Share

CHAPTER 2

Bumukas ang pinto at bumungad kay Marcus at Drake ang babae na may hawak na puting folder at papalapit sa kanilang kinaroroonan.

"Good morning po Sir" bati ko sa kanila, nakita ko naman na kumunot ang noo ng lokong si Marcus ng makita ako.

"Sa labas na lang ako mag hihintay,"paalam ni Marcus saka tumayo at naglakad palabas. tinapik-tapik pa nito ang balikat ko na parang alam na kung bakit ano nandito sa kompanya ng kaibigan niya.

Naka ngiting ibinigay ko ang puting folder at iniabot sa lalaking mag I-enterview ,Tiningnan nito ang naka paloob sa folder. Nang natapos siya sa pagbabasa , bahagya siyang tumingin sa akin na tila nagtataka dahil sa salubong ang kilay nito, Napansin niya siguro na hindi pa ako naka upo.

"There's a chair over there.wala ka ba balak umupo? " taong nito habang naka kunot parin ang noo.

"Thank you po" naka ngiti kong sagut sabay umupo sa tinuturo niyang upuan. "Sabi kasi ng kaibigan ko kagabi, huwag daw akong uupo during enterview hanga't hindi sinasabi ng recruiter na --"

"Mukha ba akong recruiter? " hindi maipinta ang hitsura nito dahil sa maling bintang ko?.

"Kung hindi kayo recruiter ,ibig sabihin isa kayong janitor? masyado naman po kayong gwapo para maging --"

"GET OUT! DONT SHOW ME YOUR FACE NEVER AGAIN! " sigaw nito sa akin at itinapon ang puting folder, tumayo ito at malalaki ang hakbang papunta sa pinto.

"Hala sya" sabay pulot ko ng folder sa sahig at hinabol siya palabas.

"Teka lang sir, eh hindi po kasi ako prepared sa itatanong niyo. Ine-expect ko kasi na tell me about your self ang unang itatanong niyo sakin. malay ko bang isang janitor ang mag eenterview sakin--"

napahinto naman ito sa paglalakad at lumingon sakin na parang kakainin ako ng buhay.

"ENOUGH! I DON'T WHAT TO HER YOUR FUCK!NG VOICE! "puno ng diin nito sa akin at nagpatuloy sa paglalakad.

Nagpumilit parin akong sundan siya sa malalaking hakbang nito.

"Ang daya niyo naman e, pinapunta niyo ako dito tapos hindi mo naman pala iinterview-hin?"

pagkalabas namin ng interview room nakita kong nagtatakang napatingin samin si Marcus

at sinundan na lang ang lalake sa paglalakad nito.

"May problema ba Bro? "narinig ko namang tanong ni Marcus dito.

"Marcus" tawag ko sa kanya habang nasa likuran ng masungit na lalake.

"Marcus tulungan mo naman ako, ayaw akong enterview-hin ng recruiter "habang tinituro ko ang lalake sa unahan.

"bakit? ano bang ginawa mo sa loob at ayaw ka niyang enterview-hin ng recruiter na sinasabi mo? " pagtatanong ulit ni Marcus habang pinipigilan na humagalpak sa ang kanyang tawa. "Teka - teka Gusto mo ba talagang magtrabaho dito Summer? seryoso ka ? ano namang alam mo sa pagiging sekretarya Señorita? "

"Oo' alam mo naman na kailangan ko ng trabaho,sagad na sagad na 'ko sa pang gigipit ni Papa sa'kin kaya ano bang magagawa ko? "nag niningning pa ang aking mata habang nakatingin sa kanya.

"Okay, you're hired" Go back here tomorrow at exactly seven in the morning para magsimula sa trabaho mo. Ako ng bahala sa boss mo. Gudluck! " binigyan ako nito ng nakakalokong ngiti bago umalis.

**

"Good morning" bati ko sa mga security guard sa entrance ng main building.

Dumiretso ako sa loob at binati din ang mga staff na nasa information desk. "Good morning".

Maganda ang mood ko ngayong araw kaya gusto kong ipalaganap sa boung Montereal corp. ang kagalakan ko na magtrabaho dito.

first day ko ngayon kaya sinadya ko talagang agahan ang pasuk para kahit papano'y hindi naman nakakahiya sa boss ko.

