawa paa saka ito kumubabaw sa akin.

Nanlaki ang aking mga mata sa ginawa nito. At dahil sa matinding takot at kaba, isang malakas na pagtuhod sa bandang gitna ng hita nito ang ginawa ko dahilan para mapahiyaw ito ng malakas.

Isang malutong na mura ang narinig ko mula sa bibig nito. Dali-daling tumayo ako mula sa kama at mabilis na lumabas nang naturang silid.

Bakit ba ako napunta sa sitwasyong ito? For pete's sake hindi ako si Lavinia.

Lanjutkan membaca buku ini secara gratis
Pindai kode untuk mengunduh Aplikasi

Bab terbaru

  • Melting The Billionaire's Heart    Kabanata 24

    Nakatitig lang si Adam sa aking mga mata. Mapapansin ang mga katanungan na nais niyang malaman at hindi ko siya bibiguin na mabigyan ng kasagutan."Siya si Tito Phillip mo, siya ang long-time boyfriend ko," sagot ko."FYI, ex-boyfriend, Cally. Humihingi ako ng paumanhin sa hindi ko pagkatok, I just want to give this to you," ani Phillip habang hawak ang isang pumpon ng paborito kong red roses at isang paper bag na sa tingin ko'y regalo niya para sa akin.Nasaktan ako ng labis sa sinabi niyang ex-boyfriend. Bakit ganito ang nararamdaman ko? Bakit parang may ilang libong karayom na tumutusok sa aking puso? Pansin ko ang paghugot ng isang malalim na buntong-hininga ni Phillip. Kung alam lang sana niya kung gaano natutuwa ang aking puso nang makita siyang muli. Gusto ko siyang lapitan at yakapin pero bakit ramdam kong tila may pader na nakapagitan sa amin? Wala akong nagawa kundi tanggapin ang bigay niyang bulaklak at regalo. "Salamat," sagot ko na may halong matinding kalungkutan. Hin

  • Melting The Billionaire's Heart    Kabanata 23

    "Micah?" "Yes, it's me. By the way, happy birthday to you!" Masiglang bati niya sa akin. "Ibig sabihin same birthday kayo ni Lavinia, isa lang ang ibig sabihin, magkapatid nga kayo.""Are you sure? Kailangan nating alamin kung talaga nga bang magkapatid kami. Ano kaya ang dapat nating gawin?""DNA test, kuha tayo ng sample kay Adam."Biglang nagliwanag ang aking utak sa suhestiyon ni Micah. Tama, kailangan mag-conduct ng DNA test para alamin ang lahat. Bakit nga ba kaytagal kung naalala ang paraan na 'yon? "Sige, sa tingin mo kaya ano'ng resulta?" "Kung ikaw ang magpapa-test, at hindi alam ng lab na identical twin ka ng mama ni Adam, lalabas sa papel na ikaw ang biological mother.""Posible pala ng may ganoong insidente?" Hindi makapaniwalang sabi ko."Yes, dahil may kaibigan akong doktor at talagang sa tingin ko ay gano'n talaga ang mangyayari."Kung gano'n, ibig sabihin isa lang ang pwedeng gawin ko para patunayan kay Ares na hindi ako si Lavinia. Sa pamamagitan ng medical record

  • Melting The Billionaire's Heart    Kabanata 22

    "Ares!" Ang nakangiting mukha ni Mrs. Walton ay nakatitig sa gwapong mukha ni Ares. "Pasalamat ka Lavinia at mahal na mahal ka ng anak ko. Dahil kung hindi ay sinisiguro kong sa putik ka pupulutin." Mahina lamang pero may diing turan ni Mrs. Walton. Hindi ko na siya pinatulan pa.Kinalma ko ang sarili dahil totoong na mesmerized na naman ako sa charm ng lalaking ngayon ay tumabi sa akin. Nagulat ako nang maramdaman ang matipunong-braso ni Ares na ngayo'y walang-sabing pumulupot sa aking maliit na bewang palapit sa matipuno niyang katawan.Damang-dama ko ang kakaibang init ng kanyang palad. Kailangan kong umakto ng normal. Naguguluhan tuloy ako sa kakaibang nararamdaman. Normal pa ba ang ganitong pakiramdam? "Hindi ko in-expect na paparito ka, mom?" "Alam mo naman ako, mahilig na i-sorpresa ka," nakangiting sagot ni Mrs. Walton. Pasimpleng tinaasan lang niya ako ng kilay ng dumako ang tingin sa aking gawi. Asa naman siyang papatulan ko ang katulad niya? "Tinatanong ko ang asawa mo

