Paggising niya ay wala na sa tabi niya si Royce kagaya noong una. Dismayado man ay pilit pa rin siyang ngumiti. Agad siyang nag-ayos at inalis din ang kobre kama gaya sa gusto nito. Bitbit niya iyon pagkalabas sa kwarto ngunit natigilan siya matapos makitang kalalabas lang din sa kwarto ni Royce.
Maliit siyang tumikhim at inayos ang sariling buhok. Hinanda niya ang ngiti para dito ngunit kusang naglaho ang ngiti niya noong lagpasan siya nito.
Huwag mong sabihing aakto na naman ito na hindi siya nakikita?
"Royce—I mean, Kuya Royce," agad niyang tawag.
Tumigil ito sa pagbaba sa hagdan at lumingon sa kanya, "Yes, Crystal. Is there something you wanna say?" inosenteng tanong nito.
Napakurap siya. Mananalo itong best actor sa pagiging inosente.
Pinigilan niya ang sarili kahit pa gusto niya itong bigyan ng good morning kiss. Luminga pa siya sa paligid kung may nakatingin bago humakbang palapit dito ngunit napaatras siya matapos marinig ang Ate Courtney niya na palabas din ng kwarto.
"Love, bukas na pala iyong meeting para sa design—oh, Baby Crystal, ang aga mo," pansin nito sa kanya.
Hilaw siyang ngumiti lalo na noong makita kung paanong umikot ang braso ni Royce sa bewang ng ate niya. Hum*lik pa ito sa sentido kaya't lalong naninikip ang d*bdib niya.
"Magpapalit ka na ng bedsheet?" takang tanong nito.
Umiwas siya ng tingin ngunit sumulyap din siya kay Royce na tumingin na sa relong pambisig.
"We'll be late. I need to visit my father," pagkausap nito sa ate niya.
Napayuko siya dahil mukhang hangin na naman siya rito. Kumuyom ang kamao niya at agad na bumaba ng hagdan, hindi pinansin ang pagtawag sa kanya ng ate niya.
"Oh, madumi na ang kobre kama mo?" puna ng Mommy niya.
Hindi siya sumagot, bagkus ay hinagis niya ang bedsheet sa laundry basket, walang pakialam kahit makita pa nila ang dugo mula roon.
"Crystal, since when did you act like that?!"
"I'm not feeling well. Bye, Mom."
Mabilis siyang hum*lik sa pisngi nito at mabilis ding lumabas ng bahay. Ayaw na niyang makita pang magkasama ang ate niya at si Royce. Nagpupuyos na naman ang damdamin niya. Hanggang makarating sa kumpanya ay wala siya sa mood.
"Mang-aagaw ka! Kabit ka! Nil*ndi mo ang asawa ko!"
Namilog ang mga mata niya sa narinig. Dumagundong ang puso niya at napalinga sa paligid ngunit naestatwa matapos makita ang kumpulan ng mga empleyado sa gitna ng lobby.
"Hindi ka kasi magaling sa kama kaya siya naghanap ng iba! Tanggapin mo na lang na ako na ang mahal niya!"
Napaatras siya at napahawak sa d*bdib matapos makitang nagsabunutan ang dalawa niyang empleyado habang ang ilan ay humihiyaw. Pati ang gwardiya na dapat ay umaawat sa dalawa ay nakiki-sigaw.
"Alam mong may anak kami! Paano na ang mga bata ngayong sinira mo ang pamilya ko?!" iyak pa muli ng isa.
Hindi niya maaninag ang mukha nito pero kinakabahan siya dahil sa away ng dalawa.
"Bestfriend kita, Mau! Bakit mo nagawa iyon? Pinagkakatiwalaan kita pero ikaw pa ang aahas sa asawa ko!" muling iyak nito.
Kumabog ng todo ang puso niya sa kaba kahit hindi para sa kanya iyon. Napalunok siya at nainis. Ayaw na niyang makarinig pa ng ganoong klaseng mga salita.
"All of you! What are you doing here so early?!" malakas niyang sigaw na kinatahimik ng paligid.
Nawala ang kumpulan at naiwan sa gitna ang nagsasabunutan kanina. Kita niyang umirap ang tingin niyang si Mau habang ang isa ay puno ng luha.
"Ma'am, I-m sorry po. Hindi ko napigilan ang sarili ko," ani ng umiiyak.
Malamig niyang tiningnan ang dalawa.
"We don't need incompetent and unprofessional employees here. Both of you are fired!"
Namilog ang mga mata ng dalawa ngunit wala siyang pakialam. Lumakad siya agad patungo sa elevator.
"Ma'am, huwag naman po. May mga anak po akong umaasa sa akin—Ma'am Crystal, please!"