"Marcus" napa sigaw ako ng wala sa oras ng makita ko siya na mukhang nag aantay ng pagsakay sa Elevator.

Napalingon naman siya ng bahagya at ngumiti na naman ng nakakaloko. "Ang aga mo naman Summer hindi ka ba natulog? "

"Hoy! Marcus ,Anong ginagawa mo ng ganitong oras dito? "tanong ko kanya at saktong bumukas ang pinto ng elevator, pumasuk siya at ganun din naman ako.

"May inaasekaso lang ako para sa boss mo, paalis din ako agad. Goodluck sa first day mo dito "

"Salamat Marcus, Sure matutuwa ang boss ko kasi maaga ako sa firstday ng trabaho ko"mahabang litanya ko pa sa kanya.

nakita ko palihim siyang natawa ,na ipinagtataka ko kanina pa. Alam ko nama na loko-loko itong si Lucas pero hindi ko alam kung kelan pa siya nabaliw. "May nakakatawa?"

Natigil naman siya sa ginagawa niya at saka umiling ."Siya nga pala ,hindi mo pa napipirmahan ang kontrata mo kahapon,

Ihahatid muna kita sa HR Department dahil baka may sasabihin pa sila sayo and after mo mag sign ng contract dumiretso ka na sa Sixty-five floor dahil nandoon ang opisina ng boss mo"paliwanag niya sa' akin at kaagad ko siyang sinagut ng patango.Matino rin pala kausap minsan si Marcus ,mukha rin siyang kagalang galang kung hindi lang siya lukaret gaya ng ugali ni Kira.

Pagkalipas ng ilang segundo ,bumukas na ang elevator. Lumabas si Marcus kaya sumunod na lang ako sa kanya, hanggang makarating kami sa Human Resource Department. Nabasa ko sa mismong glass door ng opisina.

"Good morning ,sir Marcus" dinig kong sabi ng isang babae at sinalubong kami . "What brings your here? miss mo agad ako ha? "tanong pa ng babae sa may malanding tono.

Nakita ko namang napangiti si Marcus sa babae. "Anyway ,I want you to meet Summer, new secretary ng boss mo".Pag iiba niya pagkatapos nilang magti- tigan at mag ngitian na parang hindi nila ako nakikita, mukha ba akong envisible Marcus. Kung hindi ko lang kailangan ang trabaho na 'to, kanina ko pa tinarayan ang babaeng yan.

Napabaling sakin ang babae at nakita ko ang pag -ismid nito sakin "Oh,goodluck to her life then. "puno ng kapaklaan niyang sagut.

"Parang tinatakot mo naman 'tong si Summer"

"Anong masama sa sinabi ko? "

"Basta ikaw na ang bahala sa kontrata niya. Iiwan ko muna siya dito. " sabi ni Marcus

"If you are free later, I'll tour you inside Montereal corp. okay? Para hindi ka mahirapan kapag inutusan ka ng boss mo. Wala naman ako gagawin mamaya" baling niya sakin.

"Sige"

"Mauna na 'ko."

Pagka alis ni Marcus ,naiwan kami ng babae dito sa loob. Hindi ko pa naman gusto ang dating niya, Parang anytime handa siyang sabunutan ako o kaya'y sampalin .

"Please take a sit " Sabi niya sakin na sinunod ko naman.

Sinundan ko siya ng tingin ,hanggang sa pumunta siya sa isang drawer at may kinuhang dokumento. " Your annual sallary could be closer to two million pesos pesos. Hindi pa kasama ang incentives or other bonuses na makukuha mo if ever. " Inilagay niya ang documents sa table na nasa harap ko at hindi ko napigilang mapa nga-nga sa narinig ko.

Yes mayaman ang pamilya ko, pero wala akong ideya na ganito kalaki ang pasahod ng secretary.

Two Million? Nag aapply lang ako dito pero hindi ko naman inaakalang magiging instant milyonarya ako sa loob ng isang taon dahil lang sa ganyan kalaki ang annual sallary ko.

Ganito pala kayaman ang may ari ng Montereal corp.

"Siguro may mga ideya ka naman kung ano ang kadalasang ginagawa ng mga sekretarya--"

"Oo naman po" sabay ngiti ko ng malapad

ayokong malaman niya na wala akong alam sa gagawin ko bilang Secretary. Ano bang alam ng isang Señorita sa ganitong gawain?

