Share

CHAPTER 3

Umalis ang masungit na lalaki sa loob ng elevator at naiwan si Summer na naka awang pa ang mga labi sa mga narinig nito.

**

Lumabas na lang din ako ng elevator para maghanap ng pwedeng mapag tanongan.

nakaka inis kasi 'tong si Marcus palagi naman pala siya dito, hindi na niya ako sinamahan kong saan ang office ng kaibigan niya.

"Excuse me? " pagtawag ko sa babaeng papalapit sa gawi ko.

"Wait lang, seryoso ba 'tong nakita ko? "pagtataka niya habang nakatingin sa direksyon ko. Maging ako ay nagtaka rin kung anong nagawa ko? ."Diyan ka lumabas? "habang tinuturo- turo pa ang ginamit kong elevator sa pag - akyat. Nilingon ko rin naman ang tinuturo niya kung may sira ba ito.

Parang wala naman e, Anong masama kong d'yan ako sumakay?

"Bakit may multo bang nagpapakita sa elavator? "hindi makapani walang tanong ko.

Humagapak naman sa tawa ang babae at may pahampas - hampas pa sa tuhod nito gamit ang folder na hawak niya.

"Nagpapaniwala ka pa sa ganyan? Alam mo bang ipinagbabawal ni boss ang sino mang gagamit ng VIP elevator na yan ng walang permiso galing sa kanya. Siya lang ang VIP dito sa company kaya malamang siya lang ang may karapatang gumamit ng VIP elevator."mahabang paliwanag niya matapos niyang matawa.

Kung gano'n may nilabag na akong rules dito sa loob? Babawasan ba nila ang sahod ko? paano naman ang mayabang na recruiter na sumakay rin sa VIP elevator? mababawasan din ba sahod niya?.

"Baguhan ka lang ba dito? " sunod niyang tanong saka nag simulang maglakad.

Sinundan ko siya ng lakad para makahingi ng tulong kung saan ko hahanapin ang opisina ng boss ko.Mukha naman siyang mabait kaya sigurado magkakasundo kami.

"Yep, kanina lang ako naka pag sign ng contract at--"

"Really? sa anong department ka naka assign? " parang nae- excite niyang tanong.

Feeling ko magkakaroon na ako ng kaibigan dito. pero hindi ko alam kong ano ang ibig sabihin ng tanong niya.

"Secretary ako e, meron bang secretaries department dito? "nagtataka kong tanong sa kanya.Malamang walang ganun Summer bakit pa ba ako nagtanong. psh

Bigla na naman siyang natawa. Mukha ba akong clown? Hindi na nga ako nag make-up para maaliwalas ang mukha ko. tapos pagtatawanan niya lang ako?

"funny ka ,alam mo ba 'yon?Hahahahaha "..

tsk.. Funny daw ako? napaka judgemental naman ng babaeng 'to. Akala ko pa naman ay mabait siya at magkaka sundo kami, katulad rin pala siya ng babae ni Marcus sa HR office kanina.

"Kanino ka ba naka -assign? I mean madami ang secretary dito dahil--"

"Saang department ba si Sir Arthur drake? " tanong ko ng direkta sa kanya at ng maka alis na ako.

Parang nabigla naman siya sa tanong ko at natahimik ng sandali.

"Si sir D-Drake ang boss mo? "napa takip pa siya sa kanyang bibig, kaagad niya akong hinila sa kung saan man."Kanina ko pa nakita si sir Drake na pumasuk sa opisina niya. Sana naman aware ka na ayaw niya sa mga taong late comers" natataranta niyang sabi.

Bulag ba siya? six - thirty palang ng umaga, ang sabi sakin ni Marcus kahapon seven in the morning daw start ng trabaho ko. may thirty minutes pa akong natitira para hanapin ang pesteng office na yan.