Agad niyang sinara ang elevator at hindi ito pinakinggan. Pagkarating sa tamang floor ay dumiretso siya sa opisina niya.
"Stay outside, Ella," agad niyang utos sa sekretarya niyang susunod sana sa loob.
Pagkasara ng pinto ay napahawak siya sa kanyang d*bdib. Para siyang hindi makahinga. Pakiramdam niya ay siya ang sinabihan ng mga salita kanina ng empleyado. Hindi naman siya kabit di ba? Hindi naman siya ang lum*ndi kay Royce di ba? F*ck! Siya dapat ang misis at hindi kabit!
Gigil niyang hinagis ang bag sa sofa. Paglapit niya sa mesa ay agad niyang pinindot ang intercom.
"I need a glass of f*cking cold water, Ella," utos niya sa sekretarya, "Hurry up!"
Hindi na niya hinintay ang sagot nito. Nahampas niya ang mesa at napabagsak ng upo sa kanyang swivel chair. Hindi siya makalma sa kaalamang ganoon din siya, kabit siya ni Royce.
"Bwisit na iyan! Ako dapat kasi ang legal!" bulalas niya bago ginulo ang buhok.
Natigilan siya noong bumukas ang pinto at iluwa noon ang Ate Courtney niya na may bitbit na baso ng malamig na tubig. Nahigit niya ang hininga at nanlamig sa pwesto niya lalo na sa seryosong titig nito. Narinig ba siya nito?
Humakbang ito palapit, "I heard—"
"Mali ang narinig mo," agad niyang sagot sa kabila ng kaba niya.
Kumunot ang noo nito at nagpatuloy sa pagalalakad. Nilapag nito agad ang baso sa mesa niya.
"Mali ba ang narinig ko na pareho mong tinanggal sa trabaho ang nag-away?" usisa nito.
Umiwas siya ng tingin, "They are unprofessional. Hindi dapat sila nagdadala ng personal na problema sa trabaho."
"Really? Hindi mo man lang ba pinakinggan ang problema nila?"
Inis niya itong nilingon, "Ate, pwede ba? Stay out of it. Ayoko ng gulo sa kumpanya at wala akong oras para makinig sa kanila. Hindi sila pinapasahod dito para mag-away."
Napairap siya at napabuga ng inis na hangin. Sobrang sikip na ng d*bdib niya kaya't kinuha niya ang baso para makainom.
"Nakinig ako, Crystal. I fired Mau but not Elena—"
"And who's that Elena?" litong tanong niya bago nilapit ang baso sa kanyang bibig.
Bumuntong hininga ang ate niya, "Si Elena ang legal na asawa at si Mau ang kabit. Tama lang na tanggalin ko si Mau at hayaan sa trabaho si Elena. Kahit sino naman ay magagalit kapag nalaman mong may kabit ang asawa mo di ba?" pagdidiin nito dahilan upang manginig ang kamay niya at maibaba ang baso.
Umawang ang mga labi niya sa kapatid, "W-hat do you mean?" parang tangang tanong niya.
Tumikwas ang kilay ng ate niya, "Kung sa akin nangyari iyon at nalaman ko na may kabit si Royce, lintik lang ang walang ganti mas lalo na siguro kung kapatid ko pa ang babae," seryosong bigkas nito na nagpataas sa mga balahibo niya at nagpanginig sa kanyang tuhod.
