Share

KABANATA 9

Gusto niyang magwala noong umalis nga ang ate niya at si Royce. Hindi matigil sa pagtatagis ang mga ngipin niya. Pagpasok sa kwarto ay agad niyang hinagis ang bag at ginulo ang kama niya.

"Argh! Bwisit!"

Namewang siya at nasapo ang noo. Ginawan na nga niya ng paraan para hindi matuloy ang honeymoon pero natuloy pa rin! Mukhang talagang ginagalit siya ni Royce!

Tumalim ang tingin niya at agad na naghalungkat ng damit sa closet. Kung ayaw siya nitong kasama ngayong gabi, pwes, hahanap siya ng ibang makakasama.

Agad niyang sinuot ang itim at maliit na dress. Sakto lang iyon sa gitnang hita niya at halos labas ang buong likod niya. Sinuot niya ang malalaking hikaw at kinulayan ng pula ang mga labi niya.

Bakit ba kasi siya nagtitiis sa lalaking may asawa na gayong pwede naman siyang humila ng binata?

Bakit ba niya pinagsisiksikan ang sarili kay Royce gayong may iba riyan na willing magpaubaya sa kanya?

Bakit siya manlilimos ng atensyon gayong dapat ay kusa siyang binibigyan ng atensyon?

D
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status