"Ayan ang opisina ni sir. Pumasuk ka na lang at ihanda ang sarili at tenga mo kung anong magiging reaksyon sayo ni boss"tinulak pa niya ako papalapit sa glass door .Nagtataka akong napa baling sa kanya habang nakita ko pa siyang nag sign of the cross. Bakit may nakakatakot ba sa loob?

Napa kibit- balikat na lang ako na pumasuk ng opisina. Unang araw ko palang pero ang daming wierd employee dito sa kompanya.

"Good morn-Anong ginagawa mo dito? Mr. recruiter? "napatanong na lang ako ng makita kong nandito rin ang mayabang na recruiter na 'to.

Mabilis akong lumapit sa direksyon niya kong saan naka upo pa siya sa table ng boss namin.

at sapilitan siyang hinila paalis do'n.

"What the fuck is you--"

"Sssssh"pigil ko sa bibig niya habang magsasalita pa sana ,masyadong malakas ang boses niya at baka marinig pa kami ng boss namin at pareho kaming masi sante ngayong araw.

"Ginagago mo ba ako? "mura niya dahilan para takpan ko ulit ang bibig niya.

"h'wag ka ngang mag mura--"

"Hindi mo ba ako kilala? "inis niyang tinabig ang kamay ko at binigyan ako ng nakakatakot na tingin. "I'm your boss and-"

Napatigil siya sa kanyang pagsasalita ng humagapak ako ng tawa sa sinabi niya.

"Ano boss kita? kahapon lang recruiter ka tapos ngayon aakto kang parang si Mr. Montereal? "

Mga ganitong klaseng tao , Ang taas kung mangarap .Sana binabaan man lang niya ng kaonti, hindi nga ako nag yayabang na isa akong Señorita sa isang malawak na Rancho sa probinsya. Sa bagay sino ba kasing may sabi sakin na mag apply ako dito ng Secretary na pag mamay- ari ng kaibigan ni Marcus.

"Okay sige, ganito na lang Mr. recruiter. Ipakita mo sakin ang ID mo at maniniwala akong ikaw ang boss ko" mataas na tono ko sa kanya , sigurado naman ako na hindi siya ang boss ko dahil isa siyang recruiter dito sa company.

Bumalik siya sa table ni boss at may kung anong hinalungkat sa drawer, napataas kilay na lang ako sa kanya .Lagot talaga siya kay Sir Drake pag naabutan siya nitong nakikialam sa mga gamit niya.

"Here " Mayabang niya namang inabot sakin

ang isang passport at kinuha ko naman ito para tingnan kung sino ang may- ari. "now get out".

Aangal pa sana ako sa sinabi niya pero pag buklat ko sa passport .Awtomatikong nag sitaasan ang balahibo ko sa boung katawan. Nang makita ko kong sino ang nag mamay - ari ng hawak kong passport. Dahan dahan akong tumingin sa gawi niya at nakita kong sumilay ang isang nakaka kilabot na ngiti sa kanyang labi.

"Gusto mo pa bang ,Ipasundo pa kita sa mga security? "

Anong klaseng kalokohan ba ang pumasuk sa isip ko at hindi ko agad naisip na siya pala ang kaibigan ni Marcus? na boss ko?

Seste ka Marcus! kahapon kasama mo na siya hindi mo pa sinabi sakin na siya pala ng kaibigan mo, kaya pala halos ngitian niya lang ako ng nakaka loko dahil alam niya na ganito ang mangyayare sa unang araw ko dito.

Napa kamut ako ng bahagya sa ulo ko habang nakatingin sa direksyon ni sir Drake.

"S-sir, sorry na po .Hindi ko po talaga alam na kayo ang boss ko. "pag mamaka-awa ko habang naka tayo sa kayang gilid .

desperada na ako ,dalawa lang kasi ang choice ko ang maging maid niya sa bahay nila o maging secretary niya. kung pipiliin ko naman maging kasambahay niya siguradong mas kakalbuhin niya ko do'n dahil mas wala akong alam pag dating sa loob ng bahay.

Lagot .Anong klaseng katangahan ba 'to?

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status