RAPHAEL'S POV"Wake up, Baby," mabining paggising niya sa asawa.Umingit ito at mas siniksik ang sarili sa kanya. Napangiti siya at inayos ang buhok nito. Hinanap niya rin ang kamay nito pinagsalikop ang mga kamay nila. Dinama niya rin ang singsing doon. Pagkatapos kasi nilang makabalik sa bansa ay pinakasalan niya muli ito. Pinagbigyan niya rin ang hiling nitong pabayaan na ang kapatid nito kahit pa hindi siya pabor doon."Wake up, Baby. Ngayon na babalik si Royce at Amethyst. Baka nasa bahay na sila ng mga magulang mo," muling bulong niya rito.Isa pa iyon sa kinasasaya niya. Royce won his fight against cancer. Unti-unti ay umaayos na ang lahat. Isa na nga lang ang panalangin niya at iyon ang maalala na siya ni Serenity. Nalulungkot siyang hindi pa rin siya nito tinatawag na daddy pero alam niyang balang araw ay maalala rin siya nito."Nandoon na rin ba sila Anton?" inaantok na tanong nito.Nagsalubong ang mga kilay niya, "I don't care about that bastard—"Mabilis nitong tinakpan an
"Magpapahanap ako ng magaling na doktor," desididong saad ni Raphael matapos niyang ikwento lahat ng nangyari kay Serenity.Tinitigan niya ito. Nakaupo ito sa dulo ng kama, nakayuko, at ang kamay ay nakahawak sa batok. Kanina ay umiiyak ito pero ngayon ay kalmado na. Naiintindihan naman niya. Gusto nga niyang isumbat na kasalanan nito ang nangyari kay Serenity ngunit alam naman niyang hindi rin nito ginustong mangyari iyon. Katulad niya ay biktima lang din ito."Magaling na siya. Kusa rin daw babalik ang mga alaala niya," pagpapagaan niya sa loob nito.Naroon pa rin nga sila sa bahay ng Mama ni Anton. Ayaw pa kasing umuwi ni Serenity. Ayaw nitong sumama sila kay Raphael. Ayaw din nitong tumabing matulog sa kanila kaya't naroon pa ang magkapatid, sa talagang kwarto para sa mga ito."Will it take time?" Nagsusumamo pa itong nag-angat ng tingin sa kanya.Bumuntong hininga siya. Sa totoo lang ay ayaw niyang makitang mahina ito."Maybe? I don't want to force Serenity to remember you. Let h
Mahigpit siyang kumapit sa braso ni Raphael pagkababa nila sa eroplano. Niyakap siya ng lamig at kahit yata tumira siya noon sa ibang bansa ay hindi pa rin sanay ang katawan niya."Gaano ba kadelikado si Philip at kailangan na magmadali tayong pumunta dito?" naguguluhang tanong niya kay Raphael.Tumiim bagang ito habang inaalalayan siya palabas ng airport."Courtney threatened to hurt our children, and we both know Philip was his lover," madiing sagot nito.Nagsalubong ang mga kilay niya, "Plano ba nilang dalawa iyon? Baka naman ginamit lang din ni Courtney si Philip?"Bumaba ang tingin nito sa kanya, "Kinakampihan mo siya?" malamig na tanong nito.Napaikot ang mga mata niya at napabuntong hininga, "Ayaw kong basta mag-isip ng masama lalo pa't si Philip ang nagdonate ng dugo para kay Serenity."Tumahimik ito pero kita niya ang bahid ng inis sa mukha nito."He is not a clean man. Pinsan siya ni Anton? Baka pati iyang si Anton ay may masamang balak—""Shut up, Raphael. Iba si Anton. Hig
CRYSTAL'S POV"What happened to Serenity?" malamig na bungad sa kanya ni Raphael kinagabihan noong makabalik ito.Kunot noo siyang nag-angat dito ng tingin at binitawan sa mesa ang hawak na ice cream."I'm not yet ready to show them to you—""F*ck that I'm not ready of yours, Crystal. Pinadala mo sila sa States kasama ang Mama ni Anton? Do you have any idea how dangerous that is?!" bahagyang tumaas ang boses nito kaya't tinaasan niya ng kilay."What are you talking about, Raphael? Mabait ang Mama ni Anton."Pumikit ito nang mariin na tila pinipigilan ang galit. Salubong lang ang kilay niyang tumitig dito. Noong magmulat ito ng mga mata ay mahinahon na ito."Tawagan mo at sabihin mong ibalik na dito ang mga bata kun'di ay ako ang pupunta doon—""Huwag ka namang mag-eskandalo ng ganyan, Raphael. Mabait ang Mama ni Anton at hindi niya pababayaan ang mga anak ko," matatag niyang laban dito.Tumiim bagang ito, "Then call her. I want my kids here beside me. Dapat ay hindi ka nagtitiwala kun
RAPHAEL'S POVMabining h*lik sa buhok ang binigay niya kay Crystal bago maingat na inalis ang pagkakayakap nito aa kanyang bewang habang mahimbing ang tulog nito. Naka-ilang hampas pa ito sa kanya bago niya nasuyo. Pinagsabihan pa siyang huwag maging masamang damo at sinermunan. Kun'di niya pa ito hin*likan ay baka hindi na tumigil kakasalita.Sandali siyang natigilan noong umingit ito at gumalaw. Noong masiguradong tulog pa ito ay maingat siyang bumaba sa kama. Agad siyang kumuha ng stick ng sigarilyo, sinindihan iyon bago kinuha ang kanyang cellphone at lumabas sa veranda ng condo.Isang hithit mula sa sigarilyo ay ni-dial niya ang numero ng kaibigan."F*ck you, Raphael! I'm in the middle of love making—d*mn, Baby!" reklamo sa kanya ni Martin mula sa kabilang linya.Napangisi siya, "Fine. I'll give you five minutes to finish that—""What the h*ll, man? Five minutes is not enough—""And I'm not your Baby, Martin. Hurry up!" putol niya pa sa pagrereklamo nito bago pinatay ang tawag.H
