Share

Chapter 60

Inawat naman ni Jaxon si Alexandros at ito ang humablot kay Jeff sabay kwelyo dito. Maski ito ay madilim ang mukha dahil hindi matanggap na nalusutan sila nito.

“Paano ka nakalusot sa higpit ng security ng isla ha!? Sino pa ang kasamahan mo dito!?” gigil na sabi ni Jaxon.

Bilang head ng security ng isla at may-ari ng company kung saan galing ang mga naka assign na security dito sa isla ay hindi nito matanggap na malulusutan sila ng ganon-ganon na lang. Hindi basta basta ang mga tinatanggap nito sa security company dahil karamihan sa mga ito ay nagserve pa sa military, hindi lang dito sa pinas kundi sa ibang bansa nadin.

“Sumagot ka!” sigaw ni Jaxon, halatang nagtitimpi lang itong wag umigkas ang kamao nito sa hawak na si Jeff.

Tumawa naman ng nakakaloko si Jeff. “Mahigpit? E halos wala ka nga dito sa isla kaya hindi mo napansin na nakapasok ako dito gamit ang pekeng documents. Mabilis mauto yung tao mo, konting pera lang pala ang katapat.”

Lalo naman nanggigil si Jaxon sa sinabi nito
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status