  • Melting The Billionaire's Heart    Kabanata 21

    Hindi ko akalaing dadalhin ako ni Ares sa party na ito. Ang totoo ay hindi ako mahilig sa mga ganitong event dahil for me it's so boring. Isa pa, hindi ko gets kung anong idinaos ng party na ito."Kanina mo pa tinitingnan ang wine na nasa harap mo. Ayaw mo bang inumin?" "Bawal ako sa alak," sagot ko kay Ares. "Stop being so dramatic, Lavinia. Kahit anong gawin mo alam mong hinding-hindi ako maniniwala sa mga kagagahan mo," saad ni Ares sa akin sa mahinang paraan. Kasalukuyang nasa isang mesa kami habang kausap ang ilang mga business partners niya. Ang totoo, hindi ako maka-relate sa kanilang mga pinag-uusapan pero nakikinig ako. Baka kasi kapag tanungin ako ay handa akong sumagot. Hanggang sa matapos ang naturang party at umuwi na rin kami. Panay ang hikab ko dahil sa sobrang antok. Kumusta na kaya si Adam? Nakatulog na kaya siya? Ewan ko ba, namiss ko si Adam kapag napalayo ako sa kanya.Nang huminto ang kotse sa garage ng mansion ay nauna na akong umibis nang hindi sinasadyang m

  • Melting The Billionaire's Heart    Kabanata 20

    Nagkaroon na naman ako ng pag-asa. Una si Adam, si Micah at ngayon ang mga ilang kawaksi dito sa mansion. "Sana tulad niyo ay mapansin din ni Ares ang pagkakaiba. Hindi talaga ako ang totoong Lavinia. Ako si Cally Janeiro, kaya lang ay walang makitang record ko ang mga tauhan ni Ares kaya malabong maniwala pa siya sa akin.""Lahat po ay kayang manipulahin ni Ma'am Lavinia.""Yeah, you're right. Salamat at isa kayo sa mga naniniwalang hindi talaga ako ang tunay na Lavinia.""Nakakagulat nga lang po dahil talagang magkamukha kayo. Pero magkaiba kayo sa ugali, pananamit, at sa kilos. Hindi ko rin po masisisi si Mr. Walton dahil ilang beses na rin po siyang pinagsisinungalingan ni Ma'am Lavinia."Tama nga ang duda ko. "Kaya nga, hindi ko rin masisisi si Ares.""Ma'am, narito na po ang gatas niyo.""Salamat," sagot ko. Inilapag ng isang kawaksi ang aking gatas sa center table. Lihim naman akong nagpasalamat sa isang kawaksi dahil ginamot niya ang aking na sprain na paa. "Ano'ng nangyari

  • Melting The Billionaire's Heart    Kabanata 19

    Pagkatapos naming kumain ay nagpasya na akong ihatid si Adam sa kwarto niya para makapagpahinga na rin si Perla na Yaya ni Adam. "Wait!" Napalingon kami ni Adam kay Ares. "Bakit?" takang-tanong ko. Napansin kong napahilot si Ares sa sariling sentido. "Never mind, pagkatapos mong ihatid si Adam kailangan nating mag-usap, pumunta ka mamaya sa balcony.""Alright," sagot ko. "Tara na, Adam.""Dad, I need to say good night first," ani Adam sa kanyang ama. Napaka-sweet na bata at masasabi kong ang swerte ni Ares sa anak nitong lalaki."Good night," ani Ares kay Adam. Humalik si Adam sa pisngi ng ama. "Dad, I'm so happy that we are one great happy family now."Ginulo lang ni Ares ang buhok ni Adam. "And I'm glad that you're happy, son.""I am, Dad."Saka tuluyan ng nagpaalam si Adam sa sariling ama. Hinawakan ni Adam ang aking kabilang kamay. "Mommy, I wish na sana kayo nalang ni Dad."Nagulat ako sa narinig mula kay Adam. "Ayokong umasa ka, pero imposible iyang sinasabi mo, Adam. Tatapat

Bab Lainnya
Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status