Gusto niyang magwala noong umalis nga ang ate niya at si Royce. Hindi matigil sa pagtatagis ang mga ngipin niya. Pagpasok sa kwarto ay agad niyang hinagis ang bag at ginulo ang kama niya."Argh! Bwisit!"Namewang siya at nasapo ang noo. Ginawan na nga niya ng paraan para hindi matuloy ang honeymoon pero natuloy pa rin! Mukhang talagang ginagalit siya ni Royce!Tumalim ang tingin niya at agad na naghalungkat ng damit sa closet. Kung ayaw siya nitong kasama ngayong gabi, pwes, hahanap siya ng ibang makakasama.Agad niyang sinuot ang itim at maliit na dress. Sakto lang iyon sa gitnang hita niya at halos labas ang buong likod niya. Sinuot niya ang malalaking hikaw at kinulayan ng pula ang mga labi niya. Bakit ba kasi siya nagtitiis sa lalaking may asawa na gayong pwede naman siyang humila ng binata?Bakit ba niya pinagsisiksikan ang sarili kay Royce gayong may iba riyan na willing magpaubaya sa kanya?Bakit siya manlilimos ng atensyon gayong dapat ay kusa siyang binibigyan ng atensyon?D
Agad niyang tinulak si Royce ngunit lalo lamang humigpit ang hawak nito sa bewang niya."Bitiwan mo ko. Iinom ako at sasayaw hangga't gusto ko! Whooo!"Tinaas niya muli ang mga kamay at gumiling ngunit kontrabida talaga si Royce dahil hinila na naman siya nito palayo sa dance floor."Ano ba?! Iwan mo ko rito, sasayaw pa ako—""No freaking way, Baby," mababa ngunit may inis na tutol nito.Muntik na siyang madala sa boses nito at manghina pero umismid siya."Tumabi ka, hahanap ako ng lalaki."Dinig niya ang marahas nitong paghinga, "Kung hindi pa kita nahila kanina, malamang na ibang lalaki ang hahawak sa'yo—""Edi maganda. Ayoko na sa'yo."Umirap siya at sinubukang alisin ang matipunong braso nito sa bewang niya ngunit marahas siya nitong hinapit muli."Take back what you said. Ako ang gusto mo," madiing bigkas nito.Napangisi siya, "Tapos na ako sa'yo."Nanahimik ito sa sagot niya ngunit muntik na siyang mapasigaw noong muli siya nitong hilahin."Royce, ano ba—bitiwan mo nga ako!""Uu
Para siyang tangang umakyat sa itaas at napapaisip. Malinaw naman at totoo na naroon sa bar si Royce. Pero paanong kasama din nito ang ate niya sa oras na iyon?Walang lakas niyang sinara ang kwarto dahil sa iniisip. Napasandal siya roon at nangunot ang noo.Baka naman umalis lang ito saglit tapos ay bumalik ulit sa ate niya?Napailing siya. Imposible dahil ang layo ng mansyon ng mga Consunji sa bar. Napad*ing siya matapos sumakit ang ulo niya. Pinagkibit balikat niya na lang ang naiisip, importante ay hindi natuloy ang honeymoon ng mga ito.Hindi rin siya pumasok sa opisina. Sa sobrang sakit ng ulo niya, nakatulog siya pagkatapos maligo. Bumaba lang siya matapos magutom, dinatnan niya pa sa sala ang Mommy at Daddy niya."Where were you last night, Crystal?" malamig na tanong ng Daddy niya.Napatigil siya sa huling baitang ng hagdan. Kita niyang binaba ng Daddy niya ang hawak na tablet."Uminom ka sa bar at umuwi ng disoras ng gabi? Ni hindi mo man lang naipasok sa loob ng bahay ang k
Muli niyang tinulak si Royce. Kita niyang nangunot lang ang noo nito at mukhang hindi takot kahit na mahuli sila ng Ate niya. Hindi takot pero ayaw namang aminin sa iba ang relasyon nila?"Babalikan na lang kita. Kausapin ko lang ang... asawa mo."Kumibot ang labi nito at binagsak ang katawan sa kama."Make it fast," utos nito.Inayos niya ang suot na dress bago tinungo ang pinto. Maliit niya lang na binuksan iyon, baka kasi makita nito si Royce. Kinakabahan pa siya lalo pa't dis-oras na ng gabi at gusto siya nitong kausapin. Ano naman ang pag-uusapan nila? Huwag mong sabihing kokomprotahin siya nito dahil pinuntahan siya ni Royce sa bar?"Ano iyon—"Natigilan siya matapos makita ang tahimik nitong pagluha. Napakurap siya at naisara ang pinto."Crystal, nag-away kami ng Kuya Royce mo," naiiyak na sumbong nito.Hindi siya nakakibo noong yumakap ito. Wala sa loob niyang nah*god ang likod nito."Umalis siya at nagalit sa akin."Hindi niya maibuka ang mga labi. Umiiyak ito dahil iniwan ni