Hindi ko na pinakinggan ang iba pa niyang sasabihin ,basta't kinuha ko na lang ang ballpen at sininulang basahin ang nakasulat sa kontrata. Nang mabagot ako kakabasa ,pinirmahan ko na lang ang bawat pahina kung saan ako dapat pumirma and then Charan! tapos na ako sa contract signing .

Two million na 'yan e, papalag pa ba ako ?kung tutuusin pwede na ako umalis sa rest house ni Marcus at mag renta ng sariling condo.

"And this one, " binigay niya sakin ang kulay puting folder dahilan para mapatingin ako sa kanya. "That's your boss' schedule for today."

Binuksan ko ang folder at patango- tangong binasa ang nakapaloob. "Isang araw lang ba 'to? "taka kong tanong at bumaling sa HR.

"Mukha bang pang isang buwan 'yan? " maarte niyang sagut sabay irap saken.

Nag tatanong lang e, parang kukulangin kasi ang isang araw para ma -accomplish lahat 'to ni boss.

"Bahala ka na diyan, total hindi ka naman magtatagal dito and it's a waste of time kapag pinaliwanag ko pa sayo lahat lahat. Pag aralan mo na lang ang trabaho mo at h'wag mong bibigyan ng sakit ng ulo si boss. Nagkaka intindihan ba tayo? " paliwanag niya at pinag taasan pa ako ng kilay.

"Oo naman po" boung kompyansa kong sagut

kahit kanina ko pa gustong dukutin ang mata nito kaka irap sa'ken.

"Okay, you can now go back to your station "

Balak ko pa sanang magtanong ng talikuran na niya ako ka agad at naging abala sa pag papaganda sa sarili niya habang nakaharap sa salamin.

Tumayo na lang ako at saka binitbit ang puting folder na naglalaman ng schedule ng boss ko.

Lumabas ako sa office at wala sa sariling nag lakad lakad sa boung palapag.

Saan na ako pupunta ngayon? ang alam ko may binanggit kanina si Marcus kaso hindi ko na matandaan. ang natatandaan ko lang ang landian nila ng HR na yon. what a shame!

"YOU'RE FIRED! "

Muntikan na akong mapatalon sa gulat ng makarinig ako ng sigaw ng lalake sa hindi kalayuan. Tinitigan kong mabuti kung sino ang sumigaw at napailing na lamang ng mapag tanto ko kung sino.

"MY COMPANY DOESN'T NEED INCOMPETENT EMPLOYEE "

Ang aga - aga pero high blood na kaagad ang recruiter nila.

Tumakbo ako sa direksyon ng recruiter at sinundan siya hanggang sa loob ng elevator.

"Hello, good morning " nakangiting bati ko sa recruiter pag kapasuk ko sa loob ng elevator.

Hinintay kong sumara ang elevator bago tumingin sa lalaking katabi ko.

Mag kasalubong ang dalawa niyang kilay at inis na pinasadahan ako ng tingin. "Anong ginagawa mo dito? Hindi mo ba narinig ang sinabi ko sayo kahapon? and the fact dito ka pa sa VIP --"

"Itatanong ko lang naman kung saan ang opisina ni..." saglit akong napahinto at binuklat ang ang folder na hawak ko. "..ni sir Arthur drake Montereal? " basa ko sa pangalan ng boss ko at muling tumingin sa kanya.

"Mas lalong napa kunot ang kanyang noo at maya maya'y napataas ang kaliwa niyang kilay. bakla kaya siya? sayang ang gwapo pa naman.

"Arthur drake Montereal don't have a scheduled appoinment with someone like you--"

"Newly hired Secretary niya po kasi ako, kaya one hundred percent sure na wala akong appointment sa kanya. Ngayon pwede mo na po bang sabihin sakin kung saang floor ko makikita ang office ni boss? "pag papa intindi ko sa kanya.

"Newly hired secretary?"matabang niyang tanong.

"Opo "sagut ko at sinabayan ko pa ng pagtango

"Then you're fired. " seryoso nitong sambit kasabay ng pag bukas ng pinto ng elevator. Lumabas siya at naiwan akong

Naka awang ang bibig dahil sa sinabi niya.

Hindi ko alam kong nagbibiro ba siya ,pero isa lang masasabi ko ang yabang ng lalaking yon para sabihing sesante na ako. Bakit? siya ba may ari ng Montereal corp.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status