"Y-our condo?"Muli itong umirap at balewalang hinila ang maleta nito papasok ngunit maagap siyang lumapit at sinapa iyon palayo."What the h*ll, Crystal?!"Galit siya nitong tiningnan bago sinubukang kunin muli ang maleta ngunit muli niya rin iyong pinigilan."As far as I know kay Raphael 'to—""Na regalo niya sa akin, Crystal. Like duh, makakapasok ba ako dito kung hindi sa akin 'to?"Tinaas pa muli nito ang hawak na key card. Mariin siyang tumitig doon. Hindi niya alam kung nagsasabi ito ng totoo pero mas gusto niyang paalisin ito sa condo... at sa buhay nila ni Raphael."Really? Regalo niya 'to sa'yo, Courtney? Then why am I here wearing his shirt?" Ngumisi siya ngunit malamig lang siya nitong pinasadahan ng tingin."Obviously, past time ka niya ulit. Naniwala ka naman. Can't you see? Katawan lang ang habol sa'yo ni Raphael. Baka nga isang linggo lang at paaalisin ka na niya."Ito naman ang ngumisi. Bahagya siyang nainsulto doon pero naaalala niya ang sinabi ni Raphael. Dapat na m
Malalakas na singhap at mahahabang ungol ang nagawa niya sa bawat galaw ni Raphael sa loob niya. Bumaon ang kuko niya sa likod nito noong muli itong gumalaw ng marahas at malalim."D*mn, Baby. You'll making me crazy," parang baliw na bulong nito sa kanya.Napangisi siya at sinalubong ang galaw nito. Ramdam niya ring malapit na siya kaya't malugod niyang tinatanggap ang rahas nito.Humigpit ang hawak nito sa kanyang bewang. Sumasabay sa mabibilis nitong galaw ang kama. Halos napapaliyad siya at talagang mahigpit ang yakap niya sa likod nito."Don't get me pregnant yet, Raphael. Ayaw ko munang magbuntis," paalala niya rito lalo pa't ang plano niya ay makilala muna ito nang lubusan.Hindi ito umimik. Umangat lang ang gilid ng labi nito at mariing humawak sa hita niya. Sabay silang napaungol noong dumiin ito. Dinig na dinig nga niya ang tunog ng pag-iisa ng kanilang katawan. Kagaya dati, marahas pa rin ito sa kama at... magaling.Lalong dumiin ang mga kuko niya sa likod nito at halos muli
Hindi niya alam ngunit napahikbi siya. Instead of feeling hot, she felt disappointed in herself.Tahimik siyang humikbi kahit pa ramdam niya ang paghinga nito roon. Ngunit kusang umawang ang mga labi niya noong lumayo ito at ipagdikit muli ang kanyang mga hita."Why stop now, Raphael? Bakit? Hindi ba't iyan lang ang habol mo?" hinanakit niya sa kabila ng pagpatak ng kanyang mga luha.Mabilis itong tumalikod at namewang. Kitang-kita niya ang matipuno nitong likod."Do not f*cking cry," mariing bigkas nito.Alam niyang umiigting na ang panga nito kahit pa nakatalikod ito sa kanya. Lalo lang siyang naiyak. Niyakap niya ang mga tuhod at sinubsob doon ang mukha."I didn't mean to be harsh. Makulit ka lang at ayaw mong makipag-ayos," dagdag pa nito.Nag-angat siya ng tingin. Kita niyang kumuha ito ng isang stick ng sigarilyo, sinindihan ngunit agad ding nilukumos sa ash try upang mamatay."Just tell me where the kids are to end this discussion. Ibabalik ko kayong lahat sa bahay ko. You want
"Your lies will be the death of you," nang-uuyam na bigkas nito pagkatago sa hawak na cellphone.Umirap siya, "I'm not lying, Raphael. Three years kaming nagsama ni Anton, malamang hindi lang jack en' poy ang ginawa namin. This baby inside me is our love child," patuloy na pagsisinungaling niya.Imbis na mainis ay umangat ang gilid ng labi nito, "We'll see about that. You better be pregnant, because once I prove you are not—""Anong gagawin mo? F*ck me senseless and get me pregnant? Wala ka na bang ibang alam na gawin kun'di paganahin iyang ulo mo sa baba? Kaya nga ba ayaw ko ng bumalik sa'yo kahit hindi ka pa nagloko. I want a man who has a sense of direction, not a man who only knows s*x!"Halos hingalin siya sa sinabi niyang iyon samantalang nawala naman ang ngisi ni Raphael. Kumibot ang labi nito at nanliit ang mga mata pagkaraan ay bigla na lang itong ngumisi."That won't work for me, but thanks for the idea, baby. I won't change my mind about getting you pregnant again if that m