Matinding pagpipigil sa pag-iyak ang ginawa niya. Hindi na rin siya bumili ng steak sa sobrang sama ng loob. Alam niyang wala siyang karapatan pero hindi niya maiwasan."Do you want early dinner, Crystal? Mamaya pa uuwi ang ate mo at ang Kuya Royce mo. May date sila," bungad sa kanya ng Mommy niya noong makarating siya sa bahay.Lalo siyang nainis noong makitang nakangiti at mukhang masaya ito para sa ate niya, maging ang Daddy niya ay ganoon. Hindi niya maiwasang humarap sa mga ito."Alam niyong may date sila hindi niyo man lang sinabi sa akin?" hinanakit niya.Nangunot ang noo ng Mommy niya at nabitiwan ang hawak na kutsara."Bakit naman sasabihin pa sa'yo, Anak?"Doon siya natauhan. Oo nga naman. Napapikit siya nang mariin."Hays! Hindi po ako kakain," sambit niya na lamang.Agad siyang nagtungo sa hagdan at dumiretso sa kwarto. Binitiwan niya sa kama ang wine na dala. Masama niyang tinitigan iyon."Bwisit, bakit ngayon pa sila nagdate?" frustrated niyang pagkausap sa sarili.Nagul
Mabibigat na paghinga ang nagawa niya matapos maramdaman ang mainit nitong dila sa ibaba niya. Kanina pa ito roon at hindi nagsasawa. Siya na ang naubos ang lakas at gusto ng sumuko ngunit wala yata itong balak na gawin iyon."Uhh, that's enough—ohh," hinihingal niyang sambit.Ang kamay niya ay mahigpit na kumapit sa buhok nito habang ang isa ay sa bedsheet napakapit. Kanina pa namamalipit ang mga daliri niya sa paa sa sarap at ilang beses na rin siyang nakarating sa r*rok. Gusto na niya itong itulak sa balikat gamit ang paa niya para humiwalay na ang mga labi nito sa k*selanan niya ngunit mas humigpit lang ang hawak nito sa bewang niya at madiing naglaro ang dila doon.Namamalipit siya sa sarap sa kama habang ito ay nakaluhod sa sahig at nakasubsob sa pagitan ng mga hita niya."Ah! Ow!"Napaliyad siya matapos mabilis na gumalaw ang dalawang daliri nito roon. Hindi na niya alam kung saan ibabaling ang ulo sa sobrang sensasyong nararamdaman. Mali yata na kinompronta niya ito dahil higi
"No. Don't ever message or call me on that number," madiin at malamig nitong sagot.Nanlumo siya at nasaktan dahil doon. Ganoon ba ito katakot na mahuli sila ng ate niya?"Leave, Royce. Ayaw muna kitang makausap. Bumalik ka na lang kapag handa ka ng pagbigyan akong i-message at tawagan ka sa numero mo," malamig niya ring pakiusap.Maninindigan siya. Ayaw niyang pampalipas oras lang siya nito. Gusto niya rin ng aruga nito. Gusto niya ring makatanggap ng mensahe mula rito. Ayaw niya na puro aksyon lang sila sa gabi. Gusto din naman niyang maramdaman na may halaga siya rito at hindi pangkama lang. At kung hindi siya nito mapagbigyan sa simpleng request lang, hindi niya rin muna ito pagbibigyan.Dinig niya ang mabigat nitong buntong hininga."Is that what you want?" mabigat na tanong nito.Iniwas niya ang balikat matapos maramdaman ang panunuyong h*lik nito roon."Don't kiss me. Hindi ako madadala sa ganyan. Kung hindi mo ko kayang isingit sa oras mo sa umaga, hindi rin muna kita bibigyan
"M-ommy," nanginig ang boses niya sa kaba.Hindi siya makaiwas ng tingin sa mariing titig nito sa kanya. Alam niya kung ano'ng posibleng iniisip nito ngayon."It's n-ot what you think, Mom," kinakabahang bigkas niya.Pumirmi ang mga labi nito. Maingat nitong sinara ang pinto ng kwarto ng ate niya bago siya nilingon."Follow me, Crystal," may awtoridad na utos nito bago tumalikod at tumungo sa hagdan.Napapikit siya nang mariin at napamura sa hangin. Hindi niya alam ang sasabihin dito. Ang puso niya ay kakawala na yata sa kaba. Pinisil niya ang mga kamay bago sumunod rito. Naroon na ito sa kusina at umiinom ng malamig na tubig. Binaba nito ang baso at tinuro ang upuan sa harap ng mesa."Sit down."Nakayuko siyang sumunod. Lalo lang nag-init ang sulok ng mga mata niya sa sitwasyon. Of all people, bakit ang mama niya pa ang nakahuli sa kanya?! Sabagay, mas delikado kung ang daddy niya ang nakakita."Tell me, bakit mo sinisilip ang ate mo at Kuya Royce mo?"Simpleng tanong lang iyon pero